Chapter two: Mira's Secret

1132 Words
MARA Mira okay ka lang ba? Miraa!!“ Sigaw ko sa kakambal ko ngunit hindi na ito gumagalaw nilapitan ko ito at inilagay ko ang ulo nito sa aking bisig, napatingin ako rito at sinigurado kong ’di na talaga ito gumagalaw. Ano’ng nangyayari kay Mira? “Somebody help me, please!" sigaw ko sa mga taong dumarating at nagtipon sa paligid namin. “Oh my God, please call the ambulance!" sigaw ko ulit. Pagkalipas lang ng ilang sandali ay may dumating ng ambulansya at kinuha si Mira mabilis din akong sumakay habang nagpupumiglas ang mga luha sa aking mga mata. Anong nangyayari sa kanya at bakit nawalan siya ng malay may dinaramdam ba siya ng hindi namin alam? Sa wakas ay nakarating na kami sa Ospital at si Mira ay mabilis na dinala sa emergency room habang ako naman ay naghinihintay sa labas na kinakabahan. Isang oras ang lumipas nang sinabi sa akin ng nars na nais akong makausap ng doktor na tumingin kay kambal. Sinundan ko siya na kinakabahan, masama ang nararamdaman kong ito. Pumasok ako sa opisina ng doktor at umupo sa silyang naroon. “Kambal pala kayo? Pareho kayong maganda,” magaang saad ng doctor sa akin pero hindi naibsan ang kaba ko sa papuri nito. “Doctor, a-anong sakit ng kakambal ko? " na tetensyong tanong ko rito. “Ang kapatid mong babae ay may sakit na Colon Cancer at siya ay nahaharap sa isang napaka-mapanganib na sitwasyon, " sabi ng doktor kaya lumaktaw ang aking puso sa natuklasan. Colon cancer? Mapanganib na sitwasyon? “Kailangan siyang maoperahan sa lalong madaling panahon kakailanganin n’yong maghanda ng 300,000 pesos para doon at 200,000 pesos para naman sa mga gamot na i-ma-maintence niya habang nagpapagaling siya mula sa operasyon," sabi nito kaya napa sigaw ako sa gulat. “Po, saan namang kamay ng Diyos ko ako makakahanap ng ganoon kalaking pera? Kahit na ibenta namin ang lahat ng pag-a-aring mayroon kami ay hindi ito sasapat," naiiyak kung saad dito. “Wala na akong magagawa pa sa lagay na iyon, Miss. Kakailanganin na natin isagawa ang operasyon sa lalong madaling panahon, bago mahuli ang lahat. Excuse me, Miss, pero marami pa akong gagawin,” sabi nito bago ito humarap sa kanyang computer. “Pasensya ka na Doctor. Pero gagawin ko ang lahat ma-operahan n’yo lang ang kakambal ko pangako ko po iyon,” sabi ko dito. Tumayo na ako mula sa upuan at pumunta sa ward ni Mira na ng hihina dahil sa nalaman ko. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako roon. Mahimbing itong natutulog pagdating ko roon. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang buhok nito. “Nasasaktan ka, ngunit hindi mo ipinapaalam sa akin, sa amin ni nanay? Bakit mo ginustong itago ang sakit mo sa amin lalo na sa akin? Kakambal kita dapat nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman mo kahit hindi literal?” tanong ko dito kahit tulog ito. “Saan ako maghahanap ng pagpapa-opera para sa iyo ngayon? Pero hindi ako papayag na may mangyari sa'yo, 'Bal, pangako ko iyan.” Tumayo ako at lumabas ng ward, kahit papaano ay kailangan kong ipaalam kay nanay ang nangyari kay kambal para may bantay siya habang gumagawa ako ng paraan. Pumunta ako ng palengke kung saan si nanay nagtitinda ng kanyang nilutong kakanin. Kaagad niya akong nakita na nag-iisang naglalakad palapit sa kanya. “Mara, asan ang kambal mo?” tanong nito kaya hindi ko na napigilan ang mapaluha. “N-nasa O-ospital siya, Nay. Dinala ko siya roon at sinabi ng doktor na mayroon siyang malubhang sakit,” sagot ko rito sa pamamagitan ng paghikbi. “A-ano? Tara puntahan natin ang kapatid mo,” sabi nito na nagmamadali, muntik pa nga itong madapa kaya inalalayan ko ito. Iniwanan namin ang paninda ni nanay sa kanyang kumari at tumakbo na kami pasugod sa Ospital. Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa opisina kami ng Doctor na tumingin kay Mira. “Doctor, ano po bang kalagayan ng anak kong si Mira?” tanong ni Nanay dito. “Sorry, Misis, ngunit nasa kritikal na kondisyon na anak mo, kailangan na natin siyang maoperahan sa lalong madaling panahon nasa stage 3 na ang cancer na nagpapahina sa anak mo, matagal na rin niya itong iniinda,” sabi ng doktor kay nanay kaya napaiyak na ito. “Doctor. Gawin mo ang nararapat sa anak ko, lahat gagawin ko para lamang mapagaling mo ang anak ko. Please!“ napayakap naman ako kay nanay at nag iyakan kami. Naglalakad ako palabas ng Ospital iniwan ko muna si Nanay para magbantay kay kambal. Isang araw na ang lumipas at nauubusan na kami ng panahon kaya nag deside akong ako na ang hahanap ng paraan para kay Mira. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para sa pagpapagamot nito. Ang problema ko ay aling trabaho kaya ang gagawin ko upang makakuha na sapat na halagang iyon sa araw na ito? Nag ikot-ikot ako para maghanap ng trabaho pero wala akong makita. Nang may huminto sa harapan ko na isang sport car at may dumungaw na isang supistikadang babae. “Long time no see, Mara!” sabi nito at tinanggal ang sunglasses sa mata nito. Inaninag ko ito ng mabuti kung sino ito. Nang mapagsino ko ay nanlaki ang mata ko sa gulat at saya. “N-nora?” Sigaw ko rito dahil sa kasiyahan. Bumaba ito mula sa sasakyan at niyakap ako. “Anong ginagawa mo rito mag-isa sa daan at nasaan ang kakambal mo?” tanong nito matapos kumalas sa pagkakayakap nito sa akin. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng sasakyan nito at ikinukwento ko ang nangyari kay Mira kaya napabuntong hininga ito. “Seryoso, Nora, saan ako kukuha ng 500, 000 pesos pampagamot kay Mira?” tanong ko rito sa pamamagitan ng paghikbi. “’Wag ka ng umiyak, Mara. It's good to see you after all this years. Kaibigan mo pa rin ako. Kaya huwag kang mag-alala maililigtas mo pa rin ang kapatid mo,“ sabi nito habang titig na titig ito sa akin. “Talaga? Pero paano?” tanong ko, “Sama ka sa akin at may ipapakita ako sa‘yo,” she said bago nito pinaandar ang sasakyan sa kahabaan ng edsa. NORA Dumiretso kami sa aking bahay. Nang makarating kami ay sumulyap ito sa paligid ng bahay ko. “Nora, ito na ba ang bahay mo?” tanong niya. “Oo, ito ang aking bahay, maaari ka ring mag may-ari ng isang ganito kung nanaisin mo,” sagot ko naman dito kaya napatingin ito sa akin. “What do you mean by that?” sabi nito na may pagtataka. “Magpapaliwanag ako ngunit kailangan mo munang kumain alam kung pagod at gutom ka na,” sabi ko at pumasok na kami sa bahay at dumeritso agad sa kusina. Inilabas ko ang pagkain na pinaluto ko kay yaya Ulga para makakain kaming dalawa. “Halika rito lumapit ka at umupo. ’Wag ka ng mahiya,” tawag ko rito. Nag-alangan naman itong umupo sa hapag kainan. Nagsimula na kaming kumain at panay panakaw ko ng tingin sa kanya. Iba na ang itsura niya ngayon kaysa noon. Kung maganda sila noon ay mas lalo itong gumanda ngayon. Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko na siyang maupo sa sala. “Sabihin mo sa akin, Nora, ano ang ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina? At bakit ang yaman mo na, ano bang nangyari sa iyo sa halos limang taon kang nawala?” tanong niya sa akin kaya napangisi ako rito. “Gusto mo bang malaman?” Tumango ito kaya pinag patuloy ko ang sasabihin. "Mara, hindi ko alam kung makakaya mo ito! Ngunit ito ang ginawa ko para sa ika-bubuhay namin ni nanay noon. Ayokong naka-depende kay nanay, kaya gumawa ako nang paraan para makamit ko ang tinatamasa namin ngayon! Dito ako kumuha ng pera upang mabili ang bahay na ito at ang aking sasakyan, at ang iba pang mga bagay na mayroon ako ay nakuha ko mula rito,” sagot ko at nagtataka naman itong tumingin sa akin. “S-sabihin mo sa akin, Nora, ano iyon? Gagawin ko ang lahat upang mai-save ko lang si Mira. Kaya ipaliwanag mo sa akin kung anong raket ang pinasok mo,“ nagmakaawang saad nito sa akin kaya napangisi ako. “I am a stripper, Mara, a highclass GRO,” sabi ko dito kaya natawa ito. “Isa kang stripper? Nagbibiro ka ba, Nora?" tanong niya sa akin kaya tiningnan ko ito ng seryoso. Kapag kuwan ay sumeryoso na ito nang mapagtanto siguro nitong hindi ako nagbibiro. “Hindi. Bakit naman ako magbibiro sa iyo. Ako na ngayon ang may ari ng Royal and Empress Club dito sa Maynila. Siguro naman ay kilala mo ang club na ito hindi ba?” pakli ko rito at tinitigan ko ito sa kanyang mga mata, tumingin naman ito sa paligid ng bahay ko na nakanganga. “Nakuha mo ang lahat ng ito mula lang sa pagsayaw sa club?" “Sinasabi ko sa iyo ito, Mara, dahil gusto kong tumulong sa iyo. Pribado lang ang mga napunta doon at talagang mga mayayaman ang mga pumapasok doon at ito lang ang paraan ko para matulungan ka. Kung sasang-ayon ka rito maaari kitang bigyan ng pera ngayon upang ideposito mo para sa Hospital bill ng kambal mo at bukas na bukas din ay ipapagamot ko ang kapatid mo?” sabi ko. Natahimik siya ng ilang minuto saka tumingin sa akin at sa kanyang sarili. “So, ano papayag ka ba sa alok ko sa iyo?” ulit ko. “Kung i-ito lang ang paraan para m-mapagamot ko si Mira ay—" “Ay?” Ulit ko sa pagpuputol ng sasabihin nito. “I-I will do it, I will be a stripper too,” sagot naman nito kaya napangiti ako. “Welcome to the striper world baby girl. Now you are going to work for me from now on." I said and grabbed her wrist and dragged her into my car. “Saan tayo pupunta?” tanong pa nito. “I-ma-make over kita para mamayang gabi,” sagot ko at nag-concentrate sa pagmamaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD