The Hunted Motel 8

1211 Words
The Hunted Motel Part 8 “Nanginginig at pasimpleng dinikit ni Clay ang camera lens na binigay sa kanya ni Ashley sa gilid ng stainless box na kita ng motel sa umaga dahil maya-maya din ay kukunin na ito ni Madam Isang. Alam niya kasing open ang CCTV dito sa ibaba kaya hindi siya maaring mahuli. “Okay ka lang?” Nagulat siya nang biglang magsalita si Mirasol na bagong partner niya at nakaupo sa kanyang tabi. Napansin ata nito ang kakaiba niyang kilos. “A-ahhh—oo naman mainit kasi.” Pagdadahilan niya sabay punas ng kanyang pawis. “Hi, Evana!” bati ni Niel nang dumating itong naka-abresiete sa braso ng isang lalaking malaki ang katawan. Hapit ang damit na suot nito at naka-ultaw pa ang dalawang mala-melon na dibdib nito. “Halo! May bakante ba?” “Oo naman marami!” kaagad na sagot ni Niel. Matagal na siyang may crush dito ngunit wala naman siyang lakas ng loob na aminin ang totoo dahil alam niyang hindi siya magiging tipo nito. Nag-flying kiss pa ito kay Niel bago pumasok sa loob ng day dreame Motel. “Ganda, dose oras nga. Sa Executive room niyo.” Nakangiting sabi nito. Kinuha ni Clay ang susi ng 3rd floor kung nasaan ang malalaking kuwarto na may aircon at pagkatapos ay nagbayad na ang lalaki bago sila pumanhik sa itaas ng hagdan. “Naku! Ang mata mo luluwa na!” litanya ni bebeng habang naka-upo sa gilid ng motel at nagpapahinga dahil kakatapos lang niyang maglako ng mani. At nakita niya kung paano nito titigan si Evana na sikat sa kanilang lugar dahil sa kagandahan at kasexyhan nito kaya isa ito sa pinaka-maraming nadadalang customer sa day dreame motel. “Ikaw? Panira ka ng moment!” inis na sabi ni Niel. “Alam mo? Kung gusto talaga si Evana. Ligawan mo! Tapos pakasalan mo siya. Tapos ibahay mo. Hindi na uso ang torpe ngayon!” “Paladisisyon ka. Alam mo naman na hindi ko rin siya kayang buhayin dahil maliit lang naman ang kita ko sa trabaho.” Depensa nito. Isa din yun sa pumipigil sa kanya kaya wala siyang lakas ng loob na ligawan si Evana dahil hindi naman niya ito kayang bigyan ng Magandang buhay. Naiiling na nagsulat na lamang sa record book si Niel. “Si Khamala? Nailibing na ba?” usisa niya. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na wala na ito. Palagi kasi ito ang kasama ni bebeng na maglako ng mani tuwing gabi. At kaya pala ito palaging may sugat at pasa dahil sa p*******t ng kinakasama nito. “Oo, kaya nga double kayod din ako para makatulong sa kanya sa pagpapalibing.” Malungkot na saad nito. “Makikilibing na lang kami kaya sabihin mo kung kailan ang libing niya okay?” Tumango si Bebeng sa kanya at maya-maya pa ay nag-paalam na rin ito para maglako ulit ng mani. Samantala umakyat muna sa opisina si Madam Isang upang kunin ang pera. Malaki na din ang naipon niya sa limang taon niyang pagtitiis sa ginagawa ni Roch. Pero hindi niya akalain na pati siya ay magagawang saktan nito. At hindi lang yun pinatay pa nito ang boyfriend niyang si Edmon. Dumaan siya sa sekretong daan upang maka-akyat sa office. Pagkatapos ay inayos niya ang sarili at nagpalit din siya ng damit dahil napuno ng dugo ang damit niya nang ilagay niya nang itapon niya ang tatlong bangkay sa bagong hukay na ipinahukay niya sa likuran ng motel. Nang matapos siyang mag-ayos ay lumabas na siya at nagpunta sa receiving area. Inabot sa kanya ni Clay ang box. Pero nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya. “M-Madam…” natatakot na sambit nito. “Kung gusto niyo pang mabuhay…umalis na kayo dito…huwag na kayong pumasok bukas ng gabi. Ipapadala ko sa account niyo ang sahod at last pay niyo.” Mahinang sambit ni Madam Isang na ikinagulat nilang dalawa ni Marisol. “B-bakit po?” nagtatakang tanong ni Marisol na nakisabat na din sa usapan. “May demonyong nakatira sa basement. At kapag hindi kayo umalis…matutulad kayo kayo sa mga kasamahan niyong namatay…” paalala ni Madam Isang. Nagkatinginan silang tatlo. Pagkatapos ay nag-paalam na rin ito sa kanila. “C-Clay…totoo ba?” Pinigilan niya itong huwag magsalita dahil alam niyang may nanunuod sa kanila mula sa CCTV. “Mamaya tayo mag-usap. Gawin mo na lang yung mga gagawin mo.” Bulong ni Clay sa kanya. Nagkunwari silang busy nang sa ganun ay hindi sila mahalata. Samantala, inaantay ni Ashley na makapasok sa loob ng office nito si Madam Isang. At nilakihan niya ang screen na kunektado sa kanyang phone at sa camera lens na pinalagay niya sa box nang sa ganun ay may makuha silang impormasyon. Malapit lang siya sa motel at ano mang oras ay susugod siya doon kapag may napansin siyang kakaiba. Sinara ni Madam Isang ang pinto at nilagyan ng lock. Bago binuksan ang box. Kinuha niya ang lahat ng perang papel at nilagay sa kanyang box. Tahimik lang na nanunod si Ash sa isang angulo dahil hindi niya makita ang ginagawa ni Madam Isang. At narinig niya ang lahat ng sinabi nito kilay Clay at Marisol kaya napapaisip na siya sa mga susunod na mangyayari. Ngunit napansin niyang gumalaw ang frame at bumukas ang pinto na inakala niyang wall lang. Unti-unting lumabas doon ang isang babaeng may mahabang buhok at nakakulay pula ang damit. Nang tumingin ito sa table kung nasaan si Madam Isang ay halos mabitawan niya ang phone niya sa nakitang itsura nito. Nagulat si Isang nang umakyat ito at nahuli siya sa kanyang ginagawa. “Anong sinabi mo sa kanila?” narinig niyang tanong ng babaeng mukhang halimaw. May malaki at nandidilat na mata..nangingitim na labi at katawan. “R-Roch…wala akong sinabi.” Napatakip si Ashley sa bibig nang marinig ang sinabi nitong pangalan. Kung ganun…tunay ang sinabi ng kanyang lola! Na si Roch ay naging halimaw dahil sa proyekto ng ama nito noon. “W-wala?” Nanlaki ang mata ni Madam Isang nang makita niya ang kutsilyong bitbit nito. “R-Roch wala akong sinabi! Kundi pagbutihan niya ang ginagawa nila!” depensa ni Roch at narinig ito ni Ashley. “Pina-alalahanan na kita noon pa! Na huwag na huwag mo akong tatraydorin ngunit hindi ka nakinig!!!” angil nito sa kanya. Ginalaw ni Madam Isang ang cabinet niya at dahan-dahan niya itong binuksan. Kinuha niya ang shotgun at mabilis na itinutok kay Roch. “Halimaw ka! Akala mo ba matatakot ako sayo?! Pinatay mo si Edmon kaya magbabayad ka!!!” Umalingaw-ngaw ang isang putok na ikinagulat nila Mirasol, Clay at narinig din ito ni Niel kaya napapasok siya sa loob ng day dreame motel. Nanlaki naman ang mata ni Madam Isang nang hindi niya ito tamaan dahil umakyat ito at kumapit sa ceiling ng office. Ngumisi ito na parang demonyo at inilabas ang isang habang ruler na dila nito. “Papatayin ko kayong lahat na nandito. At wala ni isa man ang makakatakas!” Nagulat sila Clay, Niel at Mirasol nang bumaba ang roll-up ng motel at nag-lock ang lahat ng pintuan palabas. Nagsimulang magpatay sindi ang ilaw sa receiving area. Nagkatinginan silang tatlo at kaagad na pinilit buksan ang pinto ngunit hindi na nila ito mabuksan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD