Hide & Seek

1540 Words
It's a summer season at wala nman akong gagawin sa buong summer kaya't napagdesisyonan ng aking ina na magtake ako ng summer class upang makahabol na rin sa ibang subjects ko na di ko nakuha noong first year sa unang semester dahil nag-shift course ako. First day of school, around 1:00 pm, habang hinihintay namin ang aming professor sa ay nakaramdam ako ng kilig, naiihi na pala ako kaya't lumabas ako ng room at tumungo sa comfort room. Tahimik ang paligid sapagkat konti lng din nman nag-tetake ng summer class.. Nang makarating na ako sa comfort room ay pumasok na agad ako sa pangalawang cubicle habang umiihi ako ay bigla nalng may narinig akong batang umiiyak, nanindig agad ang aking balahibo dahil sa kakaiba nitong paghikbi na parang nagmumula sa kailaliman ng lupa. Bukod doon ay tahimik dito sa loob at wala naman akong narinig na pumasok. Pagkatapos kong umihi ay dali-dali akong lumabas sa cubicle upang alamin kung ano ang aking narinig. Ngunit wala naman ibang tao sa labas kaya nilapitan ko ang ilang nakasarang pintuan na cubicle. Ngunit wala pa rin akong nakitang tao alin man sa mga tinignan ko. Lalo akong nilukob ng takot. Dahil sa takot at pagmamadali ay natapilok pa ako nang bilisan kong lumabas ng banyo kaya't paika-ika akong naglakad pabalik sa classroom namin. Nang makabalik na ako sa loob ng room namin ay naupo agad ako, hindi ako napansin ng mga kaklase ko dahil busy at nag-eenjoy sila sa kanilang ginagawang pag-volleyball gamit ang isang balloon, at lima lang kami sa loob ng classroom. Dumating na ang guro namin sa filipino subject at nagsimula na syang mag-lecture hanggang sa natapos din ngunit walang pumasok sa utak ko sa mga tinuro niya dahil iniisip ko parin yung nangyari kanina sa banyo. Hindi ko na rin kinuwento sa mga kaklase ko at kahit sa best friend kong si Lucky tungkol sa nanyari sa akin dahil baka di rin siya maniwala kahit sa pag-uwi ko ay hindi na siya nawala sa isip ko. Simula nang mangyari yun ay natatakot na akong pumunta sa comfort room o ang pag-inom ng tubig sa water fountain—dispenser namin na nasa labas lang ng banyo kaya't lagi nalang akong nagpapasama sa best friend ko kahit sa labas lang siya maghintay. Kaya hindi ko na siya narinig ulit. Nang matapos ang summer class at enrollment na naman para first semester at second year college na ako. Maayos naman ang naging first semester ko ngunit sa second semester akala ko hindi na mauulit ang pagpaparamdam ng batang umiiyak at nakalimutan ko na din ang pangyayaring yun. Ngunit akala ko lang pala dahil kakatapos lang ng last subject at hapon na yun. Nagpasya kaming mag-stay muna ng isang oras pa sa room walo kaming magkaklase. Nakaramdaman kami ng gutom kaya lumabas kaming apat para bumili ng makakain sa labas. Pagbalik naming may bitbit na kaming tinapay at chips. Hindi muna kami pumasok sa classroom at naupo kami sa gilid ng room namin upang doon na kumain. Nadaanan pa kami ng teacher namin na nagtuturo sa ibang section at nakisali sa chismisan namin. Biglang nakarinig kami ng batang umiiyak, natahimik kaming lahat at pinapakinggan yung iyak nya. Madilim na din sa ibang part ng campus at yung natirang may liwanag lang ay doon sa mga floor na may mga tao, nagpalinga-linga kaming lahat kung saan galing ang iyak pero wala kaming makita. Naglakas loob magsalita yung kaibigan kong si Jane sabi nya dun sa bata " Langga, huwag mo naman kaming galawin, wala naman kaming ginagawang masama sa’yo" Pagkatapos ng sinabi nyang ‘yon ay unti-unting nawawala ang iyak ng bata hanggang tuluyan ng nawala. Hindi naman ako natakot ng mga oras na yun dahil may mga kasama ako. At pagkatapos ng pangyayari yun ay itinuloy pa rin namin ang kwentuhan na parang walang nangyari. Hindi lang ako ang nakakaalam tungkol sa nagpaparamdam na batang yun sa campus. Marami kami kaya parang nasanay na rin kami na marinig ang mga kuwento nila. Isang araw nang magbabanyo ulit ako. May naabutan akong babaeng nakatayo sa harapan ng salamin. May hawak siyang bulaklak at inilapag niya ito sa harapan ng salamin. Ngunit nang makita ko siyang aalis na ay tinawag ko siya dahil naiwan niya ang bulaklak. Malungkot siyang lumingon sa akin. “Para sa kanya ang bulaklak na ‘yan.” Sambit niya na ikinapagtaka ko. “Para kanino?” ulit na tanong ko sa kanya. “Para sa kaibigan kong matagal nang hindi umaalis sa lugar na ito.” Sagot pa niya. Nilingon ko ulit ang bulaklak at ganun na lamang ang takot ko nang hawak na ito ng isang bata. Nakangiti ito at nang tumingin ako sa kausap ko ay ganun din siya. Napahawak ako sa aking dibdib. Bumilis ang t***k ng aking puso. At nang bumalik ang tingin ko sa batang multo ay sa akin na ito nakatingin. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko. Upang makalabas sa banyo kahit matindi ang takot na nararamdaman ko ay nagawa kong habulin ang batang kausap ko kanina. “Sino ang batang yun? Nakikita mo rin siya? Maari ko bang malaman kung paano kayo naging magkaibigan? Gayong mas matanda ka sa kanya?” sunod-sunod na tanong ko. Sa pagkakaalam ko magkaedad lang kaming dalawa. Kaya napatanong din ako. Niyaya niya ako sa likuran ng room at naupo kami. “Ten years ago, naglalaro kami dito sa loob ng campus. Bakasyon noon. Nasa kabilang bakod lamang ang bahay namin magkakaibigan. Palagi naming ginagawang playground ang campus kapag bakasyon. Dahil mas safe at malawak din itong takbuhan. Paborito namin ang hide and seek na laruin. Noong time na inaya ko siya. Ginagawa ang building na ito at ang CR na yun. Lima kaming magkakaibigan at na-isipan namin na sa bagong building magtago. Dahil marami kaming puwedeng pagtaguan. Ngunit nahanap ko na silang lahat at nilibot na namin ang buong building ay hindi namin siya nakita. Kakatapos lang magmeryenda ng mga taong gumagawa ng building at sinaway nila kaming huwag kaming maglaro dito. Kaya sinabi namin na hindi namin mahanap si Ana. Sinabihan nila kaming baka naka-uwi na si Ana kaya umuwi na rin kami. Ngunit nang magpunta kami sa kanila ay wala pa daw ito. Pagsapit ng dilim ay narinig ko mula kay mama na may dumating daw na ambulansa sa harapan ng campus at pupunta daw siya dahil may na-aksidente daw. Sumama ako sa kanya at nakita ko si Ana. Duguan na nilalabas sa gate ng campus. “Anong nangyari? Si Ana yan hindi ba?!” Bulalas ni Mama. Narinig na lamang namin ang pag-palahaw na iyak ni Aling Fe at asawa nito nilapitan nila si Ana at niyakap. Ngunit hindi na ito dumilat pa. Nalaman namin na bumagsak ang pader ng itinatayong banyo at naipit siya at binawian ng b-buhay…” paos na sambit niya. Nagpunas siya ng luha at maski ako ay hindi ko akalain na ma-aantig din ako sa sinabi niya. Ang sakit siguro para sa isang magulang ang mawalan ng anak. Bukod doon nalaman ko din na parehong naghahanap buhay ang magulang ni Ana. “Hindi ba niya matangap na wala na siya?” nangingilid ang luhang tanong ko. “Hindi ko alam, pero ang tanging alam ko lang. Namimiss na niya ang kanyang mga magulang. Pagkatapos kasi ng aksidente ay nagpasyang lumuwas ng manila ang mga ito. At tanging naiwan na alaala na lamang ay ang ala-ala ko kay Ana. Ngunit kapag naka-graduate na ako. Paniguradong malulungkot siyang muli dahil wala na siyang makakausap kapag umalis na ako dito.” Paliwanag niya sa akin. “Makakausap?” Napatingin kami sa malaking puno na nasa harapan dahil ngumiti siya. “Ana! Sandali! Antayin mo ako!” tawag niya dito. Wala naman akong nakikita ngunit sigurado akong siya lamang ang pinapakitaan nito. Tumayo ito at kinuha ang gamit niya. Tumakbo ito palapit sa malaking puno ng acacia. “Miss! Sandale!” tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako at ngumiti siya sa akin. “Ako si Vina!” sagot niya sa akin. Ngunit nang makalapit na ako sa malaking puno ay bigla na lamang siyang naglaho sa aking paningin. Napatigil ako sa paghakbang. Nalililiman na ako ng malaking puno kaya napatingin ako sa katawan nito. Hangang sa may napansin akong naka-ukit sa puno. Gulong-gulo ang utak ko ngunit nagawa kong makalapit upang mabasa ng mabuti ang nakasulat dito. “Remembering Ana & Vina REST in PEACE “ Wala sa sariling bumalik ako sa classroom. “Hoy! Anong ginagawa mong mag-isa doon sa labas?” tanong niya sa akin. “K-Kausap ko si Vina.” Wala sa sariling sagot ko sa kanya. “Sinong Vina? Eh kanina ka pa namin hinahanap wala kanaman kasama doon? Nasa loob na si Teacher halika na!” wika niya sabay hila ng kamay ko. Nilingon ko ang malaking puno at may dalawa akong nakitang nagtataguan at naglalaro sa malaking puno. Si Vina, na bumalik sa pagkabata at si Ana ang batang kalaro niya. Paanong nangyaring pareho na silang multo? Hindi kaya? Sabay silang namatay noong araw na yun at nadaganan ng bumagsak na pader? Walang nakakaalam, at ayoko na ring malaman ang totoo. Dahil sapat na sa akin na makitang masaya silang dalawa at magkasama. ~THE END~

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD