C12. Wonderland

2194 Words
"Wala ka bang alam o gusto sa akin kung hindi s*x?" tanong ko kay Hades. Bahagyang kumakabog ang dibdib ko sa kanyang sinabi na magagawa niyang maghintay kung kailan ako handa. "Yes!" At talagang walang gatol o kahit anumang kasinungalingan na sagot sa akin ng damuho. "Nakaka-offend na gano'n mo ako tingnan. Hindi naman ako s*x object." "s*x object? I never see you that way. Hindi naman naglalakad na pvke ang tingin ko sa 'yo." Eehhhh! Halos mamilog ako sa kanyang salita. Hindi pa rin ako sanay minsan sa kaprangkahan niya. Pinamulahan ako ng pisngi sa sobrang garapal niyang magsalita. Dapat ay normal na lang sa akin na ibigkas ang maselang parte ng katawan ng tao. I should be open minded about this, but… this is Hades! He's super hardcore, while I'm a careful virgin! "Mas gusto mo ba na magsinungaling ako?" kunot ang noo na tanong niya. Kailangan ko bang magpasalamat na honest siya sa akin sa ganoong bagay? Siguro ay ipagpapasalamat ko na lang na kahit papaano ay hindi niya pa ako ginagalaw. Ligtas pa rin ako hanggang ngayon. Gagawin ko rin ang lahat ng makakaya ko na makalayo sa kanya. Nagpatuloy ang sasakyan niya sa pag-andar. "Isa pa, nasabi ko na sa 'yo, hindi ba? Malakas ang libog na ibinibigay mo sa 'kin, at masarap ang s*x na magaganap sa atin!" Umikot ang mata ko. Hindi nga siguro iyon maiintindihan ng birhen na tulad ko. "It's dirty lalo na kung magkakasakit ka. Kadiri magkaroon ng herpes o kaya ay HIV!" "'Yon ba ang isa sa problema? So far, I'm clean. Hindi ko pa nagawang makipagtalik nang walang proteksiyon. You see, I'm pro-safe sex." I'm speechless. "Kahit lasing ka?" Magagawa pa ba ng tao na magsuot ng condom kapag lasing? Another question sa aking Psychology 101, ngunit mabilis na nasagot iyon ng walanghiya. "Kagaguhan 'yong lasing ka, pero matigas ang t!ti mo. Katwiran iyon ng mga lalaking malibog pero walang bayag na harapin ang ginawa nila. In my case, alam ko palagi kapag gusto kong makipag-s*x. Kapag lasing o kapag hindi ko gusto ang babae, malambot ako!" Hindi ko alam kung bakit nagagawa kong makinig kay Hades sa maselang paksa ng usapan namin. Ang nakakatawa ay malinaw ang imahe na iyon sa isip ko dahil, well, I already saw it—walang kapote at matigas! Mahaba! Katak— Grrrr! My teeth gritted. No, Alice! Not there! Para bang may binubuksan siyang bao sa kabilang bahagi ng utak ko na nakatago. Inaasahan ko nang ganito siya magsalita, walang paligoy-ligoy, pero bakit kailangan na may kulay ang mga iyon sa utak ko? "But I don't want a sleeve if we're having s*x. I want myself bare inside you. I want to feel your skin, muscle to muscle. I want your c*m coats on my d**k. Damn! I'm getting hard!" Nanuyo nang sobra ang lalamunan ko sa narinig. Malinaw sa imahinasyon ko ang sinabi niya at talagang naramdaman ko iyon. Dumiretso ang baritono niyang mga salita sa ugat ko patungo sa sentro ng aking puson. This is dangerous! Ramdam ko ang kagustuhan niya na makatalik ako, nanunuot iyon sa aking balat. Sa mga naganap sa aming dalawa ni Hades, dapat ay kinakabahan ako, lumalayo dapat ako sa kanya na pinakadelikadong tao sa akin. Hindi ko masasabi kung hanggang kailan niya magagawang kalmado. Baka magulat na lang ako na ipinipilit niya ang sarili niya sa akin. Kaya lang ay hindi ganoon ang nangyayari. Tila 'consensual' ang mga nagaganap sa mga sulat na ibinibigay niya sa akin at ang mga salita niya, iyon ang dahilan kaya may pagkakataon na walang kaba na naglalaro sa dibdib ko. Gusto kong maniwala na hindi ako pipilitin ni Hades. Hindi kami aabot sa ganoon. "P-paano kung lumipat ako ng school?" nagawa kong itanong. Alam kong imposible dahil magastos iyon. Gusto ko lang malaman ang side niya. "You have that in mind? You can't, kitten," he replied. "P-paano nga kung gawin ko 'yon?" He called me 'kitten,' but his eyes were calm. However, I feel he wanted to dominate me. It's a new character of his. Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin at saka niya ako pinakatitigan. Malakas ang tugtog sa kapitbahay na halatang may party. May mangilan-ngilan akong namumukhaan sa kalsada na nakasilip sa magarang sasakyan ni Hades. Kumalma ako at alam kong wala siyang gagawin dahil mayroong tao sa paligid namin. Nag-isip si Hades at kumunot ang noo. "My answer is still the same, you can't escape. You are already mine, Alice." Sumilay ang kakaiba niyang ngiti. "Aminin mo o hindi, alam ko na nakapasok na ako nang tuluyan sa sistema mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. He was right! At ngayon ko lang ito napagtanto! Naglandas ang kanyang mata sa dibdib ko pababa na para bang humahaplos ang kanyang kamalayan sa katawan ko at talagang nauhaw ako sa sitwasyon namin. Hindi ko matanggap na may katwiran si Hades, na tama ang mga sinabi niya. "B-but I shouldn't be because you love hurting me." "That's right! Pero alam mo ba kung ano ang nakakatawa? Ayoko rin na masaktan ka kaya nga sinusubukan kong gawin ang mga bagay na kailangan mo; hindi ready, hindi mag-boyfriend, ayaw mabuntis? Kung susundin ko lang ang nasa isip ko, malamang na hindi ka na birhen ngayon. Naiintindihan mo ang ibig kong sabihin?" Of course! "W-what if I want another man?" Naisip ko si Draco. Mabait ang taong iyon na nagawa akong pahiramin ng libro noong wala akong pambili. Malayo ang pagkatao niya kay Hades. Nagdilim ang kanyang mata. "Hindi mo 'yon magagawa. Ako lang ang tanging maglalaro sa sistema mo at hindi ko hahayaan na magkaroon pa ng iba." Lumabas ang nanay ko mula sa loob ng bahay ni Aling Ising, ang may party, malapad ang kanyang ngiti. Naputol ang usapan namin at kapwa kami sumeryoso. "Hades! Aba't narito ka uli!" May mga kasama si Inay na mga kapitbahay na nagliwanag ang mukha. Inalok ako ni Hades na lumabas na ng sasakyan. "Magandang gabi po!" "Aba'y kaguwapo nga ng anak ni Mayor sa personal!" ani Aling Bebang. "Sabi ko sa inyo hindi ba? Kaibigan ng anak ko ang anak ni mayor! At ang guwapo, ano?" May pagmamalaki sa tinig ng aking ina. "Macho pa!" "Ayoko pong baliin ang mga sinabi n'yo, kaya lang ay totoo po na guwapo ako, kaya't salamat nang marami!" ani Hades. Naiiling na lang ako at nais kong matumba. Wala siyang ka-humble humble sa katawan at tila ba normal iyon. "Manliligaw mo ba 'yan, Alice?" tanong ni Batoy, isa pang siraulo na manginginom sa baryo namin. Guwapong-guwapo rin ito sa sarili kahit plakda ang ilong. Maitim si Batoy dahil sa babad sa araw. Nagsasaka siya sa maghapon at mahilig uminom ng alak sa gabi. Hindi ko alam na nakasunod siya sa nanay ko. "Ha! 'Di hamak na mas guwapo ako r'yan, Alice!" "Opo! Nobyo po ako ni Alice," sagot ni Hades. Nanlaki ang mata ko sa kanyang pag-amin. "H-huwag n'yo pong seryosohin ang sinabi niya!" Nag-panic ako dahil hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang tungkol doon sa mga taong nasa harapan ko. Anak ni Mayor Hontiveros si Hades, normal na malaking balita iyon sa simpleng baryo namin. "Pero nagkaroon tayo ng agreement kanina. Nasabi ko nang nobyo mo ako at maghihintay ako sa 'yo!" "Alice, bakit parang ikaw pa ang lugi?" tanong ni Luigi na kaibigan ni Batoy, isa pang taong-uling. Malapad ang ngiti ni inay. "Totoo ba? Aba'y boto ako sa 'yo!" "Aba! Niligawan ka ng poging lalaki na ito? At kayo na ngayon?" tanong ni Aling Bebang, hindi makapaniwala. No! Nais kong umalma. "Kaya nga ako narito. Hades po ang itawag n'yo sa akin. Ngayong araw ang official na date ng pagiging mag-boyfriend namin! Ililibre ko kayo!" "Pasado ka sa 'kin kung ililibre mo kami ng gin bilog!" ani Batoy. Hindi ko napigilan na pagalitan siya. "Hoy! Huwag mong utuin ang kaklase ko!" "At saka, bakit kailangan niyang pumasa sa 'yo? Eh, hindi naman kayo magka-ano-ano ni Alice!" ani Aling Bebang. "Magkapitbahay kami!" buwelta ni Batoy. "What is gin bilog?" tanong ni Hades. Halata na wala siyang ideya. "Anak ka nga ni mayor! Conyo!" ani Luigi. Umasim ang mukha ni Hades. "Hindi naman po. I can be your friends. Ililibre ko kayo ng gin bilog!" "Batoy, Luigi! Magd-drive pa ang kaklase ko!" "Nag-aalala ka ba sa 'kin? I'm so tats!" ani Hades. "Of course not! Hinatid mo ako kaya lang ako nag-aalala!" He grins instead. "I'm fine! Magpapasundo ako kung kinakailangan. Ibig sabihin ba niyan ay alak ang gin bilog? Pasensiya na, wala akong masyadong dalang pera, five thousand lang ang dala ko." "F-five thousand?" ani Inay. "At hindi pa 'yon lahat ang pera mo?" usal naman ni Aling Bebang. Kahit papaano, sa lugar na ito, ramdam kong normal ako at si Hades ang kakaiba. Kabaligtaran sa school namin. "Handa ka bang makilala ang gin bilog?" tanong muli ni Batoy. "Payag na rin ako na lamang ka sa akin ng sampung balde ng paligo sa kaguwapuhan." "Sampung swimming pool ng kaguwapuhan!" tugon ni Hades. Walang makapalag sa kanyang sinabi. I was speechless. "Aba'y tama 'yon, Batoy! Kapag nagsama kayo sa nakakatakot na pelikula ng anak ni Mayor, mapagkakamalan kang tiktik, habang siya ang action star! Ganoon siya kaguwapo!" wika muli ni Aling Bebang. Nagtawanan kaming lahat. Heto ang masaya rito sa komunidad namin. Mahirap man ang buhay, nasasandalan namin ang isa't isa sa problema at sa tawanan. Hindi tulad ng tirahan ni mayor. Haaays. "Ang sasama ninyo!" ani Batoy, tumingin kay Hades at saka umaktong nalungkot. "Pero hindi ko sila masisi. Ano ba ang sabon na gamit mo? Tubig din ba dito sa bayan ang pangbanlaw mo?" "Batoy, guwapo si Mayor! Kailangan na muna na maging anak ka niya bago mo makuha ang ganyang mukha!" ani Aling Bebang. "Kahit anak sa labas ay hindi ka papasa, brad!" tudyo ni Luigi. "Idadaan ko na lang sa inom!" "Batoy, masama ang alak sa katawan! Isa pa, hindi ba't may alak pa kayo sa loob?" nagagalit na sita ni Inay. "Aling Loida naman! Tinutudyo lang namin ang anak ni Mayor." "Halika, Hades! May pansit sa loob dahil birthday ko! Kumain ka na muna bago magmaneho sa pag-uwi," ani Aling Bebang. "Happy birthday po! Heto lang po ang maireregalo ko, pasensiya na." Inabutan niya si Aling Bebang ng tatlong libo. Nanlaki ang mata ng huli. Lahat ng kapitbahay ko ay masaya na masaya ang ginang. Masaya rin ako dahil alam namin na kailangan niya ng pambili ng gamot. Nagtungo kami sa bakuran nila. Marami-rami ang nagpa-picture kay Hades dahil ayon nga sa mga kapitbahay ko ay guwapo siya. Celebrity na rito ang tulad niya na amoy-downy. Sa kabilang banda ay naaaliw ako. Siguradong culture shock ang kuya mo sa baryo namin. Nang balikan ko siya ay may iniimon nga siyang baso ng gin kasama ang grupo ni Batoy. Nagtatawanan sila na halatang hindi man lang nagkaroon ng kakaibang hangin ang presensiya ni Hades. Mabilis siyang naka-adapt. Inabutan ko siya ng plato ng pansit na naroon sa paper plate at inaya na munang kumain. "Ayos ka lang?" tanong ko. "It's fun! I like them." "Well, heto ang buhay na mayroon dito." Mukhang sarap na sarap din siya sa pansit na handa. Panay ang bigay ng pagkain ni Aling Bebang kay Hades na hindi nito matanggihan. Inabot kami ng alas-dose ng gabi sa party ni Aling Bebang dahil nakisayaw at nakikanta pa kami sa videoke hanggang sa antukin na ang karamihan. Inihatid ko siya sa sasakyan para siguruhin na hindi na siya iinom ng alak. Binuksan niya ang makina ng sasakyan habang nakabukas ang bintana kaya malinaw pa kaming nakapag-uusap. "I hope nag-enjoy ka sa party na ibang-iba sa school natin." Lumapad ang kanyang tunay na ngiti. "I like your friends and family." "Salamat din dahil napasaya mo ang nanay ko at si Aling Bebang." Tila may dumaan na anghel sa pagitan namin. Tiningnan niya ako. "Alice, do you prefer the Tagalog language or English?" Akala ko kung para saan ang kanyang tanong. "Mga conyo lang naman ang mahilig mag-English. Sa school, may ilang lugar na bawal mag-Tagalog kaya parang nakasanayan ko na lang din. Pero kung saan ka komportable na kausapin ako ay ayos lang naman." May naglalarong kakaibang tudyo sa kanyang labi at nakaramdam ako ng alarma. Napalunok ako dahil kaming dalawa lang doon sa kalsada. Mahina na ang musika sa tirahan ni Aling Bebang. Nakauwi na rin si Inay na inantok na. "You have to give me a precise answer, kitten. Example, kapag Tagalog, 'Gusto kong kantvtin ka, ngayon na.' Pero kung English, 'I want to fvck you right now!' So, alin doon ang gusto mo?" May pagkakaiba ba roon? Nanginig yata ang lahat ng balahibo ko sa katawan sa kanyang sinabi. Pwedeng tubig? Ang gusto ko ay tubig. Madaming sinasabi ang kanyang mata na tila sumusundot at umaabot sa aking dibdib. Pinayuko niya ako papalapit sa kanya sa bintana. May enerhiyang tumudyo sa akin para sumunod hanggang sa maamoy ko ang alak sa kanyang bibig na ilang sentimetro lang ang layo. He gazes at my lips. Three seconds kiss, iyon ang naganap, sapat lang para malasahan namin ang isa't isa. "Goodnight, Alice—my wonderland!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD