The Hunted Motel 3

1407 Words
The Hunted Motel Part 3 Bitbit ang tuwalya ay patungo si Ronie sa public restroom. Sira kasi ang gripo niya kaya kailangan pa niyang bumaba sa 2nd floor para makaligo. Halos magdadalawang taon na siyang permanent tenant ng motel. Hiniwalayan kasi siya ng kanyang asawa dahil nahuli siya nitong nambabae. Malaki man ang ginagastos niya sa pagtira sa motel ay bawing-bawi naman nito sa sinasahod niya sa pabrika bilang machine engineer at sarili na lamang nito ang kanyang binubuhay. Bitbit ang lagayan ng mga sabon ay tinungo niya ang public shower na nasa dulo ng second floor. Karamihan sa mga kuwarto dito ay inuukopa ng mga customer na walang pambayad sa mamahaling room or short time lang ang binabayarang oras. “Ay sorry miss!” wika nito nang buksan niya ang makapal na kurtina. Nagkamali kasi siya ng pasok dahil abala ito sa paghahanap ng kanta sa cellphone nito. Muli siyang lumabas at lumipat sa kabilang restroom. May anim itong shower room at apat na cubicle sa loob. Pinili niya sa dulo maligo. Isinabit niya ang kanyang tuwalya at inilagay sa bulsa ang pinapatugtog niyang cellphone. Pipihitin na sana niya ang gripo ngunit nakarinig siya nang mahihinang ungol ng babae. Sumilip siya sa makapal na kurtina ng shower room at pinakiramdaman kung saan nangagaling ang ungol. Ngunit bigla itong nawala. Sinarado niya ulit ang kurtina ngunit narinig na naman niya ulit ito at mas malakas na ungol na ito ng babaeng nasasarapan. “Tsk, sa loob pa talaga ng public restroom nagbabalyahan.” Naiiling na bulong ni Ronie sa sarili. Pinilit niyang ituloy ang pagliligo niya ngunit lagabog na ang sunod niyang narinig sa tingin niya ay mula ito sa cubicle. Kinuha niya ang tuwalya at hindi na nakatiis na katukin ang pinangagalingan ng ingay. “Puwede bang sa kuwarto niyo na lang gawin yan?!” singhal niya dahil sa labis na pagka-inis. Ngunit hindi ito sumagot. Nang kakatukin na sana niya itong muli ay bumukas ang pinto nito at pakiramdam niya nanglaki ang ulo niya nang makita ang isang babaeng walang saplot sa katawan at nakasub-sob sa bowl ang ulo. Nagkalat din ang dugo sa sahig at bowl. Napa-atras siya sa sobrang gulat. Pakiramdam niya ay napako ang kanyang mga paa sa tiles at hindi siya makagalaw. Ngunit napalingon siya sa dulo ng shower dahil nakarinig siya ng malakas na lagaslas ng tubig sa loob kung saan siya nangaling kanina. Dahan-dahan siyang humakbang malapit sa pinto at kinuha niya ang sirang mop ng sahig. Unti-unti siyang lumapit sa pinangalingan niyang shower na may kaba sa dibdib. Suminghap siya at pinigilan ang kanyang pahinga. Hinanda niya ang kanyang sarili upang sugudin kung sino man ang pumasok doon. Ngunit pagkabukas niya ay wala namang tao sa loob at bukas lang ang shower. Sa pagkaka-alala niya ay pinatay niya ito bago siya lumabas kanina. Akmang lalabas na sana siya ngunit pagtalikod niya ay tumama sa kanyang mukha ang bakal ng mop at napaupo siya sa sahig. Napangiwi siya nang tumama ang kanyang ulo sa kanto ng shower area. Mabilis na humalo ang dugo galing sa kanyang ulo dahil sa pagbagsak niya at nakaramdaman siya ng labis na pagkahilo. Sinubukan niyang bumangon. Itinukod niya ang kamay niya sa sahig ngunit nakita na lamang niya ang pagtagos ng mahabang katana sa kanyang katawan at nagkalamat pa ang tiles dahil sa malakas na pagbaon nito. Napa-suka siya ng dugo at nang hugutin nito ang katana ay ilang beses pa niya itong hinugot at binaong muli. Hangang sa tuluyan na itong nalagutan ng hininga. Samantala, napa-akyat sa second floor si Bernadette nang bumaba ang isang guest na galing sa second floor at mag-check out na sana. May patay daw kasi sa public restroom ng motel at hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita. Nagmamadaling tumakbo siya sa opisina ni Madam Isang upang sabihin ang kanyang nakita. At kaagad naman itong nagpunta sa 2nd floor. Naabutan nila si Edmon, Niel na nasa bukana ng rest room. Naroon din ang ibang guest ng motel na nakarinig ng sigaw at nakakita sa bangkay. Nang hawiin ni Madam Isang ay napasinghap siya at napatakip sa bibig nang bumungad sa kanya ang dalawang katawan na wala nang buhay. Ang isa ay nakahiga na sahig wala itong saplot at ang isa naman ay nakasubsob malapit sad ulo. “S-sino? Sila?” nanghihinang tanong ni Madam Isang kay Niel. “Madam, si Alma mo ang babae at yung isa si Ronie yung permanent tenant natin.” Sagot ni Niel sa kanya. “Natatakot na ako sa motel na ito. Mabuti pang umalis na ako dito.” Wala sa sarili na sabi ni Edmon. Tatalikod na sana siya ngunit hinila siya ni Niel. “Aalis ka? Hindi kaya…” “Pinagbibintangan mo ba ako? Kaya ako nandito dahil maliligo na sana ako!” katwiran nito sa kanya. “Ikaw kuya Niel? Bakit ang aga mo?” naghihinalang tanong ni Bernadeth sa kanya. “Oo nga…diba mamaya pang alas-otso ang pasok mo? Alas-sais pa lang ah.” Dagdag pa ni Edmon. “Napa-aga lang ako ng pasok. Ako na kaagad ang criminal?” litanya niya sa mga ito. “Tama na kayo…kailangan nating tumawag ng pulis.” Saway ni Madam Isang sa kanila. Abala si Ashley sa pag-aanalyze sa kanyang computer nang lapitan siya ni John. Nasa presinto kasi sila at inaantay ang result ng autopsy sa unang bangkay. “Kailangan nating magpunta sa daydreame motel.” Wika nito sa kanya. “Bakit? May idea ka na ba kung sino ang killer?” usisa niya. “H-hindi…may pin*tay ulit.” Napatayo si Ashley sa kanyang upuan dahil sa narinig. “Anong sabi mo?” ulit niya. Napabuntong hininga ito. “Yung isang permanent tenant nila at isang regular customer nila. Pin*tay sa public restroom.” Awang ang labi ni Ashley sa narinig. Hindi pa nila naso-solve ang unang kaso may sumunod na kaagad na tatlo. “Sh*t kung sino man ang serial killer na yun kailangan na natin siyang mahuli.” “Paano?” tanong nito sa kanya. “Hindi ko alam kung paano. Pero kailangan natin matapos ang kaso na ito. At mahuli ang criminal. Tara na!” tawag niya dito. Kinuha niya ang itim na jacket at sinuot sa katawan. Pagdating nila sa motel ay naabutan nila ang mga empleyado nitong nasa lobby at nag-uusap-usap. Hinatid sila ni Madam Isang sa 2nd floor at nadatnan nila ang kalunos-lunos na sinapit ng dalawa. “May relasyon ba sila? Bakit sila hubad?” usisa ni Ashley. “Hindi ko lang alam kung bakit.” Lumabas siya at tinignan ang bawat sulok ng motel. “Bakit walang CCTV dito sa lugar niyo?” tanong niya. “Nasira na yung isang kinabit namin at hindi pa ako nakaka-order ulit ng bago.” Dahilan ni Madam Isang kay Ashley. “I-hold niyo muna ang mga guest. At bigyan niyo kami ng list ng permanent tenant ninyo.” Utos niya na ikinatango nito. Tumawag sila sa pinakamalapit na purinarya upang kunin ang mga bangkay. Ang ibang kasama nilang pulis ang naglabas nito sa motel. “Ano sa tingin mo?” tanong ni Ashley kay John matapos nitong tignan ang bangkay ng lalaki. “Hindi ko alam…sa tingin ko…nasa loob ng hotel ang killer at hindi siya basta guest lang baka dito din siya nagtatrabaho.” Hula nito. Napatingin sila sa mga nag-uumpukan na mga tao sa lobby ngunit isa sa staff ang umagaw sa kanilang atensyon. Ang babaeng nasa front desk. Si Sheena…ang kapalitan nila Princess at Clay na night shift. “Si Miss Clay ba yun?” turo ni John nang makita ang paglapit ng isang babae sa kanila. “Ano pong nangyari?” usisa nito sa kanila. “May pinatay na ulit sa pinagtatrabahuhan mo. Si Ronie ang permanent tenant niyo at isang regular customer na nagngangalang Alma.” Sagot nito sa kanya na ikinagulat din niya. Kaagad siyang pumasok sa loob upang makibalita. “I can’t believe this ang lalaking pinaghihinalaan kong gumawa ng kremin. Siya ang sinunod ng killer. At hindi ito nangyari sa gabi kundi sa umaga pa.” kalmado ngunit problemadong sambit ni Ashley. “Teka lang, kung regular customer nila si Alma. It means may kasama siya diba? Sino ang kasama niya? Hindi kaya ito ang pumatay sa kanya?” tanong ni John sa kanya na ikinagulat din niya. “Ginagamit mo pala ang utak mo.” wika nito at iniwanan si John at nagmamadaling pumasok sa loob ng lobby.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD