Chapter 4 - Disgrace

2206 Words
NAPALUNOK ako habang nanlalaki pa rin ang mga mata na nakatingin kay Silent. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng pandinig ko, pero imposible. Malinaw kong narinig ang sinabi niya. "Answer me... Hestia," binigyan ng diin ni Silent ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at pilit na tumawa para pagtakpan ang totoong emosyon ko. "Ano bang pinagsasabi mo, Silent? Ako 'to, si Yesxia." Nang magbalik ako ng tingin kay Silent ay may ngiti na ang labi ko. "Alam kong magkamukha kami ng kakambal ko kaya siguro akala mo--" "Stop lying, Hestia," pagputol ni Silent sa sinasabi ko. Natigilan ako nang mapansing lumalapit si Silent sa puwesto ko. Sa sobrang kaba ko ay umusog ako palayo sa kanya hanggang sa mapasandal na ako sa pintuan ng kotse. Titig na titig sa akin ang itim na mga mata ni Silent. Tila binibigyan ako ng babala na huwag nang magsinungaling pa sa kanya dahil huli na niya ako. But how? Sa tagal naming ginagawa ni Yesxia ang pagpapanggap, wala ni isa sa mga taong malapit sa amin ang nakatuklas ng ginagawa namin ng kakambal ko. Even our own father. Kaya paano siya na isang Montoalegre at hindi naman talaga malapit sa aming magkakambal ay nalamang nagpapanggap lang ako bilang si Yesxia? "Paano... Paano mo nalaman?" tanong ko. There's no point denying it. Sa nakikita ko kay Silent ay siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya. Tila alam na alam niya talaga na ako 'to si Hestia, hindi ang kakambal kong si Yesxia. "I have my own way," matipid at makahulugang sabi ni Silent na nagpakunot ng noo ko. "Stop fooling around, sabihin mo sa akin kung paano mo nalaman?" mariin kong tanong. Hindi ako natutuwa sa isinagot niya sa akin. Habang ako rito ay gulong-gulo at gulat dahil nalaman niyang hindi ako si Yesxia, siya naman ay hindi sasagutin ng maayos ang tanong ko. Mas nangunot ang noo ko nang umiling si Silent. "I won't tell you." Bumalik na siya sa kinauupuan niya at umayos ng upo. "Ikaw? Bakit ka nagpapanggap na si Yesxia?" Ngumisi ako. "I won't tell you." Panggagaya ko sa sinabi niya. Natigilan siya sa kinauupuan niya at muling lumingon sa akin. Blangko lang ang ekspresiyon sa mukha niya pero pakiramdam ko ay nainis siya sa sinabi ko. Nginisihan ko lang ang hangal na Montealegre bago nag-iwas ng tingin sa kanya at itinuon ito sa harapan ng kotse. "I don't care anymore kung paano mo nalaman na ako 'to si Hestia, dahil ang mahalaga sa akin ngayon ay ang pananahimik mo sa nalaman mo," usal ko sa seryosong boses. Sa totoo lang ay parang nanghihina ang loob ko. Ganito ako palagi sa tuwing nasa paligid ko ang isang Silent Montealegre. Pero kahit na anong panghihina o pagkalabog ng dibdib ko, kailangan kong manatiling matatag sa harapan niya. "You want me to shut up?" tanong ni Silent. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin, at dahil pagdating sa kanya ay isa akong mahinang nilalang ay hindi ko kayang salubungin ang titig niya sa akin. "Yes. I want you to shut up your mouth. Kung ano man ang nakita o nalaman mo, please keep it to yourself. Don't let anyone know about this." Wala agad akong nakuhang tugon sa sinabi ko. Ilang segundo rin ang lumipas bago ko narinig ang pagpilantik ng dila ni Silent. "What if ayaw kong manahimik lang?" he asked. Sa paraan ng pagtatanong niya ay tila nanghahamon siya. I don't know if I was right, but that's what I feel. He's challenging me. At kung tama ang hula ko, sa tingin niya ba ay uurungan ko siya? Hindi ako matatakot sa kanya. Well, atleast ay hindi ko ipapakita sa kanya ang takot ko. "Then, magkakaroon tayo ng problema," usal ko at naglakas na ng loob na salubungin ng tingin ang titig niya sa akin. And s**t, here we go again. I felt my heart beating so hard against my chest. Ito ang nagagawa sa akin ng titig ng isang Silent Mintealegre. "I'm an easy person, hindi mo kailangang pakiusapan o ano pa man. But..." Binitin ni Silent ang sinasabi para pagtaasan ako ng kilay. "May hinihingi akong kapalit sa bawat ginagawa ko." Saglit akong hindi nakapagsalita at tinitigan lang siya. What does he mean? May gusto ba siyang hingin na kapalit sa pananahimik niya? "What is it? Tell me and I'll give it to you," sabi ko para matapos na ang usaping ito. I don't wanna talk about this anymore, lalo na kung wala siyang balak na sabihin sa akin kung paano niya nalaman ang pagpapanggap ko. Nagkasalubong ang kilay ko nang makita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Silent. Nag-iwas siya sa akin ng tingin at muling binuhay ang makina ng kotse. "I'll tell you next time," aniya at pinausad na ang sasakyan. Humalukipkip ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Bumuntong hininga ako at napairap na lang sa kawalan. "Okay, whatever." After that talk, naging tahimik na ang byahe namin ni Silent pauwi. Nang makarating naman sa bahay ay basta na lang ako lumabas ng kotse niya at hindi na nagpasalamat pa. Ni hindi ko na rin inisip na magpaalam sa kanya. Nang makapasok ng bahay, I went straight to my room. Basta ko na lang inilapag sa kung saan ang bag ko at naupo sa harapan ng vanity mirror. I looked myself at the mirror in front of me. Sinusuri ko ang pagmumukha ko at tinitingnan kung may mali ba. "There's nothing wrong with my face. Kamukha ko naman si Yesxia," usal ko sa sarili at bumagsak ang mga balikat. "But how did he find out?" Iyon pa rin ang patuloy na gumugulo sa akin. How the f**k did he find out? He's just Silent Montealegre! Ni hindi niya kilala ang buong pagkatao ko o ng kakambal ko. Ni wala nga makapagsabi kung sino si Yesxia o Hestia kapag magkasama kami ng kakambal ko, even our own father. Nakikilala niya lang si Yesxia sa retainer nito. DAHIL ginulo ni Silent Montealegre ang isip ko, wala akong nagawang iba kundi ang tumunganga sa kwarto ko. Matapos kong maligo at kumain ay wala na akong ibang ginawa kundi isipin ang mga nangyari. Kaya kahit nang bigla na lang pumasok si Yesxia sa loob ng kwarto ko ay hindi ako nag-abalang tapunan siya ng tingin. Nanatiling nasa kisame ng kwarto ang mga mata ko. "How's exam?" dinig kong tanong ni Yesxia at kasabay nito ay naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gilid ko. "Sinagutan mo ba ng maayos? Sa tingin mo, makakakuha ako ng mataas na score?" Parang may kung anong pumintig sa ulo ko dahil sa narinig na tanong ng kakambal ko. Inis ko siyang tinapunan ng tingin. "Iyon lang ba ang iniisip mo?" bakas na ang inis sa boses ko nang itanong ko 'yon. Nakakunot man ang noo sa pagkagulo, itinango pa rin ni Yesxia ang ulo niya. "Yes? Ano pa ba dapat?" Mahina akong napasinghal sa sinabi niya. Naupo ako sa ibabaw ng kama para maharap siya ng maayos. "Nothing," sabi ko na lang at bumuntong hininga. "Please, leave. I want to be alone. Gusto kong magpahinga." Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Yesxia dahil sa sinabi ko pero kinalaunan ay nagkibit-balikat na lang. "Fine. I'll leave," aniya at umalis na mula sa pagkakaupo sa kama ko. Muli pa kami nagsukatan ng tingin bago siya naiiling na lumabas ng kwarto ko. Nang tuluyang mapag-isa ay sumandal ako sa headboard ng kama at pumikit. Hindi ko alam kung masyado lang bang insensitive ang kakambal ko, pero hindi niya ba nahalata na nasaktan ako sa mga sinabi niya? All she scares ay kung makakakuha ba siya ng maatas na marka kahit na ako ang sumagot sa exam niya na kung tutuusin ay siya naman dapat ang nandoon at hindi ako. Pero anong ginawa niya? Naglasing siya kaya wala akong nagawa kundi ang magpanggap na siya. Dati rati ay nagpapanggap lang kami para sa kasiyahan, hindi ko alam na aabot na sa ganito ang pagpapanggap na ginagawa namin ni Yesxia na umabot na sa puntong nanloloko na rin kami ng tao sa paligid namin. Nagsimula ang pagpapanggap namin ni Yesxia para lituhin si mama na matagal na kaming iniwan. Dahil kahit siya ay minsan nagkakamali ang hula kung sino si Yesxia at Hestia sa pagitan namin ng kakambal ko. Nang iwan kami ni mama dahil hindi na niya kinaya ang pag-uugali ni Papa, sinubukan niya kaming isama ng kakambal ko pero hindi pumayag si Papa. Kaya sa huli ay naiwan kami ni Yesxia sa puder ni Papa. Mula noon ay nangako ako sa sarili ko na poprotektahan ko si Yesxia gaya ng bilin sa amin ng ina namin. Hindi ko hahayaang masakal siya dito sa bahay. Gusto kong ibigay sa kakambal ko ang kalayaan na inaasam ni mama kaya iniwan niya kami. Para maibigay ang sinasabi kong kalayaan, hinahayaan ko si Yesxia na gawin ang mga gusto niya bilang ako para kung makarating man ito kay Papa ay ako ang mananagot. Hindi masisira ang imahe niya sa ama namin na walang ibang ginusto kundi maging perpekto kami. But no one's perfect in this world. All of us has imperfections. At iyon ang hindi maintindihan ng ama ko. Dahil lumaki siya sa isang kilalang pamilya at istrikto, nadala niya 'yon sa paglaki at ngayon ay ganoon din ang gusto niyang gawin sa amin ng kakambal ko. He's so perfectionist to the point na hindi niya alam ay nasasakal na kami ng kakambal ko. Especially Yesxia. Mataas ang expectation ng ama ko kay Yesxia. Dahil palaging nakakarating sa ama ko ang mga kalokohan ni Yesxia bilang ako, naging hindi na maganda ang tingin niya sa akin kaya ang buong expectation niya ay napunta kay Yesxia. Kaya kahit nahihirapan ang kakambal ko, wala siyang magawa kundi ang maging isang perpektong anak sa harapan ng ama ko para sa ikakasaya nito. Kaya kahit madalas na gumawa ng kalokohan si Yesxia bilang ako ay iniintindi ko siya. Para sa akin, iyon ang paraan niya para saglit na makawala sa hawlang kinalalagyan niya. Natigil ang pag-iisip ko nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. At first I thought it was Yesxia, but I was wrong. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang ama ko na pumasok sa loob ng kwarto ko. Kahit na naguguluhan, bumaba ako sa kama at naglakad patungo sa kanya para harapin siya ng maayos. Hindi niya ugaling mapagawi sa kwarto ko kaya nagtataka ako kung ano ba ang sadya niya rito. "Pa, why are you--" Natigil ang pagsasalita ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng kung ano sa pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang matantong ang likod ng palad 'yon ni Papa. Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman kong namanhid ito. Nanlalaki pa rin ang mga mata at nakaawang ang bibig na nakatitig ako kay Papa. Pakiramdam ko rin ay maiiyak na lang ako sa nangyari. "Pa... Bakit... bakit mo 'ko sinampal?" nanginginig kong tanong. I don't have any idea kung bakit bigla na lang siya pumasok sa kwarto ko para lang sampalin ako. "You deserved it!" mariin niyang sabi at bumakas sa mukha niya ang galit para sa akin. "Nakarating sa akin ang ginawa mo. Hindi ka pumasok ng dalawang araw sa klase mo, sa mismong araw pa ng examination nyo!" Kinain ng kaba ang dibdib ko nang marinig ko ang sinabi ni Papa. Natameme ako at hindi malaman kung ano ang gagawin kong paliwanag. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kaya hindi ako nakapasok ay dahil pumasok ako bilang si Yesxia. Mapapahamak ang kakambal ko kapag nangyari 'yon! "Pa..." "Stop calling me papa, wala akong anak na puro kahihiyan na lang ang dinadala sa akin!" bulyaw niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa narinig. Damn. It hurts. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo, Hestia!" galit pa rin na usal ni Papa. Lumabi ako at humugot ng hininga para maibalik ang sarili sa ayos. "Pa, let me explain--" "I don't need your explanation! Malinaw na sa akin, Hestia. You are just disgrace to this family!" After he said those words, malalaki ang hakbang na lumabas siya ng kwarto ko. Nanghihina akong napaupo sa paanan ng kama ko habang parang sirang plaka na ume-echo sa tainga ko ang huling sinabi ni Papa. "Hestia..." Napunta sa pintuan ng kwarto ko ang tingin ko nang marinig ko roon ang boses ng kakambal ko. Nakita ko siyang nakatayo roon habang nanlalaki ang mga mata. At base sa reaksiyon niya, nasaksihan niya ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Papa. Kahit na sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon, pinilit ko pa rin ang ngumiti sa harapan ni Yesxia. "Don't worry, Yesxia. I'm fine," usal ko para mapanatag ang loob ng kakambal ko. Kumpara sa ginawa noon sa akin ni Papa, walang-wala itong ginawang pagsampal niya sa akin ngayon. Pero kahit na sinabi ko sa kakambal ko na ayos lang ako ay hindi pa rin mawala-wala ang pag-aalala sa mukha niya at nakatitig pa rin sa akin dahilan para mag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD