Chapter 22

2020 Words
Chapter 22 Umiiyak si Princess, habang pinipitas ang mga gulay na puwede pa niya kunin. Halos lahat ng pananim niya at pananim ng Nanay Doray niya ay naubos ng bagyo. Doon na nga lang siya kumukuha ng pambili ng makain niya at ibang kailangan tapos nasira pa ng bagyo. Kaunti lang ang mga gulay na napitas niya at nais niya sana ibinta iyon sa mga trabahador sa subdivision na ginagawa. Ang bahay pa nila ay nilipad ang mga bubong, kaya hindi niya na alam ang gagawin niya. “Kung buhay lang sana si Tatay, hindi siguro ako gaanong nahirapan,’’ humihikbing sabi ni Daisyree sa kaniyang sarili. Pinunanasan niya ang mga luhang dumaloy sa kaniyang mga mata at pinatatag ang loob. Naramdaman niya na sumasakita ang kaniyang dibdib dahil sa gatas na naimbak. Naisip niya ang mga bata at baka nagugutom na ang mga ito. Dali-dali niyang inayos ang mga gulay at inilapag niya muna iyon sa sahig ng kanilang bahay nang biglang may nagsalita sa kaniyang likuran. “Daisyree?’’ boses ng isang lalaki sa baretonong boses. Lumingon si Princess at nakita niya si Oliver. Pangalawang tao na ito na tumawag sa kaniya sa pangalang Daisyree. Subalit wala pa rin siyang maalala. “Anong ginagawa mo rito?’’ tanong niya kay Oliver na hindi man lang matandaan ang binata. Subalit ang t***k ng puso ni Princess ay bumilis. “Anong ginagawa ko rito? ‘Yan lang ba ang itatanong mo sa akin? Dapat nga ako ang magtanong sa’yo. Sino ang ama ng mga anak mo? Ako ba o ang Chester na iyon?’’ galit na tanong ni Oliver kay Princess. Lalong lumito ang isip ni Princess sa tanong na iyon ni Oliver sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dahil hindi niya kilala ang kaniyang kaharap. Natatakot din siya sa kalagayan niya lalo at wala siyang matandaan. “Bakit kailangan kong sabihin sa’yo kung sino? Mabuti pa umalis ka na, baka nagkamali ka lang ng napuntahan,’’ pagtataboy ni Princess kay Oliver. Sa inis ni Oliver ay hinawakan niya sa braso si Princess. “Sabihin mo sa akin kung ang walang hiyang Chester ba ang ama ng mga kambal o ako?’’ madiing tanong ni Oliver kay Princess. Mahigpit ang pagkahawak ni Oliver sa braso ni Princess kaya nakangiwi si Princess. “Aray! Ano ba? Bitiwan mo nga ako! Hindi ikaw ang ama ng mga anak ko kundi si Chester!’’ natatakot na sagot ni Princess kay Oliver. Nasabi niya iyon dahil hindi niya kilala si Oliver at nalilito pa rin siya. Binitiwan ni Oliver ang braso ni Princess at masakit itong tinitigan. “Alam mo? Wala kang pinagkaiba sa mga putang bayaran sa syudad! Paano mo nagawang paasahin ako, ha? Minahal kita ng sobra, Daisyree! Pero ilang beses mo lang akong pinaasa at pinagpalit sa lalaking iyon? Iniwan kaba niya dahil kahit sino-sino na lang ang aangkin sa marumi mong katawan? Nalaman niya ba na may nangyari sa atin bago ka umalis, kaya ka niya iniwan? Dapat lang talaga sa’yo iwanan dahil wala kang kuwentang mahalin!” puno ng hinagpis na sabi ni Oliver kay Princess. Sobrang nagdulot ng sama ng loob kay Princess ang sinabing iyon ni Oliver sa kaniya at nasaktan siya na parang pinipiga ang kaniyang puso. Sinampal niya ng malakas si Oliver nang hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili. “Wala kang karapatan na insultuhin ako at pagsabihan ng ganiyan! Kung wala kang magandang idulot sa buhay ko umalis ka!’’ pagtaboy ni Princess kay Oliver habang masaganang umagos ang kaniyang mga luha. “Hindi pa tayo tapos, Daisyree! Babalik ako kapag napatunayan ko na nagsisinungaling ka sa akin!’’ seryosong banta ni Oliver kay Princess at tumalikod saka umalis. Bagsak na naupo si Princess sa sahig at humagulgol ng iyak. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya nang sabihin ni Oliver ang masasakit na salita. Ngayon lang naisip ni Princess na baka iyon ang tinutukoy ni Penny na Oliver. ‘Yong tinanong din siya ni Penny kung si Oliver o Chester ang ama ng mga bata. Nalilito siya sa pagkatao niya at iniisip kung bakit may mga taong dumating sa buhay niya sa kabila ng pagpanaw ng kaniyang ama at pagkabaliw ng kaniyang ina. Natatakot siya na baka siya na naman ang mabaliw subalit hindi maari dahil may dalawang bata pa siyang kailangan arugain. Inayos ni Daisyree ang mga gulay at bumalik sa site. Bitbit niya ang dalawang supot na pumasok sa baraks kung saan doon sila natulog ng mga bata. “Ano ‘yang mga dala mo?’’ tanong ni Penny sa kaniya habang nagpapatahan kay Len-Len sa kambal na babae. “Mga gulay, ibibinta ko sa mga construction worker. Akin na si Jerelyn, baka gutom na iyan. Saan si Jake?” tanong ni Princess kay Penny at kinuha si Jerelyn. “Naroon kay Oliver at Ian. Nag-usap na kayo ni Oliver?’’ tanong ni Penny kay Princess. Batid na ni Princess ang binanggit na pangalan ni Penny at hindi siya nagkakamali na si Oliver nga ang umaway sa kaniya kanina. “Bakit kami mag-uusap? Hindi ko kailangan kausapin ang bastos na tao,’’ sagot ni Princess kay Penny at pinadede niya na si Jerelyn sa kaniyang dibdib. Narinig iyon ni Oliver na nasa pintuan na pala. “So, ako pa ang bastos ngayon? Pagkatapos mong hindi nagpakita ng ilang buwan ako pa ang sasabihan mong bastos?” galit na tanong ni Oliver kay Princess. “At ano ang gusto mong sasabihin ko sa’yo? Salamat sa pang-iinsulto mo? Sana bago ka magbitiw ng salita sa kapwa mo pag-isipan mo muna ng mabuti,” sagot ni Princess kay Oliver. “Bakit masakit ba ang sinabi ko sa’yo kanina? Pinag-isipan ko iyon bago sabihin sa’yo! Totoo naman, ‘di ba? Masakit baa ng makaranig ng katutuhanan, Daisyree?” pang-uuyam ni Oliver kay Princess. “Brod, tama na ‘yan. Natutulog na ‘yong mga bata baka magising sa pagtatalo ninyong dalawa,’’ saway ni Ian kay Oliver habang hili-hili si Jake. Masakit na tiningnan ni Oliver si Daisyree saka tumalikod. “Aalis muna ako, Bro. Baka makapagsalita pa ako ng masama sa kaibigan na iyan ng asawa mo,’’ paalam ni Oliver kay Ian. “Napapikit ng mata si Princess dahil litong-lito siya. Sino si Daisyree at bakit dumagdag pa sa problema niya ang Oliver na ito. “Hindi mo masisi si Oliver na hindi magalit sa’yo, Daisyree. Pinaasa mo siya tapos ito ang naging resulta ng pagsama mo sa Chester na iyon,’’ paninisi ni Penny kay Princess. Hindi na kumibo si Princess at pinadede niya na lang si Jerelyn. Umalis si Oliver at nagtungo sa Meland upang makipagkita kay Nicole. Pero bago siya nakipagkita kay Nicole ay dumaan muna siya sa isang mahalagang lugar na makapagpaliwananag sa kaniyang kaisipan. “Kumusta, Babe?’’ Masayang niyakap ni Nicole si Oliver. Hindi niya kasi inaasahan na pupunta dito sa Meland si Oliver. “I miss you, Babe,’’ matabang na ngiti na bati ni Oliver kay Nicole dahil naroon pa rin kay Princess ang isip niya. Parang baliwala lang kasi kay Princess ang pagkikita nila at hindi nakitaan sa mga mata ng dating minamahal ang pagkasabik sa kaniya. Subalit siya ay halos yakapin niya na si Princess kanina subalit nagtalo ang inis at galit na nararamdaman niya para kay Princess bilang si Daisyree. Saglit lang hinalikan ni Oliver si Nicole sa noo at nag-order sila ng makain. Dapat mag-propose ng kasal si Oliver kay Nicole pagbalik niya ng Meland. Subalit ngayon ay nagdadalawang isip siya hanggang hindi niya malaman kung sino ang totoong ama ng mga anak ni Daisyree. “Bakit napapunta ka ng maaga rito sa Meland, Babe?’’ malambing na tanong ni Nicole kay Oliver. “May importante lang akong tiningnan sa Atiplo doon sa project namin. Kumusta ang trabaho mo?’’ seryosong tanong ni Oliver kay Nicole na parang wala sa mood makipag-usap. “Ayo lang naman. Babalik ka rin ba kaagad sa Camelon?’’ tanong ni Nicole kay Oliver. “Depende, baka hindi na muna dahil may tatapusin pa akong problema sa proyekto namin,’’ sagot ni Oliver na ang tinutukoy na problema ay si Daisyree. Tumango-tango lang si Nicole at nagsimula na sila kumain nang ihatid ng waiter ang kanilang order. Habang kumakain si Oliver ay nakikita niya ang mukha ng dalawang bata sa kaniyang isipan. Nasasabik siyang muli na makita ang dalawang bata. Ngunit kailangan niya munang dumestansya sa mag-iina dahil baka ano pang masasakit na salita ang mabitiwan niya kay Daisyree. Pagsapit ng gabi ay pinatulog na ni Penny at Princess ang dalawang bata. Hindi alam ni Princess na tinawagan ni Penny ang ina ni Princess. “Daisyree, kausapin ka ni Tita,’’ sabi ni Penny kay Princess at inabot ang cellphone. Nagtatakang hinawakan ni Princess ang cellphone ni Penny at nang tumapat sa kaniya ang screen ay nakita niya ang isang ginang na parang sabik na sabik na makita siya. “Daisyree, Anak? Ano baa ng nangyari sa’yo at ang tagal mo naman na hindi nakipag-usap sa amin? Alam mo bang pinag-alala mo kaming lahat? Sana naman anak sinabi mo sa amin ang totoo. Sana kung buntis ka na bago ka umalis hindi ka na lang sana nagtago. Alam mo bang umaasa ang mga kapatid mo na darating ka sa araw na iyon?” wika ng ina ni Daisyree sa kabilang linya. Hindi alam ni Princess kung ano ang sasabihin niya sa ginang dahil hindi naman siya si Daisyree na sinasabi ng mga ito. Subalit kailangan niyang sakyan na lang muna ang sasabihin ng mga taong biglang dumating sa buhay niya dahil wala na siyang maasahan pa. Sa isip niya na sakyan na lang ang sinasabi ng mga ito na siya si Daisyree. Minsan iniisip niya nab aka may kambal siya at pinaampon lang ng mga kinikilala niyang mga magulang at baka napagkamalan lang na siya ito. ‘P-pasensya nap o kayo,’’ ‘yon lamang ang nasabi ni Princess sa kaharap niya sa cellphone. “Kumusta naman kayo ng mga bata? Puwede mob a itapat sa kanila ang camera? Sayang at nasa paaralan ang mga kapatid mo,” pahayag ng ina Daisyree. Itinapat ni Princess ang camera sa dalawang bata na natutulog. Nanabik naman ang Lola sa dalawang bata at maluha-luha itong pinagmasdan ang mga apo. “Napakaganda nila tingnan. Anak, uuwi sana ako kung hindi nagkasakit ang asawa ko. Tapos walang mag-aasikaso sa mga kapatid mo rito. Inaasahan pa naman kita na pumunta rito, pero may mga anak ka na. Kumusta naman ang buhay mo?’’ malungkot na tanong ng ina ni Daisyree sa kaniya. Itinapat ni Princess ang cellphone sa kaniyang sarili. “Ayos lang po ako,” tipid lang na sagot ni Princess sa kausap. “Balita ko nasira raw ang bahay na tinitirhan mo. Anak, sumama ka na lang kay Penny sa Meland at mag-hanap ka ng maupahan roon. Para sa ganoon hindi ka mahirapan,’’ wika ng kaniyang ina sa kaniya. “Huwag na po. Okay lang po ako rito sa lugar dito. Hindi ko po kasi puwedeng iwan ang bahay at ang lupa ni Nanay at Tatay,’’ sagot ni Princess sa kaniyang ina na hindi niya kilala o matandaan man lang. “Sila ba ang umaruga sa’yo riyan?’’ tanong ng kaniyang ina. “Opo,’’ tipid na sagot ni Daisyree. “Sige, hintayin mo na lang ang pag-uwi ko sa susunod na buwan. Kukunin ko kayo ng mga bata at dalhin dito. Magpapadala ako ng pera sa’yo para may magamit kayo ng mga apo ko. Ipaayos moa ng bahay na tinitirhan niyo, ha?’’ bilin ng ina ni Daisyree sa kaniya. “Salamat po,’’ tipid niyang sabi sa Ginang. Ibinigay ni Princess ang cellphone kay Penny. Nag-usap naman si Penny at ang ina ni Daisyree. Kay Penny ipapadala ng ina ni Daisyree ang pera. Para kay Princess ay lulunukin na lamang niya ang hiya at magpanggap na si Daisyree para lang maka-survive. Saka niya na iisipin kung paano lusutan ang papasukin niyang problema. Kailangan niya rin ng pera para mabisita si Aling Doray sa Mental Hospital dahil hindi niya pa ito nadalaw. Hindi niya rin gustong iwan ang lugar dahil ibinilin iyon sa kaniya ni Mang Juanito. Mahalaga sa kaniya ang kinikilala niyang pamilya at gusto niyang ingatan ang mga ari-arian ng kaniyang namayapang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD