Chapter 7
"Flower for you,'' sabay abot ni Oliver ng bulaklak kay Daisyree na binili niya sa mall na pinagta-trabahuhan ng dalaga. Sinundo na siya nito ng hapon.
''Nag-abala ka pa. Hindi mo na dapat ako binilhan nito,'' wika ni Daisyree kay Oliver dahil nahihiya ito sa binata.
''Gusto kitang bigyan ng bulaklak, kaya tanggapin mo na,'' alok ni Oliver sa kaniya.
Tinanggap niya naman ang bulaklak na bigay ng binata at inamoy niya pa ito. Napapangiti siya sa amoy ng mga bulaklak.
''Salamat sa mga bulaklak,'' ngiti niyang pasalamat kay Oliver. Pinagbuksan siya ni Oliver ng sasakyan at pumasok na rin siya at naupo sa front seat. Pagsara ni Oliver ng pintuan ng sasakyan ay umikot na rin ito sa driver seat at binuhay kaagad ang makina.
''May ipagtatapat sana ako s 'yo. Puwede bang dumaan tayo sa dagat?'' seryosong wika ni Oliver kay Daisyree.
''Ano ba ang ipagtatapat mo sa akin?'' tanong niya kay Oliver.
''Basta mamaya, kaya puwedeng bang makausap kita ng sarilinan?'' ani Oliver sa dalaga habang nagmamaneho.
''Sige,'' tipid na sagot ni Daisyree kay Oliver.
Dinala ni Oliver si Daisyree sa dagat at umupo sila sa isang vip restaurant. Um-order sila ng pasta at juice, vegatable salad at iba pa.
''Ano ba ang ipagtatapat mo sa akin?'' tanong ni Daisyree kay Oliver.
''Gusto ko sana ligawan ka ulit, Daisyree,'' agad na pahayag ni Oliver sa kaniya. Gusto lumukso ng puso ni Daisyree sa kaniyang narinig. Ngunit hindi niya alam kung ano ang isasagot niya kay Oliver.
Tumitig siya ng husto kay Oliver at sa huli ay naibuka niya rin ang kaniyang mga labi. "Oliver, alam mo naman siguro na kabe-break lang namin ng boyfriend ko. Isa pa hindi ako ang babaeng nararapat sa'yo. Kaya, pasensya na kung hindi ko matutugunan ang gusto mo,'' wika ni Daisyree sa binata.
''Mahal pa rin kita hanggang ngayon, Daisyree. Bigyan mo pa sana ako ng isa pang pag-asa na maipakita ang pagmamahal ko sa'yo. Subrang nasaktan ako noong nakipag-break ka noon sa akin,'' ani Oliver.
''Nasaktan din naman ako noon, Oliver. Pero ikaw naman ang unang nanloko sa akin, eh!'' sabi ni Daisyree kay Oliver.
''Kailan man ay hindi kita niloko, Daisyree. Hindi ko nga alam kung bakit nakipag-break ka sa akin, eh!''
''Syempre, dahil nag-text sa akin ang girlfriend mo roon. Alangan naman na matuwa ako,'' sagot naman ng dalaga sa binata.
''Pinsan ko ang nag-text sa'yo. Hindi mo pinakinggan ang paliwanag ko sa'yo. Basta ka na lang nakipaghiwalay sa akin,'' sumamo ni Oliver sa dalaga.
''Hindi na dapat tayo magsisihan pa. Nangyari na ang dapat nangyari at nakalipas na iyon. Ngunit alam mo naman na malaki pa ang obligasyon ko ngayon na kinakaharap sa mga kapatid ko. Kaya, sana maintindihan mo ako. Ibaling mo na lang sa iba ang pagmamahal at atensyon mo,'' wika ni Daisyree kay Oliver.
Mapait man sa loob ni Oliver ang tanggaihan siya ng dalaga ay tinanggap niya na lamang ang gusto ng dalaga. ''Wala na ba talagang pag-asa na maging tayo ulit?'' sumamong tanong ni Oliver sa kaniya.
''Sorry, Oliver. Ngunit hindi ako nararapat sa'yo. Maghanap ka na lang ng iba,'' ani Daisyree. Labag man iyon sa kalooban niya, ngunit para sa kaniya ay iyon ang nararapat niyang gawin. Isa pa sariwa pa ang sugat sa kaniyang puso sa hiwalayan nila ni Chester. Pero ang higit niyang inaalala ay kung paano na lang kung malaman ni Oliver na hindi na siya malinis na babae at nakuha na ni Chester ang pagkab@bae niya. Natatakot siyang pandirihan siya ng binata iinsultuhin.
"Sinubakan ko maghanap ng iba, pero ikaw pa rin ang tinitibok ng puso ko. Kahit kailan ay hindi ka nawala sa puso ko, Daisyree,'' pag-amin ng binata sa kaniya.
"I'm sorry, Oliver. Marami pa akong bagay na dapat ipagpauna kaysa magkaroon ulit ng karelasyon. Kaya, ibigay mo na lang sa iba ang pagmamahal na para sa kin,'' mapait niyang wika kay Oliver.
''Kung iyan ang gusto mo wala akong magagawa,'' mapait na tugon naman ni Oliver sa kaniya.
Hindi pa nga natapos ni Oliver ang kinakain niya ay nagyaya na si Daiyree na umuwi. Kaya, tumayo na lamang si Oliver at inihatid si Daisyree sa apartment nito. Habang nasa biyehe sila ay wala silang imikan hanggang nakarating sila sa kani-kanilang apartment.
Kinabukasan ay hindi na siya ni Oliver hinitay pa. Kaya, back to normal na naman ang pamumuhay niya. Hanggang lumipas ang ilang araw ay tumawag ang kaniyang ina sa ibang bansa.
''Anak, kumusta na kayo ng mga kapatid mo?'' tanong sa kaniya ng kaniyang ina. Nasa kuwarto siya at naggagansilyo. Day off niya ngayon, kaya buong araw lang siya nakakulong sa silid. Ilang araw niya na rin hindi nakikita ang binata na nasa kabilang apartment.
''Okay, lang kami, Ma. Kayo, kumusta na?'' tanong niya sa kaniyang ina.
''Okay, naman ako, anak. May ipagtatapat sana ako sa 'yo, anak. Sana huwag kayo magalit sa akin,'' wika ng kaniyang ina.
Kinakabahan siya sa sinabi ng kaniyang ina. Baka mamaya ay may malubhang sakit ito. ''Ano 'yon, Ma?''
''Anak, nag-asawa ako ulit. Isang Amerikano. Narito ako ngayon sa Amerika at kasama ang pangalawa kong asawa. Gusto niya sana kayo kunin at dalhin dito. Huwag ka sana magalit sa akin, Anak,'' pagtatapat ng kaniyang ina.
Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ng kaniyang ina dahil akala niya ay may sakit ito. Ngumiti siya sa kaniyang ina ng matamis.
"Ma, kung alin ang makapagpapasaya sa'yo ay ayos lang po sa akin. Isa pa matagal ng patay si Papa. At lumaki nga ang mga kapatid ko na walang kinikilalang ama. Kaya, kung mabait ang asawa mo, Ma. Ayos lang sa akin.''
''Salamat, Anak. Gusto niyang makita kayo,'' wika ng kaniyang ina at tinapat sa Amerekano ang camera. Matanda na ito sa palagay niya ay nasa anim na pong gulang na ito. Ngumiti ito sa kaniya at kumaway.
Ginantihan niya rin ito ng ngiti at kumaway rin siya rito. Maya pa ang mukha naman ng kaniyang ina ang nakita niya sa video call.
''Anak, baka sa sunod na linggo ay uuwi kami riyan ng asawa ko. Aasikasuhin namin ang mga papeles ng mga kapatid mo para dito na sila mag-aaral sa Amerika. Saka makahanap ka rito anak ng magandang trabaho,'' ngiting wika ng kaniyang ina sa kaniya.
"Ma, ayaw kong lumipat ng trabaho. Dito lang ako Camelon dahil maganda naman ang trabaho ko rito,'' wika niya sa kaniyang ina.
'"Pag-isipan mo ng mabuti, Anak. Pagdating na lang namin natin iyan pag-uusapan,'' pahayag ng kaniyang ina sa kaniya.
"Sige, Ma. Tatawagin ko lang ang mga kapatid ko para makausap mo sila,'' wika niya sa kaniyang ina at tinawag niya na ang kaniyang mga kapatid.
Hanggang sa sumapit ang gabi at nag-usap sila ni Penny. "Paano 'yan? Pupunta na kayo sa Amerika,'' malungkot na pahayag ni Penny sa kaniya.
''Hindi naman ako sasama sa kanila, Penny. Mas gusto ko pa rin dito. Pero hindi ko naman puwede ipagkait sa mga kapatid ko ang magandang oportunidad para sa kanila. Kung makakabuti na roon sila sa Amerika mag-aral bakit naman hindi?''
"Pero, teka. Parang hindi na yata kayo nagsasabay ng pasok ni Oliver. Saka kanina pumunta siya rito may ibinigay na pagkain para sa mga kapatid mo. Tatawagin sana kita kaso, sabi niya huwag na dahil mga kapatid mo lang naman ang pinunta niya para ibigay ang pagkain sa kanila,'' seryosong wika ni Penny sa kaniya.
Medyo nasaktan siya sa sinabi ni Penny dahil hindi na siya hinahanap ni Oliver. Ano nga ba ang aasahan niya? Dahil tinanggihan niya na si Oliver.
Samantalang si Oliver naman ay abala sa pagta-type sa loptop nang tumunog ang kaniyang cellphone. Nakita niya ang pangalang ni Cindy kunot-noo niya itong sinagot.
''Oliver?'' mahinahong tawag ni Cindy sa kaniya.
"Napatawag ka?'' tanong ni Oliver sa kaniya.
"Narito ako sa Camelon City sa airport. Puwede mo ba akong masundo?'' lambing ni Cindy sa kaniya.
"Ha? A-akala ko ba ayaw mo rito sa probensya?'' nagtatakang tanong ni Oliver sa kaniya.
''Basta! Sunduin mo na lang ako rito. Mamaya ko na lang ipapaliwanag ang lahat sa'yo,'' wika pa ni Cindy.
''Okay, okay. Hintayin mo ako riyan at susunduin na kita,'' nagamamdaling sabi ni Oliver at mabilis siyang nagsuot ng jacket at kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan. Sinundo niya si Cindy sa airport. Isa lang naman ang airport sa Camelon City.
Pagdating sa airport ay agad naman nakita ni Oliver ang kaniyang dating kasintahan na naiwan sa Meland. Agad niya itong pinuntahan.
'"Cindy, hali ka na!'' tawag niya sa dalaga. Kahit gabi na ay sinundo niya pa rin ang dalaga.
''Oliver,'' wika ng dalaga at agad niya itong niyakap. PAgkatapos ay kumalas rin siya at nagtungo na sila sa parking area at sumakay.
"Ano ang naisipan mo at pumunta ka rito?'' tanong ni Oliver sa kaniya.
''Wala, lang. Gusto lang kitang surpresahin. Saka bukas may shooting ako na malapit sa lugar na ito,'' wika ni Cindy sa kaniya.
''Saan kita ihahatid?'' seryoso namang tanong ni Oliver sa dalaga.
''Doon muna ako sa'yo. Para naman makatipid ako. Wala ka naman yatang kasama sa bahay mo,'' ani Cindy.
''Hindi puwede!'' daretsahang sabi ni Oliver sa dalaga. Napaawang na lamang ng labi si Cindy sa pagtanggi ni Oliver sa gusto niya.
''At bakit naman hindi, puwede?'' tanong ni Cindy na nakakunot ang noo.
''Dalaga ka at binata ako. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao kapag nakita tayo na magkasama sa isang bahay?'' ani Oliver.
''Wow! Parang hindi naging tayo! Wala akong pakialam sa ibang tao kung ano man ang sasabihin nila ang mahalaga ay may matulogan lang ako. Isang linggo lang naman ang pamamalagi ko, eh!'' sabi ni Cindy kay Oliver.
'''Yon na nga! Naging tayo tapos ano na lang ang sasabihin ng iba?'' aniya dahil ang totoo ayaw niyang makita ni Daisyree na may inuuwi siyang babae. Hindi pa siya tapos sa panliligaw sa dalaga. Kahit binasted na siya ni Daisyree ay umaasa pa rin siya na magkabalikan sila. Hinihintay niya lamang ang paggaling ng sugat sa puso ni Daisyree dahil sa naging boyfriend nito.
''Isang linggo lang naman! Kahit sa sofa na lang ako matulog,'' pamimilit ni Cindy sa kaniya.
Pumayag na lamang siya dahil alam naman niya na hindi siya titigilan ni Cindy. Kaya, inuwi na lamang niya si Cindy sa apartment niya. Dalawa naman ang silid noon, kaya puwede si Cindy roon sa kabilang silid.