BUMUNTONG hininga ako at dumapo ang tingin sa bintana. Kahit nagtuturo pa ang guro sa harapan ng klase ay wala roon ang atensiyon ko. Lumilipad sa ibang bagay ang isipan ko dahilan para hindi ako makapag-focus sa klase. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin, pero nasa isang linggo na rin akong ganito. Palagi akong lutang at tila malalim ang iniisip. Dumadagdag pa sa isipan ko ang ginagawang pag-iwas sa akin ni Raileigh. Hindi man ako nagpapakitang apektado ako roon o nagbibigay ng reaksiyon tungkol sa ginagawa niya, pero sa kaloob-looban ko ay alam kong apektado ako. Hindi ako sanay na ganoon siya sa akin. I'm mean to her. Lahat ng sinasabi niya ay palagi kong kinokontra. Kadalasan ang pananalita ko sa kanya ay masyadong prangka. Pero kahit na ganoon, kahit hindi halata, pinapahalagan