BUMUNTONG hininga ako habang nasa malayo ang tingin ko. Hindi ko mabilang kung pang ilang buntong hininga ko na 'yon sa araw na ito. Natuon ang tingin ko sa tabi nang may maramdamang presensiya, si Silent. Gaya ko ay sumandal din siya sa harapan ng kotse niya habang pinagmamasdan namin ang ilog ng Marikina. Walang masyadong tao ang nandito kaya tahimik ang paligid. Kung meron man ay para magbisikleta sa paligid o tumambay sa damuhan. Ang iba naman ay mga kabataan na naglalaro ng kung ano-ano tulad ng habulan. Ngayong araw ay weekend. Kung natural na weekend lang siguro ito sa akin, malamang ay nasa bahay lang ako kasama ang kakambal ko. Buong araw manonood ng telebisyon o maghapong matutulog, pero dahil may Montealegre na palaging nanggugulo sa mundo ko ay nagiging parte na siya ng buha