Chapter 2

1008 Words
TWIX ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya habang nakatingala sa madilim na kalangitan. Naisipan niya muna magpahangin sa may tulay. Ilan taon na ang lumipas subalit sariwa pa rin sa alaala niya si Melissa. Miloves. Para sa kaniya, mananatiling buhay ang dating nobya niya sa puso't isipan niya. Ilan beses na niya tinangka kitilin ang sariling buhay ngunit lagi siya napipigilan nila Marshall at Reese. Ano pang silbi na mabuhay kung wala na ang taong mahal mo? Nawalan siya nang gana mag-trabaho, kaya umalis siya sa serbisyo bilang FBI agent sa America. Hindi rin niya kayang humawak ng kahit anong negosyo ng pamilya nila. Wala na siya kahit anong plano sa buhay. Napahinto siya sa pagmumuni-muni ng may babaeng lumapit sa kaniya. Nagtanong ang babae kung magpapakamatay daw ba siya. Mukha ba siya tatalon sa tulay? Nagpatuloy sa pagsasalita ang babae, nagpaliwanag ito nang nangyari rito at humihingi ng pabor sa kaniya. One thousand pesos ang hinihingi pabor ng babae. Gusto niya matawa pero pinilit niya huwag mag-react at magsalita. Nang akma tatalikod na ang babae hindi na niya napigilan magsalita. "How much do you want?" "One thousand pesos." "For the taxi fare again?" Na-holdap na nga ito sa taxi, sasakay pa rin ito ng taxi. Ibang klase! Nang tumango ito saka siya uli nagtanong. "Paano kung ma-holdap ka uli?" "I'll take the risk." Napatunghay siya sa babae. The woman looks very familiar to him. Mahaba ang mga buhok na hanggang balikat, makakapal ang pilik-mata at kilay na nagbibigay pungay sa ganda ng mga mata nito. Matangos ang ilong na bumagay din sa mapula at manipis nito labi. She's indeed beautiful kahit malaman ang pangangatawan nito bagay naman sa babae. Pinasadahan niya nang tingin ito mula sa mabilog nito mga dibdib hanggang sa makurba nito mga beywang at malapad na balakang. Still sexy and shapely. "I'll ride you home." Alok niya. Delikado kung sasakay pa uli ito sa taxi. "Naku, hindi na--" "I insist, tutal inistorbo mo na ako lubusin mo na." Nakita niyang napapaisip ito sa alok niya saka niya napagtanto na estranghero nga rin pala siya rito. Bakit ito agad sasama at magpapahatid sa kaniya? Napabuga siya ng hangin at kinuha ang wallet niya sabay inabot dito ang pera. "Here's the money..." Hindi na nag-atubili ang babae na kunin ang pera. "Papalitan ko 'to promise. Nurse ako sa Miranda Medical Hospital, pwede mo ako hanapin do'n. Cream pala ang name ko," wika ng babae. Cream? Miranda Medical Hospital? Alam niya ang hospital na 'yon. Napatitig siya sa babae. Mukhang alam na niya kung saan niya nakita ito kaya pamilyar ito sa kaniya. Ito ang kapatid ni Doc Coffee na asawa ni Noriko Miranda. What a small world! "Ahm, thank you. Kung ako sa'yo, huwag mo na tuloy ang suicide plan mo. Sayang ang guwapo mo kaya," nakangiting dugtong pa ni Cream sa kaniya. Isang simpleng tango lang ang ginawa niya hanggang sa makasakay na ito ng taxi. Napailing siya. Sumakay na rin siya ng dala niya motorbike at sinundan ang taxi na sinasakyan ni Cream. Gusto lang niya makasiguro makakauwi ang dalaga nang maayos kaya sinusundan niya ito hanggang sa makarating na ito sa bahay nito. Nang masiguro na niya okay na ang dalaga ay saka siya umalis at bumalik sa condo unit niya. Pagpasok niya sa condo unit niya kusang bumubukas ang ilaw at air-conditioned. Sakto naman na naka-received siya nang mensahe galing sa Nanay niya. Kinukumusta siya at kagaya rin ng dati, lagi niya sinasabi na okay siya. Ilan sandali pa ay tumatawag na ang Nanay niya. Naiiling na sinagot niya ang tawag. "It's okay not to be okay, Son," malamyos na wika ng Nanay niya. Pagak siya natawa sa tinuran nito. "I'm really okay, Nay. I will visit you soon." Narinig niya napabuntong hininga ito. "Reese is here. I'll be needing you and Marshall to help me to help a friend of mine." Hindi niya alam na nasa Morocco na pala si Reese. Wala naman kasi binanggit si Marshall. Nagkibit balikat na lang siya. "Okay. I'm just one call away, Nay." "I know, Son. Take care and I love you." "Love you three, Nay." Pagkababa ng tawag pasadlak siya nahiga sa mahabang couch. Bakit kaya 'di maalis sa isip niya ang babae? Hinalungkat niya sa cellphone niya ang information files ni Doc Coffee sa kaniya noon. Nabasa niya ang buong pangalan ng kapatid nito babae. CREAM ANN DIMAN. Hmm, cream. He don't know why but his curiosity arose. At dahil, hindi siya makatulog may naisip siya gawin kaya bumalik siya sa bahay ng dalaga. Alas dos na nang madaling araw, hindi niya ugaling ma-curious sa ibang babae mula nang mawala si Melissa kaya ewan niya bakit ginagawa niya ito. Tahimik na umakyat siya ng gate ng walang kahirap-hirap at binuksan ang pinto sa likuran bahagi ng bahay. Naglagay siya ng mga maliliit wireless surveillance camera sa iba't ibang bahagi ng bahay, gano'n din sa ikalawang palapag. Maingat siya nakapasok sa silid ni Cream. Mahimbing na ito natutulog habang nakayakap sa malaking donut na unan nito. Naglagay din siya ng camera doon pati sa kabilang silid na walang tao. So, Si Cream lang pala ang nandito? Tsk. Hindi man lang naka-double lock ang pinto sa likod kaya nakapasok siya kaagad. Hindi na rin siya nagtagal at umalis na rin siya. Siniguro niya rin naka-lock ang lahat ng bintana at pinto bago siya umalis. Pagkabalik sa condo unit niya, kinonek niya agad ang mga camera sa laptop at cellphone niya. Gusto lang niya malaman ang ginagawa ng dalaga. Alam niya na para siyang psycho maniac sa ginawa niya pero wala siya ibang malisya o intensyon. Napatitig siya sa monitor niya sa laptop. Nakatutok iyon mismo sa kama ni Cream. F*ck! He such a freak! Hanggang sa nakatulugan na niya ang panonood kay Cream habang natutulog ito. Hindi niya rin mapaliwanag kung bakit magaan sa pakiramdam niya habang pinapanuod ito habang mahimbing na natutulog. Bukas na lang niya sisilipin ang dalaga sa hospital para singilin sa ginawa nito pang-iistorbo ng todo sa kaniya. Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD