bc

MR. TWIX DONOVAN

book_age18+
787
FOLLOW
5.8K
READ
billionaire
FBI
dare to love and hate
sweet
bxg
lighthearted
realistic earth
lonely
friends with benefits
passionate
like
intro-logo
Blurb

The trial that came into Twix’s life was not easy. The woman he loved died suddenly. His world collapsed, he has been different since his girlfriend died. Until he meets the naughty and cheerful lady Cream Ann Diman.

There was something strange in her smile that even he longed for. Is Cream Ann what he needs to sweeten his world again?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CREAM ANN MALAWAK siyang nakangiti habang ka-video call ang mga pamangkin niya na kasalukuyan nasa Russia ngayon. Half Filipino at half Turkish ang napangasawa ng Ate Coffee niya, at napagpasiyahan ng mga ito na manirahan sa Russia. Hindi na siya nagtanong kung bakit, ang mahalaga ay masaya na ang kapatid niya. Tuwang-tuwa siya kay Sugar at Honey. "Titay! Ay mit you..." bulol na sabi ni Honey. Ito ang bunsong anak ni Ate Coffee niya at tatlong taon gulang na ito. "Tita Cream, miss ko na kayo ni Lolo diyan," paglalambing na wika naman ni Sugar. Ngumiti siya. "Lolo is fine. Miss na miss na rin namin kayo. Ingat kayo palagi. Always listen to Mommy." Paalala niya kay Sugar na kinatango naman nito. After niya makipagkulitan sa dalawa, si Ate Coffee naman ang kinamusta niya hanggang sa matapos na ang isang oras na break niya sa trabaho ay nagpaalam na siya sa Ate at mga pamangkin niya. Huminga muna siya nang malalim. Okay, back to work! Hindi biro ang magtrabaho bilang nurse. Puyat at pagod kapalit ang kakarampot na sahod. Kasalukuyan, naka-duty siya sa Miranda Medical Hospital. Ang hospital na pagmamay-ari ng father in-law ng Ate niya. Noon una hindi rin siya makapaniwala pero naka-jackpot talaga ang Ate Coffee niya. Kaya naman nang sabihin ng Ate niya na kailangan niya lumipat ng Miranda Medical Hospital ay kaagad niya ginawa. Mas okay naman ito hospital kaysa sa dating pinapasukan niya public hospital na laging blockbuster ang pila sa mga outpatient. Ipinilig na lang niya ang ulo saka muling nag-rounds. Makalipas ang apat na oras, napasulyap siya sa wall clock. Alas-onse na ng gabi at need na niya mag-out. Sakto naman na nakatanggap siya ng mensahe galing sa Papa niya na hindi siya masusundo nito dahil may pinuntahan at hindi sigurado ang uwi. Napailing na lang siya. Masyadong naging gala ang Papa niya. Hindi na siya nag abala magpalit ng damit, nagsuot na lang siya ng malaking jacket at nagpaalam na sa head nurse at ibang kasamahan. Pagkalabas ng hospital. May taxi agad na pumarada kaya sumakay na siya. Habang nasa byahe sinabi niya ang address niya, hindi naman kumikibo ang taxi driver. Kaya inulit na lang niya uli, tumango lang ang matangkad driver. Makalipas ang ilan minuto saka lang niya napagtanto na iba ang way na dinadaanan nila. Nagsalubong ang mga kilay niya sa pagtataka. "Kuya, parang iba po ang way natin." isinatinig niya at paunti-unti nang kinakabahan. "Trapik, ma'am nag-shortcut tayo," malalim na boses na sagot nito. Hindi siya naniniwala. Napalunok siya ng laway. "Kuya, bababa na lang po ako," kamuntikan na siya pumiyok ngunit tinibayan niya ang loob. Huminto naman ang taxi at nilingon siya na may nakakalokong ngisi. "Mahilig ka ba ma'am makipagtaguan sa dilim?" misteryosong tanong nito. Kinutuban na siya ng hindi maganda. Pinilit niya buksan ang pinto ng taxi subalit naka-lock iyon. "Please po...kung holdap ito, kunin mo na ang bag ko pati cellphone ko basta hayaan mo na lang ako makababa." Madiin pakiusap niya. Tumawa ito na parang may saltik sa ulo at saka pahablot na kinuha ang bag niya pati na rin ang cellphone niya. Naglabas naman ito ng balisong at tinutok sa kaniya. "Alam mo, maganda ka sana kaso medyo mataba ka." Wala sa sariling puna nito sa kaniya. Nakaramdam siya nang inis. Holdaper na laitero pa. Tsk! "Pakiusap po. Hayaan mo na lang ako makababa," pakiusap niya at pilit na pinipigilan ang pagpatak ng luha. No! Hindi siya iiyak. Kung kinakailangan makipaglaban siya nang p*****n para sa buhay niya ay gagawin niya. Narinig niya ang pag-click ng pinto ng taxi. "Baba!" malakas na sigaw ng taxi driver. Pumitlag siya pero mabilis din siya lumabas ng taxi at tumakbo palayo. Lakad takbo ang ginawa niya hanggang sa hindi na niya matanawan ang taxi. Habol ang paghingang napahawak siya sa tuhod niya. Sobrang malas talaga! Binagalan na niya ang paglalakad hanggang sa makarating siya ng highway. Need niya tumawid ng tulay para makabalik sa hospital. Malayo-layo ang kailangan niya lakarin pabalik ng hospital kaysa naman lakarin niya hanggang sa kanila. Hihingi na lang siya tulong sa mga kasamahan niya. Habang palakad sa tulay nakaagaw nang pansin niya ang isang lalaki na may kulay asul na buhok na nakaupo sa pinaka-edge ng tulay. Napasulyap siya sa mga sasakyang dumadaan saka muling tumingin uli sa lalaki. Tahimik lang ito nakaupo habang nakatingala. Tumingala rin siya. Wala naman maganda sa langit, ni wala nga mga bituin at hindi makita ang buwan. Napansin din niya ang magarang motorbike na nakaparada sa gilid ng tulay. Halatang mayaman ang lalaki at mukhang foreigner. Naglakas loob siyang lapitan ito baka sakali lang na makahingi nang tulong. Tumikhim siya upang pukawin ang pansin ng lalaki pero hindi ito lumingon. Lumapit siya nang kaunti rito. "Ahm--hello, magpapakamatay ka ba?" napangiwi siya sa lumabas na tanong sa bibig niya. "Mukha ka kasi magpapakamatay para kang tatalon. Kung ako sa'yo, pag isipan mo maige 'yan. Pero kung desidido ka na talaga, hindi naman kita pipigilan. Ang sadya ko lang kasi kaya nilapitan kita..." napalunok siya ng laway bago niya pinagpatuloy ang sinasabi. "Hihingi lang ako ng pabor o tulong sa'yo. Please maniwala ka sa'kin. Hindi ako nagbibiro. Na-holdap kasi ako ng taxi na sinakyan ko, kinuha ang bag ko at cellphone ko. Wala ako kahit piso na dilat dito. Sobrang layo pa ng uuwian ko. Baka may one thousand pesos ka diyan, pamasahe ko lang. Pangako, tatanawin kong malaking utang na loob ito. Ayaw mo no'n bago ka man lang mamatay, nakagawa ka nang kabutihan sa kapwa mo," mahabang lintanya niya. Hindi kumibo ang lalaki at hindi rin lumingon sa kaniya. Napahugot siya nang malalim na paghinga. Mukhang wala siya mahihita sa lalaking ito. Tulala na parang tanga pa rin ito sa langit. Tatalikod na sana siya nang magsalita ang lalaki. "How much do you want?" Ay, nagsalita rin! "One thousand pesos." Diretsong tugon niya. "For the taxi fare again?" Tumango-tango siya. "Paano kung ma-holdap ka uli?" Natigilan siya. Sobrang kamalasan naman no'n kung dalawang beses siya ma-holdap sa taxi. "I'll take the risk." Nagkasalubong ang paningin nila. Ilan saglit pa ay umalis sa pagkakaupo ang lalaki sa tulay at nilapitan siya. "I'll ride you home." Seryosong sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya pati yata butas ng ilong niya ay nanlaki rin. "Naku, hindi na--" "I insist, tutal inistorbo mo na ako lubusin mo na." Napaisip siya. Stranger pa rin ito baka kung saan pa siya dalhin nito. Napansin siguro ng lalaki na nagdadalawang-isip siya kaya naman dinukot nito ang wallet sa likod ng bulsa ng pantalon nito. "Here's the money..." sabay abot ng isang libo piso sa kaniya. Though, nakakahiya umutang sa estranghero wala siya choice kun'di kapalan ang mukha at tanggapin ang pera. Uwing-uwi na kasi siya. "Papalitan ko 'to promise. Nurse ako sa Miranda Medical Hospital, pwede mo ako hanapin do'n. Cream pala ang name ko," aniya saka pinakita ang name plate niya na nakakabit sa uniform na suot niya. Tumitig lang ang lalaki sa kaniya at marahan tumango. "Ahm, thank you. Kung ako sa'yo, huwag mo na tuloy ang suicide plan mo. Sayang ang guwapo mo kaya," nakangiting wika niya. Ilan sandali pa siya nakatayo sa tabi ng lalaki hanggang sa may nakita siya taxi at pinara na niya. Nang makasakay na siya, at nasa biyahe na nang magtanong ang driver sa kaniya. "Miss, boyfriend niyo po ba 'yon nakasunod na motor sa'tin?" Natigalgal siya at napalingon sa likuran bahagi ng taxi. Nakasunod nga 'yon lalaking may kulay blue na buhok. Bakit siya nakasunod? "Nag LQ po kayo?" nangingiting tanong ng driver. Napantastikuhan siya dahil sa ginagawang pagsunod ng lalaki sa taxi. "Hindi po. Hindi ko siya boyfriend." Inutangan ko lang siya. Halata naman hindi naniwala ang driver. Hanggang sa makarating na siya sa bahay nila ay natanawan pa rin niya sa 'di kalayuan ang lalaki. Hindi man lang niya inalam ang pangalan ng lalaki. Sayang. Nagkibit balikat na lamang siya at tuluyan pumasok na sa loob ng bahay nila. Grabe ang nangyari ngayon gabi. Nakakainis!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.7K
bc

His Obsession

read
89.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook