My mother didn’t even bother to follow me but I don’t f*cking care. Magsama silang dalawa ng kalaguyo niya.
Pabagsak kong isinara ang main door ng aming mansion. As I was walking briskly, I saw on the corner of my eyes ang pagtataka sa mga mukha ng mga kasama ko.
I know they wondered why I acted that way but I ignored them. When Mang Ato saw me, he immediately stood up from his seat. Inilapag niya ang kaniyang hawak na mug na may lamang kape sa bilugang lamesa at may pagtatakang sumunod sa akin.
My bodyguards Glen, Mark, and Arkie did the same.
I went straight to the garage where my car was parking. Daddy gave me this car as a gift on my last birthday. Hindi ko nga lang nagagamit dahil umuwi ako sa probinsya at doon nag-aral.
Umamba akong bubuksan ang pinto ng driver seat pero pinigilan ni Mang Ato ang kamay ko.
I looked at him without any expression on my face.
“Harrison, bakit? Anong nangyari?” Mang Ato said as his eyes looked worried.
Behind him were Glen, Mark, and Arkie. They looked curious about what happened but I didn't mind explaining to them.
I averted my eyes and bit my lower lip to stop my tears from dripping. Hindi ko kayang sabihin sa kanila ang mga natuklasan at naabutang kong eksena sa loob ng aming pamamahay. May galit man ako sa aking ina subalit hindi ko naman maaatim na pahiyain siya sa karamihan.
“Let me go.... Please.” I whispered. Bahagyang bumara ang lalamunan ko.
“Hindi ka pupwedeng mag-drive ng ganiyan hijo, baka mapahamak ka pa niyan," Mang Ato said as his eyes looked worried.
“Ano ba?!” I shouted. Binawi ko sa kaniya ang kamay ko. “Kahit ngayon lang… Please naman po, gusto ko pong mapag-isa.” Lumamlam ang mga mata ko. Pakiramdam ko'y para akong isang nalantang gulay ngayon.
I was a little surprised when he pulled me and hugged me in his arms. Nagpumiglas ako pero hindi niya ako hinayaang makawala sa kaniya.
“Anak, alam ko kung gaano kahirap iyang pinagdaraanan mo ngayon…” He patted my back. At dahil sa ginawa niyang iyon, I couldn’t stop my tears from shedding.
“Nandito lang kami para sa iyo, Harrison,” aniya na bahagya pang gumaralgal ang boses.
Itinapon ko ang natitirang hiya sa katawan ko. Nang mga sandaling iyon, wala akong gustong gawin kung hindi ang hayaan ang sariling kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko.
I buried my face in his shoulder, crying. I felt vulnerable.
Mang Ato held me in silence for a moment, like we were connecting our hearts.
I wanted my dad to come back. I wanted to see him while putting a smile on his face. I wanted him to hug me tight, just for a second.
But how?
All I wanted was vaguely happen. He's gone now and no matter what, he will never come back again.
Oh God! I miss my father so much!
Without him, it felt like I was freaking alone.
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko nang maalala ang mga huling masasayang araw na magkasama kaming dalawa.
"Are you sure gusto mong lumipat ng school? But why?"
"Gusto ko po sanang maranasan ang buhay probinsya, Dad, para maiba naman." Isang araw habang naglalaro kami ng chess sa may veranda.
Tinitigan niya ako saglit at saka siya ngumiti. "Sure. Anything you want, son." sang-ayon niya sa sinabi ko.
My eyes widened and a smile draw in my face. "Totoo po ba, Dad? Payag ka?"
"Why not?" kibit balikat niya at saka siya ngumiti sa akin. "Kung saan ka masaya."
Napatayo ako sa kinauupuan ko. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran.
"Thank you so much, Daddy," masaya kong sinabi.
Tinapik tapik niya ang pisngi ko na nakapatong sa kaniyang balikat. "Masaya ako na nakikita kitang masaya. Mahal na mahal kita, anak."
.
"I love you too, Dad."
I gently pushed Mang Ato and looked at him, sadly. Pinunasan ko ng palad ang basa kong pisngi at iwinaksi ang mga alaala na nagpapabigat ng dibdib ko
“Please, I want to be alone...” I begged. “ I promise, I’ll be careful," dagdag ko upang hindi na siya tuluyang mag-alala pa.
Bumuntong-hininga si Mang Ato at matiim akong tinitigan. Marahan siyang tumango pero halatang napipilitan. Nang sumakay ako sa aking kotse ay walang ni isa sa kanila ang nagsalita at nagtangkang pumigil sa akin.
I sighed then I quickly pulled over my car when I got out of the gate. I gripped my steering wheel tightly as my eyes focused in front of the road.
Nahihirapan pa rin akong tanggapin ang lahat ng mga nalaman ko. Buong buhay ko, I thought I felt blessed and lucky to have them as my parents. Pero ang lahat pala ng iyon ay puro lamang kasinungalingan.
Ngumiti ako ng malungkot at parang tangang kinausap ang sarili ko.
What to do now, Harrison?
You’re just freaking alone for God sake! Your father left you, while your mother is having an affair!
Humalakhak ako kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha.
Nababaliw na yata ako.
Oh, how I wish!
Habang nakatuon ang buong atensyon ko sa pagmamaneho ay sumagi sa aking alaala kung saan nagsimula ang lahat. At kung bakit ako nakararamdam ng labis na pangugulila sa aking ama.
We were in the middle of an exam when I received a call from my father’s lawyer. Kaagad niyang ibinalita sa akin ang kalagayan ng daddy ko. I was so shocked. I didn't know that my father was seriously ill. They didn’t bother to tell me about that. Kahit si Mommy ay walang sinasabi sa akin na ganoon. All I know is that they both left for Manila to take care of our businesses there.
Mabilis pa sa alas kuwatrong umalis at lumuwas ako ng Maynila gamit ang private plane ni Daddy. Mang Ato came with me and of course Glen, Mark and Arkie.
Habang lulan kami ng sasakyan patungong hospital kung saan naka-admit si Daddy ay hindi ko napigilan ang mapahikbi. Gusto kong magalit sa kanilang dalawa dahil isinekreto nila sa akin ang tungkol sa bagay na ito. Pero hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili ko na iniisip lang naman nila ang kapakanan ko. They thought na baka makaapekto iyon sa pag-aaral ko, lalo na nga’t malapit na akong magtapos ng high school.
I know how busy my father was, but he never forgot all the important events in my life. He supports me in everything that I want. He even teased me if I had a crush. That's why I couldn't accept that he would be gone at anytime and leave me behind.
Nang makarating kami sa hospital ay kaagad akong bumaba ng sasakyan. Lakad at takbo na ang ginawa ko dahil sa sobrang pagmamadali ko. Hindi ko na rin inalinta na halos madapa na ako sa ginagawa ko. Ilang beses ko pang minura ang sarili ko dahil pakiramdam ko'y ang bagal bagal kong maglakad.
Oras ang kalaban ko at alam kong wala akong laban doon.
Bumuhos ang masaganang luha ko nang masilayan ko ang aking ama na nakaratay sa kaniyang higaan. Maraming nakakabit na aparatos sa iba’t –ibang parti ng kaniyang katawan.
Napakagat-labi ako para pigilan ang umatungal ng iyak. Pakiramdam ko ay paulit-ulit na dinudurog ang puso ko sa tanawing iyon. Hindi ko maatim na nakikita ko siya sa ganitong sitwasyon.
Mahina, maputla at nahihirapang huminga.
My hand trembled as I caressed my father cheek.
“Daddy…” nanginginig ang boses kong sambit, "andito na po ako."
Suminghot-singhot ako nang maalala ko ang huling sandali na kapiling ko ang aking ama. Kung paano ko nasaksihan sa mismong harapan ko ang pagpanaw niya. I tried to hold my tears from falling pero traydor ang luha ko dahil hindi niya kayang sundin ang nais ko.
I am tired. I do not want to cry anymore. I do not want to get hurt. I do not like this feeling na sa tuwing naiisip ko ang lahat ng mga nangyari ay nahihirapan akong huminga.
Hindi pa nga ako nakaka-recover sa pagkamatay ni Daddy pero heto at may panibagong problema na naman akong kinakaharap.
"s**t!" I was breathless.
Halos mauntog ang ulo ko sa manibela dahil sa biglaan at mariin kong pagpreno nang mahagip ng aking paningin ang isang babaeng tila wala sa kaniyang sarili habang naglalakad sa gitna ng kalsada. Luckily, may isang lalaking bigla na lang sumulpot at humila sa kaniya.
“s**t! What the hell is wrong with that woman!” maya-maya'y nanggigil kong sambit nang ako ay nahimasmasan.
I closed my eyes then I inhaled and exhaled a large breathe to calm myself. Dahan-dahan akong umangat ng ulo at tumingin sa harap ng sasakyan ko.
"What the--!" bulalas ko sa sobrang pagkahindik nang makita ko at mapagtanto kung gaano kalapit ang distansiya ng minamaneho kong sasakyan sa kinatatayuan kanina ng babae.
Ilang beses akong lumunok nang paulit-ulit dahil sa takot na bumangon sa dibdib ko sa isiping muntik na akong makasagasa at madisgrasya dahil sa katangahan ng babaeng iyon.
Minsan, kahit gaano ka man kaingat magmaneho kung may mga taong tatanga-tanga sa daan ay malamang makakadisgrasya o madidisgrasya ka pa rin talaga.
Damn that woman!
Dadagdag pa yata siya sa problema ko!
Nanginginig pa ang aking mga kamay nang bumusina ako nang malakas.
"Hoy! Magpapakamatay ba kayo?!" galit kong sigaw buhat sa loob ng aking sasakyan.
The girl was wearing her school uniform. Maybe she’s on her way to go to her school. Sa tantiya ko rin ay magkasing edad kaming dalawa. I can’t see her face dahil nakasubsob ang kaniyang mukha sa dibdib nung lalaking humila sa kaniya.
Ngumisi ako at pinaikot ang dalawang mata ko.
Tsk! What a nice scene!
Annoyance and anger immediately rose in my chest dahil sa isang iglap ay naging sariwa muli sa aking alaala ang eksena kanina sa aming mansion.
I shook my head and closed my eyes to calm myself. Humugot din ako ng isang malalim na hininga at marahas na ibinuga iyon.
Nang magmulat ako ng aking mga mata ay naroon pa rin silang dalawa at tila walang balak umalis sa gitna ng kalsada.
Kumunot ang noo ko, nagtataka.
Naisip ko bigla na hindi kaya may shooting pala ng drama ngayon dito? O, di kaya’y nagba-vlog pala sila.
Lumikot ang mga mata ko at hinanap ng paningin ko kung may mga, camera, crew o director ba sa paligid.
Pero, t*ng ina!
Kandahaba na ang leeg ko sa kakalingon ay wala pa rin akong makita kahit isa!
So, anong trip nila at nag-mo-moment silang dalawa sa gitna ng kalsada.
Shit!
Inuubos nila ang pasensiya ko!
Sunod-sunod ang ginawa kong pagbusina dahilan para makuha ko ang kanilang atensyon.
Sabay pa silang lumingon sa gawi ko at napataas kilay ako nang makita ko ang mukha ng lalaki. He appears to be someone I'm familiar with pero hindi ko nga lang mawari kong kailan o saan ko ba siya nakita. I ignored him and looked at the girl next to him. Bahagyang nakaawang bibig ng babae at tila wala pa rin sa sarili.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang lubusan kong masilayan ang mukha ng babaeng kinaiinisan ko kanina. She’s plain yet a beautiful maiden. And all of a sudden, nakaramdam ako ng kakaiba.
My heart began to race.
Lumunok ako ng paulit-ulit at hindi inaalis ang tingin sa babae.
I'm pretty sure she can't see me right now because my car window is tinted. But why was I still nervous that I couldn't figure it out?
Napangiwi ako nang may ideyang pumasok sa isip ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganoon.
Dati-rati ay naririnig ko lang iyon sa usapan ng mga kaibigan kong in-love sa kani-kanilang mga girlfriend.
Bahagya akong natigilan ng may marealize.
Wait…
What?!
In-love?
Ako?
Duh?!
No way! It can't be!
Ilang beses akong umiling-iling at ibinalik sa tamang huwisyo ang isip ko.
Hindi ito ang tamang oras para pag-aksayahan ko ng atensyon kung ano man itong nararamdaman ko ngayon.
Marami na akong iniisip at pinoproblema at ayoko nang dagdagan pa.
Inumpisahan kong buhayin ang makina ng sasakyan ko at saka ako bahagyang dumukwang sa may bintana. Kailangan ko nang makaalis sa lugar na ito dahil habang tumatagal ay tila lalong nagiging abnormal ang pagtibok ng puso ko.
"Tumabi nga kayo sa daan!” Bahagya pang pumiyok ang boses ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
Shit! Umayos ka Harrison! Kastigo ko sa aking sarili.
Lumunok muna ako at muli silang sinigawan.
“Kung gusto niyong magpakamatay, h'wag kayong mangdamay ng ibang tao! Mga b'wisit! Alis!" Pigil ko ang aking hininga nang mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko para lagpasan sila.
At pinigil ko rin ang aking sarili lingunin ang babaeng may maamong mukha kahit na gustong-gusto ko iyong gawin.
Damn! What’s wrong with you Harrison?!
MASAKIT ang buong katawan ko dahil sa nangyari noong nakaraang araw but I have no choice but to woke up early para mag-ayos ng sarili ko. Marami akong dapat asikasuhin ngayong araw.
I've already contacted the funeral home to arrange for my father. And I also had to process his death certificate all by myself.
I don’t want to contact my mother dahil hindi ko pa siya kayang harapin pagkatapos ng eksenang iyon. She called me many times, but I was determined not to answer her calls.
When I arrived at the funeral home, Mang Ato asked me to choose the casket for my father, which broke my heart. Bigla akong pinanghinaan ng tuhod at kasabay niyon ay ang pagbuhos ng luha ko. I couldn’t choose one. I couldn’t… Hindi ko matanggap na wala na talaga ang aking ama.
Lumapit sa akin si Mang Ato at tinulungan niya akong tumayo. Being held and having someone to lean into, made me feel a little better.
Umiyak ako ng umiyak sa balikat niya.
Why must it hurt like this?
“I want him buried immediately,” mahinang anas ko sa pagitan ng aking paghikbi. I wanted my father's spirit to have peace. I tried to wipe my tears again.
Pakiramdam ko masusugat na ang mga mata ko sa kapupunas ng luha ko.
“Napag-usapan n’yo na ba ito ni Ma’am Helen?” Mang Ato asked, pertaining to my mother.
Iniwas ko ang aking tingin sa kaniya dahil hindi ko kayang magbukas ng topic tungkol sa aking ina. Good thing, lumapit sa amin ang isa sa mga staff ng funeral home at nabaling ang usapan sa ibang bagay.
I choose the gold casket for my father. Paborito niyang kulay iyon kaya iyon ang pinili ko para sa kaniya. It was expensive, but I don't mind spending so much on him because my father deserves it.
Mag-a-alas sais na ng gabi nang makaumuwi kami ng mansion. Naabutan namin sa labas ng main door si Manang Inday. Isa sa mga helper na matagal nang naninilbihan dito.
"Magandang gabi po, Señorito," nakangiting bati ng ginang sa akin.
I nodded and gave her a small smile. "Magandang gabi rin po."
Iniabot ko sa kaniya ang dala kong bag.
"Senorito, nariyan po pala sa loob si Attorney Suarez,” bigay-alam ni Manang Inday habang yakap-yakap ang bag na iniabot ko.
My eyebrows rose in wonder. Bakit hindi man lang siya nag-text o tumawag sa akin na pupunta pala siya rito ngayon sa mansion.
Marahan akong tumango sa ginang. "Sige po, Manang. Salamat po,” aniko at saka ko binalingan si Mang Ato na nakasunod pa rin sa likuran ko.
Inutusan ko siyang magpahinga muna dahil alam kong pagod rin naman siya sa buong araw naming pag-aasikaso sa magiging burol ni Daddy.
Pagpasok ko ng bahay ay dumiretso muna ako ng kusina para uminom ng tubig at saka lang ako tumungo sa sala kung nasaan naghihintay sa akin si Attorney Suarez. Naabutan ko siyang matamang nakatitig sa kaniyang laptop habang walang tigil sa katitipa naman sa keyboard ang kaniyang mga daliri.
"Good evening po, Attorney Suarez,” I greet him with respect.
Nakangiting umangat siya nang tingin sa akin habang inaayos niya ang kaniyang suot na reading glass.
"Magandang gabi rin sa iyo, Hi--" saglit siyang natigilan habang nakatitig sa aking mukha. Ang nakapaskil na ngiti sa kaniyang mga labi ay bigla na lang naglaho.
Napatayo siya at kunot noong lumapit sa akin.
Hinawakan niya ang baba ko at sinipat ang kabuuan ng mukha ko. “Oh, Jesus! What happened to your face, Harrison?” bulalas ni Attorney Suarez.
Pinalis ko ang kamay niya sa baba ko. “Don’t mind it,” walang buhay kong tugon.