CREAM ANN
"ARAY!" napaigik siya dahil sa pinong kurot na ginawa sa kaniya ng ka-trabaho niyang bakla.
"Be, may naghahanap sa'yo foreigner na blue ang buhok. Infairness, ang yummy. Jowa mo?" usisa nito.
Kumunot ang noo niya. Foreigner na blue ang buhok? Ilan segundo siya napaisip nang maalala ang lalaking hiniraman niya ng one thousand pesos nu'n isang gabi.
Dali-dali siya bumaba patungo sa waiting lobby ng hospital. Nando'n nga ang lalaking blue ang buhok. Tahimik na nakaupo at nagmamasid lang sa paligid.
Tumikhim siya para pukawin ang atensiyon nito. Lumingon naman kaagad sa kaniya ang lalaki at ngumiti.
Kamuntikan pang umalog ang dibdib niya dahil sa pagngiti nito.
Ngiting artista ang lalaki na 'to! Sh*t!
"H-Hi, Cream!" bati nito nang makalapit sa kaniya.
Kinalmahan niya muna ang sarili.
"Nandito ka ba para singilin ako?"
"Sort of." Diretsong sagot ng lalaki.
Aba, naningil nga talaga. Naglabas siya ng wallet sa bulsa ng uniform niya at akma mag aabot ng pera sa lalaki nang magsalita ito.
"I don't need money. I'm here to ask you out tonight, are you free?"
Natigilan siya. Bumulusok bigla ang kilig niya sa balat. This guy asking her out?
"You mean a date?"
Well, naniniguro siya kung date nga ba iyon.
"You can say that."
"Sure! 7PM ang out ko."
Wala nang arte-arte pa. Payag agad wala naman masama makipag-date nasa hustong edad na siya.
"Nice. I'll be here at 7PM. See you."
Kumaway lang sa lalaki hanggang sa tuluyan na ito umalis. Ngunit nang may maalala natuptop niya ang sariling bibig.
"Hindi ko man lang natanong pangalan niya? Ang bobo ko!" nakangusong asik niya.
Napapailing na lamang siya. Pumayag siya makipag-date sa lalaking hindi niya alam ang pangalan. Excited sa date?
Nagkibit balikat na lang siya. Tatanungin na lang niya mamaya ang pangalan ng lalaki.
Pagkatapos ng shift niya naglagay lang siya nang kaunti make-up. Hindi na siya nag abala magpalit ng uniform, nagsuot na lang siya ng itim na blazer.
Sakto naman paglabas niya ng hospital ay nakita niya agad ang lalaki na nakasandal sa isang itim na Land Rover tila nag-aabang sa paglabas niya.
"Hi..." kiming ngumiti siya.
Ngumiti ito pagkakita sa kaniya.
"Ready?"
Tumango-tango naman siya. Inalalayan naman siya ng lalaki pasakay sa passenger seat. Nang makasakay na ito at pinaandar ang kotse. Hindi niya maipaliwanag ang dagundong sa dibdib niya. Hindi siya kinabahan, kinikilig siya nang todo.
Napasulyap siya sa lalaki na naka-focus sa pagmamaneho.
"Saan pala tayo pupunta?" kapagkuwa'y tanong niya.
"Mahilig ka ba sa dagat?"
"Dagat? Medyo. Bakit?"
"You'll see."
Hindi na siya kumibo. Dadalhin ba siya nito sa beach? Bakit sa dagat pa? Hindi siya marunong lumangoy kaya bihira siya magpunta sa mga beach hanggang indoor pool lang siya.
Makalipas ang ilan minuto huminto sila Manila Yacht Club.
Medyo nagtataka siya ngunit hindi naman niya magawang magtanong. Inalalayan siya uli nito makababa sa kotse at hinawakan siya nito sa kamay habang naglalakad sila papasok sa naturang yacht club.
Nakatitig siya sa magkasiklop na mga kamay nila.
Ba't ang normal lang para sa lalaki na hawakan ang kamay niya? Ang sarap sa pakiramdam ang pagdikit ng mga palad nila.
"We're here..."
Nahinto siya sa pag-iisip nang marinig niya nagsalita ang lalaki. Napaawang ang labi niya nang makita ang isang malaking yate sa harapan nila.
"Kanino 'to?"
"This is mine."
Walang halong yabang ang tinig ng lalaki.
"Come, nasa loob ang dinner natin." Yakag na nito at maingat siya inalalayan paakyat sa yate.
Namangha siya dahil sa napakaganda at napakagara ng yate na iyon. Hindi ordinaryong mayaman lang ang lalaki baka milyonaryo ito. Na-amazed din siya nang makita ang naka-set up na dinner table sa loob ng yate.
"Wow--" manghang bigkas niya.
"Did you like it?"
Tumango siya. Sino bang hindi magugustuhan ang ganitong sweet and classic na dinner date?
Nang makaupo na siya saka naman may dumating na waiter at nag-serve sa kanila ng pagkain at red wine.
"Bakit mo pala ako niyayang mag-date?"
Iyon kaagad ang tanong niya habang nagsisimula na sila kumain.
He just shrugged and smile. "You owe me, remember? Besides I want to know you," seryosong saad nito.
"Bakit ka kasi nasa tulay? magpapakamatay ka ba talaga?"
Sayang naman kasi kung magpapakamatay ito. Hindi naman solusyon iyon sa problema.
Pagak na natawa ang lalaki at pailing-iling. "I'm not. Nando'n lang ako para magpahangin."
Napatango naman siya sa sinabi nito. Ilan minuto pa sila nag-usap ng lalaki. Panay ang tanong nito tungkol sa trabaho niya bilang nurse at sa pamilya niya. Hindi na nga niya napapansin na nakakarami na siya nang inom sa wine.
"Ikaw nasaan ang parents mo?" siya naman ang nagtanong dito.
"Nasa Morroco sila."
"May kapatid ka?"
"Yup. I have two brothers."
"Hmm, okay. Anong trabaho mo pala?"
"Nothing. Wala akong work sa ngayon."
"Ha?"
Nagbibiro siguro 'to. Mukha bang walang trabaho ito? Narinig niya napabuntong hininga ito.
"Nag-retiro na ako sa trabaho kaya wala akong work sa ngayon." Pagpapaliwanag nito.
"Retiro? Ilan taon ka na ba?"
"I'm 29."
Napantastikuhan siya. Magkasing-edad lang sila pero heto pa rin siya kayod kalabaw sa hospital. Kahit nagbibigay sa kaniya ang Ate Coffee niya ng allowance nila ni Papa ay ayaw pa rin niya umasa sa kapatid.
Nang matapos sila kumain, hinila siya ng lalaki papunta sa upper deck ng yate upang magpahangin. Halos mapapikit siya nang tumama ang malamig na hangin sa mukha niya. Nakakaantok tuloy, o lasing na siguro siya kaya nahihilo na rin siya.
"Cream..."
"Hmm?"
Napalingon siya sa lalaki na nakaupo na rin sa tabi niya. Namumungay ang mga mata nito na nakatutok sa kaniya.
"Do you want to sleep with me?"
Napalunok siya ng laway. Lasing na siguro siya. Epekto man ng wine iyon o hindi. Malakas ang loob at matapang na inilapit niya ang mukha sa lalaki at siya na ang naglapat sa mga labi niya sa labi nito.
Naramdaman niya na bahagyang natigilan ito dahil sa ginawa niya subalit
panandalian lang iyon. His lips started moving againts her lips. Walang inhibisyon napadaing siya ng maging mapusok na ang halik nito.
Oh my God! He's an amazing kisser!