The Hunted Motel 6

1479 Words
The Hunted Motel Part 6 Nakabalik na si Ashley sa head quarters ngunit hindi pa rin niya ma-contact si John. Nagtataka siya dahil hindi naman nito ugaling mag-off ng phone. Lalo na’t may kaso silang kailangang tapusin. Nagpunta si Ashley sa mesa ng partner niya at nakita niya ang mga nakapatong folder sa ibabaw nito. Kinuha niya ito at binasa isa-isa. Yung imbistigasyon nila. Yung result ng mga autopsy ay magkakasama pati ang mga biktima. Binalik-balikan niya ang mga pahina dahil napansin niyang hindi lang ito isang kaso ng murder. Kundi may pagkakapareho ang mga ito! “Sh*t!” mura niya at kaagad siyang bumalik sa Motel upang ituloy ang pag-iimbistiga. Samantala napilitan na pumasok si Clay kasama ang bago niyang partner na si Mirasol dahil kailangan niya pa rin ng trabaho. Siya lang kasi ang bumubuhay sa kaniyang magkakapatid. Dahil wala na silang mga magulang. Kaya kahit natatakot siya ay kailangan niyang lakasan ang loob niya. “Mani! Mani!” sigaw ni Bebeng habang naglalako ng mani. Tinawag siya ni Niel para bumili ito ng isang balot. “Bebeng? Nasaan na yung kasama mong nalalako ng mani? Yung hindi naliligo?” tanong sa kanya ni Niel. “Hindi niyo alam? Namatay na siya.” Nagulat si Niel sa sinabi nito sa kanya pati si Clay ay napalabas din sa counter dahil sa narinig niyang pag-uusap nila. “Anong sabi mo? Kausap lang namin noong isang araw dito yun ah? Nakiligo pa nga eh.” Hindi makapaniwalang tanong ni Niel sa kanya. “Ay naku, huli ka na sa balita. Napatay siya ng sira-ulo niyang asawa. Matagal ko nang sinasabi sa kanya na iwan na lamang niya ito. Dahil bukod sa pagiging lasingero nito ay nanakit pa. Kaya lang ayaw makinig eh. Kaya ayun napuruhan noong mag-away sila. Nadedo tuloy siya.” Pagkukuwneto pa nito. “Sinong namatay?” Napalingon sila nang palapit si Ashley dahil narinig niya ang huntahan ng mga ito. “Si Khamala, ma’am. Yung maglalako ng mani.” Sagot ni Niel. “Hindi ko siya kilala. Akala ko may bago na namang namatay na staff dito sa motel.” Wika niya sa mga ito. “Ma’am ano na pong balita sa kaso nila Princess, El, Ronie at Alma?” usisa ni Clay. “Wala pa kaming lead. Ngunit may kakaiba sa kaso. Lahat sila mga wala ng puso. Parang dinukot ang mga ito gamit ang matalas na bagay.” Paliwanag niya. “Dinukot? Hindi kaya aswang ang pumatay sa kanila?” sabat ni Bebeng kaya napunta sa kanya ang tingin ng tatlo. “Oy! Hindi ako! Minarites lang sa akin ni Khamala noong nabubuhay pa siya ang tungkol sa mga pagpatay.” Katwiran nito. Kaagad itong nag-paalam sa kanila sa takot na baka mapagbintangan pa. “Puwede ba akong mag-imbistiga sa loob?” tanong niya dito. “Hindi puwede, pribadong establishment ito. At alam mo naman na karamihan sa mga guest namin ay nagpupunta dito para makaraos. Anong imbistiga ang gagawin mo? Kung wala kang warrant or court order hindi ka puwedeng mag-imbistiga sa loob ng motel.” Wika ni Madam Isang na kakalabas lang. “Kanina pa po kayo? Hindi ko kayo napansin na dumating.” Nagtatakang tanong ni Niel sa kanya. “H-ha? Oo, kanina pa ako sa office.” Katwiran nito sa kanya. Bigo na umuwi si Ashley sa bahay nila. Patuloy din niyang tinatawagan ang phone ni John. Napansin niya ang pagkukumpulan sa may talahiban na daraanan niya kaya napatigil siya. Ngunit hindi muna siya bumaba dahil nag-ring ang phone ni John at sinagot niya ito. “John? Nasaan ka ba?! Kanina pa kita—” Hindi na niya narinig na nagsalita ito. Bagkus nasasarapang ungol ng babae ang narinig niya. “John?! Putek ka! Ngayon ka pa talaga mambabae.” Mura niya dito. “B-base—ment…” narinig niyang sambit nito. “Ano? Ayusin mo nga!” singhal niya dito. Tumigil ang ungol ng babae. “B-base…ment n-ng mo-tel…” nahihirapang sambit nito. “Buhay ka pa ah!!!” Parang lumabas ang puso niya sa kanyang narinig. Kalabog at nasasaktang sigaw ni John ang kanyang narinig. “John! John!” tawag niya dito pero hindi na ito sumagot pa. “Hulihin mo ako kung kaya mo…” nakakakilabot nitong sabi sa kanya bago mamatay ng tuluyan ang phone ni John. Nakita niyang sinasakay ang bangkay ng isang babae sa ambulansa at nang makilala niya ito ay kaagad siyang bumaba at nilapitan ito. “s**t!” Napahilamos siya sa kanyang mukha nang makilala ang kalunos-lunos nitong kalagayan. “Pulis ako, puwede ko ba siyang tignan sandali?” pigil niya sa akmang pagsasara ng pinto ng ambulance. At hinayaan naman siya ng mga ito. Nang silipin niya ang mukha at katawan nito ay nakumpirma din niyang wala din itong puso. “Isang bangkay na naman mula sa Daydreame motel. Ang taong pinaghinalaan ko dahil sa kakaiba nitong pagkilos noong mamatay si Alma at si Ronie! Si Sheena, wala na rin siyang buhay!” mahinang bulong niya. Napansin niya ang isang pulis na may bitbit ng mga ebedensya. “Pwede ko bang makita ang bagay na yan?” tanong niya dito. Hinagod siya nito ng tingin. “Police ako at isa ang babaeng ito sa ini-imbistigahan ko.” Kinuha ko ang chapa at ipinakita sa kanya. “Pasensya na ma’am.” Inabot niya ang plastic sa akin at nanginig ang kamay ko nang makilala ang duguang relo na nasa loob nito. “Sa tingin ko sa killer po ang relo na yan.” Wika niya na ikina-iling ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko at pinigilan ko ang aking emosyon. “Hindi, sigurado akong pag-aari ito ni John. Ang kasama kong pulis na may hawak ng kaso sa mo—tama! Sa motel!” Ibinalik ko sa kanya ang plastic at bumalik ako sa aking motor. Upang ibalik sa daydreame motel. “Ma’am bakit po kayo bumalik?” usisa ni Niel nang sumulpot ulit ito sa harapan nila. “Sabihin mo sa akin…may basement ba ang lugar na ito?!” singhal niya na ikina-kunot ng noo nito. “Basement? Sa tingin ko walang basement dito.” Katwiran niya na ikinailing ni Ashley. “Meron! Nandito ang killer!” singhal niya sa mga ito. Akmang papasok siya ngunit hinarangan siya ni Niel sa pinto. Kaagad na hinugot ni Ashley ang baril niya at itinutok kay Niel. “Ma’am pasensya na pero hindi po kayo puwedeng pumasok sa loob nang walang dalang warrant. Yun po ang utos ni madam Isang sa amin. Kapag nagpumilit kayo lahat kaming nandito mawawalan ng trabaho.” Paliwanag nito sa kanya. “Kapag hindi mo ako pinapasok lahat kayo mamatay! Sino pa ba ang isusunod ng killer na yan! Alam mo bang pati Sheena ay wala na din? At ang partner ko! Malakas ang loob kong nasa basement siya ng motel na ito kaya ilabas niyo siya kung ayaw niyong puwersahan akong pumasok!” Igting ang pangang sigaw niya. “Pinagbibintangan mo kaming killer? Bakit? May ebedensya ka ba? Walang basement sa lugar na ito.” Katwiran ni Madam Isang. Matalim ang naging tingin ni Ashley sa kanya. “Kung wala kayong tinatago bakit hindi mo ako papasukin?!” “Kapag pinapasok kita at wala kang nakita mananagot ka. Ipapatangal kita sa trabaho dahil sa patuloy mong pangugulo dito sa negosyo namin.” Sagot nito sa kanya. Sinenyasan niya si Neil na buksan ang pinto. “Samahan mo siya sa loob. Kapag wala siyang napatunayan sa mga bintang niya. Siya ang kakasuhan natin.” Wika ni Madam Isang. Mabilis na pumasok si Ashley at inilibot ang paningin sa unang palapag ng motel. Ngunit bukod sa pare-parehong pinto ay wala naman siyang napansin na kakaiba. “Nasan ang opisina mo?” seryosong tanong niya sa nakasunod na si Madam Isang. “Nasa dulo ng pasilyo.” Kaagad siyang nagtungon doon at binuksan ang pinto. Sinigurado niyang talasan ang kanyang mga mata sa buong paligid ngunit wala siyang napansin na kahina-hinalang bagay sa loob nito. Hangang sa nakita niya ang nakapaskil na larawan sa wall nito. “Sino sila?” Usisa ni Ashley habang tinititigan ang Larawan. Si Doctor Luis Morgan, kasama ang kanyang asawa na si Mrs. Cherry Morgan at ang nag-iisa nilang anak na si Roch Morgan. Sila ang may-ari ng motel na ito.” Paliwanag niya. “Nasaan na sila ngayon?” usisa pa ni Ashley. “Matagal na silang patay. Napunta sa kamag-anak nila na nasa abroad ang motel na ito.” Kalmadong sagot niya dito. “Nakita mo na ang buong first floor. Kung gusto mo umakyat ka din sa second and third floor hindi kita pipigilan.” Suhestion nito. Sa tingin niya ay nagsasabi ito ng totoo dahil nakatingin ito ng derecho sa kanyang mga mata. Gustuhin man niyang mas palalimin pa ang imbestigasyon ngunit kailangan na niyang umuwi at ipagpabukas na lamang ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD