Episode 6

1598 Words
Chapter 6 "Kanina ka pa tahimik? Nasasaktan ka ba dahil nakita mo na may kasamang iba ang ex-boyfriend mo?'' tanong ni Oliver nang pumara na siya ng kaniyang sasakyan sa tapat ng apartment ni Daisyree. ''Hindi naman. Hindi lang kasi ako makapaniwala na gano'n-gano'n niya lang ako palitan. Sabagay mabuti na rin 'yong naghiwalay kami dahil lahat na lang ng gagawin ko ay bawal sa kaniya,'' wika niya kay Oliver. Binuksan niya na ang pinto ng kotse at bumaba na. "Salamat sa pagsundo mo at paghatid sa akin,'' pasalamat niyang wika sa binata. ''Okay, lang. Bukas dadaanan ulit kita,'' ngiting wika ni Oliver sa kaniya at ipinasok na nito sa garahihan ang sasakyansa apartment nito na katabi lang ng apartment ni Daisyree. Pumasok si Daisyree na may ngiti sa labi. Agad naman siya sinalubong ng kaniyang anak-anakan na si Jasper. "Mommy, ano po dala ninyo?'' lambing ng bata sa kaniya. ''Heto at may dalang pagkain si Mommy para sa inyo,'' aniya at inilapag sa mesa ang dala niya na binili ni Oliver para sa mga kapatid niya. ''Ano 'yang dala mo?'' tanong ni Penny sa kaniya na kalalabas lang ng banyo. ''Pagkain, binili ni Oliver. tawagin mo na ang mga bata para makakain ka,'' aniya kay Penny. "Naks, naman, oh! Iba talaga si Oliver. May pasalubong palagi sa mga kapatid mo. Hindi katulad ng ex mo na ang kunat,'' panlilibak pa ni Penny kay Chester. ''Pmunta siya sa mall kanina may kasamang babae. Girlfriend niya na yata,'' sumbong niya kay Penny. ''Selos ka naman? Hayaan mo siya. Kung ako sa'yo makipagbalikan ka na lang kay Oliver,'' panunukso ni Penny sa kaniya. ''Ano, ka ba? May girlfriend na si Oliver. Isa pa pahingahin ko muna ang puso ko. Focus na muna ako sa trabaho ko at sa mga kapatid ko,'' wika niya kay Penny. ''Sos, hindi pa naman kasal si Chester, kaya puwede pa maagaw,'' wika naman ng kaniyang kaibigan na si Penny at tinawag na nito ang kaniyang mga kapatid. Napapailing na lamang siyang umakyat sa itaas at pumasok sa kaniyang silid at nagbihis ng pambahay. Maya-maya pa ay nakatanggap siya ng text message galing kay Chester. ''Masaya ka na ba sa bago mo?'' Hindi alam ni Daisyree kung dapat ba niyang sagutin ang text message ni Chester. Pero hindi nagtagal ay sinagot niya na rin ang message ng ex-boyfriend niya sa kaniya. ''Oo, masaya ako. Sana masaya ka rin sa bago mo.'' Maya pa ay sumagot naman si Chester sa text message. ''Syempre masaya ako sa bago ko. Tingnan natin kung seryosohin ka ng lalaki mo. Lalo na at hindi ka na virgin.'' Nanggigil si Daisyree sa sinabi ni Chester sa kaniya. Pinapamukha talaga nito sa kaniya na wala ng lalaking seseryoso sa kaniya dahil naibigay niya na nga ang buong sarili niya kay Chester na siyang pinagsisihan niya. ''Kung mahal ka ng isang tao, kahit ano ka pa ay handa kang tanggapin. Pinagsisihan ko ang panahon na minahal kita. Sinayang ko lang ang panahon ko sa 'yo. Nakuha mo nga ako ng buo, pero ito ang tatandaan mo. Hindi lahat ng lalaki katulad mo. Huwag ka ng mag-text kung iinsultuhin mo man lang ako. Magpakasaya ka na lang sa bago mo at kalimutan na natin ang isa't isa,'' sagot ni Daisyree sa text message ni Chester. Hanggang namalayan niya na lamang na pumatak na pala ang kaniyang mga luha. Minahal niya ng husto si Chester, kaya hindi niya inaasahan na ganito ang gawin ni Chester sa kaniya. Minabuti niya na patayin ang kaniyang cellphone at magpalit ulit ng number. Ayaw niya na may ugnayan pa siya kay Chester. Masakit pa rin naman sa kaniya ang nangyari, lalo na at tumagal din naman silang dalawa. Halos dalawang oras din siyang nagkulong sa kaniyang silid. Sa halip na mamasyal sana sila ay nawalan na siya ng gana. Kinatok na lamang siya ni Penny sa kaniyang silid. ''Daisy, kanina ka pa riyan wala ka bang balak kumain?'' tanong ni Penny sa kaniya. ''Busog ako, Penny. Pakainin mo na lang ang mga bata,'' matamlay niyang tugon kay Penny. ''Naku, may bisita ka pa naman,'' wika ni Penny sa kaniy. ''Sino? Matutulog na ako?'' sagot naman niya kay Penny. ''Nako! Harapin mo muna ang bisita mo. Pinaglutuan ka pa naman niya ng ulam para matikman mo raw ang luto niya,'' pangungulit ni Penny sa kaniya. Tumayo na lamang siya at pinagbuksan si Penny. "Sino ba ang bisita na sinasabi mo?'' paos na boses niyang tanong kay Penny. Nagtataka naman si Penny kung bakit namamaga ang kaniyang mata at paos ang kaniyang boses. ''Umiyak ka? Nariyan si Oliver sa baba.'' ''Hindi ako umiyak, noh! Kagigising ko lang kasi,'' dahilan niya kay Penny at bumababa na lamang. Pagbaba niya ay nakita niya na abala si Oliver sa paglalaro kay Jasper. May bago itong sasakyan na laruan na kung hindi siya nagkakamali ay bigay ni Oliver. "Kanina ka pa? Pasensya na kung hindi natuloy ang pasyal natin. Sumama kasi ang pakiramdam ko,'' wika niya kay Oliver. Tumingin naman ito sa kaniya at mukhang nagtataka sa kaniyang mukha. ''Kapapasok ko lang. Nagluto ako ginataang kalabasa na may alimango, kaya dinalhan ko na kayo. Okay, lang sinabi ni Penny na parang masama ang pakiramdam mo. Okay ka na ba?'' wika ni Oliver sa kaniya. ''Medyo okay na rin dahil nakapagpahinga ako ng isang oras. Salamat sa ulam na dala mo, nag-abala ka pa. Binilhan mo na nga ng pagkain ang mga kapatid ko tapos binigyan mo pa kami ng ulam,'' nahihiyang turan ni Daisyree kay Oliver. "Pinakain ko na ang mga bata. Ikaw na lang ang hindi kumain, Daisyree,'' sabat naman ni Penny na nasa hagdan na. "Busog pa ako, itabi mo na lang iyan. Bukas ko na lang kakainin 'yan,'' wika niya kay Penny at umupo sa isahang sofa sa harap ni Oliver. ''Kunti lang naman ang kinain mo kanina, nabusog ka na?'' wika ni Oliver sa kaniya. Ngiti lang ang tugon ni Daisyree sa tanong ni Oliver. ''Jasper, hali ka na. Matulog ka na. Jerry, Sammy, Jeferson, doon na kayo sa silid ninyo gumaya ng homework ninyo,'' yaya ni Penny sa mga kapatid na lalaki ni Daisyree, para makapag-usap ng mabuti ang dalawa. Agad naman nagsitayuan ang tatlo maliban kay Jasper na kumanlong pa kay Oliver. Ang tatlo ay umakyat na sa itaas at si Jasper naman ay daig pa ang tuko kung makakapit sa leeg ni Oliver. ''Laro pa kami, Tito Oliver,'' protesta ni Jasper kay Penny. ''Aba, feeling close ang batang 'to. Bukas ka na maglaro at matulog ka na. Sige, ka! Bukas mamasyal kami maiwan ka,'' pananakot naman ni Penny sa alaga niya. Natatawa na lamang si Daisyree sa dalawa. Bumitaw naman si Jasper sa pagkapit sa leeg ni Oliver at nakasimangot na bumaba sa kandungan ni Oliver. Ginulo na lamang ni Oliver ang buhok ng bata at napapangiti. "Bukas na tayo ulit maglaro, ha?'' lambing na wika ni Oliver sa bata. Tumango naman ang bata at ngumiti sa kaniya. Dinala na ito ni Penny sa itaas at naiwan ang dalawa sa sala. ''Umiyak ka ba?'' tanong ni Oliver kay Daisyree. "Kagigising ko lang, kaya ganito ang mata ko at namamaos ako,'' dahilan ni Daisyeree kay Oliver. ''Okay lang kahit hindi mo sabihin. Pero kung ako sa'yo, kalimutan mo na ang lalaking iyon. Marami namang lalaki riyan na higit pa sa lalaking iyon,'' wika ni Oliver sa kaniya. Ngunit hindi iyon ang inaasahan ni Daisyree na sabihin ni Oliver. Gusto niya sana marinig na nariyan ang binata para sa kaniya at handa siya nitong tanggapin kahit ano pa ang karanasan at pagkatao niya. Hilaw siyang ngumiti kay Oliver. ''Tama ka, pero mag-focus na muna ako sa mga kapatid ko. Salamat nga pala sa ulam, ha. Baka inaantok ka na, bukas may trabaho pa tayo,'' aniya kay Oliver. ''Okay, sige. Matulog ka ng maaga. Bukas hintayin kita,'' ani Oliver at tumayo na ito at nagpaalam sa kaniya na uuwi na. ''Good night,'' habol pang wika ni Oliver bago lumabas ng gate. Kaway lang ang isinukli ni Daisyree sa kaniya. Isinara na lamang ni Daisyree ang pinto at umakyat sa itaas. "Psst... Bakit saglit lang ang usapan niyo ni Oliver? Saka bakit mo pinauwi kaagad?'' tanong ni Penny sa kaniya na nasa terace. ''May pasok pa kami bukas, kaya dapat lang na maaga kami matulog. Saka wala naman kaming mahalagang pag-uusapan,'' sagot niya kay Penny. ''Wala nga ba talaga?'' pang-aasar na tanong ni Penny sa kaniya. ''Ewan ko sa 'yo! Matulog ka nga!'' sabay irap niya kay Penny. "E 'di matulog, ewan ko lang kung makatulog ka sa kakaisip kay Oliver,'' tukso ni Penny sa kaniya. Kinunutan na lang niya ng noo si Penny at inirapan. Pumasok siya sa kaniyang silid at tumabi sa dalawa niyang kapatid na babae at kay Jasper. Kinabukasan naman ay nakaabang na si Oliver sa labas para hintayin siya. Pinauna niya munang pinapasok ang kaniyang mga kapatid bago siya pumasok sa trabaho. Paglabas niya ay masarap na ngiti ang sinalubong ni Oliver sa kaniya. ''Good morning,'' ngiting bati ni Oliver sa kaniya at pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan. ''Good morning din. Baka mamaya ma late ka sa paghintay mo sa akin,'' aniya kay Oliver at pumasok sa kotse ni Oliver. ''Maaga pa naman,'' sagot ni Oliver sa kaniya at umikot ito sa driver seat. Pag-upo ni Oliver sa driver seat at sinuot muna nito ang seat belt at binuhay ang makita at pinatakbo na ang sasakyan. Tahimik lang sila habang nagmamaneho si Oliver. Hinatid siya nito sa mall na pinagta-trabahuhan niya at dumaretso naman si Oliver sa site para e-check ang site at pumasok sa opisina nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD