BCS 1
"LJ, uuwi ng pinas ang pamangkin ng workmate ni tita mo, iset ko kayo ng date sa linggo aba'y gwapo daw yun baka matipuhan mo." si Tito na kapatid ni Mommy.
Pang ilan naba? di na niya mabilang kung pang ilan na sa mga ito ang nirito sa kanya, tatlo sa mga ito nakatuloyan ng iba niyang pinsan.
Pero she doesn't mind at all she want someone who could make her heart beat fast and she want to feel the butterfly in the stomach thing and sad to say wala pa talaga.
Minsan iniisip niya na baka overrated lang ang mga kwento ng mga inlove na kaibigan niya she is a hopeless romantic kaya ito at age of twenty three ay wala pang nagiging nobyo. Kahit na may mga naging crushes naman siya during younger years but then it's just end up that way.
"Sige po Tito kayo po ang bahala." sagot ko habang abala sa pag scroll sa Peysbook account niya.
"Anong ako ang bahala? hoy Love Jade ipapaalala ko sayo naku kang bata ka gusto mo bang magaya kay Tita Maris mo? kay Tita Joan mo at sa iba mo pang tiyahin na matandang dalaga. Hala sa linggo ha Ate tutuloy na ako gusto atang tumandang dalaga nitong anak mo." tumayo na ito na iiling iling. Napakamot nalang siya malamang dumaan lang ang Tiyuhin niya para lang doon.
Di naman yun bago sa kanya siya na kasi ang susunod ang Ate Lauren niya ay naikasal na sa boss nito nung nakaraang buwan lang at nagdadalangtao na in short siya ang nasa critical age.
"LJ, anak seryusohin mo naman ang sinasabi namin sayo, ayokong matulad ka sa mga tiyang malungkot ang mamuhay na mag isa." si Daddy na naupo na sa harap ko.
"Dad alam ko naman po iyon jowang jowa na nga po ako,
pero wala talaga e parang may hinahanap ako na something di ko matukoy." sabi ko.
"Yun naman pala e maghanap kana parang awa mo na lalo at nasa hustong gulang kana naman. Anumang oras na gustohin mo nang mag asawa ay agad agad kaming papayag ihahatid pa kita." si Mommy na humihigop ng kape niya.
"Wow, supportive parents haha para nyo naman akong binubugaw niyan." reklamo ko na kakamot kamot pa.
"Talagang talaga kinakailangan ka nang ibugaw, kasi kung ang sarili mo lang ang aasahan malamang sa pagtandang dalaga ang tungo mo." si Kuya Larry na kakalabas lang mula kusina karga ang bunsong anak nito.
"Sige mag pupursige na akong maghanap ng forever na sosobrahan na ako sa push e. Lalayas na ako Mother earth, Father and Brother at baka abot hanggang ermita na naman ang nguso ni Ms. Galvan." paalam ko sabay samsam sa mga dala dala niyang gamit malamang kasi mahaba habang diskusyon ng aking pagtandang dalaga ang topic nila kung mananatili pa siya.
"Sige ingat baka mahawa ka ni Ms, Galvan." si Kuya na halata ang pang aasar sa mukha nito.
"Tsee asa siya solohin niya ang pag iisa." nakangisi kung sagot.
Ayaw ko ngang tumandang bugnotin nakaka stress at nakakasira ng araw ng ibang tao. Gaya ng kanilang editor in chief na walang ibang ginawa kundi ang maninghal na tila ay kakain ng tao.
Lulan ng kanyang second hand toyota vios papasok sa pinapasokan niyang publishing company, isang lumang publishing company, kung iisipin ay palubog na nga daw pero sa ngayon kulang pa ng isang taon para matapos niyang hulogan ang sasakyan niya kaya titiis tiis muna siya.
Matapos niyang i park ang kanyang kotse ay bumaba na siya papasok palang siya sa lobby ay nakita na niya ang kaibigan s***h katrabaho si Adonis. Di man halata pero mas babae pa sa kanya ang damuho naka tshirt ito malamang di naman nito need na mag uniform lalo at writer ito at editor minsan.
"O ang aga mo namang tumambay diyan receptionist kana? fairness bagay ka diyan." bungad ko dito.
Umirap ito sabay pilantik ng daliri na animoy hinahawi ang imaginary hair kuno.
"May sapi na naman si Satana," pakwela nito, "And right now e bumubuga siya ng lava at malamang umuusok ang sinumang masalanta niya." si satana ang bansag nila sa matandang dalagang editor in chief ng company nila short for satanas napaka sungit nito at makaluma puro kapanahonan niya ang ina adopt nito. Napaka luma ng mga ediya nito kasing luma na ng gusali na kanilang ginagamit na ilang siglo na ata ang edad. Isa iyon sa mga hinala nila na reason kung bakit unti unti na nawawala sa trend ang kanilang magazine at ngayon ramdam nila ang crisis lalo siya na nasa finance department alam niya na halos e wala nang kinikita ang kompanya nila.
Sa tuwing sinubokan nila na i propose na ibahin ang ilang flatforms nila para ika nga e makasabay sa makabagong uso, lalo at ang mga tao ay more on gadgets na di na uso ang dyaryo, comics, novels etc. pero matigas pa sa marmol na sahig ang paninindigan nito na doon sila nag umpisa kaya yun at yun na forever e di wow siya na ang may ka forever ayaw niyang mag move on sa new era.
"Bakit na naman?"inayos ko ang damit kung bahagyang nalukot.
"Malamang may regla." sabat ni Beth na nakangisi parang hindi writer will di naman kasi kailangang pormal pag writer tumawa at nag appear ang dalawa mga abno din to e.
"Matino na bakit nga? alam naman nating baka tuyot na nga ang palayan ni Satana no." tanong ko.
"Kasi nagpadala na naman ng writer ang bruha para ma interview ang CEO ng Lacsamana Shipping Company, ayon bukya na naman sila Tey." si Venus.
"Kasi sino ba naman ang magpapa interview kung chacka ang nag iinterview buti sana kung bet niya yung may betlog na gaya ko ay naku walang patumpik tumpik mag pa flylalo na agad ang inyong diyosang lingkod." maarteng sabi ni Adonis.
"E ayaw sa may lawit diba at ikaw LJ accounting graduate ka diba with flying color bakit ka nga ba uli nagtatyaga dito?" si Venus.
"Kasi si Mommy kinausap ng may ari na kung pwede na dito muna ako till such time na makahanap na sila ng pwedeng ipalit." malaki ang sahod niya yun ang talagang rason kasi sa ibang company pag walang experience mahihirapan ka so double purpose una sahod and experience kasi sa panahon ngayon kahit gaano ka kagaling pag walang experience e useless padin ang degree mo.
"Ay ang taray buti pa siya may option e ang heart mo kumusta may laman naba?" si Beth.
"Ay ito nananatiling bukya padin." sagot ko dito.
"Ano mag chismisan nalang kayo diyan? e nag uumapaw na ang usok sa ilong ni Satana doon malapit na siyang mangisay." pukaw ni Venus, natatawa akong sumunod sa mga ito.
Natatawa pa kami kay Adonis kasi nag kikinding kinding lang naman habang naglalakad na animo ay nasa catwalk.