CHAPTER FOUR- Unang pagsayaw

1114 Words
MARA Kami na ang unang magpe-performed sa entablado kasama ko si Katya nasa gitna na kami ay saka ko naramdaman ang panghihina nang aking mga binti. Magagawa ko ba ito? Tama ba 'tong gagawin ko? Sasayaw at mag ta-toples sa harap ng maraming tao na halos hubad na? Bumalik sa ang aking isipan ang sinabi ni Nora a.k.a Scarlet kanina. Ito lang ang paraan, para sa mga problema ko at kapag mawala pa ang opurtunidad na ito saan ako pupulutin pati na si kambal? Tiningnan ko si Katya na sumasayaw na para bang wala itong hiya sa sarili at sumasabay sa maharot na tugtogin. Habang sinisiksikan ng maraming pera sa kanyang iba't ibang parti ng katawan, habang ang mga kalalakihan ay nasisiyahan pa sa mga nakikita. Sumisipol ang iba, at ang iba naman ay nahawak sa baywang ni Katya. Habang may tumatapik sa puwitan nito habang sumasayaw na may mapang-akit na mukha. Pikit mata kong hinawakan ang poste at nagsimulang na ring umindayog ang aking balakang, maaaring hindi ito legal na hanap buhay, pero ito naman mag sasalba sa akin sa kahirapan at magsasalba sa buhay ni kambal. Kaya naroong gigiling ako at iindayog ang aking balak kasabay ng paghimas ko sa aking katawan at nang aakit na titig sa mga kalalakihan na nag-lalaway dahil takam na takam na mahipuan ako, habang sumasayaw sa gitna ng entablado at sa poste ng makasalanan. Sa loob ng maikling oras ay nagsimula na ring siksikan ako ng maraming pera sa iba't ibang parti ng aking katawan may sa dibdib, may sa baywang at ang iba sa garter ng underwear ko iniipit. Ang iba naman ay masayang naghahagis ng lilibuhing pera kapalit na mapang-akit kung sayaw at ilang mga haplos sa aking katawan ng mga magagaspang na mga palad ng sinuman na naroon sa club na iyon. Sumasayaw, gumigiling, umindayog at lumiyad liyad ako na para bang walang kapaguran sa loob ng ilang oras. Pagkatapos ay may umakyat sa itaas na isang lalaki at humawak sa buhok ko at banayad niya akong sinabunutan patingala sa kanya habang sinisiksik niya ang pera sa aking cleavage. Hahalikan sana niya ako ng itulak ko ito ng bahagya. Nagsimula akong yumakap sa kanya at ginilingan ko ng mapang-akit para hindi niya ako halikan, ayaw kong halikan ako ng kung sinuman, tama na ang haplos-haplos lang sa mga sandaling iyon. Ilang minuto ko itong sinayawan at hinayaang gumapang ang malambot nitong palad sa aking katawan. Habang binulungan ito nang—"Handsome we can do this some other time 'coz now is not the time, to do like this,” sabi ko at kinagat ng bahagya ang kanyan namumulang tainga. Matapos kong makita na kuntinto na ito ay itinulak ko na ito pababa sa entablado at kinidatan ko na lamang. Wala na itong nagawa ng muli ako lumayo sa karamihan at sumayaw na lang sa gitna niyon. Sapat na siguro ang nakuha kong pera sa gabing iyon, kaya kahit deringderi ako ay tinapos ko pa rin ang performance ko ng gabing iyon. Nakarating ako sa aming dressing room at umupo sa isang upuan doon at binibilang ang pera na nasa aking katawan. Na iiyak ako sa mga ginawa ko kanina pero wala na akong magagawa napasubo na ako at hindi na ako pwedeng magback-out pa. Bumukas ang pinto at pumasok si Nora. Dahil ako lang naman ang nasa silid ay sinabi ko kung magkanu ang nakuha kong halaga ngayong gabi. "Wow, you really broke the record of this club, no one made a huge amount in one night, ang iba tatlong gabi pa bago sila makakuha ng ganyang kalaking pera," sabi ni Nora na kumikislap ang mga mata. “You deserve it, I saw you on stage you really are a tweaked goddess,” she said and I smiled. “Salamat, Nora, to give me this the apportunity, kahit naiiyak pa rin ako dahil sa ginawa ko kanina ay nagpapasalamat pa rin ako, masasanay din siguro ako habang natagal.” sabi ko dito. “Para saan ang pagkaka-ibigan natin. Saka masasanay ka na rin talaga, kapagmatagal ka na dito, and by the way gwapo ang umakyat sa stage kanina sana sinunggaban mo na lang sayang naman mukhang yummy pa,” sabi naman nito at nanunudyo pa ito kaya inirapan ko ito na natatawa naman sa naging reaksyon ko. "Okay, I'll go and I check out the girls, take care,” dagdag pa nito bago lumabas ng silid. Naghubad na ako at sinuot muli ang dati kong damit na dinala ko kanina, pagkatapos ay lumabas na ako para hanapin si Nora para magpaalam na. “Hi Gorgeous,” Isang boses ang bumati sa akin, tumingin ako sa likuran ko upang makita ko kung sino ito. Ito 'yong lalaki kanina na inakyat ako sa stage. "Yes, do you know me?” sabi ko at ngumiti ito kaya nakita ko ang pantay-pantay na mapuputi nitong mga ngipin gwapo ito pero hindi ito ang mga tipo kong lalaki. “Sino ang hindi makikilala sa isang dyosa na tulad mo,” sabi nito. “Well Salamat, sige mauuna na ako,” sabi ko dito at akmang lalayo ng hawakan nito ang braso ko. “Wait, me I know your name if you don't mind?” tanong nito pero umiling ako. “Gusto ko sana pero may pupuntahan pa ako ngayon, sige see you later,” sabi ko at naglakad na ako ng tuluyan. Para hanapin si Nora para magpaalam na. Kaya't naiwan ang lalaki na hatid tanaw na lang ang dalaga. Nang makarating ako sa bahay ay naligo ako at nagsuot ng ibang damit. Matapos kong makapagbihis ay lumabas na ako upang puntahan na sina Nanay sa hospital. Pumara ako ng taxi at sinabi ang hospital kung nasaan sina nanay. “St. Luke General hospital po tayo!” Sabi ko at binuksan ang envelope na binigay sa akin ni Nora. Ito ay naglalaman ng 500.000 pesos ang iba ay pinahiram sa akin ni Nora para mabayaran ko na agad sa pagpapagamot ni kambal. Huminga ako ng malamim at pinasaya ko ang mukha ko ayaw kong mahalata ako ni Nanay na umiiyak at ayaw ko na malaman nila ang secreto ko ngayon. Walang dapat makaalam kahit na sina nanay o kambal man. Nang makarating ako sa hospital ay pinuntahan ko agad ang doctor ni Mira. Kumatok ako sa tanggapan ng doktor bago ako pumasok. “Good evening Doctor!” bati ko dito mabuti na lang ay 24 hours itong nakaduety ngayon. “Magandang gabi din, ikaw ay si?” “Mara Sir, Kambal ni Mirabell Cordonova iyong ginamot n'yo kahapon,” sagot ko dito. “Oh, Yes, take a set please, anong atin Ms. Cordonova?” Tanong nito sa akin. Inilabas ko ang pera at inilagay sa mesa nito. “Heto na sir ang deposit para sa treatment ni kambal,” sabi ko “Oh, okay sige, go and pay it to the cashier at bukas na bukas din ay sisimulan na natin ang paggamot sa kapatid mo,” sabi niya kaya tumango ako nagpasalamat ako dito bago lumabas. Sa wakas kambal mapapagamot na kita. Lumabas ako sa opisina ng doctor at dumiretso na cashier area kung saan ko ibibigay ang pera. Pumunta agad ako sa room ni Mira pagkabayad ko ng bill. Nakita ko si Mira na nakahiga pa rin at wala pa ring malay habang nakaupo si nanay sa tabi ng higaan ni Mira na umiiyak. “N-nay?” tawag ko kaya humarap siya sa akin. “Mara, anak, saan ka ba nanggaling at anong oras na at ngayon ka lang bumalik?” tanong ni nanay sa akin. “Nay, n-naghanap po ako ng trabaho kaya nakakuha na ako nang pera,” sabi ko dito. “Trabaho? Ano namang uri ng trabaho ang iyong nakuha para kumita ka ng 300.000 pesos sa isang araw?” tanong ni Nanay. “T-trabaho ko po ay waitress Nay, sa isang restaurant na pagmamay-ari ng kaibigan kong si Nora, iyong anak ni Aling Pasing na galing pong abroad at sa awa naman ng Diyos, Nay ay tinanggap agad ako ni Nora. Tapos pinahiram na rin niya ako nang pangpa-opera ni kambal at pang treatment na rin. Kaya binayaran ko na ang deposito at bill ni Mira kaya na tagalan po ako,” Nauutal na paliwanag ko dito. Ang hirap palang mag sinungaling lalo na't hindi ako sanay na nagsisinungaling kay nanay. “Kaya na bayaran ko na ang treatment at bell ni Mira kaya Nay gagaling na po si kambal Nay,” dugtong ko pa. “Ay ganoon ba, Nak, salamat naman kung ganoon, Mara,” sabi naman ni nanay kaya ngumiti ako dito dahil masayang masaya na ang mukha nito. “Sige Nay, uuwi muna ako ngayon para makatulog ng maaga, kasi bukas nang gabi Nay ako magsisimula sa trabaho ko bilang waitress, ikaw na muna po ang bahala kay Mira Nay, ingat po kayo dito,” sabi ko at inabot ko sa kanya ang 5,000 bago umalis. Nagtanong pa si nanay kong bakit pang-gabi ako, kaya sinabi kong iyon lang ang available na time na ibinigay sa akin ni Nora, dahil 24 hours bukas ang kanyang restaurant mabuti na lang at naniwala agad si nanay sa alibi ko at hindi na nagtanong pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD