Hades loves hurting me, iyon ang sigurado.
Akala ko, ibabalik niya ako sa clinic kung saan magaganap ang pagdanak ng dugo, o ang pagtuklas niya sa pagkabab*e ko. Ngunit inilabas niya ako ng gusali. Tinahak namin ang kahabaan ng kalsada hanggang sa madaanan namin ang party hall kung saan naroon ang mga estudyante at sa parking lot. Nakasalubong namin ang ilang mag-aaral na malaki ang pagtataka kung bakit ako bitbit ni Hades.
“May girlfriend na ba si Hades?” narinig kong tanong ng isang estudyante.
“Wala pa siyang naging girlfriend sa pagkakaalam ko,” tugon ng kasama nito.
Halos itago ko ang mukha sa kanyang dibdib para hindi nila ako mamukhaan. Sa malawak na parking lot ay naroon ang ilang barkada ni Hades, kabilang si Barry at Atlas. Lalong akong nanliit sa kahihiyan nang lumapit siya sa mga ito.
“Hey, Hades! Kanina ka pa namin hinahanap. Bigla ka na lang umalis sa practice kanina. Wait! Is that Alice?” tanong ni Atlas. Napuna nito ang basa kong pisngi. “Did you bully her again?”
Isa sa mga babae ang sumagot sa tanong ni Atlas, kaklase ko sa isang subject. “Kanina pa nga masama ang pakiramdam ni Alice. Dinala siya ng prof namin sa clinic kanina sa klase. Teka! Don’t tell me doon kayo galing?”
“You mean binantayan mo si Alice mula pa kanina?” tanong ni Barry.
“Pwede rin naman na naglaro sila sa loob ng clinic ng tagu-taguan.” Nagtawanan ang Net Rippers sa sinabi ng isa sa kanila.
“Ano ba kayo? That’s impossible! Hindi ba, Hades?” anang isang babae.
“I hope you enjoyed his company. Lahat kami ay nag-enjoy sa pinaranas niya sa amin.” Nakakrus ang mga braso ni Amanda, ang barbie girl ng school.
“Shut it!” Halos napapiksi siya sa biglaang bulyaw ni Hades. “Masama rin ang pakiramdam ko kaya ako nasa clinic. Hindi ko kailangan magbantay ng may sakit at lalong-lalo nang hindi ko kailangan mag-explain sa inyo.”
Natahimik ang mga ito kahit halos nakasimangot na si Amanda.
“I’m going!” anang lalaki.
“Okay! Balik ka, ha? Halos pasimula pa lang ang party,” ani Atlas.
“I find the party boring. Baka hindi na ako bumalik.”
“Pero hindi ba’t sa ‘kin ka nakatoka ngayong gabi?” ani Amanda.
“Of course not! Kayo lang ang gumawa ng schedule para sa akin. It just so happened I was bored. Knowing na ikaw ngayong gabi, lalo akong na-boring.”
Nagtawanan ang mga kasama niyang lalaki.
Nagpapadyak si Amanda sa inis at hiya.
Sa kabilang banda, may pagtataka sa ilang kaibigan niya ngunit hindi nila masabi kay Hades. Hindi pa na-bore si Hades sa school party kaya nga pilit siya nang pilit sa akin na magpunta rito. Sa school na ito, ang bawat sabihin ni Hades ang batas. Walang babali sa kung ano ang gusto niyang gawin. Iniupo niya ako sa silya ng sasakyan nang walang emosyon sa mukha. Pagkatapos niyon ay umikot siya sa driver seat.
Nagsimulang gumana ang isipan ko. Napagtanto ko na sumama ang pakiramdam ko dahil sa tubig na nakita ko sa locker kanina. Ang sabi ni Hades, siguradong pupunta ako sa school party ngayong gabi. Hindi kaya konektado ang pagsama ng pakiramdam ko doon? Nagawa niya ba ang ganito para lang masiguro na narito ako sa school? Para siguruhin na magagalaw niya ako ngayong gabi?
“Ikaw, a-ano ang ipinainom mo sa ‘kin?” tanong ko sa kanya, kinakabahan. Hindi ko akalain na aabot siya sa ganito.
“Pinainom?” Nagawa niya pang magtaka. “Is it medicine? Wala naman akong ipinainom na gamot sa ‘yo. Binilinan lang ako ng school nurse na huwag kang guluhin.”
“Not that! ‘Yong tubig—ano ang laman niyon?”
Umasim ang mukha niya. “Anong tubig?”
“May nakita akong tubig sa locker ko kasama ng sulat.”
“Pero wala akong iniwang tubig, Alice. Wait! That fvcker!” Nahampas niya ang manibela. “So, iyon ang ginawa niya para sumama ang pakiramdam mo?” bulong niya sa sarili.
“Who’s the fvcker? May mas walanghiya pa ba sa ‘yo?”
“None!”
See? At talagang proud siya na siya ang pinakawalanghiya sa planet Earth.
“Hindi galing sa akin ang tubig. Wala akong nakitang tubig sa locker mo noong inilagay ko ang sulat kanina. At saka, kung hindi pala iyon sa ‘yo, bakit mo ininom? Mamaya niyan ay may lason pala ‘yon.”
I know that’s stupid. Pero ayokong aminin na may mali ako. “Eh, kanino pala galing ‘yon?”
“Forget it! Mas mabuti pa na papalitan ko ang padlock mo. Baka nakalimutan kong i-lock kanina.”
Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko ang sinabi niya. “Ako ang magpapalit dahil sa ‘kin ang locker na ‘yon!”
“Kapag ginawa mo ‘yon, paano ko iiwan ang mga sulat ko?”
“Simple lang, huwag mo akong sulatan.”
“I can’t do that, not unless gusto mo na mag-s*x tayong dalawa.”
Nagbuga ako ng hangin na tila napapagod. “Hades, maraming babae ang nais kumuha ng atensiyon mo. Sigurado na maraming gustong makipag-s*x sa ‘yo. Kanina lang si Amanda ay naaasar dahil hindi natuloy ang plano n’yo.”
“Plano nila! Pero ikaw, ayaw mo bang makipag-s*x sa ‘kin?” Confused ako na confused siya sa oras na iyon. Tulad ng palagi naming usapan, para bang tinatanong niya lang ako kung ayaw kong mananghalian.
“Ayoko! Marami akong pangarap at ayokong mabuntis.”
“Pero maraming babae na pangarap na makipag-s*x at magkaanak sa ‘kin. Bakit ayaw mo? Weird ka.”
I’m speechless! Ako pa talaga ang weird?
“I’m nineteen, estudyante at may pangarap sa buhay! Hindi lang ako ang babaeng nasa ganitong edad na NBSB o walang karanasan sa pakikipagtalik. Kapag nabuntis ako, titigil ako sa schooling! Magiging parte ako sa listahan ng mga babaeng nabuntis sa school habang nag-aaral, at ayoko no’n! Maraming babae na natatapos ang buhay nila kapag nagkaroon ng anak dahil hindi sila handa, at isa ako roon!”
Hindi ko nga maibili minsan ng pagkain ang sarili ko at nagtitipid, pambili pa kaya ng gatas?
“Bakit hindi ka pa handa?” aniya, kunot ang noo.
“Kasi nga teenager ako! Nineteen! Nasa ikalawang antas pa lang ng kolehiyo!”
“Ang sabi mo, kapag hindi handa. Paano kung handa ka na palang magkaanak sa edad na ‘yan? Paano kung mabuntis ka?”
Umiling ako. “That’s impossible! Kaya nga ayokong makipagtalik para safe ako. Siguro sa tulad mo na ipinanganak na walang problema, ayos lang ang magkaanak. Pero marami akong dinadalang problema at ang mabuntis ang pinakahuli sa listahan ng pangarap ko.”
“Alam mo, Alice. Sa ilang babae na nakatalik ko, wala naman akong nabuntis kahit isa. Hindi porke nakipag-s*x ka, mabubuntis ka kaagad.”
“But that is not the point either! The point is ayoko!”
“Kailan mo gusto?”
“Kapag ready na ako!” Nagtaas na ang boses ko dahil parang ang kulit niya kausap.
“So ibig mong sabihin, gusto mong makipag-s*x sa akin, hindi ka lang ready?” Hinawakan niya ang kanyang baba at nag-isip.
Bigla kong napagtanto na may mali sa usapan namin. “No! A-ayokong makipag-s*x sa ‘yo, that is the point!”
“Pero hindi ‘yon ang sabi mo kanina. Ang sabi mo, hindi ka lang ready.”
Namula ang pisngi ko.
“Hindi lang ‘yon! Hindi tayo magkaano-ano. Hindi nga kita boyfriend, eh. Nasa maayos na usapan ng dalawang magkasintahan kung handa na ba sila sa next step. Walang shortcut sa pakikipagrelasyon.”
“Nice try! Gusto mo lang akong maging boyfriend, eh.”
“Of course not!”
“Hmmm…” Binuksan niya ang makina ng sasakyan habang nag-iisip. “Kung ‘yon ang problema, I’ll be your boyfriend.”
Nabigla ako sa kanyang sinabi. I deadpan. Naiiling na lang ako sa kanyang sinabi. Siyempre pa ay alam ko na hindi siya seryoso.
“Hindi ko gusto na para lang makatalik ako ay gagawin mo akong girlfriend. Being in a relationship is a mutual understanding.”
Nagbuga siya ng hangin sa kanyang bibig at nagbilang sa daliri. “Hindi handa, hindi mag-boyfriend, ayaw mabuntis. Alice, ikaw nga ang nagsabi, hindi porke mag-boyfriend ay kailangan ng mag-s*x. Nasa usapan ‘yon.”
Napahiya ako sa kanyang tugon sa akin. Well, nabigla ako okay? Sabihan ba naman niya ako na kami na!
“I’ll be your boyfriend, and then I’ll wait until you’re ready. Magse-s*x tayong dalawa hanggang sa hindi mo na maalala ang pangalan ko.”