Sa malayong lugar na kung tawaging ay Biliran Island. May isang paaralan sa elementarya. Malayo ito sa aming bahay at kailangan pang tumawid ng kalsada upang marating ito. Malapit ito sa tabing dagat. Dito ako nag-aral mula grade one hangang grade six. Maraming matataas na punong kahoy sa likuran ng mga silid aralan. May mga usapan na dati daw itong sementeryo pero hindi ko alam kung ito ba ay totoo. Grade three ako noon nang sapian ang isang kaklase matapos silang mag-spirit of the glass. Hindi ko alam kung totoo ba ang mga kaluluwang naliligaw. Pero may mga pagkakataon na basta na lamang tumatayo ang balahibo ko lalo na kapag napapadaan ako sa H.E room. Para siyang lumang bahay na nakatayo sa loob ng paaralan namin. Paminsan-minsan ay bukas ito pero hindi ako nangahas na sumilip sa loob nito. Maraming nagsasabi na may isang lumang manika daw dito na nakakatakot at kapag ito ay tinatapon. Muli daw itong bumabalik. Hindi ko pa rin nakikita ang manika na yun pero sabi nila kulot daw ang buhok nito at bulag ang isang mata. Marumi din daw ito at hindi kumpleto ang parte ng katawan. Kapag dumadaan ako doon ay iniiwasan ko na mapatingin doon. Masyado kasing malikot ang imahinasyon ko at madali akong natatakot kaya mas minabuti ko na lang na hindi siya tignan.
Isang araw nagkwento ang aking Ina tungkol sa kababalaghan daw sa H.E room na yun. Ikinwento din daw ito sa kanya ng aming tiya. Noong daw grade 6 pa lamang ang aming Tiya na itawag na lamang natin sa pangalang Dolor ay inutusan daw silang maglinis ng H.E room. Hapon na ng mga oras na yun at malapit nang mag-uwian. Pumayag daw ito ay nagpunta sa loob. Habang naglilinis daw siya sa loob ng kwarto ay hindi daw siya mapakali. Kusa daw tumatayo ang kanyang balahibo, habang nagwawalis ng alikabok sa buong silid. Nagpunas din siya ng bintana. Hangang sa nakita niya ang isang kabinet. Luma ito at may salamin sa harapan. Kumuha siya ng basahan at pinunasan niya din ito hangang matangal ang alikabok. Ngunit ganun na lamang ang silakbo ng kanyang dibdib nang makita niya ang kahindik-hindik na itsura ng isang babaeng nasa likuran niya mula sa salamin. Kulay dugo ang kasuotan nito at mahaba ang kanyang buhok. Nakayuko ito at nakatayo sa likuran niya. Nanginig ang tuhod niya at hindi siya makilos sa labis na takot. Nanginig ang kanyang katawan at tinakasan ng kulay ang kanyang mukha.
Hangang sa unti-unting nag-angat ng tingin ang babaeng nakapula na may mahabang kasuotan sa likuran niya.
Nanlilisik ang kulay pulang mata nito at nakangisi ito na parang demonyo habang nakatitig sa kanya!
Sa labis na takot niya ay nagawa niyang ihakbang ang kanyang mga paa. Palabas ng H.E room. At simula noon ay hindi na siya muling pumasok pa roon.
End...