Bulong

1782 Words
Ilang buwan na lamang ay makaka-graduate na ako sa course kong BA. Pero kailangan ko munang matapos ang OJT ko sa Tesda office. Actually it was my first day today. Maganda ang gising ko dahil busog akong aalis sa bahay. Kinuha ko sa bag ang buhol-buhol kong earphone at isinuksok sa magkabilang tenga ko bago ako sumakay ng jip patungo sa tesda. Limang minuto bago mag-alas otso ay nasa opisina na ako. Nanduon na rin ang limang taong makakasama ko. Kabilang na rin si Misha, schoolmate ko siya at matagal ko ng kilala pero nauna lang siyang maka-graduate at dito na rin siya nagtatrabaho. "Mabuti naman andito ka na. Nilinis ko na yang table mo." nakangiting salubong niya sa akin. Binati ko sila isa-isa at naupo na rin ako sa table niya. "By the way na-orient naman sayo ang gagawin mo diba? Kung may tanong ka kulbitin mo lang ako." "Salamat Misha." Nakangiting sagot ko din sa kanya. Lahat kami ay abala sa trabaho. Checking e-mails, at answering phone calls ang naging duty ko. Masakit lang sa likod kapag matagal na nakaupo kaya nag-uunat ako every hour. "Lunch time na sabay ka na sa amin." Aya niya sa akin. Naglabasan na rin ang mga kasama namin. At tinatawag ako. "Mauna na kayo may tatapusin pa kasi ako eh." wika ko sa kanya. "Okay, sunod ka ha! Don't forget to turn off the lights." Tumango lang ako sa kanya at lumabas na rin siya. Kasalukuyan akong nag-checheck ng last email nang tumunog ang telepono. Dinampot ko ito at tinapat sa aking tenga. "Thank you for calling–" "H-He-lp…" Naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang malamig na boses na yun. Pero nilakasan ko pa din ang loob ko. "S-sino po ito?" Biglang namatay ang computer ko. At ilang sandali lang ay bumukas naman ito pero namatay ulit. Ngunit nang mabuhay ay may nakasulat na dito. C.h.a.r.i.e Nanginnginig na ibinaba ko ang phone. "H-He-lp me…" Napatayo ako nang muli kong marinig ang boses na yun kahit hindi ko na hawak ang telepono. Nagtatakbo ako palabas ng opisina at nang lumingon ako ay kusang sumara ang pinto at mga salamin na bintana. "Oh? Anong nangyari bakit ang putla mo?" Pansin ni Misha sa akin pagkarating ko sa canteen. Nanuyot ang lalamunan ko at halos ayaw lumabas ng salita sa bibig ko. "Naku, gutom lang yan kain na tayo." Kahit wala sa sarili nagawa kong maka-order ng pagkain at naupo pa ako sa table nila. "Ash, baka hindi mo tapusin ang Ojt mo ha? Baka bigla ka din hindi na papasok kagaya ni Charie." Wika ni Sir Peter. Nabitawan ko ang kutsara na hawak ko nang marinig ko yun mula sa kanya. Napatingin din sa akin si Misha. "Are you okay? May sakit ka ba?" Umiling ako sa kanya at bumaling ako kay Sir. Peter. "S-sino po si Charie? Lakas loob ko na tanong sa kanya kahit patuloy na nanginginig ang mga kamay ko. "Yung kasama ni Misha na nag-OJT dito last year. Yung hindi na pumasok after one week." Nagkatinginan kami ni Misha pero agad din yang binawi ang tingin niya at itinuon sa pagkain. Imposible na guni-guni ko lang ang lahat. Yung phone call, yung sa computer at yung bumulong sa akin! May multo! May multo sa office! At si Charie ang babaeng multo. "B-bakit po siya biglang nawala?" Usisa ko. "Sumama kay Jim yung sikat na basketball player, at boyfriend niya nagtanan daw sabi sa mga usap-usapan sa school noon." Si Misha ang sumagot. "Tsk!Tsk! Iba na talaga ang kabataan ngayon. Wala pang nararating sa buhay puro pag-aasawa na ang inaatupag! Tapos magpaparami ng anak at aasa sa magulang!" Litanya ni Ma'am Bebeng. At sinang-ayunan naman ito ng dalawa. Kilala ko ang tinutukoy niyang Jim. Isa ito sa tinitilian ng halos lahat ng kababaihan sa university. Pagkatapos kong kumain ay tinignan ko ang social media ni Jim. Active pa ito pero nasa ibang bansa. May mga pictures siya na mag-isa lang at walang ibang kasama. Cheneck ko din ang social media ni Charie. Ngunit wala na itong update simula last year. Pagkabalik namin sa office ay wala namang kakaiba na nangyari. Kinakabahan akong bumalik sa opisina. Itinuloy ko ang trabaho kahit takot ako. Lumipas ang maghapon di pa rin maalis ang isip ko sa nangyari kanina. "Ms. Ash, pakilagay naman ito sa storage room." Utos ni Ma'am Bebeng akmang tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Misha. "Ako na. Marami ka pang gagawin." Pigil niya sa akin. Lumapit siya kay Ma'am Bebeng at kinuha ang susi sa storage house pati na rin ang mga itatambak na papeles. Maya-maya pa ay bumalik na rin siya. Natapos ang isang araw ko sa opisina. Pag-uwi ko ng bahay ay kaagad akong lumapit kay Lolo Ronie. Sinabi ko sa kanya ang nangyari sa akin. Akala ko hindi niya ako pinaniniwalaan pero ang sabi niya sa akin. Maaring nanduon ang kaluluwa ni Charie dahil hindi pa ito umaalis. Mas lalo akong natakot sa sinabi niya. Kung puwede lamang n lumipat na lang gagawin ko. Pero may curiosidad sa utak ko na gusto kong malaman. Kinabukasan ay naiwan ako ulit sa opisina. Dinagdagan kasi ni Sir Peter ang trabaho ko at kailangan ko itong matapos. Namatay ang ceiling fan na nasa itaas ko. Nagpatay sindi ang ilaw. Pinigilan kong huwag matakot at magtiwala sa faith ko sa diyos. Ngunit nang mag-umpisa na naman mamatay ang PC ko napatayo na ako para lumabas sana ng office. Pero nang makalapit ako sa pinto at nauna itong magsara. Lalong lumakas ang t***k ng puso ko. At nanginginig na ako sa takot. Napaupo ako sa likod ng pinto at tinakpan ko ang mga mata ko. "M-maawa ka…hirap na hirap na ako…" Napadilat ako nang marinig ko ang boses na yun at pagtingin ko sa gilid ko ay nanlaki ang mata ko nang makita ang duguang mukha ng isang babae. "Ahhhh!!! Lumayo ka sa akin!!!" Napa-atras ako at napatakip sa aking mukha. Naririnig ko ang pagbukas ng drawer sa harapan ko. Ito ang drawer ni Sir. Peter. Hangang sa tuluyan itong bumagsak. "S-susi…" Bulong niya ulit sa akin. Biglang tumalsik ang susi sa akin. Nanginginig na dinampot ko ito. "Please… Charie…wag mo akong saktan…" Humihikbing sabi ko sa kanya. "H-hindi…ang nais ko lang ay kalayaan…at matahimik…" Parang galing sa hukay ang malamig na boses niyang mas nagpapatayo ng aking balahibo. Hindi ko alam kung bakit pero…nakaya kong tumayo at humakbang patungo sa pintuan ng storage. Isinuot ko ang susi at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang tambak na papeles at ang madilim na kuwarto. Kinapa ko ang switch ng ilaw at lumiwanag ito. Nagdadalawang isip akong pumasok sa loob hangang makita ko siyang muli. Ang nakakatakot niyang anyo. Para akong papanawan ng ulirat sa aking nakikita. Gumapang ang kilabot hangang sa kumilos ang kamay niya at may itinuro na isang bagay. Kusang nag-alisan ang mga harang na papel, karton at mga lumang gamit sa daraanan ko. Hangang marating ko ang tinuturo niya. Bigla itong nawala sa paningin ko. Sinuri ko ang malaking bagay na yare sa kinakalawang na bakal. Oven? Isa itong malaking oven na nakikita ko sa mga bakery. Hindi ko maaninag kung ano ang nasa loob nito. Kaya sinubukan kong buksan. At nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang makapal na itim na plastic… Napa-atras ako…dahil parang may idea na ako sa matutuklasan ko. Hindi! Imposible… "Ashhhhh…" Napatakip ako sa aking tenga at napapikit. "P-please…" Nagmamakawa niyang sambit. Inangat ko ang susi na may nakalagay din na maliit na cutter at sinubukan kong laslasin ang makapal na plastic hangang sa umalingasaw ang mabahong amoy. Nagawa kong makatakbo palabas at kaagad na dinampot ang telephono. Tumawag ako sa police station at sinabi ko ang lahat ng aking nakita. Pagkatapos kong maibaba ang tawag ay napahagulgol na ako sa upuan ko. Hindi ko akalain na ganito ang dadanasin ko sa ojt. "Anong nangyari?" Bungad sa akin ni Sir Peter pagkabalik nila. Naabutan nila akong nakasandal sa upuan at kakatigil ko lang na umiyak. Sasagot na sana ako pero dumating din ang mga pulis. "Nasaan ang bangkay?" Bungad nila sa amin. "Anong bangkay?" Nagtatakang tanong ni Ma'am Bebeng. Itinuro ko ang storage room at dumirecho sila doon. "Positive." Narinig kong sabi ng police. Lahat sila ay nagulat at tinignan ang loob ng storage. Ngunit maliban kay Misha na ngayon ay walang emosyon na nakatayo sa gilid ng pinto. Pero mas nagulat ako nang makita ko din si Charie sa tabi niya. At masama ang tingin niya dito. Naging laman ng balita ang nangyari kay Charie. Ang buong akala nila ay naglayas ito at hindi na bumalik ngunit mas nagimbal ang kanyang mga magulang dahil pinatay pala ito. At ang salarin…ang kaibigan niyang si Misha. Nakuha kasi sa matigas na kamay nito ang kwintas ni Misha. Nagpa-unlak siya ng interview at sinabi ang lahat ng dahilan kung bakit niya ito ginawa. Yun ay dahil sa selos, nagkaroon sila ng pagtatalo na nauwi sa sakitan at naging resulta ng aksidenteng pagkamatay ni Charie. Nadulas kasi ito at tumama ang ulo sa dulo ng table. Sa takot ni Misha ay sinakal niya ito hangang malagutan ng hininga. Tinago niya ang kremin at kumilos na parang walang nangyari. Ngayon ay nakakulong na siya. Huli na para magsisisi sa nagawa niyang kasalanan. Pero sabi niya magaan na daw ang pakiramdam niya ngayon dahil nawala na daw ang araw araw na takot niya at pati na rin ang konsensya. Nagpasalamat sa akin ang mga magulang ni Charie. Nagpunta kasi ako sa huling araw ng lamay niya at kahit hindi ko siya kilala nais kong ihatid siya sa huling hantungan. Bumuhos ang luha ng kanyang mga magulang kaibigan at mga kamag-anak. Napakaganda pala talaga niya. Pero hindi ko inaasahan na makikita ko din si Jim. Umiiyak din ito at nakikidalamhati. Habang ibinababa na ang ataul ni Charie sa malalim na hukay. May dumaan sa harapan kong babae. Nakaputi ito ay parang lumulutang. Para itong usok na yumakap sa kanyang mga magulang. At pagkatapos hinawakan ang kamay ni Jim. Tumitig siya sa mukha nito. Pagkatapos ay binitawan na niya ang kamay nito. Lumingon siya sa akin at matamis na ngumiti. Ibinuka niya ang kanyang labi at malinaw sa pandinig ko ang salitang sinambit niya. "Salamat…" Bago siya tuluyan na naglaho. Marami mang bagay ang hindi natin maipaliwanag at maunawaan. Isa lang ang alam ko. Ang mundo ay hindi lang para sa mga hayop o tao. Para din ito sa mga kaluluwang hindi matahimik dahil sa injustice o kawalan ng hustisya. Nakakatakot kung iisipin. Pero dahil sa pagharap ko sa takot ko. Nakalaya ang isang kaluluwa. Isang kaluluwa na ang nais lang ay mabigyan ng hustisya. ~the end~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD