The Hunted Motel 2

1151 Words
The Hunted Motel Part 2 Hindi magawang makatulog ni Princess dahil sa nasaksihan niyang pamamaslang sa pinagtatrabahuhan niya. Pero kailangan pa rin niyang pumasok sa motel dahil may permanent tenant silang halos taon nang tumira sa day dream motel. At ina-antay din nila ang result ng imbestigasyon sa nangyaring pamamaslang. Alas syete na nang gabi siyang umalis sa kanila. Nilalakad lang niya kasi ito papunta sa pinagtatrabahuhan niya. Tumunog ang phone niya at dinukot niya ito sa bulsa. Ngunit pakiramdam niya may sumusunod sa likuran niya. Kaya napalingon siya pero wala siyang nakitang ibang tao. Bukod sa patay sindi na ilaw ng poste abandonadong warehouse na dinaanan niya. Pinindot niya ang answer button. “Sino ‘to?” tanong niya sa kabilang linya. “Ikaw na ang kasunod.” Sagot nito. Napatigil siya sa paghakbang nang marinig niya ang pamilyar na boses. “Huwag mo nga akong takutin!” inis na singhal niya dito. Hindi pa nga niya nakakalimutan ang nangyari sa motel ay pinagtitripan pa siya nito. “Huwag kang lilingon.” Sagot ulit nito. Lumingon siya dahil baka nasa likuran niya lang ito ngunit wala pa rin ito. Nang humarap siyang muli ay nagulat siya nang sungaban siya nito at puluputin ang leeg niya ng wire ng kuryente. “T-tu-long!!!” Sunod-sunod siyang napaubo dahil sa malakas na pagsakal nito sa kanyang leeg. Bumaon ang kuko niya sa braso nito. “Ahhh! Ma-m*tay ka na!!!” gigil na sigaw nito sa kanya. Hinila siya nito papasok sa abandonadong warehouse at ini-untog ng paulit-ulit sa salamin na pinto. Nabasag ang salamin at pumasok ang bubog sa ulo, mata at bunganga nito. Hangang sa tuluyan na itong nalagutan ng hininga. Umalis itong parang walang nangyari. “Hindi pa po dumadating si Princess?” tanong ni Clay pagpasok niya sa motel. Ibinaba niya ang bag niya at pumasok sa counter. “Hindi ko alam kakarating ko lang din.” Sagot ni Niel sa kanya. “Baka natakot na pumasok?” nakangising sabi ni El. “Mabuti na lang hindi umaga nangyari. Kung hindi magre-resign na ako baka pagbintangan ako.” Sabat ni Bernadette. Pang-umaga na cashier sa daydream at makakapalitan nila ng shift. “Si partner mo asan?” usisa ni Clay sa kanya. “Ah? Si Sheena? Nag-half day lang siya. Marami daw siyang labahin at wala na daw siya isusuot.” Natatawang sagot nito. “Mabuti pumayag si Madam Isang?” “Hindi naman siya pumunta dito. Saka dinahilan ni Sheena sa kanya ay emergency nang tawagan niya ito. Matumal din sa umaga kaya okay lang sa akin mag-isa.” Sagot nito habang nagrere-touch dahil tapos na ang shift niya. Nagpaalam ito sa kanila na uuwi na. Pagkalabas nito sa motel ay napunta ang atensyon nila kay Edmon na papasok pa lang sa motel. “Hindi ka maglalaro sa casino ngayon?” tanong ni Niel sa kanya. “Hindi, magpapahinga muna ako.” Walang emosyon na sagot nito at nagmadaling umakyat sa 2nd floor. “Niel! May bagong luto akong nilagang mani. Bibili ka?” Napatingin si Niel kay Khamala bigla na lamang sumulpot na parang kabute at nilapitan niya ito. “Sawa na ako sa mani mo. Balot naman ilako mo.” Wika nito sa kanya. Tinaasan siya nito ng kilay. “Saan naman ako kukuha ng balot aber? Yung jetlog mo kaya ang ilako ko?” litanya nito sa kanya. “Sige basta ba si Evana ang pipitas ay payag na payag ako!” nakangising sabi nito. “Hindi ka papansinin noon! Puro guwapo ang customer noon na dinadala dito anoh!” “Ambot sa imo!” Papasok na sana si Niel sa loob pero tinawag niya ulit ito. “Pagamit naman ng banyo niyo. Tatlong araw na kasi akong hindi naliligo. Doon na lang sa public c.r magbabayad ako ng bente.” Paki-usap nito sa kanya. “Kaya pala nakakabingot na ang amoy mo. Ano nangyari sa braso mo? Bakit mapula?” Usisa nito sa kanya. Mabilis na binaba ni Khamala ang sleeves niya. “Wala ito! Huwag mo na lang pansinin.” Nakangising sabi nito. Lumapit si Niel kay Clay upang tanungin kung puwedeng maligo ulit si Khamala sa public restroom. “Hindi ko alam eh, baka malagot ako kay Ma’am Isang. Intayin na lang natin si Princess.” Sagot nito sa kanya. Humahangos na dumating si Ronie. “Oh? Akala ko papasok ka sa pabrika ng maaga?” usisa ni Niel sa kanya dahil nasalubong niya ito bago mag quarter to seven. “S-si Princess…patay na siya…” Nabitawan ni Clay ang hawak niyang mga card keys nang marinig niya ito. “Ano?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Papasok na sana ako pero…nakita kong may mga taong nagkukumpulan sa dating warehouse ng mga salamin. Nang marinig kong may bangkay ay sumilip ako. Nakita so P-Princess may tali ang leeg…at hindi na halos makilala ang mukha…” Kaagad na tinawagan ni Clay si Ma’am Isang upang ipaalam ang nangyari. At nagulat din ito nang sabihin niya ang mga detalye. “Mamaya pa ako makakabalik diyan…andito ako sa Batangas ngayon.” Sagot ni Madam Isang sa kanya. Gustuhin man nilang puntahan ito ngunit hindi naman nila puwedeng iwan ang motel na walang tao. Ipinaubaya na lamang nila sa alagad ng batas ang nangyari kay princess. Samantala…naiiling na pinagmasdan ni John ang bangkay ng babaeng nagtatrabaho sa day dream motel. “Sa tingin mo? Connected kaya ito sa case na hawak natin ngayon?” tanong nito kay Inspector Ashley na sinusuri din ang bangkay na kakadala lang sa m*rgue. Nakatakip na ito ng puting kumot pero hindi pa na e-embals*mo. “Ewan ko John…pero dahil konektado siya sa motel kailangan din nating hawakan ang kaso niya. Napahawak si John sa kanyang sentido dahil lalong sumasakit ang ulo niya sa pagiisip. Wala din silang nakuhang kahina-hinala sa mga guest noong motel. Tatakpan na sana ni Ashley ang mukha nito ngunit tumulo ang dugo sa labi nito. “Anong gagawin mo?” tanong ni john sa kanya nang ibuka niya ang labi nito gamit ang ballpen na hawak niya. “May nakalagay sa bibig niya.” Wika ni Ashley. Akmang kukunin niya ito pero may pumigil sa kanyang kamay. “Huwag mong paki-alaman ang bangkay nang wala kang suot na gloves. Alam mo yan dahil inspector ka diba?” seryosong sabi ng babaeng emb*lsamador. Kumuha siya ng gloves at inabot kay Ashley. Tapos muli niyang kinuha ang bagay na nasa bibig nito. “Ano ba yan?” nandidiring tanong ni John sa kanya. Inangat niya ito mula sa loob ng bibig at tinitigang mabuti. “Graba?” sambit ni Ashley sabay tingin kay John. “Anong graba? Bato?” ulit na tanong nito. “Oo, ang mga ganitong uri ng bato ang ginagamit sa pagawa ng semento. Paano ito napunta sa bibig ng babaeng ito?” nagtatakang tanong niya dito. “Aba’y ewan ko.” Litanya nito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD