Chapter 1
"Happy 3 years anniversary, Babe," nakangiting bati ni Daisyree sa kaniyang nobyo na si Chester.
Sinundo siya nito sa mall na kaniyang pinata-trabahuhan. Nagta-trabaho siya bilang isang sales lady sa cosmetic section. Pang opening siya kaya maaga ang labas niya sa kaniyang trabaho. At ngayon ay niyaya siya ni Chester sa Injapan Restaurant na paborito nilang kainan sa loob ng tatlong taon na kanilang relasyon.
"Mabuti at naalala mo pa ang ika 3rd anniversary natin matapos mong makipag-communicate sa ex mo!'' masungit na wika ni Chester kay Daisyree.
"Anong nakipag-communicate? 5 years na kaming walang communication ni Oliver, Babe. Bakit ba nasabi mo 'yan?" tanong ni Daisyree habanf nakakunot ang kaniyang noo.
"Huwag ka na magsinungaling pa, Daisyree. Sinabi sa akin ni Penny na pupunta sa bahay ninyo ang lalaking iyon!" mataas na boses na wika ni Chester. Mabuti at walang gaanong tao sa restaurant na iyon.
"Chester, hindi ko alam 'yan. Umiiral na naman 'yang pagkaseloso mo," napipikong wika ni Daisyree kay Chester.
"Dahil alam ko na may gusto ka pa rin sa ex-boyfriend mong 'yon! Mabuti pa maghiwalay na lang tayo," wika ni Chester kay Daisyree.
Ang matamis niyang ngiti at excited na idaraos sana nila ni Chester ang kanilang ikatlong anibersaryo ay napalitan ng mapait na ngiti.
"Bakit ba ganiyan ka, Chester? Wala ka bang tiwala sa akin? Dahil lang kay Oliver hihiwalayan mo ako?" panibughong wika bi Daisyree sa nobyo.
"Dahil hindi mo sinasabi sa akin ang totoo na nag-uusap kayo ng lalaki mo! Huwag mo akong gawing tanga, Daisyree. Hindi ka lang ang babae sa mundo. Akala mo ba tatanggapin ka ni Oliver? Akala mo ba kapag nalaman niya na nakuha na kita ay babalikan ka niya?"
Parang sampal iyon sa pagkatao ni Daisyree ang sinabi ni Chester sa kaniya. Oo, binigay niya ang sarili niya kay Chester noong pangalawang anibersaryo nila pagkatapos nilang magbalikan.
Halos taon-taon ay hinihiwalayan siya ng nobyo dahil sa subrang seloso ito.
Nanlabo ang mga mata ni Daisyree na puno ng sama ng loob kay Chester.
"Wala ka ngang tiwala sa akin, Chester. Minahal kita ng higit sa sarili ko. Binigay ko ang buong pagkatao ko sa 'yo, dahil akala ko sapat na iyon na patunay sa 'yo na wala na akong ibang minahal simula nang dumating ka sa buhay ko. Nagkamali ako ng taong pinagkatiwalaan ko ng aking sarili," garalgwl na wika ni Daisyree kay Chester.
"Ito na ang huli nating pagkikita. Ayaw ko sa mga taong sinungaling!" galit na sabi ni Chester at tumayo sa kinauupuan.
"Sige, kung iyon ang gusto mo hiwalayan ako bahala ka! Pero, ito ang tandaan mo Chester, hinding-hindi na ako babalik sa 'yo! Wala ka ng babalikan, kahit lumuha ka ng dugo at magmakaawa sa akin hinding-hindinna ako magpapauto sa 'yo!" determinadong wika ni Daisyree kay Chester.
"Bahala ka sa buhay mo! Magkalimutan na tayo!" ani Chester at lumabas na sa restaurant. Naiwan si Daisyree na nakaupo at maluha-luha, dahil anibersaryo pa naman nila. Tatlong beses na itong nakipag-break sa kaniya.
Ang unang paghiwalay sa kaniya ni Chester ay 'yong nanuod sila ng sine at tinanong siya ni Chester kung sino ang kaniyang first kiss. Sinabi niya naman na si Oliver ang unang humalik sa kaniyang labi. Nagalit si Chester at iniwan siya nito sa loob ng sinehan. Sinuyo niya si Chester dahil mahal niya ito kaya ibinaba niya ang kaniyang pride.
Sa pangalawang pagkakataon ay hiniwalayan ulit siya ni Chester dahil nalaman nito na nakipagkita siya sa pinsan ng kaniyang kapit bahay na si Maricar. Ipinakilala ni Maricar ang pinsan niyang si Zanjoe kay Daisyree. Nalaman ni Chester ito dahil may nakakita kay Daisyree na may lalaki siyang kasama sa table na malapit sa dagat. Ngunit kasama nila ang kapit bahay na si Maricar at ang kaniyang kaibigan na si Penny.
Ngunit si Daisyree pa rin ang nagsuyo sa kaniyang nobyo. Sa tuwing mag-aaway sila ay si Daisyree ang palaging sumusuyo kay Chester. Hanggang sa hiningi ni Chester sa kaniya ang kaniyang p********e nang muli silang nagkabalikan. Hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang pagkatao niya sa binata dahil mahal niya naman ito.
Ngunit ngayon ay narealize niya na tama na ang tatlong katangahan niya kay Chester. Siya ang tipo ng babae na kung magmahal ay lubos-lubos. Huwag lang siya lukuhin dahil kapag siya ang umayaw ay hindi mo na mababali ang nabitawan niyang salita.
Inayos niya ang kaniyang sarili at tumayo. Lumabas siya sa restaurant at laglag balikat na umuwi sa kanilang bahay.
Ngunit agad napawi ang bigat ng loob ng kaniyang naramdaman ng salubungin siya ng kaniyang mga kapatid at ang dalawang taong gulang na batang lalaki.
''Mommy!'' patakbong salubong sa kaniya ni Jasper. Ang kaniyang pinsan na iniwan ng ina nitong si Angela sa pangangalaga ng kaniyang Tita Haide ang kapatid ng kaniyang ina.
Anim na buwan pa lang ang bata nang dinala ito sa kaniya. Wala na kasing panggatas ang bata at mahirap lang din ang kaniyang Tita kaya dinala ito sa bahay nila. Wala ng magawa si Daisyree kundi ang alagaan ang kaniyang pinsan at Mommy na ang tawag nito sa kaniya. Isa pa itong dahilan na pinag-awayan nila ni Chester dahil nagseselos ito sa bata. Naka-focus na kasi ang atensyon ni Daisyree sa bata at sa mga kapatid niya.
''Ang baby ko, kiss kay Mommy,'' wika niya sa bata at nag-squat ito sa harap ng bata para maabot ang kaniyang pisngi.
''Mwahh... Mommy, icerem,'' wika ng bulong na bata sa kaniya. Ito kasi ang palagi niyang pasalubong sa bata.
''Ate, may pasalubong ka sa amin?'' tanong naman ni Joana sa kaniya ang bunso niyang kapatid.
''Ofcourse, may pasalubong ang Ate saa inyo. Hali kayo sa loob,'' yaya niya sa mga ito at hindi ipinapakita ang bigat ng loob na kaniyang nararamdaman.
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay inilapag niya ang isang galong ice creame sa mesa. nasiglapitan naman ang kaniyang mga kapatid sa kaniya.
Anim silang magkakapatid at ang kaniyang ina ay nasa ibang bansa para lang magtrabaho upang may ipaaral sa kaniyang mga kapatid. Si Daisyree na ang tumatayong ina at ama sa kaniyang limang kapatid na parehong nag-aaral. Siya ang panganay kaya sa kaniya nakaatang ang responsibilitad sa pamilya.
Daig niya pa ang pamilyadong tao. Hindi na siya nagtapos ng koloheyo dahil gusto niya ng makatulong sa kaniyang ina. Ang kanila kasing ama ay namatay na noong nasa elementarya pa lamang siya.
Maliliit pa ang kaniyang mga kapatid si Jeferson ay grade 9 pa lang ito ang sumunod sa kaniya. Ang ikaltlo naman ay si Jerry ay na nasa grade 7 si Sammy ay nasa grade 5 si Cristine ay nasa grade 3 at ang bunso nilang si Joana ay nasa grade 1. At ang kaniyang inaalagaang pinsan na nasa dalawang taong gulang pa lamang.
Noong umalis ang kanillang ina ay iniwan sila ng kaniyang ina sa pangangalaga ng kanilang Lolo Mona at Lolo Isko. Ngunit matanda na ang mga ito at siya naman ay may trabaho na. Kaya nagbukod sila ng bahay sa City ng Wooland sa bansang Maharlika.
Una ay wala pa sana siyang balak na makipag-boyfriend. Ngunit sa dalawang taon siyang niligawa ni Chester ay nahulog na ang loob niya sa binata. Ngunit sa kailaliman ng kaniyang puso ay hindi niya pa rin makakalimutan si Oliver. Paano niya makalimutan ang binata dahil naging best friend niya ito ng limang taon at naging kasintahan ng isang buwan. At ngayon ay limang taon na silang hiwalay at walang communication.
Nagulat na lamang siya kanina nang pagbintangan siya ni Chester na may ugnayan siya kay Oliver.
''Jeferson, ikaw na magbigay ng ice creame sa mga kapatid natin. Aakyat lang ako sa taas para magbihis. Saan pala si Ate niyo Penny?'' tanong niya sa kaniyang kapatid.
''Naghuhugas po ng bote ni Jasper, Ate,'' sagot ni Jeferson sa kaniya.
Tumango na lamang siya at umakyat sa itaas. Pagod ang kaniyang isip at katawan dahil ilang oras siyang nakatayo sa mall. Anniversary nila ni Chester at dapat ay ipinagdiwang nila ito. Subalit nauwi na naman sa hiwalayan ang tatlong taon nilang magkasintahan.
Toxic rin naman ang relasyon nila kaya hindi naman siguro nakakapaghinayang kung maghiwalay sila. 'Yon nga lang ay naisuko niya na ang kaniyang sarili sa binata.
Nagbihis siya at pabagsak na humiga sa kama. Tiningnan niya ang kaniyang cellphone at nagbabaka sakali pa rin na baka humingi ng paumanhin sa kaniya si Chester. Pero alam niya na hinihintay lang siya nito na suyoin. Ngunit para sa kaniya ay tama na ang tatlong taon na siya na lang palagi ang umiintindi sa nobyo.
Makalipas ang dalawang oras ay pinuntahan siya ni Penny para tawaging kumain. Si Penny ang katuwang niya na mag-alaga sa kaniyang mga kapatid at sa pag-alaga kay Jasper habang wala siya. Wala rin naman kasi siyang malapitan na mag-alaga sa kaniyang mga kapatid dahil ang kaniyang mga pinsan ay maaarte at sosyal kahit wala naman narating sa buhay.
''Dais, bumaba ka na at kumain. Sabayan mo na ang mga kapatid mo,'' wika sa kaniya ni Penny na kinalabit pa siya.
''Kumain na lang kayo best. busog pa kasi ako,'' malungkot niyang sagot kay Penny.
''Bakit parang ang lungkot mo? Akala ko mamaya ka pa uuwi at mag-celebrate pa kayo ni Chester ng anibersayo niyo,'' wika sa kaniya ng kaibigan.
''Hiwalay na kami,'' walang gana niyang sabi kay Penny.
''Wee... 'Di nga?''
''Nakipaghiwalay siya sa akin kanina dahil ang sabi niya ay nag-uusap daw kami ni Oliver. 5 years na nga na wala kaming communication ng tao, pagbibintangan niya pa ako,'' maktol niyang sagot kay Penny.
''Hay nako! Kung ako sa 'yo hindi na ako makipagbati sa kaniya. 'Yon nga lang best kinuha niya na ang sa 'yo. Paano 'yan?'' nakasimangot na tanong ni Penny sa kaniya.
''Hindi ko na maibalik kung ano ang nawala sa akin, Penny. Siguro ay ituon ko na lang ang panahon ko sa mga kapatid ko at kay Jasper. Alam ko na nagkamali ako sa pagtiwala ng sarili ko sa kaniya. Tao lang din naman ako at naging marupok. Sana hindi ko muna ibinigay ang sarili ko sa kaniya hanggang hindi kami nakasal. Ngunit wala na akong magagawa dahil nangyari na ang dapat mangyari,'' matamlay niyang sabi kay Penny.
''Mabuti at hindi ka nabubuntis,'' ani Penny sa kaniya.
''nag-iingat naman kami. Isa pa hindi pa ako handa na magkaroon ng anak dahil alam mo naman ang sitwasyon ko. Daig ko pa ang maraming anak. Sila na lang ang pagtuonan ko ng panahon at oras ko,'' wika niya kay Penny.
''Pumunta siya rito kanina. Tapos nasabi ko na pupunta rito si Oliver kapag nakauwi siya rito sa Woland,'' ani Penny at sumandal sa may bintana.
Napanganga si Daisyree sa sinabi sa kaniya ni Penny. ''Bakit mo naman siya biniro ng gano'n? Alam mo naman ang ugali ni Chester na kapag about kay Oliver ay nanggagalaiti siya. Kaya, ayon nakipaghiwalay sa akin sa walang kuwentang dahilan. Isan pa baka may asawa na nga 'yong tao pinagseselosan niya pa,'' ani Daisyree kay Penny.
''Shunga! Sino ang nagsabi sa 'yo na nakipagbiroan ako sa nobyo mong makitid ang ulo at seloso? Totoo ang sinabi ko dahil nag-usap kami ni Oliver kagabi. Tumawag siya sa akin dahil nakuha niya ang number ko kay Herman,'' ani Penny.
Si Herman ay matalik din nilang kaibigan noong highschool sila. Kapit bahay kasi sina Herman at mga magulang ni Oliver sa Bario Masigla.
Dalawang oras ang biyahe mula Wooland hanggang sa Bario Masigla.
''Talaga? Kamusta na raw siya? May asawa na ba siya at anak?'' sunod-sunod niyang tanong kay Penny na halata ang tuwa.
Tinaasan siya ni Penny ng kilay. Lahat ng nangyayari sa buhay niya ay si Penny ang nakakaalam. ''Hindi halata na hindi ka excited, Best. Pero huwag kang excited dahil ikakasal na siya,'' wika ni Penny sa kaniya na siyang nagpahaba ng nguso niya.
Hindi niya alam ngunit sa kaniyang damdamin ay naroon ang panghihinanyang na hindi niya maintindihan.
Malalim siyang nagsinghap ng hangin at bumangon ng upo.
''Pero kinakamusta ka niya. Sabi ko sa kaniya may anak ka na,'' ani Penny.
Dalidali siyang bumangon at nagtungo kay Penny at binatukan niya ito.
''Nakakainis ka! Bakit mo sinabi na may anak ako?'' nakasimangot niyang maktol kay Penny.
''Aray naman! Makabatok naman 'to! Bakit ba apiktado ka? Huwag mong sabihin na may gusto ka pa rin kay Oliver?'' panunukso sa kaniya ng kaniyang kaibigan.
''Gaga, hindi, ah! Sabagay anak na rin ang turing ko kay Jasper. At sinabi ko naman na kapag sino ang magtanong sabiihin niyo na anak ko ang bata. Sige na kumain ka na roon at paki-halbath si Jasper para mabango siya kapag tumabi sa akin,'' aniya at humikab muna siya bago nahiga ulit sa kama. ''Nakakapagod ang buong araw ko,'' reklamo niya pa.
''Hay, nako! Sabihin mo inlove ka pa rin kay Oliver. Pero, sorry ka dahil ikakasal na siya,'' pang-aasar ni Penny sa kaniya bago ito lumabas ng silid niya.
Nakasimangot na lamang siya at mayroon sa puso niya ang panghihinayang na ikakasal na ang kaniyang best friend. Ngunit mas lalo siyang sumimangot dahil wala na siyang mukha na iharap sa binata.