Halos nanginginig siya sa nerbiyos habang papunta sa office nito. Sinipat muna niya ang sarili sa salamin at nag retouch retouch muna bago na nagbilang siya ng sampu bago tuloyang napagpasyahan na niyang bumaba. It's 10am Kaya siguro naman ay tapos na ang mga early meetings nito at mga appointments ang balak niya mag set nalang muna ng appointment kung di pwede ang imprumpto questions o interview dito.
Kabado is understatement para siyang nanlalambot papasok sa napakatayog an gusali na yun, sa hula niya ay nasa forty palapag ang gusali. Kaagad siyang pumasok sa salaming pinto lalo may guard naman halatang high class ang lugar na iyon. Larawan ng karangyaan ang boung lugar mula sa labas hanggang sa loob.
"Good morning Maam!" bati ng magiliw na gwardya. Maganda siya ayon sa mga kakilala niya kaya di na siya nagulat na may nakatingin sa kanya. Charr syempre kailangan niya ng lakas ng loob para maisagawa ng maayos ang kanyang misyon sa lugar na iyon. Ang dapat niyang isipin ay ginagawa niya sa lugar na iyon sa ngayon. Delikado ang
"Good morning!", bati ko din, akmang magtatanong ako sa guard nang iba na ang binabati nito. Kaya naman ay nakahiyaan na niyang magtanong uli kaya naman ay nag tuloy nalang siya, hinanap niya ang reception area.
After ten years nakita niya din na may tatlong receptionist doon sa laki ng gusali malamang maghapon siyang magahahanap ng opisina ni Mr.Lacsamana kung di siya magtatanong. Di siya komportable na magtanong ng magtanong ngunit wala siyang choice kundi ang magtanong kung ayaw niyang maubos ang oras niya sa kakahanap palang ng opisina ni Mister Lacsamana.
May kausap na mga grupo ng lalaki ang isang receptionist halatan pawang mga big time negosyante ang mga ito at ang isa ay isang matanda ang kausap, lumapit siya sa isang receptionist.
"Hi good morning!" bati niya sa babaeng receptionist, pinalabas niya ang pinakatagotago niyang dimples at maputing ngipin. Nakita niyang napatingin sa gawi niya ang mga lalaki, pero wa pakels ang lola nyo, sanay na siya.
"Yes Ma'am how may i help you?" Magalang at magiliw na tanong nito.
Sinabi niya ang pakay niya sa babae at pakilala ko sa babae ang aking sarili at least di ako nautal. Ngunit bago sumagot ang babae ay lumingon ang babae sa gawi ng mga lalaki. Syempre lumingon din siya, tsismosa yata siya charr.
Pero napalunok siya bigla ng mabistahan ang mukha ng mga ito. Pawang malalaking tao sa tantiya niya ay mga six footer ang mga ito. Kung gandang lalaki ang pag uusapan ay walang itulak kabigin sa walong lalaki. Ngunit isang lalaki ang umagaw ng atensyon niya seryuso ang mukha nito at naka three piece suit.
Nang magtama ang aming paningin ay agad na napabawi siya bigla ng tingin, bigla kasing nanayo ang balahibo niya at bigla siyang kinabahan na di niya mawari. Mistula kasing may kakaiba sa tingin nito.
"Ms. Love June 5, meet me at the rooftop of this building!" sabay talikod ng lalaking yun na nagpanganga sa kanya. Di niya lubos akalain na ang lalaking iyon ay si Gabriel Lacsamana mismo.
"S-iya? siya si Mr. Lacsamana?" baling ko sa receptionist. Kailangan niyang isatinig ang bagay na iyon.
"Yes ma'am, siya nga po!" Magalang na sagot ng babaeng nakausap niya.
"Sige thank you-"sinilip niya ang nametag nito.
"Ms.Jane!"
"Your welcome ma'am!" Agad na tumalikod na siya napakamot naman siya sa ulo kasi May 5 palang. Isa lang ang ibig sabihin isang buwan pa bago niya ito maiinterview. At matagal pa ang hihintayin niya.
Tumunog ang cellphone niya agad naman na huminto muna siya sa isang lounge upang umupo tila naubosan siya ng lakas dahil doon sa nangyari kanina. Kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag si Adonis ang nasa kabilang linya.
"Hello?" matamlay kung bungad.
"O ano momma? mukhang negative ang result," malungkot nitong saad.
"June 5, pa ang sched ko e panu yan?" sabi ko dito halos napapiksi niya ng marinig niya ang hiyawan.
"Really? nakapagpasched ka? omg ganda lang ang kailangan pala, o siya congrats!" si Venus mukhang nakaloud speaker pa.
"LJ, si Mr. Choi ito dahil diyan may two months leave ka with pay ikaw bahala kung kailan anyway thanks a lot this means a lot to us!" pinatay na ng mga ito.
Akmang tatayo na siya ng makita niya ang isang unipormado na lalaki na lumapit sa kanya. Hinuha niya ay driver ito basi na din sa pananamit nito.
"Ms. love inutosan po ako ni Mr. lacsamana na ihatid kayo, ako po pala si Mang Ben".
magalang na sabi nito sa kanya. Ang taray may pahatid pa pala. Ano pa kaya ang paandar ng buhay niya ngayong araw masyadong madaming surprise.
"Ah Mang Ben, may sasakyan naman po akong dala. Ayos na po ako!" katuwiran ko nakakahiya na masyado kung magpapahatid pa siya.
"Ganun po ba? convoy nalang po ako sa inyo. Baka ako naman ang masesante e." napakamot pa ito sa ulo. Mukhang masungit na amo ang lalaki baka bugnotin pa ito.
Maya maya pa ay ala na akong nagawa convoy sila hanggang sa opisina.
"Maam anong oras po ang out nyo?" tanong nito na pinagbuksan pa siya ng pinto ng sasakyan.
"Po?" tila nagulat pa siya sa tanong nito. Nagulat naman kasi siyang talaga kasi kailangan ba niyang sabihin pa dito ang kanyang schedule e dapat siya ang aalam nun kasi siya ang interviewer. Trabaho niya ang alamin ang mga ginagawa ng lalaki. Mukhang baliktad pero ayaw niyang mapurnada ang kanyang appointment nila rito.
"Ika ko anong oras ho ang out nyo sa work?" ulit nito.
"Ahm kuwan four pm po!" magalang kung sagot dito.
"Oh sige balikan nalang kita mamaya, sige Maam toloy na po ako." napanganga nalang ako bakit bigla akong nagkaroon ng driver. Napakurot siya ng marahan sa kanyang braso baka sakaling nananaginip lang siya. Nang masaktan ay napailing nalang siya mukhang napag tripan siya nito.
"J sino yun?" si Beth na hatid tanaw ang papalayong si Mang Ben.
"Si Mang Ben, driber ni Mr. Lacsamana."sagot ko.
"Wow iba ka! may pa driber, ano kalbo ba yung Mr. Lacsamana?" usisa ni Venus.
"Bata pa siya, tsaka okay naman ang buhok niya di naman panot gaya ng hula mo." sabi ko.
"Whee so gwapo?" usisa ni Adonis.
"Oo gwapo!" sagot ko habang inaalala ang mga titig nito na nakakapagbigay ng kilabot sa kanyang puso.
Nang makapasok sa mismong opisina ay may pa baloon at confette pa sila. May maraming pagkain na nakahain para daw yun sa kanya at yun ay selebrasyon dahil sa pagkaka pa sched palang niya. Paano kung ma interview na niya baka pasabitan na siya ng award ng boss nila. Nang ma imagine ay napangiwi nalang siya.
Kinahaponan ay wala namang Mang ben na sumundo sa kanya. Mukhang nakalimutan na nito ang sinabi sa kanya. Kaya naman ay winaglit na niya iyon sa isip niya gayunpaman ay paulit ulit na umuukilkil sa kanyang balintataw ang emahe ng lalaki ni Mr. Lacsamana. Ang mga mata nitong tila nangangako ng walang katapusang ligaya.
Animoy isang lawin na handang dumagit ng maya at ang maya ay siya. Parang ang tayog tayog lang ng lalaki dahil bilyon bilyon ang laman ng bulsa nito. Siya naman ay simple lang ang buhay niya di man sila mayaman ay maalwan ang kanilang buhay kaysa iba.
Kinabukasan ay laman ito ng balita sa isang interview sa isang tv station di umano at dumating na sa bansa ang ex girlfriend nito na isang supermodel.
"Hi Gab, Are you seeing someone now?"tanong ng host sa lalaki.
"Yes!" sagot ng lalaki na bahagya pang ngumiti.
"Ohh, sayang naman anyway any message for that someone." sabi ng host na nag interview dito.
Tumitig ito sa camera na ikinapitlag niya muntik pa siyang mahulog sa inuupoang stall.
"Hoy babaeta kunting ingat, kuu pag nahulog ka diyan at mainjured lalong lalabo ang forever mo." pang aasar ng pinsan niya si Erah, palibhasa e sabado kaya nasa kanila ito.
Pinsan niya ito sa mother side niya.
"Hi Sweetheart, will see you soon,"sabi nito at ngumiti pa. Tila kinilig naman siya.
"Ay dalaga na ang inyong anak tita, kinikilig na ang kanyang alak alakan, taray bilyonaryo ang pontirya tatandang dilag ka diyan ate Lj." pang aasar ni Erah.
Napailing iling nalang siya at di nalang niya pinatulan ang problema naman niya ang pa blind date ng pinsan niya. Di niya type ang lalaki pero wala siyang nagawa ng sinabi na nito kaya mas pinili nalang niya na manahimik.