Chapter One : Twin's finding Job

1668 Words
Bakasyon naman sa partikular na araw na ito, ako at ang aking kakambal na si Mira ay nagpasya na subukan ang aming kapalaran sa pamamagitan ng pagikot-ikot namin sa Maynila, upang maghanap ng trabaho. Sa lahat ng mga kompanya na napuntahan namin, walang nais tumanggap sa amin, dahil sa wala kaming experience at undergraduate lang sa mga kurso namin. Ang tanging huling pag-asa namin ngayon ay ang ‘ Ancueta Agency Corporation'. Ang ‘Ancueta Agency Corporation’ ay isang malaking kompanya ng mga gustong magtravel sa iba't ibang bansa na pagmamay-ari ni Zero David Ancueta. Sa edad na twenty-nine ay naging napakamayaman na nito. Ang kompanya ay mayroong mga sangay sa buong Pilipinas kasama na labas ng bansa ang Canada. Kung ako at ang aking kapatid ay makakapagtrabaho rito hindi na namin poproblemahin ang bayarin namin dahil mataas daw ito magpasweldo. Tahimik akong nagdarasal na umaasa na sana maging maganda ang resulta sa pag-a-apply namin doon. Pumasok na kami sa loob ng building at nakasalubong namin ang receptionist sa baba na pabalik na sa kanyang pwesto. “Yes? How can I help you?” He asked rudely. “Sorry for bothering you, Miss. We just want to know If you need a new employees here?” tanong ko. “Naghahanap kasi kami ng trabaho at mag-a-apply sana kami rito kung may available pang posisyon?” sagot naman ni Mira at nginitian ang receptionist. "Sorry, but we don't need a new employees here." he looked at us na para bang nagpapahiwatig na hindi kami nababagay sa kompanyang ito dahil napapataas ang kilay nito habang pinagmamasdan kami ng kambal ko. Habang ako naman ay na iinis na sa inaasal nito sa amin, kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at nagtaray ako rito. "Hey, b***h! Kung makatingin ka para bang ang taas-taas ng posisyon mo rito. Eh, receptionist ka lang naman. Kahit wala kang sinasabi sa mga tingin mo lang alam kong nangmamata ka. You have no right para tingnan mo kami ng ganyan na para bang ’di kami deserving mag apply dito.” Galit na sabi ko. “Wow. Sorry but not sorry. We don't entertain patethic and idiot like you. So get out here with your dirty clothes," She said then I burst out immediately. “Aba't bastos ’to. Oo mahirap lang kami at hindi namin kayang bumili ng magandang maisusot ngunit wala kang karapatan na lait-laitin kami eh, empleyado ka lang naman dito hindi ang may-ari,” Isasagot ko sana kaya lang ay hinawakan na ako ni Mira sa kamay at sinimulang hilahin ako palabas sa lugar na iyon. “Wait lang kambal, kailangan ng babaeng iyon na maturuan ng leksyon dahil sa pangmamata niya sa atin," sabi ko sa kakambal ko at babalik na sana sa loob. "Stop, tama na ’wag na tayong manggulo roon. Tama naman siya kahit papaano," sagot nito kaagad sa akin matapos naming makalabas ng tuluyan doon. "Teka ako pa ngayon ang nanggugulo? ’Coz the last time I check, siya ang unang nanglait sa atin," nagagalaiti kong sagot. Ngunit iniwan na lang niya ako roon at hindi na nakipagtalo pa sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad pauwi, galit naman akong sumunod na lamang dito. “Mara kumusta ang lakad n'yo?” Tanong ni Nanay ng makauwi na kami. Ang aming bahay ay maliit lamang mayroon lamang itong dalawang silid-tulugan, isa para kay Nanay at ang isa para sa amin ni Mira at ang sala ay kakabit na ng kusina namin na natatabingan lang ng malaking kurtina. "Tanong ninyo diyan sa magaling kong kakambal, Nay," sagot ko naman kay Nanay. "Mira?" tinawag naman ni Nanay si Mira. "Please, Nay, pagod po ako ngayon. Mamaya n'yo na lang po ako tanungin,” sabi naman nito at pumasok na sa loob ng aming silid. Hindi naman nagpumilit si Nanay dahil alam nitong ’di maganda ang lakad namin dahil sa mga sagot namin dito. Sa totoo lang ang buhay namin ay mahirap pa sa daga, sapat lang ang kinikita ni Nanay sa amin at marami pa kaming utang na dapat bayaran dahil sa pagkamatay ni Tatay ay iniutang lamang namin ang pagpapalibig namin dito. At ang kita ni Nanay sa pagtitinda ng kakanin ay kulang pa sa pang araw-araw namin. Kailangan pa naming kumayod para makapag-aral kami ulit at mabayaran lahat ng dapat bayaran. Pinagsusumikapan din namin ang bawat sentimong nakukuha namin. Dahil ang inahasahan lang namin ang makapagtapos kami ng pag-aaral para maka-ahon kami sa buhay na ganito. Kapag pariho na kaming may magandang propesyon at magandang trabaho ay magagawa na naming mabayaran lahat. Pero lumilipas ang mga taon ay parang wala pa ring magandang nangyayari sa amin. Pumasok na rin ako sa silid namin para makapagpahinga na rin dahil nawalan ako ng ganang kumain at para bukas ay maaga akong magising para maghanap ulit ng mapag-a-aplayan na magiging trabaho namin, hindi kami susuko lalaban lang. Samantala sa kompanya kung saan nag-apply ang magkambal may isang lalaking nasaksihan ang nangyari kanina lamang. "Ms. Finto, ito ba ang trabaho mo ang pumili ng isang empleyado sa aking kompanya kahit hindi mo pa naman nasasalang sa panayam?“ tanong ng isang lalaki sa receptionist nito na naglilimahid na sa luha. Nakita nito ang lahat mula sa kanyang sariling koneksyon sa CCTV ang nangyari kanina. "Pasensya na po, Sir, hindi na po mauulit, patawarin n'yo na po ako, please!” nanginginig na sagot nito sa lalaking may-ari ng kompanya. "No, ayoko sa impleyado na mas mataas pa ang tingin sa akin. Call Annie before you leave at kunin mo na ang huling sahod mo. Ayoko ng makita ang pagmumukha mo sa kompanya ko." He said to her in an angry look and he continuously concentrate on his computer monitor. Nagmamadali naman namang umalis ang receptionist sa kanyang opisina habang umiiyak alam niyang wala ng pag-asang bigyan pa siya nito ng isang pagkakataon. Tumayo naman ang lalaki mula sa upuan nito ng makaalis na ng tuluyan ang babae at nagtungo sa glasswall na nasa likod niya lamang. Tumingin siya roon sa bintana at pinagmasdan ang tanawin sa Maynila habang inaalala ang mukha ng babae sa monitor ng kanyang CCTV na nakasagutan ng kanyang receptionist kanina lamang. MIRA Pumasok ako sa loob ng aming silid at nilapitan ko si Mara na natutulog. Kinumutan ko ito at nahiga sa tabi nito. Matagal ko nang dinaramdam ang sakit ko at hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito maitatago sa kanila. Nagdurusa ako mula sakit sa loob ng mahigit isang taon. Ang gamot na ginagamit ko upang mapigilan ko ito ay hindi na gumagana pa at paubos na. Walang pera para sa pagpapagamot ko? Paano ko sasabihin kay nanay na ako ay may sakit, paano ako makakatulong sa kanila kung malapit na aking kamatayan? Hindi ko kaya na ipagtapat sa kanila ang sekreto ko dahil tiyak na a-atakihin sa puso si nanay at hindi ko ito makakaya. Napayakap ako kay Mara. Gusto kong manatili sa inyong tabi kambal. Ayoko pang mamatay.” Bulong ko sa aking isipan at pinatay ko na ang ilaw at natulog na rin para magising ako ng maaga bukas. Kinabukasan; “Good morning Bal," bati ni Mara sa akin at lumapit sa kama at ibinangon ako nito. “Magandang umaga rin bakit nakabihis ka? Sasamahan mo ba si Nanay sa pagbenta sa palengke?” tanong ko rito. "No, lalabas ako upang maghanap ng trabaho, ’wag ka ng sumama magpahinga ka na lang dito. Alam kung pagod ka na ayaw mo lang dumaing," sabi niya at naglakad na palabas. Pinagsabihan na naman ako ng nakababata kong kapatid? Ako ang mas matanda pero siya ang umaasta na mas matanda sa akin, kahit na kambal kami at pareho kaming ipinanganak sa parihong petsa at taon ay nag aasta pa rin itong mas matanda sa akin. Tumayo ako mula sa kama at nag madaling naligo. Matapos kong maligo sinuot ko ang pinakadisenteng damit na mayroon ako at inayos ko ang aking buhok at pagkatapos ay lumabas na rin ako upang sundan si Mara. "Mara, ano bang iniisip mo na pagod ako? Hindi kaya. Dati naman ay ginagawa natin ito sa araw-araw na maghanap ng trabaho, sa ilang buwan ay never ako napagod. Ako, seryoso mapapagod? Hindi kaya! Kaya ko ito, ako pa ba!" pagmamayabang ko sa kambal ko. "Okay sinabi mo eh, babalik pala tayo sa kompanya na pinuntahan natin kahapon at mag-a-apply ulit tayo at sana matanggap na tayo ngayon at sana hindi na iyong babae kahapon ang mapag-aplayan natin.” Sagot naman niya sa akin sabay turo sa kompanya na nasa harapan na pala namin. Pumasok na kami at pumunta kami sa receptionist pero iba na ang nakapuwesto doon salamat naman. "Good morning po, Ma'am,” sabay na bati namin ni kambal sa receptionist. Tumingin siya sa amin at ngumiti ito. "Hello, how can I help you?” She asked and looked at us na nakangiti. "Ma'am, we just want to know, If there is available position in your company? " I said quickly before Mara could say anything. “Oh, sorry ladies, kayo 'yong kahapon, right?” tanong nito sa amin na ikinatango namin; Oh, sorry ladies but wala pang bakante sa kompanya para mangailangan kami ng bagong employees. Sorry, please try on other companies," She said politely and we nodded. Hindi naman pala nagsisinungaling ang babae kahapon. Pero ’di pa rin maaari na ginan'on kami nito kahapon pero sabi nga ng iba move on na lang. Hinila ko na si Mara palabas ng kompanya at baka kung ano naman masabi nito. "Bakit mo naman ako hinila agad?" tanong niya. "Para hindi ka magdulot ng kahit anong kaguluhan tulad kahapon," sagot ko at naglakad na palayo. Sinimangutan naman ako nito bago ito sumunod sa akin. Naglakad na ako ng medyo malayo-layo dito nang maramdaman ko ang matinding kirot sa aking tiyan. Bago ako makapagreact ay nakita ko ang aking sarili sa lupa na kahandusay at wala ng malay. "Mira? Mira?" Narinig kong sumigaw pa si Mara ngunit hindi na ako makapagsalita at tuluyan ng dumilim ang lahat sa akin. Damn it, oras ko na ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD