BCS2

1421 Words
"Our sales is getting lower each month di pupwedeng ganito, kinakailangang may gawin tayong paraan." si Mr. Choi ang may ari ng Pub Royalty kaibigan ito at ang asawa nito ng kanyang ina. Sa pagkakaalam niya ay naging kaklase ito ng Mommy niya noong nasa kolehiyo ang mga ito. Si Ms. Galvan naman ay tila asong di matae sa gilid panay ang patunog ng mga daliri. Parang napakabait ng amasona pero alam naman ng mga tao kung gaano ito ka empakta. It's a company general meeting kaya lahat ay present di naman ganun kalaki ang pub royalty kaya konti lang ang empleyado. Mula sa editors at office staff ay napakakonti lang ng tao. Sa halip kasi na umunlad e tila pabaliktad ang takbo ng Pub royalty palubog ang nangyayari. "And now isang tao lang ang dapat interviewhin pero di tayo makagawa ng maski appointment man lang, what's the problem?" baling nito sa babae na tahimik lang sa isang tabi akala mo e pagkabait bait, samantalang kung sila sila lang para itong Tigre. Inayos muna nito ang upo bago nagsalita. "Sir we really did our best I even send them our best writers to do the interview and book an schedule. Pero pinipili lang daw ang pinapayagan na company para mainterview si Mr. Lacsamana." sagot ng matanda. "And who are those writers?" untag ng matanda na nakamata sa babae na kunwari ay anghel. Alam niyang madadagdagan ng pagkakalbo ni Sir pag makilala ang mga best writers nito. Agad namang inisa isang itinuro ang mga writers na pawang mga matanda na din. May bata bata pa naman ang pinakapaborito nitong makapal mag make up at ang tila si Dracula na laging makapal ang red lipstick. Sa chacka ng mga ito kahit ako ay di magpapa unlak ng interview. They don't even look presentable tsaka maging sa trabaho ay petiks petiks lang ang mga ito. Samantalang ang iba malayo palang e nabubugahan na ng matanda. "Oh I see! now we need that interview badly and LJ hija, I want you to do the interview." baling nito sa kanya. Nagulat siya ng marinig niya ang kanyang pangalan. "Ay ako po?" tanong ko na itinuro pa ang sarili niya namali yata siya ng dinig alam niya e accountant siya at hindi researcher o writer. She never dream to become one of them. Parang ang boring kasi pag ganun yung tipong lakas maka chismosa ng trabaho mo. Aabang ng update sa buhay ng iba and it is totally not her forte. "Yes you! please I need your help badly!" pagsumamo nito. I see diperation in him alam ko na ito nalang ang magsasalba sa kompanya sa tiyak na pagbagsak. Di niya kasi maintindihan kung bakit ayaw pang tanggalin nito si Miss Lara gayong di naman ito effective sa trabaho nito. "Pero hindi po ako writer, accountant po ako Sir, kung puro number ang topic baka pwede pa po pero pag ganyan po e di ko po forte ang ganyang mga bagay!" sabi ko di ko pa maiwasang di mapangiwi ng pag tingin ko kay Ms. Galvan ay nanlalaki ang mata na tila sinasabi na pumayag kana. Eh kung pumayag kaya ako kapalit ng pagkakasesante nito. Bwahaha. Parang gusto niyang matawa sa kanyang naisip, sometimes its good to be bad lalo na kung bad naman ang gagawan mo ng bad. "All questions will be scripted all you have to do is to record his answer and done. Please Hija we don't have any choice or else magsasarado na tayo. We have to try all possible ways to get that interview!" pakiusap nito sa kanya. "Paano po kung pumalpak ako?" nakangiwi kung tanong so paano nga kung pumalpak ayaw niyang masisi. Tsaka di naman niya obligasyon ang pagsalba ng kompanya it is a responsibility of the heads. Kung sana kasi magaling sa strategic plan ang editor in chief ng kumpanya di sana di aabot sa ganito ang lahat. "Walang problema hija at least we've try kung hindi talaga ay wala tayong magagawa. Alam kung doctor ang ikalawang anak ni Mr. Lacsamana malay natin makuha natin sa ganda." biro nito. Namula naman ako ng slight sa biro ni Sir. "Naku Sir ah, baka po masungit." sabi ko uli, alam nitong di ko ito matatanggihan lalo pa nga dahil halos sanggang dikit niya ang asawa nito. "Use your charm! Beess" si Adonis na sumabat na. "O kaya mag two peace ka be, tapos rumampa ka sa harap niya deritso na ang pag alok agad na maging jowa agad. Diba hiring ang jowa position sayo?" pang aasar ni Venus. "Ako bahala sa make up mo!" sabat naman ng paborito ni Satana. "Ay no need na, simplehan lang natin." sansala ni Adonis sa sasabihin ng babae. Hanggang sa pag uwi ay dala niya ang problema sa trabaho, kaya naman ay nawalan na siya ng ganang kumain pa. He is imagining Mr. Lacsamana as a very strict and dominant sa yaman nito, at sa laking personalidad nito malamang mabigo din siya. Isang bilyonaryo ang lalaki ayon kay Adonis mailap sa media ang lalaki kaya ni walang pictures ang mga write ups tungkol dito. Sabi nga niya pwedeng pwede naman na gawan gawan lang nila ng kwento pero ang sagot ng baklita ay. "Gusto mong makulong? pwede kang edemanda gaga ka kasi need ng pahintulot mula sa tao na nagsabi nun at kung malas malas kapa mag mumulta kapa, baka kulang pa sa halaga ng kompanya na itey ang danyos" Kaya ito nanghiram na siya sa kapatid niya ng damit ayon kasi sa source nila ayaw daw ng naka formal attire na mag iinterview kaya ang ending isang crop top na white at butas butas na skinny jeans ang napili niya sandals na beige. And the interview will be tommorow kaya naman imbes na mag memorize ng gabi e natulog siya bakit ba e gusto niya fresh siya bukas kahit dinadaga siya. Maayos naman ang naging tolog niya in fact parang na recharge siya, in case pumalpak siya, okay lang at least she tried, wala naman sa kanyang mawawala. Kung snob man itong talaga e okay lang sa kanya, kung ang writer na nga ang nag interview di pa nakuha, siya pa kayang walang ka connect connect ang trabaho sa pagiging writer. Naligo siya ng matapos ay binistahan niya ang mga itatanong niya. Basic info Gabriel Lacsamana ceo Lacsamana Shipping Company, coo Tan telecommunication company, shipping magnate Questions 1.What are the future plans of your company?. 2.Are you single? 3.What is the reason why you are still a bachelor. 3.What are you looking for a woman. 4.Did you see yourself marrying next year. 5.How do you handle your personal and work life simultaneously. "Hala sa dami ng pera nito malamang mapera din ang hanap e, mga chicken ang question." himutok niya. "O anak ang aga mo naman, 6am palang o" si Mommy. "Kain ka muna." si Daddy na nagpapalaman ng peanut butter sa tinapay nito. "Mag iinterview kasi ako Mom, Dad haist di ko naman to napag aralan kaya kinakabahan ako, panu kung magkamali ako." himutok ko. "What? writer kana din?, haha will kaya mo yan, malay mo may makilala ka don na guy sa pupuntahan mo, para makaapo na din kami." nagkape na ito, siya naman tulala. Naisip niya kasi bigla, ceo na pero bachelor padin, ibig sabihin matandang binata ang kanyang iinterviewhin. Napangiwi siya ng maimagine niya na baka panot na ito, o di kaya ay puro peke na ang ipin, will di naman yun ang ipinunta niya, after asking questions ay lalayas na siya. Nag light make up lang siya, isang sling bag na kakasya lang ang recorder, camera, wallet and phone niya. Hinayaan niya lang ang buhok niyang nakalugay, medyo pinablond niya yun bumagay naman daw sa kanya. "Wow ang ganda naman ng ale, saan ang date?" si Kuya. "Mag iinterview ng DOM!"sagot ko na nabilaukan pa si daddy. "Haha goodluck, mamili ka naman anak, baka mas matanda pa sa akin." Sabi ni daddy sumimangot ako. "Trabaho po ito, tsaka ayoko sa dom no." sagot ko bago nagpasyang lumayas at pumasok na sa trabaho at mabilis na pinasibad na ang sasakyan paalis. Anuman ang maging resulta ng kanyang lakad ay ipinapasadiyos niya nalang, lalo at ang kanyang kaba ay sobra sobra baka mag uutal utal siya mamaya. O di kaya naman ay matapilok siya bigla para magka excuse siya. "Wag naman po, masakit yun!" natawa pa siya sa naisip. Naghanap siya ng parking space at pumasok na sa loob ng building ayon sa mga kasama niya doon ang opisina ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD