The Hunted Motel 7

1157 Words
The Hunted Motel PART 7 Pagkarating ni Ashley sa bahay ay binuksan niya ang laptop niya at kaagad siyang nag-search ang tungkol kay Luis Morgan. Kaagad naman na lumabas ito. Binasa niya ang tungkol sa doctor at nalaman niyang sa bansang Russia ito nagtatrabaho. Hindi lang ito isang doctor kundi isa ding scientist. Nakakahanga din ang credential nito sa pagiging doctor. Nakasaad din sa sites na binasa niya na kasama si Doc. Luis Morgan sa army doctor ng Russia noong ten years ago bago matapos ang word war two at nagkaroon ito ng isang anak na babae si Roch Morgan. Ngunit hindi na nakalagay kung ano ang naging dahilan ng pagkamatay nila. “Apo? Bakit gising ka pa? Masama sa tao ang nagpupuyat.” Saway sa kanya ng kanyang Lola Leticia na minsan naman ay maayos niyang nakakausap kahit may kapansanan. “May tinatapos lang po ako lola.” Sagot niya. Umikot ito sa likuran niya at sinilip kung ano ang kanyang ginagawa. “Kilala ko yan! Kumpare ko yan noong araw!” bulalas nito sa kanya. “Si Doctor Luis Morgan? Kilala niyo?” tanong niya. “Oo, magaling na doctor yan! Taga dito lang yan sa santa cruz ah!” dagdag pa nito. Gustuhin mang maniwala ni Ashley sa kanya kaya lang hindi normal ang isip nito. “Kaya lang…sira ulo ang doctor na yan…kinulong nito ang kanyang anak sa clinic nila hindi para gamutin. Kundi gusto nilang gawing super woman…kaya lang naging halimaw yung anak niya.” bulong nito sa kanya na ikinataas ng kanyang balahibo. “Lola naman, malayo pa ang undas huwag ka namang manakot.” Reklamo niya sa kanyang lola na ikina-iling nito. “Nakita ko…nakita ko kung paano niya pinahirapan ng husto ang anak niya. Nakita ng dalawang eyeballs ko. Itinali nila si Roch! Tapos BOOM!!!” Nagulat si Ashley sa biglang pagsigaw nito kaya napalabas ang kanyang mama. “Inay matulog na kayo.” Wika ng kanyang ina at kaagad na hinila papasok si Lola Letecia. “Apo! Halimaw ang anak niya! Maniwala ka sa akin!” pahabol pa nito bago isara ng kanyang ina ang pinto ng kuwarto nito. Lalong napa-isip si Ashley sa sinabi ng kanyang lola. Ayaw niya itong paniwalaan ngunit may nag-uudyok sa kanyang alamin pa ang tungkol sa pamilya nila. Kinabukasan ay inabangan niya ang pag-uwi ng cashier na si Clay. “Anong kailangan mo ma’am?” tanong sa kanya nang harangin niya ito sa daan. “Puwede ba tayong mag-usap?” tanong niya dito at tumango naman ito pumasok sila sa isang coffee shop. Nag-order siya ng coffee at cake para sa kanilang dalawa. “Clay, kailangan ko ang tulong mo para sa mga kaso na hawak ko. Nawawala ngayon si John at hindi ko pa rin siya naco-contact. The last time na nagkausap kami narinig kong may nangyari sa kanyang masama. Sana lang buhay pa siya. Tulungan mo akong alamin ang totoo. Tulungan mo akong malaman ang itinatago ng motel na pinagta-trabahuan niyo. Para mabigyan na ng hustisya ang lahat ng namatay na kasamahan niyo.” Paliwanag niya dito. “Sa akin ka manghihingi ng tulong? Paano ka nakakasigurado na matutulungan kita? Paano ka nakakasigurado na hindi ko pagtatakpan ang nangyayari sa hotel?” tanong niya kay Ashley. “Sa kanilang lahat sa’yo ako may tiwala. Tulungan mo akong makamit ang hustisya para sa mga katrabaho mo. At para mahanap ko na din si John. May kutob ako na nasa loob ng motel na yun ang susi ng lahat.” Paliwanag niya dito. Matagal niya itong pinag-isipan kagabi at kung hindi siya makikinig sa instinct niya hindi niya malalaman ang totoo. “Natatakot ako Ma’am Ashley. Pakiramdam ko hindi lang ang buhay ko ang nasa panganib. Lahat kami sa motel ay iisa ang iniisip. Ngunit kapag nagpahalata kami na may nalalaman kami. Paniguradong matutulad kami sa mga kasamahan namin na namatay.” Paliwanag nito sa kanya. “Ibig sabihin may alam kayo sa mga nangyayari?” Nakayukong tumango si Clay. “Nakita ko si Hulyo. Kinuha siya ng babaeng naka-itim. Noong nasa itaas ako para ihabol ang sukli ng isang customer namin. Mabuti na lamang hindi niya ako nakita dahil mabilis akong nakapagtago. Hindi ko alam kung saan niya ito dinala. Ngunit yun ang huling araw na nakita ko siya…sa tingin ko patay na po siya…” nanginginig na sambit nito sa kanya. “Ibig sabihin…nasa motel nga ang may kagagawan noon?” “Opo, malakas po ang kutob ko Ma’am…tulungan niyo po kami. Ayoko pa pong mamatay…” humihikbing sabi nito sa kanya. “Kung ganun, kailangan ko rin ang tulong mo.” Saad nito sa kanya. Inabot niya ang maliit na box kay Clay. “Camera lens yan. Sa unang tingin parang curve lens lang. Pero kayang mag-record ng video niyan ng 24 hours. Kaya mo bang idikit sa office ni Madam Isang mo yan?” utos niya dito na ikinagulat nito. “Po? Hindi ko po kaya Ma’am. Simula po noong namatay si Sheena hindi na po niya kami pinapapasok sa opisina. Siya ang lumalabas para kunin ang box na pinaglalagyan ng kita ng motel sa buong araw.” Pahayag niya. “Kung ganun, sa gilid ng box mo ilagay. Siguraduhin mong tatapat sa harapan ng table kapag ipinatong na niya sa table ang box. Yun lang ang tanging paraan para. Malaman natin ang lihim ng motel na yun, Clay.” Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay naghiwalay na rin sila. Samantala, bumalik si Madam Isang kinabukasan sa basement upang hanapin si Edmon. Ngunit natigil ang paghakbang niya nang makita niya ang ginagawa ni Roch. “K-Kanino ang mga yan? May pinatay ka na naman ba? Nasaan si Edmon?” lakas loob niyang tanong dito. Bumaling ito sa kanya at ngumisi. Litaw pa ang nangingitim nitong mga ngipin at dinilaan ang labi ng kanyang mahabang dila. “Hindi masarap ang boyfriend mo. Kaya hinatid ko na siya sa impyerno.” Nakangising sabi nito sa kanya. “H-Hindi…bakit? Bakit?!” singhal niya dito na ikinabura ng ngiti nito sa labi. Parang hangin na sumulpot ito sa kanyang harapan at mabilis na hinawakan ang kanyang leeg. Itinaas siya nito sa dingding hangang sa hindi na nito maabot ang sahig. “B-bita-wan mo ko…” nahihirapang sabi ni Madam Isang sa kanya. “Baka nakakalimutan mo?! Kung hindi dahil sa akin p****k ka pa din?! Akala mo ba hindi ko alam?! Na balak niyo akong iwanan dito kapag nakahanap na kayo ng pagkakataon?! Hindi mo ko matatakasan Isang!!! Hindi!!!” Inihagis niya ito ng malakas pakanan at tumama pa ito sa wall bago bumagsak sa katawan ng walang buhay na si Edmon at John. “Ed—Edmon!!!” Lumapit sa kanya si Roch. “Depatcha mo na yan…isama mo na rin yung utility. Bago pa tayo maamoy dito ng babaeng pulis na yun.” Walang paki-alam na utos nito sa kanya. Bago siya nito talikuran at pumasok sa kanyang madilim na silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD