Chapter 3 - Pretend

2316 Words
CHAPTER 3 “PLEASE, Hestia. Ngayong gabi lang.” Bumuntong hininga at at mariin na umiling sa pakiusap ni Yesxia. Nakatutok pa rin ang mga mata ko sa reviewer na binabasa ko at hindi siya tinatapunan ng tingin. Narinig ko ang pagpadyak niya sa sahig. “Please, Hestia. Promise, mabilis lang ako,” ungot na naman ni Yesxia. Pasaring akong naglipat ng tingin kay Yesxia na nakauapo sa paanan ng kama ko habang ako ay nandito sa study table ko. “Alam mo kung anong araw at anong meron bukas, bawal ka magpunta ngayon sa mga bar,” paalala ko sa kanya. Humaba ang nguso niya sa sinabi ko. “Saglit lang naman, e. May kikitain lang ako.” Napailing ako sa katigasan ng ulo niya. “Promise, babalik agad ako,” aniya at tumayo saka lumapit sa akin. “Please, Hestia. Saglit lang ako. Wala pang one hour.” Napahilot ako sa sintido ko na nagsisimula nang sumakit dahil sa kakulitan ni Yesxia. She wants to go outside, in the middle of the night! At kanina niya pa ako kinukulit dito sa kwarto ko! “Sino ang kikitain mo?” tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay. “Si Mattrix.” My eyes narrowed. “Don’t tell me are you going to pretend as me again in front of him?” hindi makapaniwalang tanong ko. Noong nakaraan lang ay nalaman kong nakipag-date siya kay Mattrix bilang ako. She nodded her head. “Nalaman ko kasing may gusto sa ‘yo si Mattrix, kaya gagamitin ko ang chance na ‘yon. You know how much I like him.” Mas lumapit pa siya sa akin at ipinagdikit ang dalawang palad saka nagmamakaawang tumingin sa akin. “Please, Hestia. Payagan mo na ako. Doon ka lang naman sa kwarto ko kung sakaling sisilip si Papa.” I sighed. Gusto niyang magpunta ako sa kwarto niya para magpanggap na siya kung sakaling sisilipin ni papa ang ginagawa niya. Sa akin naman ay walang problema kahit wala ako sa kwarto ko dahil ni minsan ay hindi sinisilip ni papa ang kwarto ko para tingnan ako. “Fine,” buntong hininga kong sabi. “Really?” tili niya, hindi makapaniwala. “Oh god, you’re the best twin sister ever!” Napairap ako nang sugurin ako ni Yesxia ng yakap. “Let me go, Yesxia.” Mabilis naman niyang sinunod ang utos ko at nag-peace sign na lang sa akin. Napailing na lang ako at umalis na mula sa pagkakaupo sa bangko para kunin sa cabinet sa banyo ang retainer na katulad na katulad kay Yesxia. Yesxia and I are identical twins. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung mas pinili naming maging pareho rin ang hairstyle namin dahil nga sa pagiging kambal namin. Hindi rin naman nagkakalayo ang kulay ng kutis namin sa isa’t isa. Halos magkasing tangkad at katawan lang din kaming dalawa. Kaya ‘pag nagsama kaming dalawa ay mahirap alamin kung sino si Yesxia o ako sa aming dalawa. Nakikilala lang kami ng mga tao dahil sa retainer. Madalas na may suot na retainer si Yesxia at ako ay wala. Bukod doon, magkaiba rin kami ng pag-uugali ni Yesxia. She’s friendly, jolly, at palaging nakangiti. Kabaliktaran sa akin na palaging seryoso at hindi pala-ngiti. Ang mga ‘yon ang naging palatandaan namin sa mga tao para makilala nila kami. Nang makapagbihis at masuot ko na ang retainer na kagaya kay Yesxia ay nagtungo na ako sa kwarto niya at doon itinuloy ang pagbabasa ko sa reviewer—naghahanda kasi ako sa exam para bukas—habang si Yesxia naman ay umalis na para makipagkita kay Mattrix. Kasalukuyan akong naghihikab nang makarinig ng pagkatok sa pintuan ng kwarto ni Yesxia. Bahagyang namilog ang mga mata ko nang magkaroon ako ng kutob na baka si papa ‘yon. Dali-dali akong umalis sa kinauupuan ko at tinakbo ang pintuan. Huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili ko bago tuluyang buksan ang pinto. And I was right! It’s Papa! “Hello, Papa,” nakangiting bati ko. “Why are you still awake, Yesxia?” he asked. Bahagya kong niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan para makita niya ang loob ng kwarto saka ko itinuro ang librong nasa ibabaw ng kama. “I’m still studying pa po, exam na po kasi namin bukas,” paliwanag ko. Kahit ang boses ko ay pinalambing ko katulad ng kay Yesxia. He nodded his head. “Okay, I just checked you. I won’t bother you anymore. Go, continue your study. I’m leaving.” Sunod-sunod akong tumango. “Yes, Papa. Goodnight.” Hindi na niya tinugon ang sinabi ko at tinalikuran na ako. Ako naman ay bumalik na sa loob ng kwarto at isinara na ang pinto. Malalim akong bumuntong hininga kasabay ng paglaho ng ngiti sa labi ko. Madalas naming gawin ito ni Yesxia; ang magpapanggap siyang ako habang ako naman ay magpapanggap bilang Yesxia. At masakit man tanggapin ang katotohanan, kahit ang sarili naming ama ay nalilinlang namin sa ganitong gawain. Patunay na hindi niya talaga kaming kilala na mga anak niya. Ang mama naman namin ni Yesxia, hindi ko alam kung nasaan siya. Bata pa lang kami ni Yesxia nang iiwan niya kami nila papa. Bumalik na lang ako sa kama ni Yesxia at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa reviewer na hawak ko habang panay ang sulyap sa clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Lumalalim na ang gabi pero wala pa si Yesxia. Ang sabi niya sa akin ay mabilis lang siya, pero isa’t kalahating oras na ang lumilipas ay wala pa rin siya. Hindi ko namalayang nakatulugan ko na ang paghihintay kay Yesxia. Nang magising ako ay alas y kwatro na ng umaga. Sinubukan kong hanapin si Yesxia sa kwarto niya ngunit kahit anino niya ay wala. Dahil hindi na ako makatulog ulit at malapit naman na ang oras ng paghahanda ko sa pagpasok, bumalik na lang ako sa kwarto ko at laking gulat ko nang dito ko matagpuan ang hinahanap ko, si Yesxia! “Hey, wake up,” sambit ko habang niyuyugyog ang katawan niya. “Yesxia, gumising ka na at umalis sa kwarto ko. Oras na rin para maghanda ka sa pagpasok natin.” “Stop, Hestia. I’m still sleepy,” aniya nang magising, pero nananatiling pikit ang mga mata. Nagkasalubong ang kilay ko nang magsalita si Yesxia ay may naamoy akong kakaiba. “You’re drunk?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Hey, wake up, Yesxia! Answer me! Are you drunk?” Inis na nagmulat ng mga mata si Yesxia at tinitigan ako. “Yes, so stop shaking me. My god, Hestia. Susuka ako nang dahil sa ‘yo.” Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. “You! Paano mo nagawang uminom, alam mong may exam ngayon.” She let out a sigh. “Ikaw na lang um-attend sa class ko. I’m still sleepy. Hindi ko rin kayang bumangon. Pakiramdam ko, umiikot ang paningin ko.” Humawak pa siya sa sintindo na tila biglang sumakit iyon. Nameywang ako sa harapan niya, nasa kama pa rin siya at ako ay nasa gilid ng kama. “How about my class? May exam din kami ngayon,” sabi ko. “Come on, e ’di um-absent ka. Alam mo namang hindi puwedeng ako ang wala ngayon sa exam. I’m a top student,” iritado niyang sabi at nagtakip ng unan sa mukha. Natahimik ako at hindi agad nakapagreact sa sinabi niya. Si Yesxia naman ay bumalik na agad sa pagtulog, humihilik pa. Parang may kung anong bumara sa dibdib ko dahil sa sinabi ng kakambal. Pakiramdam ko ay nasupalpal ako ng katotohanan na mas mahalaga ang buhay niya kaysa sa akin, pero alam kong hindi intensiyon ng kambal ko na sabihin ‘yon sa akin. Dahil kung may masasabi man akong taong nagmamahal sa akin, tanging ang pangalan lang ni Yesxia ang masasabi ko. Napabuntong hininga ako at nagtungo na sa banyo para maligo. At labag man sa loob ko, pumasok ako sa school bilang si Yesxia. Nang papasok pa ako ay nakasalubong ko pa si Raileigh at saglit itong nakausap, at tulad ng inaasahan, hindi niya ako nakilala. Alam kong magkakaroon ako ng problema sa pag-absent ko sa araw ng exam, pero hindi ko puwedeng pabayaan na mapahamak si Yesxia. Isa siya sa pinagpipilian ng school na maging c*m Laude. Bukod doon, ayaw kong mapahamak siya sa ama namin kapag nalaman nitong hindi ito nakapasok. Mas okay nang ako ang mapahamak kaysa ang kakambal ko. AKALA ko sa pangalawang araw ng exam ay makakapasok na ako, but I was wrong. Ang tarantado kong kakambal, naglasing na naman at muli akong pinakiusapang magpanggap na siya. Kaya labag akong pumasok sa school ng bilang si Yesxia na naman. Wala akong magawa kundi sundin ang kakambal ko, pero nagsisimula na akong mamoblema dahil sa dalawang araw ng exam ay hindi ako pumasok sa mga klase ko. Ang naiisip ko na lang na solusyon ay kumuha na lang ng special examination, pero siguradong malalaman ‘yon ni Papa at malalagot ako. “s**t,” mahinang usal ko at nag-unat ng pangangatawan. Nag-ring na ang bell, senyales na uwian na. “Hey, Yesxia. Are you going home now? Wanna come with us?” tanong sa akin ng lumapit na kaklase ni Yesxia, nasa likod pa nito ang dalawang babae na pamilyar sa akin. Dahil ako si Yesxia sa harapan nila, pinilit ko ang sariling ngumiti. “I wanna come with you girls, but I’m tired na.” Pati ang arte at kung paano magsalita si Yesxia ay ginaya ko. “Sorry girls, next time na lang.” Ngumiti ito sa akin at nagpaalam na. Nang mawala na ang mga babae sa paningin ko ay agad na naglaho ang ngiti sa labi ko. Bumuntong hininga muna ako bago iniligpit ang gamit at lumabas na ng classroom. Ngiti na lang ang itinutugon ko sa bawat estudyanteng babati kay Yesxia. Dahil sa pagiging friendly ng kakambal ko ay maraming estudyante ang nakakakilala sa kanya. Aside from that, kilala rin ang kakambal ko dahil palagi itong isinasali sa competitions; gaya na lang ng debate, quiz bee, at kung ano-ano pa. Palabas na ako ng gate ng school nang may matanaw akong lalaki na naglalakad papasok ng school dahilan para matigil ako sa paglalakad. Wala sa sariling napalunok ako habang titig na titig sa lalaking naglalakad. It’s Silent! Madalas kapag nakikita ni Yesxia si Silent sa daan o kung saan man ay babatiin niya ito habang nakangiti ng pagkatamis-tamis. Kaya hindi ko malaman kung anong gagawin ko, kung magpapatuloy na lang ba sa paglalakad at babalewalain si Silent o babatiin ito. Pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa nito sa akin ay umuurong ako. Hindi ko pa rin makalimutan ang halik na ‘yon! Bumuntong hininga ako at magpapatuloy na lang sana sa paglalakad nang magtama ang tingin namin ni Silent dahilan para kumunot ang noo nito. Dahil papasok siya at palabas naman ako ng Rosevelt ay makakasalubong ko siya sa paglalakad. Kahit nagkatinginan na kami ni Silent ay ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad. Balak ko na sana siyang lagpasan nang hulihin niya ang pulso ko dahilan para mapatigil ako. I secretly rolled my eyes before I turned my back to face him. Awtomatikong may ngiti ang sumilay sa labi ko kahit na sa totoo lang ay gusto kong sumimangot sa harapan ni Silent. “Hey, Silent,” bati ko. Bahagyang bumali ang ulo ni Silent habang pinakatitigan ako. “Are you going home now?” I nodded my head. “Yes, how about you? Are you going to pick up your cousins?” “Yes, but I changed my mind,” aniya na ikinakunot ng noo ko. “What?” tanging nasabi ko. “I’ll drive you home.” Napanganga ako sa narinig. Bakit naisipan niyang ihatid si Yesxia? Hindi naman close ang dalawa! Anong meron at mukhang mabait siya sa kakambal ko? Kung ako lang sana si Hestia sa harapan niya ay kanina ko pa siya pinang-iikutan ng mga mata. ‘Pag ako ang kaharap ay grabe ang pagsusungit sa akin, pero parang anghel ‘pag si Yesxia na ang kaharap. Don’t tell me he likes my twin sister? May kung anong nanikip sa dibdib ko dahil sa isiping ‘yon. “No need,” pagtanggi ko. “May sundo ako. I just need to text Manong at susunduin na niya agad ako.” “Then, don’t text him,” aniya. Palihim na tumiim-bagang ako. “Silent, you don’t have to do this. Sige na, puntahan mo na ang mga pinsan mo. I’m sure hinihintay ka na nila,” mahinahon kong sabi. Umiling siya. “No, I’ll drive you home. Let’s go.” Nabigla ako nang hilahin na niya ako palabas ng gate. Sa harapan ng school ay may parking space, bukod pa sa parking space sa mismong loob ng school, at doon ko namataan ang pamilyar na itim na kotse ni Silent. Pinagbuksan ako ni Silent ng pinto at wala akong magawa kundi ang bumuntong hininga at sumakay na lang. Mukhang wala naman siyang planong pakawalan ako. Nang sumakay na rin ng kotse si Silent ay binuhay na niya agad ang makina at pinausad ang kotse. Humalukipkip na lang ako at sa labas ng bintana itinuon ang tingin. “Now, talk,” biglang sabi ni Silent habang nagmamaneho. Palihim akong umirap. Naiirita ako sa pakikitungo niya kay Yesxia. Tila gustong-gusto itong makasama at makausap. “Ano naman ang sasabihin ko?” Hindi ko na naitago ang pagiging mataray ko nang itanong ko ‘yon. Kumukulo talaga ang dugo ko ngayong kasama ko siya. “Tell me why you have to do this,” ani Silent na ikinatingin ko sa kanya. “What?” naguguluhan kong tanong at naglipat na ng tingin sa kanya. “Do you think I just want to send you home?” tanong niya at umiling. “No, I actually want to send you home para hindi ka makawala sa tanong ko.” Nagkaroon ng gatla ang noo ko, naguguluhan sa mga pinagsasabi niya. “What are you trying to say, huh? Just say it,” sabi ko na lang para matapos na ang usapang ito. Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago ibinalik ‘yon sa daan. Mas lalong nangunot ang noo ko nang itigil niya ang kotse sa gilid ng kalsada at ibinalik sa akin ang atensiyon. Nakaramdam ako ng panganib nang ang mga malalamig niyang mga mata ang nasalubong ng tingin ko. “Bakit nagpapanggap kang si Yesxia, Hestia?” My eyes widened. Paano… Paano niya nalaman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD