Chapter 15

1948 Words
Maraming nagsasabi na ang buhay ng tao ay isa sa pinakamahalagang nilalang ng Diyos. Nilikha tayo ng Diyos according on what he likes. May mata, ilong, bibig, tainga, buhok, utak, dugo at marami pang iba. Katulad ng Diyos ay nagmamahal din tayo. Pagmamahal na nagiging lakas natin, na minsan ay nagiging kahinaan din naman ng isang tao. Sabi nga ng iba ang buhay ng isang tao ay isang mahabang laban. Laban na puno ng paghihirap na kailangan nating lagpasan habang tayo ay nabubuhay. Pero unlike God, tayong mga tao ay namamatay. At ang masakit pa roon ay hindi natin alam kung hanggang kailan at hanggang saan ang itatagal natin dito sa mundong ibabaw. Walang nakakaalam kung hindi ang Diyos lamang. Nakangiti ako habang naglalakad sa may corridor. Kararating ko lang sa Harmony Hills at excited ako dahil finally magkikita na muli kami ng bestfriend ko. Halos dalawang linggo rin kaming hindi nagkita at hindi nagkausap. Malamang wala kasi akong cellphone para kuntakin siya. At kung mayroon man, hindi ko pa rin siya magagawang gambalain. Pagkatapos ng christmas party ay agad na umalis si Mhegan kinaumagahan para sa kaniyang bakasyon. Sa pagkakatanda ko ay hindi sumama ang mga magulang niya dahil abala ang mga ito sa ipapatayong water station. Masaya ako para kay Mhegan dahil nagagawa niya ang lahat ng gusto niya at suportado siya ng magulang niya. At syempre suportado ko rin siya. Kung saan siya masaya, masaya na rin ako. Sa totoo lang gusto niya nga sanang akong isama sa bakasyon niya, iyon nga lang nakakahiya naman kung siya lang ang gagastos sa lahat. Kaya mariin kong tinanggihan ang kaniyang paanyaya. Pangarap ko rin naman makapunta sa iba't-ibang lugar. Katulad na lang ng Japan, Paris, South Korea, at New York. Pero sa ngayon, hanggang pangarap na lang muna ako. Saka na lang 'pag marami na akong pera. At s'yempre hindi pwedeng mawala sina Nanay at Anata sa pangarap kong iyon. Paakyat na ako sa second floor ng makasalubong ko ang kaklase kong si Jade. Ngumiti siya at nginitian ko rin siya. "Saan punta mo?" agad kong tanong ng huminto siya sa harap ko. Hinila niya ako sa isang tabi para makadaan ang ibang estudyante dahil nasa gitna kami ng hagdan. "Sa faculty room. Sama ka?" "Dumating na ba si Mhegan?" bagkus ay tanong ko. Kumunot ang noo niya at saglit na nag-isip. "Hmmm... Hindi ko pa siya nakita simula nang dumating ako kanina." "Ah, ganoon ba.. O, siya, sige. Samahan na muna kita dahil wala pa naman si Mhegan," ani ko sabay tipid na ngumiti. "Talaga? Komawo, Chinguya! (Thank you, my friend)." masaya niyang sinabi. Habang pababa kami ng hagdan ni Jade ay iniangkla niya ang kaliwa niyang kamay sa braso ko. Nasa kabilang building ang faculty room kaya malayo-layo pa ang lalakarin namin. Masayang ikinuwento ni Jade sa akin ang naging bakasyon niya nitong nakaraang dalawang linggo. Tahimik lang ako at pangiti-ngiti lang habang nakikinig sa kaniya. Kung may itinatanong siya sa akin saka lang ako magsasalita para sagutin siya. Nang pumasok si Jade sa faculty room ay nagpaiwan naman ako sa labas. Hindi niya nabanggit sa akin kung anong pakay niya sa loob at nakalimutan ko rin namang itanong sa kaniya ang bagay na iyon. Sumandal ako sa pader malapit sa may pinto ng faculty room para kapag lumabas si Jade ay agad niya akong makita. Habang hinihintay ko si Jade ay nalibang naman ako sa nakikita ko sa katapat naming building. Buhat sa aking kinaroroonan ay kitang kita ko ang mga magugulong estudyante na naghahabulan sa corridor. Napailing na lang ako habang may nakapaskil na ngiti sa mga labi ko. Sumagi sa alaala ko ang mga harutan namin ni Mhegan sa tuwing magkasama kaming dalawa. Lalo ko tuloy na-miss ang babaeng iyon. 'Di bale magkikita naman kami mamaya.. sabi ko sa isip. "Chin?" tawag ng kung sino sa akin. Kaagad akong napalingon sa pinanggalingan ng baritonong boses na iyon. Kumunot ang noo ko nang nakita ko ang nakangising mukha ni Justine. Mabilis pa sa alas kuwatrong agad siyang nakalapit sa kinaroroonan ko. Hindi ko napigilan ang sariling magtaas ng kilay nang dumako ang paningin ko sa kaniyang mukha. Bagong gupit si Justine at bumagay sa kaniya ang flat top niyang buhok. Hindi tulad noon na palaging magulo ang buhok at parang pugadan ng ibon dahil sa sobrang kapal at haba pa niyon. "O, bakit? Anong kailangan mo?" aniko nang makalapit siya nang tuluyan. Naamoy ko ang pawisan niyang katawan. Mamasa-masa rin ang kaniyang buhok at may tumutulo pang pawis sa kaniyang noo. Wari ko'y katatapos lang ng training nila. Sa susunod na buwan na ang regionals kaya siguro puspusan na ang kanilang pag-eensayo. Bigla akong nakarinig nang mahinang hagikhikan sa 'di kalayuan. Noon ko lang napansin na naroon din pala ang mga ka-teamate niya sa basketball. Nahagip din ng paningin ko na nag-apiran pa ang mga ito at tila tuwang tuwa sa pagsusungit na ginawa ko sa kaibigan nila. Si Justine ay napakamot naman sa kaniyang batok. Imbes na mainis sa sinabi ko ay mas lalo pang lumawak ang ngiti sa labi niya. "Hoy, Justine! Wa effect ang new hair cut mo kay Ms. Sungit! Hindi man lang napansin!" sabay halakhak ng malakas ni Andrie. Nagsitawanan din sina Arshel at Edward. Bahagya rin akong natawa sa biro na iyon ni Andrie pero hindi ko ipinahalata. "Hindi siya magiging si Chin ko kung hindi niya ako susungitan," aniya ni Justine sabay kindat pa sa akin. Malakas na kantiyaw ang natanggap namin pagkatapos niyang sabihin iyon. Napatingin tuloy sa gawi namin ang mga estudyante na napapadaan sa harap namin. At iyong iba naman ay patay-malisya lang. Agad akong nag-iwas ng tingin kay Justine. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Hindi dahil kinikilig ako, kung hindi dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon. Buwisit na lalaki ito! Ang aga-aga bumabanat! Nakakainis! "Chin?" muli pa ay kuha niya sa atensyon ko. "Bakit nga sabi?!" napalakas kong sinabi sabay angat ng tingin ko sa kaniya. Hindi ko itinago ang inis sa mukha ko. "Bakit ba ang sungit-sungit mo sa akin?" Ngumuso siya. "Bakit ba kasi ang kulit- kulit mo rin, ha?" iritado kong sinabi. "Hindi ka naman dating ganiyan sa akin, Chin. Pero bakit noong nalaman mong may gusto ako sa iyo, nag-iba ka na?" Bakas ang lungkot sa boses na iyon ni Justine. Inirapan ko siya. "Hindi ko na kailangang sabihin pa dahil sinabi mo na." Sandali siyang natahimik. Maya-maya pa'y muli siyang nagsalita. "Masama bang magkagusto sa iyo?" Napalunok ako sa sinabi niya. "Hawak ko ba itong puso ko? Hindi ko naman siguro kasalanan kung ikaw ang gusto nito," aniya sabay turo sa kaniyang kaliwang dibdib saka niya ko matamang tinitigan. Bigla akong nakonsensiya at iniwas an g tingin sa kaniya. May punto si Justine. Hindi masamang magkagusto sa taong itinitibok ng puso mo dahil kahit ikaw pa ang pinakamatalinong tao sa buong mundo ay hindi mo makakayang diktahan kung ano man ang nilalaman nito. Mahirap pigilan lalo na kung hulog na hulog ka na sa taong iyon. Walang kasalanan si Justine. Ako ang may kasalanan dito. Ayoko siyang paasahin dahil alam ko sa sarili ko na hinding-hindi ko siya magugustuhan. Hinding-hindi ko maibibigay ang gusto niyang mangyari. Maraming babae ang nagkakandarapa kay Justine, kaya alam kong mahahanap niya rin ang babaeng para talaga sa kaniya. Ang taong kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay niya at mamahalin din siya pabalik. At hindi ako ang taong iyon. Malabo pa sa malabo na mangyari ang bagay na iyon. Muli pa ay narinig ko ang mahinang tawanan nina Andrie, Edward at Arshel. Tinignan ko sila ng masama at saka ko sila inirapan. Sinaway naman sila ni Justine at saka pinaalis. Mga sira ulo! Imbes na suportahan ang kaibigan nila ay nagawa pa nila itong pagtawanan. I sighed and looked at him again. "I'm sorry, pero wala talaga," pabulong kong sinabi pero sapat na para marinig iyon ni Justine. Sinadya kong paliitin ang boses ko para siya lang talaga ang makarinig. Ayoko naman siyang pahiyain sa harap ng maraming tao lalong lalo na sa harap ng mga kaibigan niya. Lumungkot ang mukha ni Justine pero ngumiti pa rin siya kahit alam kong pilit iyon. Hinawakan ko ang braso niya. "Hindi ako ang babaeng para sa iyo." Bumuntong-hininga ako at saka nagpatuloy. Mabigat din naman sa dibdib ko na sabihin ang lahat ng ito dahil alam kong masasaktan ko siya. "Maraming ibang babae riyan na mas better pa sa akin, Justine. Iyong mas deserve sa atensyon mo. Huwag mong sayangin ang oras at panahon mo sa akin dahil hindi ko kayang tumbasan kung ano man iyang nararamdaman mo para sa akin.. Ikaw na ang nagsabi at sa iyo na rin mismo nanggaling... Hindi natin hawak ang puso natin... Kaya pasensiya na...Alam kong naiintindihan mo ang ibig kong sabihin." Napakagat-labi ako nang makita ko ang pamumula ng kaniya mga mata. Alam kong nasasaktan ko siya ngayon, pero mas masasaktan siya lalo kung patatagalin ko pa ito. Ayoko siyang paasahin sa wala. Justine deserves someone better than me. Magsasalita pa sana si Justine nang naudlot iyon dahil sa biglaang pagbukas ng pinto ng faculty room. Nakangiting mukha agad ni Jade ang nakita ko. May hawak siyang kulay asul na folder. Napatingin siya sa katabi ko at bahagya pa siyang nagulat nang nakita niya kung sino ang kasama ko. Kalat sa school na ito ang panliligaw sa akin ni Justine. Kung kaya't nang nakita ko ang mapanuksong ngiti sa labi ni Jade ay hindi na ako nagtaka. "Nakakainggit naman.. Ang aga-aga, nagliligawan na," tukso ni Jade saka niya ako siniko. "Napadaan lang si Justine, Jade..." I said without looking at her. Hindi ko rin magawang tingnan muli si Justine. Nagi-guilty ako. Pakiramdam ko ang sama kong tao dahil sinaktan ko siya. "Tapos ka na ba? Balik na tayo sa room?" "Tapos na rin ba kayo?" Nanunukso niyang tanong na sinundan pa nang pagbungisngis. Pabiro ko siyang hinampas sa braso. "Oo, tapos na. Kaya halika na't umalis na tayo. Baka nag-uumpisa na ang klase natin," sabi ko saka ko siya hinila sa may braso. "Francine, hindi ka ba magpapaalam sa lover boy mo?" saka siya kumindat sa akin. Napatigil ako sandali at binalingan si Justine na nakasunod ang tingin sa akin. Napalunok ako nang magtama ang mga mata naming dalawa. "M-Mauna na kami," ani ko. "Ayie! Kinikilig ako! Panagutan n'yo ang kilig ko ngayon!" Parang batang sinabi ni Jade. Pinukol ko siya nang masamang tingin at saka ko siya tinalikuran. Pero bago niyon ay narinig kong nagsalita si Justine dahilan para mapatigil akong muli. "Teka lang!" mahinahon niyang sinabi. Huminto ako at mataman kong sinundan ang bawat paghakbang niya hanggang sa makalapit si Justine sa akin. Nang tuluyang makalapit ay hindi ko inaasahan ang mga sumunod niyang ikinilos. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na nakatabing sa aking mukha. Mabilis niyang inilapit sa akin ang kaniyang mukha. At sa isang kisap-mata ko lang ay mahina siyang bumulong sa tainga ko. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyon nang ganoon kabilis. Naramdaman ko na lang na nagsitaasan ang balahibo sa katawan ko nang dumampi ang mainit niyang hininga sa balat ko. Pakiramdam ko'y may nag-iba bigla sa awra ni Justine. "Kahit anong sabihin mo, hindi kita susukuan, Chin. Magiging akin ka at walang sino man ang puwedeng makinabang sa iyo," mariin niyang sinabi. Bakas ang galit sa boses na iyon ni Justine. Napalunok ako habang nakatitig sa puting pader. Gusto kong itulak si Justine ngunit traidor ang katawan ko. Hindi ko alam kung bakit tila wala akong lakas na gawin iyon. Bigla akong nakaramdam ng takot sa kaniya. "Akin ka lang, Francine Harl Perez!" aniya at saka siya tuluyang naglakad palayo sa akin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD