The Hunted Motel Part 10 (FINAL)

1768 Words
"Kuya Niel tara na!!!" ulit ni Clay nang hindi pa rin ito sumunod sa kanila dahil sa nangyari kay Evana. "Papatayin kitang halimaw ka!" walang paalam na hinablot nito ang shotgun na hawak ni Madam Isang at sunod-sunod na pinaputukan si Roch. Ngunit mabilis itong naka-ilag. "Mauna na kayo sa basement! Ako na ang bahala dito!" singhal niya sa mga ito. Dinampot ni Clay ang baril na hawak kanina ni Niel sa sahig at sumunod na kay Madam Isang na pumasok sa elevator. Mabilis na pinindot ang button upang bumaba ang elevator sa basement. "M-Madam…si Kuya Niel…" Hikbing sambit ni Clay. Alam nilang tatlo nab aka hindi makaligtas si Niel ngunit hindi sila maaring panghinaan ng loob dahil kung hindi lahat sila ay mamamatay. "Kailangan nating masira ang laboratory. Kung hindi mawawalan ng saysay ang sakripisyo ni Niel." Nangingilid ang luhang sambit ni Madam Isang. Samantala pagkababa ni Roch sa kisame ay nilapitan niya ang bangkay ni Evana upang iharang sa kanya. "Sige, barilin mo ako. Sa tingin mo kaya mo akong patayin Niel?" Nakangising sabi nito. "Bitawan mo siya. Hindi ka pa nakuntento na patayin siya gusto mo pang gamitin ang katawan niya!" Matalim ang tingin na ipinukol niya dito. "Kayang-kaya kitang patayin Niel. Ngunit bibigyan kita ng pagkakataon. Tapusin mo ay buhay nilang lahat. Makakalabas ka ng ligtas." wika nito sa kanya. “At sa tingin mo gagawin ko yun? Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng mga kasamahan ko dito. Kung alam ko lang yan noon gumawa na sana ako ng paraan para tapusin ka!” “Hangal ka!” Inihagis niya ang katawan ni Evana sa kanya kaya sabay silang tumalsik sa pintuan papasok sa loob ng kuwarto. Ngunit tumalsik din ang hawak niyang shotgun. Inalis niya ang katawan ni Evana at kaagad na hinanap ang kanyang baril. “Ito ba ang hinahanap mo?” Nag-angat siya ng tingin at nakatutok na sa kanya ang dulo nito. Hinawakan niya ito at itinaas kaya doon sa kisame pumutok ang baril. Nag-agawan sila ng baril ngunit sadyang malakas si Roch at nagawa siyang ihagis nito sa kabilang kama pabagsak sa sahig. Narinig niya ang paghakbang nito papalapit sa kanya kaya gumapang siya pailalim sa kama. “Huli! Ops? Nasaan na yun—" Nagulat si Roch nang dambahin siya ni Niel. Kaya sabay silang sumubsob sa sahig. Dinaganan niya ito at buong puwersa na hinila ang leeg pagkatapos ay binali niya ito. Narinig pa niya ang paglagutok ng buto nito. Binitawan niya ang ulo nito at umalis siya sa pagkakasampa sa katawan nito. Hingal na napaupo si Niel sa gilid ng kama. “Tapos ka na, matatahimik na rin ang mga kaluluwang pinatay mo.” Wika niya dito. Tumayo siya at nilapitan ang bangkay ni Evana. Hinawakan niya ang mata nito upang ipikit. Ngunit naramdaman niya ang malamig na bagay sa kanyang leeg. “Ikaw ang tapos na.” Malakas na putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa kuwarto kasabay ng pagkatumba sa sahig ng walang buhay na si Niel. “Ma’am! Dito!” Napalingon si Ashley nang marinig niya ang sigaw ng isa niyang kasamang pulis. Kaya kaagad niya itong nilapitan. “Maaring ito ang entrance ng basement” dagdag pa nito. Bumaling siya sa kanyang mga kasamahan. “Let’s go! Maging Alerto kayo! Hindi ordinary ang kalaban natin!” paalala niya sa mga ito. Bitbit ang mataas na kalibre ng baril ay nag-uunahan silang makababa sa basement. Nang bumukas ang elevator ay kaagad na tinungo nila ang laboratory kung nasaan ang mga puso nan aka-imbak. “Naka-locked!” wika ni Mirasol nang tangkain niyang buksan ang doorknob at nagbabantay naman si Clay hawak ang baril ni Niel. Naghanap si Madam Isang ng puwedeng ipukpuk sa doorknob upang masira at kaagad na dinampot ang palakol. “Tabi!” Buong lakas niyang sinira ang doorknob at nalaglag ito sa sahig. Kaagad silang pumasok at sinara ang pinto. Nilagyan nila ito ng mabigat na cabinet upang hindi agad makapasok si Roch kung sakali man na maabutan sila nito. “Tulungan niyo ako!” tawag ni Madam Isang sa kanila. Kaagad na nilapitan nila ang mga bote kung nasaan ang puso na kinuha ni Roch sa kanyang mga biktima at pinagbabagsak ito sa sahig. “Jusko ang dami nito!” wika ni Mirasol at tumutulong na sirain ang mga puso sa sahig. Nagulat silang tatlo nang bumukas ang pinto at tumalsik ang cabinet. “Roch…” sambit ni Madam Isang. Napatingin siya sa nakakalat niyang collection na kasalukuyang sinisira ng mga ito. “Huwag kang lalapit!” sigaw ni Clay sa kanya. Tinutukan niya ito ng baril. Ngunit mas nagulat sila nang makitang hawak nitong shotgun. “You’re all dead.” Hinila ni Madam Isang si Clay upang magtago sa likuran ng estante. Samantala naiwan si Mirasol sa ilalim ng lababo at nagtatago. “Kahit saan pa kayo magtago. Isa lang kahahantungan niyo yun ay kamatayan!” Pinaulanan niya ng bala ang pinagtataguan ng mga ito hangang sa tuluyang maubos ang bala ng shotgun na hawak nito. Itinapon niya ito sa sahig at kaagad na lumapit sa estante kung saan nagtatago si Clay at Madam Isang. Pinaputukan siya ni Clay sa katawan ng sunod-sunod at tinamaan niya ito dibdib. Napahiga ito sa sahig. “Tara! Lumabas na tayo!” Hinila ni Madam Isang si Clay at sabay-sabay silang lumabas ng Laboratory. “Bilisan niyo!” Nagmadali silang tumakbo patungo sa basement dahil doon ang daan palabas ng Motel. “Isang!!! Papatayin ko kayong lahat!!!” malakas na sigaw ni Roch. Lalo nilang binilisan ang pagtakbo hangang makita nila si Ashley na kakarating lang kasama ang back-up nitong mga pulis. “Mabuti naman at ligtas kayo!” wika niya. “Ms. Ash…andyan na siya.” Usal ni Clay. Natanaw nila ang anino ni Roch na nasisinagan ng pulang ilaw sa basement. “Mauna na kayo sa labas. Kami na ang bahala dito.” Utos niya sa tatlo. “Men! Fire!” Umalingaw-ngaw ang sunod-sunod na putok ng baril sa malawak na basement. Tumama sa kongkreto at mga nakaparadang sasakyan ang kanilang mga bala. Nang tumigil sila ay hindi na nila makita ang anino ni Roch. “Ma’am nawala!” Imporma ng pulis na lumapit sa kinaroroonan ni Roch kanina. “Ahhh!” Sabay silang napalingon nang marinig ang sigaw ng babae. “Fvck!” mura ni Ashley nang makitang hawak na nito si Madam Isang sa leeg. Ngunit may tama na rin ito ng bala sa katawan. “Masyado kang paki-alamera! Dapat inuna muna kita bago ang lalaking pulis na yun!” igting ang pangang sigaw ni Roch sa kanya. “Anong ginawa mo kay John?!” Ngumisi si Roch sa kanya. “Dinala ko na sa impyerno! At isusunod ko kayong lahat!” “Ikaw ang dadalhin ko sa impyerno!” “Madam!!!” sabay na sigaw ni Clay at Mirasol nang makita nila ang ginawa ni Madam Isang. “Huwag!!!” Pigil ni Ashley ngunit huli na dahil natangalan na niya ng pin ang pampasabog na hawak niya. Malakas na pagsabog ang bumalot sa basement at nagsimulang umapoy sa iba’t-ibang parte nito. “M-madam…” lumuluhang usal ni Clay. Nang humupa ang apoy sa paligid ay bumungad sa kanila ang lasog-lasog na katawan nito. Nang lapitan nila ito ay hindi nila mahanap ang katawan ni Roch. “Maging Alerto kayo! Buhay pa siya!” sigaw ni Ashley. “Mirasol!!!” Bumulwak ang dugo sa bibig nito nang dukutin ni Roch ang puso nito mula sa kanyang likuran. Dilat ang matang bumagsak ito sa semento. “Papaslangin ko kayong lahat!!!” Sabay-sabay na nagpaputok ang mga pulis at mabilis naman itong nailagan ni Roch. Sinugod niya ang mga pulis at isa-isa itong tumilapon. Tumalon siya sa kisame at sumuot sa mga bakal. Tumakbo si Ashley at sinundan ito ng putok ng baril hangang sa talunan siya nito. Nagpagulong-gulong sila sa sahig. Tumalsik ang baril na hawak ni Ashley. “Ikaw ang isusunod ko!” Kinubabawan siya nito at malakas na sinakal sa leeg. “H-Hali-maw k-ka!” nahirapang sambit ni Ashley naramdaman niya ang mahabang kuko nito sa kanyang leeg. Umalingaw-ngaw ang putok ng baril ngunit hindi ito ininda ni Roch. Namula na ang mukha ni Ashley at nauubusan na rin siya ng hininga. Hindi niya kaya ang lakas nito. Hinugot niya ang patalim sa kanyang hita. “Aaaahhhh!!!” buong lakas niyang sinaksak ito. Bumilog ang labi ni Roch nang maramdaman ang talim nito sa kanyang tagiliran. Tumulo ang masaganang dugo nito nang tangalin niya ang kanyang patalim. Nang lumuwag ang pagkakahawak sa kanyang leeg ay malakas niya itong sinipa sa tiyan. “Ma’am!!!” Napatingin siya kay Clay at sinalo ang hinagis nitong baril sa kanya. Walang pagdadalawang isip na tinadtad niya ito ng bala. Sumayaw sa tama ng bala ang katawan nito. Tumalsik pa ito sa sementong dingding at umagos ang dugo sa bibig tenga at ilong nito. Hingal na napaluhod si Ashley sa semento. “Kahit halimaw ka pa. Imposibleng mabuhay ka pa kung butas-butas na ang katawan mo.” Usal ni Ashley sa walang buhay na si Roch. Lasog-lasog na ang katawan nito sa dami ng pinsala. Three days later… Tuluyan nang isinara ang Day dreame motel. Maraming bangkay din ang na-recover sa likuran ng motel. Kabilang dito si John at ang ilang bangkay pa ng nagtatrabaho sa motel. Marami na ding kalansay ang nahukay. Dumagsa ang media at naungkat ang proyekto ni Doctor Morgan pati na rin ang buong pamilya ni Roch. Hindi sila makapaniwala na sa paglipas ng maraming taon patuloy pa rin itong nabubuhay sa kabila ng action na ginawa noon ng gobyerno. “Ano nang plano mo?” tanong ni Ashley kay Clay. Nasa sementeryo sila at sabay-sabay na inilibing ang naging biktima ni Roch. “Hindi ko po alam. Uuwi siguro ako ng probinsya.” Sagot niya dito. Napasinghap si Ashley habang pinapanuod nila ang mga pamilya ng biktima na sabay-sabay na nagdadalamhati sa pagkawala ng mahal nila sa buhay. “Kung ako lang ang masusunod ipapa-cremate ko na nang tuluyan si Roch. Ngunit gusto ng government na pag-aralan ang bangkay nito.” Saad niya. Napatingin sa kanya si Clay. “Bakit? Nag-alala ka ba na baka mabuhay itong muli?” usisa niya. “Ewan ko, pero kapag nakikita ko siya. Pakiramdam ko gumagapang parin ang kilabot sa katawan ko.” “Wala na siya Ms. Ash…siguro matagal bago natin makakalimutan ang mga naganap. Pero nasisiguro ko na wala na si Roch. At matatahimik na rin ang mga kaluluwa na pinaslang niya. Kasama ang mga katrabaho ko.” Paniniguro ni Clay sa kanya. “Sana nga…Clay.” sagot niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD