The Hunted Motel
PART 4
Nagmamadaling maglakad pauwi si Sheena dahil sa kanyang nasaksihan kanina. Gustuhin man niyang sabihin sa mga pulis ang lahat ngunit natakot siya na baka siya naman ang patayin nito. Kaya nagdesisyon nang huwag nang bumalik sa Day Dreame Motel at mag-apply na lamang sa iba. Nagmadali siyang maglakad palayo sa hotel. Ngunit nang kapain niya ang phone niya ay hindi niya ito makita. Pinilit niyang alalahanin kung saan niya ito naiwan.
Kahit labis ang takot niya ay minabuti niyang balikan ito sa pinag-iwanan niya.
“Oh? Bakit bumalik ka?” nagtatakang tanong ni Niel sa kanya.
“N-Nakalimutan ko ang phone ko sa office ni Madam Isang. Puwede mo ba akong samahan doon kukunin ko lang?” natatakot na tanong niya dito. Ang pagkakaalam niya kasi doon niya ito naiwan at ayaw na niyang bumalik pa kaya kailangan niyang kunin ang phone niya.
“Si El na lang ipasama mo. Hindi kasi ako puwedeng umalis dito pinto. O hindi kaya si Clay. Wala pa namang customer.” Suhestion nito. Napatingin ito kay Clay.
“H-Huwag na…puwedeng si El nalang? Baka may dumating na customer at mainip. Baka kasi matagalan akong maghanap.” Pagdadahilan nito. Tamang-tama naman na dating ni El.
“Ano bang kukunin mo? Ako na lang ang kukuha.” tanong nito.
“Yung phone ko k-kasi naiwan ko sa loob ng office niya kanina.”
“Ako na, diyan ka na maghintay. Hindi ko alam kung naka-alis na si Madam eh.” Wika nito.
“Parang hindi pa kasi nandito pa ang kotse niya.” Dagdag pa ni Clay sabay turo sa kotse nitong nasa labas.
Pagkatapos ay tumalikod na ito para puntahan ang opisina. Nagpabalik-balik si Sheena sa harapan ng front desk.
“May problema ba? Kanina ka pa hindi mapakali.” Usisa ni Clay sa kanya. Lumapit ito sa kanya.
“Kung ako sa’yo…magre-resign na ako. Nandito ang criminal...nandito ang pumatay kay Alma at Ronie. Nandito siya—”
“Ahhh!!!”
Naputol ang sasabihin niya nang makarinig sila ng sigaw. Nagmadaling pumasok sa loob si Clay upang puntahan ang opisina kung saan nangagaling ang sigaw. Napalingon din siya kay Niel ngunit wala na ito doon.
Alam niyang may nangyari na naman kaya minabuti niyang umalis na nang tuluyan at huwag nang bumalik pa.
Samantala, nanghilakbot sa takot si Madam Isang nang datnan niyang nakabulagta sa loob si El. May saksak ito sa likod at naiwan pa ang ginamit na panaksan. Dilat pa ang mata nitong nakadapa.
“Oh my god!” naiiyak na sabi ni Clay…dumating din si Niel at hindi niya inasahan na si El pala ang susunod na biktima.
“Hindi na maganda ito. Kailangan na nating tumawag sa mga pulis! Baka hindi pa nakakalayo ang suspek!” nanginginig sa takot na sabi ni Madam Isang. Kaagad silang tumawag ng pulis at wala pang sampung minuto ay dumating na ito.
Inabutan ni Clay ng tubig si Madam Isang dahil hindi pa rin ito tumigil sa panginginig.
Dumating ang mga police na may hawak ng kaso at matapos nilang imbestigahan ang loob ng opisina ay ipinakuha na nila ang bangkay.
“Nasaan ka noong mangyari ang incident?” tanong ng police sa kanya.
“Na-nasa taas…” nauutal na sagot nito.
“Ano ang ginagawa mo sa itaas?” nagtatakang tanong ni Ashley sa kanya.
“K-kasi…kasi…”
“Magkasama kami sa room.”
Napalingon silang lahat dahil sa pag-amin ni Edmon.
“May relasyon kayo?” usisa ni Ashly na ikinatango nito. Nilapitan niya si Madam Isang at tinabihan sa upuan.
“Imposibleng si Isang ang may kagagawan ng kremin. Magkasama kaming dalawa at ilang minuto pa lamang ang lumilipas mula nang bumaba siya sa likuran ng hotel para bumalik sa office niya.” Paliwanag ni Edmon.
Hindi nila akalain na may relasyon pala ang dalawa.
Napatingin si Clay kay Niel. Dahil nakita niya itong umalis at nagtungo sa gilid ng hotel habang kausap niya si Sheena na bigla na lang nawala.
“Bakit ang sama ng tingin mo sa akin? Kung iniisip mo na ako ang criminal nagkakamali ka.” Depensa nito.
“Diba sabi ni Madam Isang huwag kang aalis sa puwesto mo? Bakit bigla kang nawala?” nagtatakang tanong nito sa kanya.
“Ako? Hindi ako nawala. Nagbanyo lang ako dahil kanina pa masakit ang tiyan ko.” pagdadahilan nito.
“I’m sorry pero mapipilitan kaming maglabas ng court order para mapasara ang motel na ito.” Wika ni Ashley na ikinadugtong ng kilay naman ni Madam Isang.
“What did you say? Ipapasara mo ang day dreame motel? Paano ang mga empleyado na nagtatrabaho dito? Paano yung mga permanent tenant namin? Saan na sila kapag ipinasara niyo ang hotel?” nag-alalang tanong nito.
“Kung ayaw mong ipasara at least magpakabit ka ng CCTV sa bawat sulok ng motel.” Utos niya sa may-ari. Napatayo ito sa upuan at pinigilan naman siya ni Edmon.
“Kung ginagawa niyo ng maayos ang trabaho niyo. Hindi na sana nasundan pa ng mga empleyado ko ang pagpatay dito! Mag-iisang lingo na! Si Princess ililibing na pero hindi niyo pa rin nahuhuli ang criminal!” galit na sigaw niya. Hindi na kasi niya napigilan ang sarili dahil sa sinabi nito sa kanya.
“Hindi mo siya kailangan sigawan. Ginagawa namin ang lahat para makakuha ng lead. Ngunit malinis ang gumawa at walang iniwan na bakas. Kung ayaw niyo kaming tulungan na papanagutin ang may sala. Mapipilitan kaming ipasara ang motel na ito.” Seryosong sabi ni John na ikinatahimik ni Madam Isang.
Hinila siya ni Ashley palayo sa kanila.
“Kalma ka lang baka marinig ka mismo ng suspek at ikaw naman ang isunod.” Mahinang bulong niya dito.
“Hindi ako natatakot sa kanya.” Sagot nito.
Pagkatapos ay umalis na rin sila sa motel upang asikasuhin ang bangkay. Nasa morque na si Ashley nang makatangap siya ng tawag mula sa kanyang ina.
“Bakit po? Nandito pa ako sa trabaho.” Wika nito.
“A-anak, umuwi ka muna dito nawawala ang lola mo kanina pa namin siya hinahanap pero hindi namin siya makita…” nag-alalang sambit ng kanyang ina.
“Po? Sige po papunta na ako diyan!” paalam niya dito bago patayin ang tawag.
“Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni John sa kanya.
“Si Lola, umalis na naman ng bahay. May Alzheimer's kasi yun. Kaya nakakalimutan kung saan uuwi kailangan ko siyang hanapin. Ikaw lang muna ang bahala sa bangkay ni El, okay?”
Tumango si John sa kanya at kaagad na rin siyang umalis.
Kinuhanan niya ng finger print ang kutsilyo na ginamit ng suspek. Pagkatapos ay umalis na rin siya. Pabalik na sana siya sa headquarters ngunit may natangap siyang tawag.
“S-sir…ako ‘to si Shenna…kilala ko po ang criminal…kilala ko po siya…” humikhikbing sabi nito sa kanya. Napatigil sa pagmamaneho sa motor si John at itinabi niya ang motor sa gilid ng daan.
“Sino? At nasaan ka ngayon magkita tayo.” Tanong nito.
“Si—”
“Hello? Sheena?! Hello?!” paulit-ulit na tawag niya dito ngunit hindi na ito sumagot sa kanya.