Episode 5

2126 Words
Chapter 5 Habang nasa byahe si Oliver at Daisyree ay panay naman ang sulyap ni Daisyree sa binata. Lalo pa kasi ito naging guwapo at naging makisig ang katawan. Hindi akalain ni Daisyree na sa limang taon nila na walang communication ni Oliver sa isa’t isa ay heto at kasama niya ang binata at hinahatid siya sa kaniyang trabaho. ‘’Baka nakaabala ako sa ‘yo,’’ nahihiyang wika ni Daisyree kay Oliver. ‘’Ano ka ba? Hindi naman! Dinadaanan ko naman ang mall na pinapasukan mo papunta sa opisina ko. Anong oras ang uwi mo mamaya?’’ tanong ni Oliver sa kaniya. ‘’Alas kuwatro ng hapon,’’ sagot ni Daisyree sa binata. ‘’Tamang-tama daanan kita mamaya,’’ wika ni Oliver sa kaniya. ‘’Daan pa ako sa G mall may bibilhin kasi ako doon,’’ ani Daisyree. ‘’Okay lang, puwede naman kita samahan. Pagkatapos ko mamaya pumunta sa site hihintayin kita sa labas ng mall na pinagta-trabahohan mo,’’ wika ni Oliver sa kaniya. Kibit balikt naman si Daisyree na sumagot kay Oliver. ‘’Sige, bahala ka.’’ Ilang minuto pa ang nakalipas ay humito na si Oliver sa harap ng mall na pinapasukan ni Daisyree. Bumaba na si Daisyree ay ngumiti muna siya kay Oliver. “Salamat sa paghatid,’’ sabay kaway niya sa binata. ‘’Walang ano man. Mamaya daanan kita, oka?’’ Tango lang ang sagot ni Daisyree sa binata at tumalikod na ito. Naglakad siya sa likod ng mall dahil doon ang mga empleyado ng mall dumadaan at bawal sila dumaan sa harap. Bago siya pumasok sa department ay nilagay niya muna sa locker ang kaniyang bag. “Psst… Sino ‘yong naka-kotse na naghatid sa ‘yo?’’ usisa ng kaniyang kasamahan sa kaniya na si Janice. ‘’Kaibigan ko,’’ simpleng sagot ni Daisyree. Umakyat na sila sa pangalawang palapag ng mall dahil sa second floor ang mga cosmetic kung saan siya na assign. ‘’Wee.. ‘Di nga? Ang guwapo girl, ha? Nakita kita kanina pagbaba mo, ipakilala mo naman ako,’’ pangungulit ni Janice sa kaniya. ‘’Sira ulo ka talaga. Mamaya mabatukan pa ako ni Welson,’’ nakangiting sabi ni Daisyree kay Janice. ‘’Pakilala lang naman, eh! Mukhang napapansin ko parang hindi ka na yata ni Chester hinahatid? Ayaw mo na ba makiangkas sa motorsiklo ni Chester?’’ tanong ni Janice sa kaniya. Kilala naman kasi ni Janice si Chester dahil palaging ito ang kasama ni Daisyree kapag pumapasok siya sa trabaho. Malapit lang din kasi ang pinagta-trabahuhan ni Chester sa mall na pinapasukan ni Daisyree. Isang Manager si Chester sa isang sikat na Restaurant sa Camelon City. ‘’Ilang araw na kaya kaming hiwalay ni Chester,’’ pag-amin ni Daisyree kay Janice. ‘’Alam ko na kung ano ang dahilan. 3rd party, ano?’’ ‘’Hindi, ah! Siya ang nakipag-break sa akin,’’ walang alinlangan na sabi ni Daisyree kay Janice. Nagulat pa si Janice sa sinabi niya. ‘’Hala? Totoo, Girl? Siya pa ang nakipag-break sa ‘yo? Pero bakit?’’ ‘’Mahabang istorya, Girl. Sige na at doon na ako sa puwesto ko,’’ ani Daisyree nang makarating na sila sa 2nd floor. Si Janice kasi ay sa mga ladies wear siya naka-asign malapit lang din sa cosmitec area. ‘’Oh, sige. Mamaya na tayo mag-lunch makipagtsismisan, ani Janice at nagtungo na ito sa kaniyang puwesto. Pagdating naman sa puwesto ay inalisan ni Daisyree ng mga alikabok ang mga naka-display na item. Iyon na ang routine niya sa umaga kapag siya ang unang naka-duty. Sakto naman na pagkatapos niyang maglinis ay may costumer ng dumating. ‘’Ang ganda nitong shade ng lipstick. Miss magkano ‘to?’’ tanong ng isang sexy at maputing babae. Social ang dating nito. ‘’May tag-ptrice po ‘yan, Ma’am sa gilid,’’ wika ni Daisyree at kumuha siya ng isa na katulad sa kinuha ng babae. ‘’895 po Ma’am.’’ ‘’Okay, I will buy it. Maganda siya, ‘di ba, Babe?’’ tanong pa ng babae sa kasama nitong lalaki. Hindi agad napansin ni Daisyree ang kasama ng babae kung sino ito. Pero nang iangat niya ang kaniyang mga mata sa gawi ng lalaki ay si Chester ang kasama ng babae na tinawag pa itong babe. ‘’Yes, Babe. Kahit hindi ka naman maglagay ng lipstick maganda ka naman tingnan,’’ wika ni Chester sa babae na kasama niya. Napakagat labi na lang si Disyree at napataas ng kilay. Dahil ilang araw pa lang silang hiwalay ni Chester ay may babae na itong ipinalit sa kaniya. Halatang nang-aasar lang ang lalaki sa kaniya. At pinapakita talaga nito sa kaniya na gano’n siya kadali palitan. Masakit man sa kalooban ni Daisyree na may iba ng pinalit si Chester sa kaniya ay wala na siyang magagawa. Kung makapagbintang ito sa kaniya ay wagas. ‘Yon pala ito yata ang may ginagawang hindi maganda para lang masira ang matagal na nilang realasyon na toxic din naman. ‘’Ngumiti ng kampanti si Daisyree kay Chester at hindi siya nagpapahalata na apektado siya na may kapalit na siya sa puso ni Chester. ‘’Bagay nga iyan sa ‘yo, Ma’am. Pero mas bagay kayo tingnan ni Sir. ‘Di ba, Sir? Bagay na bagay kayong dalawa,’’ mapang-uyam na sabi ni Daisyree sa babae at kay Chester. Gumalaw naman ang panga ni Chester at kumibot pa ito ng labi. ‘’Ofcourse, bagay talaga kami ni Lera. Hindi kasi siya katulad ng iba na hindi kuntinto sa boyfriend nila at nakikipaglandian pa sa iba,’’ patama naman ni Chester kay Daisyree. Bahagyang natawa si Daisyree sa pasaring ni Chester sa kaniya. ‘’Baka naman kasi judgemental lang ang iba Sir. Kunyari makipag-break sa girlfriend nila at nagbibintang ng kung ano-ano, ‘yon pala sila ang gumagawa ng kalandian,’’ sabay ngiti ni Daisyree kay Chester. Lalong umigting ang panga ni Chester sa sinabi ni Daisyree. ‘’Babe, wala ka na bang bibilhin? Bayaran na natin ‘yan para makapanuod na tayo ng sine,’’ tanong ni Chester sa babae na kasama niya. ‘’Ito lang muna ang bilhin ko, Babe. Tara na,’’ yaya ng babae kay Chester. Bago pa umalis si Chester ay masakit na tingin muna ang ibinigay nito kay Daisyree. Ngunit matamis naman na ngiti ang isinukli ni Daisyree sa kaniya. Pagkatalikod ni Chester ay parang nabunutan ng tinik si Daisyree. Ganoon pala ang pakiramdam na makita mong may kasama ng iba ang ex-boyfriend mo. Pero ayaw magpakita ng kahinaan si Daisyree dahil para sa kaniya ay hindi niya dapat panghinayangan ang katulad ni Chester na ilang ulit na itong nakupaghiwalay sa kaniya. Oo, nakuha nga ni Chester ang katawan niya pero hindi naman iyon ang dahilan para makipaglaro pa rin siya sa binata. Nagkamali na siya minsan, kaya ayaw niyang maulit iyon sa isang tao lang. Para sa kaniya ay darating din ang araw na may makilala siyang lalaki na tunay na magmamahal sa kaniya kahit ano pa ang pagkatao niya. At hindi si Chester ang tipong lalaki na dapat niyang pangarapin na makasama sa habang buhay. Atleast hindi pa sila kasala at nalaman niya na agad ang tunay na ugali nito na subrang seloso. Noong una ay iniintindi niya lang ang binata na baka subrang mahal lang siya nito, ganoon na lang ito magselos sa mga kaibigan niyang lalaki o sa mga kausap niyang lalaki. ‘Yon pala ay parang nakakasakal din sa pakiramdam niya. Sumapit ang alas kuwatro ng hapon ay nagmamadaling lumabas si Daisyree sa may exit. Habang naglalakad siya papunta sa harap ng mall ay natanaw niya kaagad ang sasakyan ni Oliver nan aka-park. Napapangiti na lamang siya dahil tinotoo talaga ng binate na daanan siya nito. Nakasandal si Oliver sa harap ng kotse nito at kumaway pa ito sa kaniya. Malawak na ngiti naman ang isinukli niya sa binata. Nang malapit na siya sa kinaroroonan ng binata ay lalo namang lumawak ang ngiti nito sa kaniya. ‘’Kanina ka pa?’’ tanong niya sa binate. ‘’Hindi naman. Kararating ko lang siguro 3 minutes pa lang,’’ ngiti ni Oliver sa kaniya at pinagbuksan siya nito ng pinto sa front seat. ‘’Sakay na,’’ wika pa ni Oliver sa kaniya. ‘’Agad naman na sumakay si Daisyree. Pagsara ng pinto ni Oliver ay umikot na ito sa driver seat at umupo. Agad nitong binuhay ang makina. ‘’Magmeryenda muna tayo. Kunti lang kasi ang nakain ko at medyo nagugutom na ako,’’ wika ni Oliver sa kaniya. ‘’Sige, ikaw ang bahala,’’ tipid na sagot ni Daisyree kay Oliver. Pinatakbo na ni Oliver ang sasakyan at tatlong minuto lang ang byenahi nila ay nag-parking si Oliver sa Bronze restaurant. Nang ma-realize ni Daisyree kung saan sila nag-park ay hindi niya alam kung bababa ba siya o manatili na lang sa loob ng kotse ni Oliver. Ngunit nang pinagbuksan na siya ni Oliver ng sasakyan ay bumaba na lamang siya. Gusto niya sana sabihin kay Oliver na sa ibang Restaurant na lang sila kumain ngunit ayaw naman niyang lumabas na masiyado siyang demanding. Sa Restaurant kasi na ito nagta-trabaho si Chester bilang Manager. ‘’Lets go,’’ yaya ni Oliver sa kaniya. Sumunod naman siya at nakahawak siya sa braso ni Oliver. Wala siyang pakialam kung makita man siya ni Chester na kasama ang lalaking pinagseselosan nito. Taas noo siyang pumasok sa Bronze kasabay si Oliver. Naupo sila sa bakanting upuan at lumapit naman sa kanila ang waiter at binigyan sila ng menu book. ‘’What do you want to eat?’’ tanong ni Oliver sa kaniya. ‘’Spring Carbona and juice na lang sa akin,’’ sagot niya kay Oliver. Tumango naman ang binata at lumingon ito sa waiter. ‘’1 Spring Carbonara ang Pine apple Juice sa kaniya. At sa akin naman ay Spaghetti with ham, ceps and black truffle at red wine. Saka dagdagan mon na lang ng 2 pcs of Waldorf Salad.’’ Inilista ng waiter ang orde nila. Tumingin ulit si Oliver kay Daisyree. ‘’Gusto mo ng sea food?’’ Umiling-iling naman si Daisyree sa binata. Ang mahal kaya ng in-order nila isa pa hindi siya sanay na kumakain ng masarap habang ang mga kapatid niya ay hindi makatikim sa ano mang kinain niya. ‘’Tama na ako sa in-order ko,’’ aniya kay Oliver. Sumang-ayon na lamang si Oliver sa kaniya. Habang naghihintay naman sila ng order ay panay naman ang titig sa kaniya ni Oliver. ‘’After nating kumain gusto mo mamasyal tayo sa dagat?’’ tanong ni Oliver sa kaniya. ‘’Hindi mo ako mapapasyal kapag naka-uniforme ako. Saka isa pa ‘yong mga kapatid ko naghihintay na sa akin,’’ ngiti niyang wika kay Oliver. ‘’E’di umuwi muna tayo at magbihis tapos isama na rin natin sila para makapamasyal din sila,’’ ani Oliver sa kaniya. Maya pa ay dumating na ang order nila at nagsimula na silang kumain. ‘’Kumakain ba ng ganito ang mga kapatid mo?’’ tanong ni Oliver sa kaniya. ‘’Kahit ano naman ang kinakain ng mga ‘yon,’’ sagot niya kay Oliver. Nagulat na lang siya ng tawagin ni Oliver ang waiter at nag-rder ito ng family meal para sa mga kapatid niya. ‘’Nakakahiya naman sa ‘yo, Oliver. Pinakain mo na nga ako bibilhan mo pa ang mga kapatid ko. Mamaya masanay na kami sa pnlilibre mo,’’ nahihiya niyang wika kay Oliver habang kumakain sila. ”Kunting bagay lang naman iyan. Okay, nga ‘yon na masanay ka para hanap-hanapin mo ako,’’ biro naman ni Oliver sa kaniya ngunit galing talaga iyon sa puso ni Oliver. Habang nagku-kuwentuhan sila ni Oliver ay tama naman ang paglabas ni Oliver mula sa kitchen at katatapos lang nito e-check ang mga gamit sa kitchen nanag mapagawi ang mata nito sa kinaroroonan ni Daisyree at Oliver. Nagtama ang mga mata nila ni Daisyree. Hindi alam ni Daisyree kung babawiin niya baa ng tingin kay Chester o magtitigan na lang sila. Sinundan naman ni Oliver ang mga mata ni Daisyree kung saan ito nakatingin. At nakita niya na nakatingin ito sa lalaki. Nakita ni Oliver ang lungkot sa mga mata ni Daisyree at hindi niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. ‘‘Daisyree,’’ tawag ni Oliver sa kaniya. Bigla naman siya tumingin kay Oliver at mabuti na lang dahil baka hindi na maawat ang kaniyang mata sa gawi ng kaniyang ex-boyfriend. ‘’Bakit?’’ aniya kay Oliver. ‘’Kakilala mo ba ang lalaking iyon?’’ tanong ni Oliver sa kaniya. ‘’Ha? Ahmm.. ex-boyfriend ko,’’ walang alinlangan na pag-amin niya kay Oliver. Tumango-tango na lamang si Oliver sa sagot niya. Nang dumako ulit ang tingin ni Daisyree kay Chester ay kausap na nito ang babae na kasama nito kanina. Napansin ni Oliver ang malalim na panghinga ni Daisyree, kaya pagkatapos nilang kumain at makuha ang in-order niyang family meal para sa mga kapatid ng dalaga ay agad niya ng niyaya si Daisyree na umuwi. Habang nasa byahe sila ay tahimik lang si Daisyree at halatang may ikinukubli sa damadamin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD