Epidode 2

1891 Words
Chapter 2 ''Congratulation, Bro. Nakapasa ka sa bidding ng company bilang Electrical Engineer. At alam mo kung naman kung saan ang proyekto. Makakauwi ka na sa Camelon City. Doon malapit itatayo ang Miracle Hotel. Ang swerte mo dahil ito ang unang proyekto mo,'' magiliw na wika ni Ian kay Oliver. Hindi mapagsidlan ang tuwa na nadara ni Oliver ng mga oras na iyon. Ito ang kauna-unahang trabaho niya at nakapasa siya sa bidding ng Miracle Hotel sa Meland. Malaking kumpanya ito at magpapatayo ng hotel sa Wooland City. At ito ang hotel na pinakamalaki sa buong bansa. ''Thank you, Bro. Sa limang taon ko rito sa Meland ay makakauwi na ako sa amin. At puwede ko na madalaw si Inay at Itay roon,'' masayang wika ni Oliver sa kaniyang matalik na kaibigan na isa ring Engineer. ''Paano si Cindy? Tiyak na hindi papayag iyon na malayo sa 'yo,'' wika ni Ian sa kaniya. Malalim siyang nagbuntong hininga at maayos na humarap kay Ian. ''Kung guito niya puwede naman siyang sumama sa amin at para makilala rin siya ng mga magulang ko,'' sagot ni Oliver kay Ian. ''Paano kung hindi siya sasama? Paano kung papiliin ka niya?'' tanong ni Ian sa kaniya dahil alam nito ang ugali ng kaniyang pinsan na si Cindy. ''Alam mo naman siguro ang sagot ko, Bro. Kauna-unahan ko itong trabaho kaya hindi ko puwede baliwalain ito,'' wika niya sa kaniyang kaibigan. Kibit-balikat lang din ang naging tugon ni Ian sa kaniya. Maya-maya ay naka-recieve ng call si Oliver. Mula iyon kay Cindy. ''Wait lang, Bro. Speaking of your cousin ay hito tumatawag,'' wika niya at sinagot ang cellphone. Nasa cafeteria sila ni Ian at kailangan niya pang lumabas para sagutin ang tawag ni Cindy. ''Hello, Babe,'' aniya sa kabilang linya. ''Babe, saan ka? Narito ako sa apartment mo,'' tanong ni Cindy. ''Narito kami sa cafeteria ni Ian. Pauwi na rin ako kaya hintayin mo na lang ako. May susi ka naman sa Apartment ko, kaya pumasok ka na sa loob,'' wika niya sa kaniyang nobya. ''Sige, Babe. Hintayin na lang din kita,'' wika ni Cindy sa kabilang linya. Pinatay na ni Oliver ang cellphone at bumalik sa puwesto nila ni Ian. Kinuha niya ang kaniyang loptop at nagpaalam na sa kaniyang kaibigan. ''Bro, mauna na ako at naroon ang pinsan mo sa apartment. Kailangan masabi ko na sa kaniya na sa sunod na linggo ay nasa Camelon City na ako.'' ''Sige, Bro. Good Luck na lang,'' tugon ni Ian sa kaniya. Umalis na siya at nagpara ng taxi at nagpahatid sa kaniyang apartment. Mula ng nag-aral siya rito sa Meland ay nagpa-alam siya sa kaniyang Tito na magbukod at para malapit sa kaniyang pinapasukan na university. Kaya nangupahan siya malapit sa kaniyang paaralan hanggang sa nag-graduate na siya. At ngayon ay isa na siyang Electrical Engineer. Pagdating niya sa apartment ay agad siyang sinalubong ng halik ng kaniyang nobya na si Cindy. Simula nang maghiwalay sila ni Daisyree ay paiba-iba na ang naging nobya niya. Hindi na nga niya mabilang sa kaniyang daliri kung pang-ilan si Cindy. Isang taon na rin sila ni Cindy nag magnobya at nobyo. Nais na rin ni Oliver na sumeryoso sa isang relasyon. Lalo na at tumatanda na siya kaya kailangan niya na maging matured. ''Babe, pasensiya na at natagalan ako. Matrafic kasi,'' wika niya sa nobya matapos maghiwalay ang kanilang mga labi. ''Okay, lang Babe. May dala akong pizza,'' wika ni Cindy at binuksan ang isang box ng pizza. Naupo si Oliver sa sofa at sumandal. Binigyan siya ni Cindy ng isang slice ng pizza at naupo rin ito sa tabi ni Oliver. ''Babe, nakapasa ako sa bidding sa Miracle Hoel na ipapatayo sa amin,'' wika ni Oliver sa kaniyang nobya. ''Talaga, Babe? Congrats Babe, i'm so happy for you,'' masayang hinalikan siya ni Cindy sa pisngi. ''Pero, sa Wooland province ako nadistino, Babe. Malapit iyon sa lugar namin sa Camelon City,'' ani Oliver kay Cindy. Ang matamis na ngiti ni Cindy ay napalitan ng mapait na ngitii. ''Uuwi ka? Pero paano tayo?'' Babe, alam mo naman na dito ang trabaho ko sa Meland,'' ani Cindy. ''Babe, una kong trabaho ito at malapit lang sa amin. Sayang naman kong tanggihan ko,'' ani Oliver. ''So, ibig mong sabihin pipiliin mo ang trabaho mong iyon sa atin? Paano naman ang relasyon natin, Babe?'' ''Puwede naman tayo magtawagan. Saka puwede ka naman magbakasyon doon at para mapakilala rin kita sa mga magulang ko,'' ani Oliver kay Cindy. ''Oliver ang hirap naman yata 'yon?'' wika ni Cindy kay Oliver. ''Babe, akala ko ba maging masaya ka sa tagumpay ko? Saka lagi naman akong tatawag sa 'yo, eh,'' ani Oliver sa nobya. ''Oo, masaya ako dahil matutupad mo na ang pangarap mo. Pero kung 'yon naman ang dahilan ng pagkalayo natin parang ang labo naman yata na maging masaya pa ako. Papipiliin kita Oliver ako o ang trabaho mo?'' ani Cindy. Napaawang ang labi ni Oliver dahil hindi niya akalain na papipiliin siya ng kaniyang nobya. ''Cindy, alam mo naman siguro ang sagot sa tanong mo 'di ba? Hindi ko puwede pakawalan ang trabaho kong ito. Sana naman maintindihan mo,'' ani Oliver. ''Kung gano'n mabuti na lang maghiwalay na lang tayo. Total lalayo ka rin naman kaya wala ng magandang patutunguhan ang relasyong ito,'' ani Cindy sabay tayo. Ang akala ni Cindy ay suyuin siya ni Oliver. Ngunit lumabas lang siya ng apartment ni Oliver na hindi tumitingin sa kaniya ang nobyo. Para kay Oliver kung mahal siya nito ay maiintindihan siya nito. Ngunit ang pinakaayaw niya ay ang pinapapapili siya sa isang bagay na alam naman nito kung ano ang mahalaga sa kaniya. Hindi ipagpapalit ni Oliver ang trabaho sa kaniyang nobya. Marami pa namang babae riyan na higit kay Cindy. Ang mahalaga sa kaniya ay matupad ang pangarap niya. ito ang kauna-unahang trabahong natanggap niya sa pag-graduate niya kaya hindi niya ito puwedeng pakalawalan. Sumapit ang limang araw at abala si Oliver sa pagliligpit ng kaniyang mga gamit. Sa sunod na araw ay uuwi na siya sa Camelon. Tinawagan niya ang kaniyang Ina na si Merly. Sakto naman na naroon ang kaniyang kababata at matalik na kaibigan noong high school na si Herman. ''Kamusta ka naman, Tol? tanong ni Herman kay Oliver. ''Ayos lang ako, Tol. Uuwi na ako sa sunod na araw dahil nariyan ang trabaho ko, ikaw kamusta na?'' tanong niya kay Herman. ''Hito at nagta-trabaho rin ako bilang isang manager sa Malaking mall rito sa atin. Kasama mo ba ang mapapangasawa mo?'' tanong ni Herman sa kaniya. ''Wala nga, eh! Hanapan mo na lang kaya ako riyan,'' wika naman ni Oliver. ''Puro may asawa na ang mga ka klase natin noon. Ang iba pumunta rin diyan sa Meland para maghanap ng trabaho,'' wika ni Herman sa kaniya. ''Kamusta na pala sina Penny at Daisyree? May asawa na ba sila?'' tanong ni Oliver kay Herman. ''Si Penny, hindi na nag-aral ng collage. Magkasama yata sila ni Daisyree ngayon sa Wooland. Hindi ko alam kung may asawa na si Daisyree, pero ang balita ko may anak na siya,'' wika ni Herman sa kaniya. May kung anong panghinayang sa puso ni Oliver ng malaman na may anak na si Daisyree. Matagal din silang walang communincation sa isa't isa. Kaya, wala na siyang balita sa kaniyang dating naging nobya at naging matalik na kaibigan sa highschool. ''Puwede ko ba makuha ang number ni Penny?'' tanong nito kay Herman. ''Sige, Tol. E text ko na lang sa 'yo,'' wika niya. Matapos nilang mag-usap ni Herman ay may dumating na text message sa kaniyang inbox at galing iyon kay Herman. Cellphone number iyon ni Penny. Agad niyang tinawagan si Penny at agad naman itong sinagot ni Penny. ''Hello, sino ito?'' tanong ni Penny sa kabilang linya. ''Hi, puwede bang manligaw?'' birong tanong ni Oliver kay Penny. Magkaibiga din sila noong highschool. ''Hay nako! Kung wala kang magawa sa buhay huwag kang istorbo marami pa akkong trabaho!'' naiinis na turan ni Penny kay Oliver sa kabilang linya. Tumawa naman si Oliver nang hindi siya makilala ni Penny. ''Ito naman hindi mabiro. Si Oliver San Francisco ito, iba na talaga kapag matagal tayong hindi nag-uusap at nakakalimutan mo na ako,'' kunwa'y tampong wika ni Oliver kay Penny. ''Oliver? Ikaw ba talaga 'yan? Kamusta ka na? Buhay ka pa pala?'' ani Penny sabay tawa. ''Grabe ka sa akin, ha? Ikaw nga buhay pa, eh. Saan ka ngayon?'' ''Nagbabantay ako ng anak ng ex mong tang!'' walang prenong wika ni Penny na ang tinutukoy ay si Daisyree. ''May anak na pala si Daisyree? Ilan na ang anak niya at taga saan ang napangasawa niya?'' sunod-sunod na tanong ni Oliver kay Penny. ''Hay, iwan ko riyan kay Daisyree. Isa pa lang naman pero kalahating dosena naman ang inaalagaan niya. Taga Sivan ang boyfriend niya na daig pa ang asawa kung magselos,'' wika ni Penny. ''Ibig sabihin hindi pa siya kasal?'' intrisado namang tanong ni Oliver. ''Hindi pa! Oy, tika at may nagbobosena sa baba. Silipin ko lang muna,'' ani Penny. ''Sige, baka busy ka mamaya na lang ako tatawag,'' paalam ni Oliver ngunit bigla naman siyang pinigilan ni Penny. '''Wag mo na ibaba at si Chester lang ang dumating ang boyfriend ng ex mo,'' ani Penny. ''Gano'n ba? Nariyan ba si Daisyree?'' tanong ni Oliver. '' Nasa work niya. Nagta-trabaho siya sa mall dito sa Wooland,'' ani Penny at narinig niya ang tanong ng isang lalaki kay Penny. ''Tulog ba si Jasper? Dadalhin ko sana sa mall para sunduin ang Mama niya,'' tanong ni Chester kay Penny habang nasa kabilang linya naman si Oliver nakikinig. ''Tulog pa ang bata, Chester,'' sagot naman ni Penny. ''Sino ba 'yang kauasap mo?'' tanong ulit ni Chester. ''Si Oliver ang ex-boyfriend ni Daisyree,'' sagot ni Penny kay Chester. Nandilim naman ang mukha ni Oliver ng marinig ang pangalan ng ex ni Daisyree. ''Sabihin mo Penn na pupunta ako riyan pag-uwi ko,'' wika ni Oliver kay Penny sa kabilang linya. ''Pupunta dito si Oliver pagdating niya,'' ani Penny kay Chester na siyang nagpagalaw ng panga ng binata. ''Kailan pa nagkaroon ng communication si Daisyree sa ex niya? Kung pupunta ang lalaking iyon dito huwag niyo nang asahan na makikita niyo pa ako rito sa pamamahay niya,'' galit na wika ni Chester kay Penny at naririnig iyon ni Oliver sa kabilang linya. Umalis na si Chester at patuloy naman ang pakikipagkuwentuhan ni Penny kay Oliver. "Narinig mo 'yon? Ang seloso talaga ng boyfriend niyang 'yon. Iwan ko ba kung ano ang nagustuhan ni Daisy sa lalaking iyon,'' ani Penny kay Oliver. ''Napakaseloso naman niya, puwede ba akong bumisita riyan pagdating ko?'' tanong ni Oliver kay Penny. ''Oo, namn! Siya nga pala kamusta ka? May asawa ka na?'' tanong ni Penny kay Oliver. ''Mag-aasawa pa lang,'' wika ni Oliver. ''Hayysss... Sayang, gusto ko pa naman sana na kayo ni Daisyree ang magkatuluyan. Kaso may kaniya-kaniya na rin kayong buhay,'' wika naman ni Penny sa kausap sa kabilang linya. Malalim nagbuntong hininga si Oliver at nagpaalam na ito kay Penny na tatawag na lang ulit siya kapag nasa Woaland na siya. Laking hinayang niya na malaman na may anak na si Daisyree sa nobyo nitong seloso. Ito pa naman sana ang panahon na maipagmalaki niya sa dalaga na isa na siyang electrical engineer at saan man gusto ng dalaga na pumunta ay kaya niya na itong ilibre sa magagandang restaurant. Ngunit kahit may sarili na itong pamilya ay nais niya pa rin ito makita pagdating niya sa Wooland.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD