Chapter three: Kapit sa patalim

1345 Words
MARA Hinila ako ni Nora sa kanyang kotse at dinala ako sa isang magandang salon. "Ngayon magpapaganda at magpapasexy tayo,” Sabi niya at ngumiti. Tama ba ang gagawawin ko. Isang stripper? Hindi ba katulad lang iyon ng isang prostitutes ang kaibahan nga lang ay mayayaman lang ang magiging customer ko at sasayaw lang ako sa entablado. Hindi ko maisip na sumasayaw ako sa stage na malaswa ang kasuotan sa harap ng maraming kalalakihan. Pumasok na kami ni Nora sa loob ng isang silid sa salon na iyon, doon naghihintay sa amin ang maraming mga babae na nakaunipormi na kulay asul. "Magsisimula na tayo ngayon. Miss,simulan na ninyong pangandahin siya," sabi nila at lumapit sa akin. Matapos niyon ay hinubaran na nila ako at pinahiga sa bath tub, hinugasan nila ang katawan ko na maraming bula na may amoy na strawberry. Pagkatapos niyon ay pina-upo nila ako at sinalang nila ang paa ko sa foothspa at menanicure at pedicure nila ako. Hanggang sa humantong ako sa pampapaganda, pagkatapos ng pampaganda ay nakita ko na lamang ang sarili ko na nakatayo ako sa harap ng salamin na nakatingin sa aking sarili. Hindi ako makapaniwalang ako ito. Lalo akong gumanda at naging blooming din ako. Ang aking buhok ay naka-bund o nakapusod matapos nila itong kulutin at ang aking mahabang pilikmata ngayon ay mas mukhang humaba pa dahil sa mga artipisyal na pilik mata na nilagyan nila kanina. Light make-up lang ang kulurute ko sa mukha at ang mga kuko ko naman sa paa at kamay ay naging maayos at nagkaroon ng kulay. Tinitigan ako ni Nora saka ngumiti habang nahihiya naman akong napatingin sa kanya. Isang hanay ng mga damit naman niya ako dinala para pagpilian ni Nora kung ano ang babagay sa akin. "Huwag kang mag-alala gagawin kitang star of the night mamayang gabi," sabi ni Nora at naglakad palapit sa akin. Sinundan niya ng sunod-sunod ang pagtingin sa mga damit. Inabot niya ang isang maikling gown na may kaunting ukab sa likuran at itulak ako sa loob ng isang dressing room. Sinuot ko ang telang iyon at saka sapatos na may mataas na takong, halos mahulog ako sa takong ngunit mabilis na nahawakan ako ni Nora sa palapulsuhan ko at ibinalanse ko naman aking sarili sa pagkakatayo. "Mayroon pa tayong anim na oras, upang turuan ka kung paano lumakad na may takong.” sabi nito kaya tumango ako. Matapos maayos ang mga bayarin ay umalis na kami sa lugar iyon. "Nora, paano kung hindi ako makasayaw? Ibig kong sabihin kinakabahan ako, " sabi ko dito. "Teka-teka, nasaan ang matapang at palaban na si Mara? Huwag mong sabihin sa akin na kinakabahan ka lamang upang 'di makasayaw sa harap ng ilang mga mayamang mga negosyante. Tandaan mo ito lang ang paraan mo para mapagamot mo ang kakambal mo, kaya ayusin mo ang sarili mo at bukas na bukas ay mapapagamot mo na siya. Iyan ang isipin mo. Lakasan mo lang ang loob mo Mara," sabi naman nito. Kaya napatango ako. "Spare that Mara, isipin mo na lang na ginagawa mo ito para sa kambal mo, sa sarili mo at lalo na sa ’yong nanay," sagot niya kaya tumango ulit ako. Tama, ginagawa ko ito para kay Mira ngunit para rin ito sa kinabukasan naming pamilya. Maililigtas ko ang aking pamilya mula sa matinding kahirapan na pinagdaanan namin noon pa man hanggang ngayon. Kaya ko 'to! Nagmaneho siya pabalik sa kanyang bahay at kinaladkad ako nito sa kanyang silid. Sumulyap-sulyap ako sa kabuohan ng silid nito. Napakalaki at napakaganda niyon. Binuksan nito ang aparador at halos manlaki ang mga mata ko sa nakita ko. "Sa iyo ba lahat ng iyan?" tanong ko pagkatapos kung makita ang kanyang mga sapatos at damit. "Akin lahat ang mga iyan at maaari kang magkaroon ng mga ganyan kapag masipag ka, sa aking club," sabi nito kaya napatango ako. Kaya ko ito. Pagod na ako sa kahirapan, nais ko namang matamasa ang kaginhawaan kahit sa maling paraan man. Naglabas siya ng mga pares ng sapatos at sunod-sunod na isinukat sa akin. "Kita mo, hindi na masakit subukan mo ulit," anito. Sinuot ko ang isa sa kanila at kinakabahan akong tumayo, paano kung paghakbang ko ay matalisod ako? Pero nag-ipon ako ng lakas ng loob at lumakad ng magaan hanggang sa natututo na rin ako. Tinulungan niya ako sa paghawak sa kamay ko habang naglalakad ako at tinuruan ako nitong sumayaw ng sexy dance sa una ay naiilang ako hanggang hindi ko na mamalayan na gumagaling na ako sa paggiling. "Good your a fast learning, Mara. Ngayon tuturuan kita kung paano gumiling ng mas maharot pa riyan sa ginagawa mo ito ang pinakamahalagang bagay sa pagsasayaw. Matapos nitong e-demo sa akin ay sinubukan ko naman. Sa una ay nahirapan ako pero habang natagal ay unti-unti akong nasasanay at gumamit ng matatas na takong, saka dati naman akong dancer noong elementary kami ni kambal kaya may alam din naman ako kahit papaano. Samantalang si Mrs. Cordonova (ang ina ng kambal ) ay nag-alala na kung nasaan na si Mara. "Saan kaya siya pupunta?" Tanong niya sa kanyang sarili. Patuloy siyang nagmamakaawa para sa pagbawas sa deposito sa pagpapa-opera ni Mira sa Ospital ngunit lahat ng kanyang pagsusumamo ay nabigo. Saan kaya kami makahahanap nang ganoong kalaking pera? 500,000 pesos napakalaking pera iyon at wala pa doon ang magiging bell ni Mira sa Ospital sa sandaling manatili ito dito. Kung sakali mang magtagumpay ang operasyon niya dito. NORA Gabi na. Naligo na ako at pagkatapos ay nagbihis na rin ako. Tinutulungan ko si Mara sa kanyang pampaganda at pumili rin ng damit para sa kanya. "You look amazing,” I sighed and smile at her. "Salamat," Sagot niya. "Now, you ready and try to attract as much attention as possible, so that you can be one of the highlights tonight," I said and he nodded. Bumaba na kami at lumabas na kami sa bahay at pumasok sa kotse ko, pagkatapos ay nag-drive na ako papuntang R & E Club. Nakarating kami sa Club ng higit 20 minutos lang ang lumipas. Bumaba na ako mula sa sasakyan at pinagbuksan ko si Mara ng pintuan. Magkasama kaming pumapasok sa club at hindi mapigilan ng mga tao ang mapatitig sa amin. Partikular na kay Mara. Dinala ko siya sa taas kung saan naghahanda ang mga babae. "Welcome back Scarlet," bati ng mga kababaihan na nagtatrabaho sa aking club. Screen name ko ang Scarlet,” sagot ko sa mga tingin sa akin ni Mara. "Okay girls, this is my friend Mara and she will be one of us as from tonight," pagpapakilala ko kay Mara sa mga babae. "Nice to meet you Mara," bati nila kay Mara. "Nice to meet you too, sa inyong lahat, I am so happy to be here kahit medyo kinakabahan ako," nakangiting tungon naman ni Mara. "Katya, ikaw at si Mara ang ma-u-unang mag performe ngayong gabi, okay," sabi ko kay Katya kaya nagkaroon ng bulungan sa pagitan nila. "Tahimik! Mauuna na si Mara dahil bago siya at kailangan niyang makilala ngayong gabi," paliwanag ko naman sa kanila. Naglabas ako ng isang piraso ng bra at panty para mapantayan ang kanyang suot na takong at ibinigay ko sa kanya. "Isusuot ko ito?" tanong ni Mara. "Yes, iyan ang dress code ninyo tuwing mag sasayaw kayo, huwag mo akong bibiguin, Ara," sabi ko at inabot ang tela sa kanya at nagtaka sa binanggit kong pangalan sa kanya. "Simula ngayon ang screen name mo na ay ARA, okay," sabi ko kaya tumango naman ito. Matapos ang pagsusuot nila at paghahanda para makapag performed ay pinapila ko na sila. Naglalaro sa background ang Good Form ni Nicki Minaj. "Dance like It's over, good luck girls,“ saad ko bago ako lumabas doon. Sa palagay ko ginawa ko na ang aking bahagi bilang isang kaibigan sa kanya, ngayon siya naman ang magsumikap at makamit ang hangarin niyang makarating dito at mapagamot ang kanyang kakambal. "Kayong lahat ay dapat handa na para sa oras na isasalang kayo, okay!" sabi ko bago ako tuluyang lumabas sa silid na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD