Episode 21

1576 Words
Chapter 21 Kinabukasan ay umayos na ang panahon. Subalit hindi pa rin maintindihan ni Penny ang kaniyang kaibigan na si Daisyree. Pinagmamasdan niya ito habang nagapapadede sa dalawang bata. “Kailan mo kakausapin si Tita?’’ malumanay na tanong ni Penny. “Sinong, Tita?” nagtatakang tanong ni Princess kay Penny.4 “Ang Mama mo! My god naman, Daisyree? Ipinagpalit moa ng maganda mong buhay dahil lang kay Chester? Ano ang balak mo sa mga anak mo? Palakihin sila sa kahirapan? Si Oliver umaasa sa’yo at seryosohin ka sana subalit, ano? Lumandi ka lang kay Chester at ngayon para kang, ewan!” panenermon ni Penny sa kaibigan. Naguguluhan man si Princess subalit sakyan na lamang niya ang sinasabi ni Penny kahit nalilito na siya. Mahirap sa kaniya ang magtiwala sa iba dahil ang mga sinasabi pa rin ng mag-asawa na umampon sa kaniya ang nasa isipan niya. Subalit nararamdaman niya na parang ang tagal na niyang kilala si Penny at magaan ang loob niya kay Penny. Dalawa lang sila ni Penny sa barak kasama ang kambal dahil si Ian ay naglibot sa paligid ng project nila. Iniisip ni Princess na kung sino ba talaga siya? Sino si Oliver na sinasabi ni Penny? At sino ang Mama na tinutukoy ni Penny? Subalit naisipan niya nab aka napagkamalan lang talaga siya ni Penny na si Daisyree. “Saan si Oliver?” pangngusisa niya kay Penny. “Nasa Camelon! Ikakasal na iyon, kaya huwag ka na umasa. Ikaw nga nagpabuntis sa iba, kaya deserve din naman siguro ni Oliver na magpakasal sa iba dahil ilang beses mo siya sinaktan,” nakasimangot na sabi ni Penny kay Princess. Tumango-tango lang si Princess subalit nakaramdam siya ng kirot sa kaniyang puso nang sabihin ni Penny na ikakasal na ang sinasabi nitong Oliver. “Kumusta sina, Mama?’’ muli niyang tanong kay Penny dahil gusto niya lang malaman ang background na sinasabing pamilya ng Daisyree na tawag sa kaniya ni Penny. “Ayon, at nag-alala sa’yo. Umuwi si Tita noong mga ilang buwan ka pa lang na nawawala. Ang mga kapatid mo hinihintay ka nila sa Amerika. Ewan ko ba sa’yo. Totoo nga ang sinasabi ng iba na mahirap pagkatiwalaan ang tahimik na tao dahil sa ilalim ang kulo! Mamaya tatawagan ko si Tita at mag-usap kayo,” maktol na sabi ni Penny kay Princess. “Huwag muna, hindi pa ako handa na harapin sila,’’ tanggi ni Princess kay Penny. “Woh! Kailan ka maging handa? Kapaga malaki na ang mga bata? Ginawa mo ito kaya panindigan mo! Saka paano ka napadpad sa lugar na ito, ha? Dito k aba dinala ni Chester? Saka yong baliw na babae na hinatid namin sa mental ano mo ‘yon? Saka iniba mo pa talaga ang pangalan mo para hindi ka makilala!” nayayamot na sermon ni Penny kay Princess. Hindi na lamang umimik si Princess dahil wala naman siyang masabi. Binuhat niya ang isang kambal at nilagay sa lampin na nakatali sa kaniyang katawan saka kinuha din ang isa at binuhat. “Pakisabi kay Ian na salamat. Uuwi na kami ng mga bata dahil baka nalipad na ang bubong namin,’’ paalam niya kay Penny. “Opss! Huwag ka umalis dahil madulas ang daan. Alam mo kunti na lang masasabunutan na kitang bruha ka. Akin na nga si Jerelyn, mamaya mabagsak mo pa sa daan ng mga bata. Manatili ka rito sa baraks!” Inagaw ni Penny ang batang babae sa kamay ni Princess. Wala naman nagawa si Princess kundi ang sundin ang sinasabi ni Penny. Sumapit ang ilang oras ay dumating si Ian. Agad nito kinarga si Jake; ang lalaking kambal na anak ni Princess. Habang si Penny naman ay nakipag-video call kay Oliver sa labas ng baraks. “Kumusta na kayo riyan? Malakas baa ng bagyo na dumaan diyan?’’ nag-alalang tanong ni Oliver kay Penny. “Hindi lang bagyo kundi super typon pa! Naalala mo ‘yong baliw na Ginang na dinala ni Ian sa Mental Hospital?’’ tanong ni Penny kay Oliver. “Bakit, ano ang nangyari sa matanda? Patay na ba? Kawawa naman,’’ agad na tanong ni Oliver kay Penny. Nagsalubong ang kilay ni Penny sa turan ni Oliver. “Tanga! Hindi! Ito naman makapatay sa tao? Baliw pa lang ‘yon hindi pa patay!” “Ayusin mo kasi makapagsalita ka kasi parang emergency. Bakit ano ang tungkol sa Ginang na iyon?’’ seryosong tanong ni Oliver. “May ipapakita ako sa’yo,’’ saad ni Penny at itinutok ang camera ng cellphone kay Princess. “Pamilyar ba sa’yo ang likuran ng babae na naghihili ng bata?’’ tanong ni Penny kay Oliver habang nakatutok kay Princess ang camera. “Daisyree?’’ hindi makapaniwalang banggit ni Oliver sa pangalan ng dati niyang minamahal. “Tama, siya nga!” turan ni Penny at itinapat na niya sa kaniya ang camera. “Alam mo ba na siya ang Princess na sinasabi ni Ian na anak kuno ng baliw na Ginang? Hindi lang iyon Oliver may anak siya kambal at si Chester daw ang Ama. SIguro inabanduna siya ni Chester dito at ang Ginang na iyon ang sumalo sa kaniya. Alam mo ba na gusto ko siya sabunutan sa katangahan niya?” naiinis na turan ni Penny kay Oliver para sa kaibigan niya. Halos hindi makapaniwala si Oliver sa sinabi ni Penny. “May anak sila ng lalaking iyon at kambal pa?’’ “Oo, at ayaw niya pa talaga kausapin ang Mama niya. Hindi pa raw siya handa! Pero sasabihin ko kay Tita ang lahat,’’ turan ni Penny kay Oliver. “Babalik ako bukas diyan sa Meland. Please, huwag niyo muna siya paalisin at gusto ko siya makita,’’ saad ni Oliver kay Penny. Sumang-ayon naman si Penny sa sinabi ni Oliver. Nais ni Oliver makita si Daisyree hindi dahil sa na-miss niya ito kundi sa sobrang galit na nararamdaman niya. Lalo na at buong akala niya ay si Chester ang ama ng kambal ni Daisyree. Gusto niya lang ipamukha kay Daisyree na hindi ito kawalan sa kaniya. Kinabukasan tulad ng sinabi ni Oliver ay nakarating siya ng maaga sa Meland sakay ng eroplano. Agad siyang sumakay sa taxi at nagpahatid sa Atiplo sa Kawayan. Naabutan niya sina Penny at Ian na nagbabantay ng dalawang bata sa baraks ni Ian. “Pare, ang aga mo nakarating, ah!” agad na turan ni Ian kay Oliver. “Wala kasing traffic. Saan na si Daisyree?’’ agad niyang tanong kay Oliver. “Umuwi muna sa bahay nila. Kami na muna ni Ian ang nagbantay sa mga bata dahil baka mamaya sira ang bahay nila at diliakado pa na madulas sila ng mga bata. Sabi namin pansamantala na dito muna siya at least may kasama siya na tagabantay nitong mga cute na mga bulinggit na ito.” Si Penny na ang sumagot sa tanong ni Oliver. Pinagmasdan ni Oliver ang mga bata at parang lukso talaga ng dugo na kay gaan ng pakiramdam niya ng masilayan ang babae niyang anak. At pagtingin niya sa lalaking kambal ay mas lalong hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Kinuha niya kay Ian ang lalaking kambal at inagmasdan ng mabuti. “Sigurado ba si Daisyree na si Chester ang ama ng mga bata? Ilang buwan na sila? Kailan nagsilang si Daisyree sa kanila?’’ sunod-sunod na tanong bi Oliver kina Penny at Ian. “Marahil dalawang buwan na,’’ sagot ni Ian. Binilang ni Oliver ang buwan kung kailan na may nangyari sa kanila ni Daisyree. Nagdududa siya na sa kaniya ang mga bata. May kung ano sa kaniyang puso na umaasa na siya ang ama ng mga ito. “Sa palagay niyo kaya kanino kamukha ang bata? Sa Chester na iyon ba o sa akin?’’ muling tanong ni Oliver sa mag-asawa. Doon nakapag-isip ang dalawa at palipat-lipat ang tingin sa mga bata. “Parang kahawig moa ng babae, pero ang lalake kahawig ni Daisyree. ‘Yong ilong pareho ng hugis ng ilong mo. Si Chester mukhang gorilla naman ang ilong no’n. Tapos ang labi kahawig mo rin ng hugis eh ang labi ni Chester makapal pa sa pagmumukha niya,” turan ni Penny kay Oliver. “Baka ikaw nga ang ama ng mga bata, Bro?’’ sang-ayon din ni Ian. “Gagi, bakit ngayon lang natin napansin? Pero bakit sabi ni Daisyree si Chester ang ama?” nagtatakang tanong ni Penny. “Nagtataka nga ako na si Princess pala at Daisyree na tinutukoy niyo ay anak ni Aling Doray. Nagtataka nga ako noong dinala ko sa hospital si Princess noong nanganak siya sa kambal na ipinakilala ni ALing Doray na anak niya si Princess. Eh, ang pagkaalam ko walaang anak si Manang Doray at Mang Juanito,’’ pahayag naman ni Ian kay Oliver at Penny. “Nagtatago nga si Daisyree, kaya iniba niya ang pangalan niya. Baliw na rin yata ang babaeng iyon!’’ “Saan ba siya nakatira at gusto ko na siya kausapin?’’ tanong ni Oliver dahil marami siyang katanungan kay Daisyree. “Sundan mo lang itong kalsada papunta roon at may makikita kang rough road na daan diretso ka lang at may makikita kang bahay na yari sa kawayan. Doon sila nakatira ng mga bata,’’ turo ni Ian kay Oliver. “Salamat, Bro. Sige, kayo na muna ang bahala sa mga bata at magtutuos kami ng ina nila,” turan ni Oliver at ibinalik ang bata kay Chester. “Good luck!’’ saad ni Penny kay Oliver. Sinimulan nang lakarin ni Oliver ang daan pagkatapos niyang ilagay sa baraks ang mga dala niya. Nagtungo siya sa kugar kung saan naroon si Daisyree.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD