Chapter 3
Kinabukasan ay abala si Daisyree sa pagsusuklay sa kaniyang kapatid na si Joana. Papasok na kasi ito sa school.
''Mag-aral kayo ng mabuti baby, ha? Para matuwa si Mama kapag matataas ang mga grades ninyo,'' sabi niya sa dalawa niya kapatid na babae.
''Opo, Ate,'' sagot sa kaniya ni Christine at Joana.
Matapos niyang ayusan si Joana ay si Christine naman ang kaniyang inayuasan. tenerentas nito ang mahabang buhok ni Christine na abot hanggang beywang.
''Ate, papasok na kami sa Scool. 'Yong baon namin,'' wika ni Jeferson na biglang sulpot sa kaniyang silid.
''Nariyan sa mesa ang sandwich na ginawa ko. Bigyan mo sina Sammy at Jeffrey. Ito ang pera tipirin mo 'yan hanggang sa linggo, ha?'' Matagal pa ang sahod ko at nextmonth pa ulit makapadala si Mama,'' sabay abot ni Daisyree ng pera sa pangalawa niyang kapatid na si Jeferson.
''Opo, Ate. Sige po aalis na kami,'' sabay halik ni Jeferson sa kaniyang Ate. Sumabay na ang dalawang kapatid nilang babae.
Si Penny, Jasper at Daisy na lang ang naiwan sa kanilang bahay. Npaka-responsable niya Ate sa kaniyang lima na kapatid. Siya ang panganay kaya obligado siyang alagaan ang mga ito dahil wala silang mga magulang na nasa tabi nila. Ilang taon na rin kasing namamasukan ng domestic helper ang kanilang Mama.
Bumaba siya upang hugasan ang mga bote ng dede ni Jasper. Tulog pa ang kaniyang anak-anakan na tinuri niya ng anak simula ng mapunta ito sa kaniya.
Tulog pa ang bata. Pagbaba niya ay naroon naman si Penny naghuhugas ng plato na pinagkainan ng mga kapatid niya.
''Good morning, kamusta ang tulog mo?'' agad na tanong sa kaniya ni Penny habang nagbabanlaw ng mga plato.
''Good morning din. Okay naman ang tulog ko, bakit may problema ba?'' sagot niya sa kaniyang kaibigan at kinuha ang mga bote ni Jaser upang hugasan.
''Ilagay mo na lang riyan ang dede ni Japer. Ako na ang maghuhugas niyan. Kumain ka na at may pasok ka pa,'' wika niya kay Penny.
''Mamaya pa naman ang pasok ko. Saluhan mo na ako kumain,'' yaya niya kay Penny.
''Sige tapusin ko lang itong mga hugasan. Himala at hindi namamaga ang mata mo. Hindi ka umiyak kagabi?'' puna sa kaniya ni Penny.
Kunot ang kaniyang mga noo na umupo sa upuan at binuksan ang takip ng pagkain na naroon sa mesa. Kumuha siya ng kanin at ulam at inilagay sa kaniyang plato.
''Bakit naman ako iiyak?'' tanong niya kay Penny.
''Ay? Hindi ka apiktado sa break sa 'yo ng jowa mong seloso?'' pang-uuyam na tanong sa kaniya ni Penny.
''Sos! Ngayon pa ba ako maapiktuhan? Sanay naman na ako,'' simangot niyang sagot kay Penny.
''Mabuti naman kung gano'n. Nako, Daisyree, ha? Baka mamaya malaman-laman ko na kayo na ulit tapos mabalitaan ko na ikaw na naman ang sumoyo sa walang hiyang 'yon!''
''Penny, kapag sinabi ko na ayaw ko na, ayaw ko na talaga! Saka tama na ang tatlong taon na katangahan ko sa kaniya. Never ko na siyang susuyuin at magmamakaawa na balikan niya ako. Nagawa ko lang naman noon na suyuin siya palagi kapag may tampuhan kami dahil mahal ko siya,'' sabi niya kay Penny at nagsubo ng kanin.
''Mahal mo nga, kaya pati ang scallop mo ibinigay mo sa kaniya ng buo. Ewan ko ba sa 'yo? Lagi ka naman pinapangaralan ng Lola mo na huwag ibigay ang scallop ng bansa hanggang hindi mo pa sigurado na ihaharap ka sa dambana,'' sermon sa kaniya ni Penny at naupo na rin sa tabi niya at kumuha na rin ng kanin at ulam.
''Malay ko ba? Gusto ko lang naman patunayan sa kaniya na mahal ko siya. Kaya ibinigay ko ang sarili ko sa kaniya ng buong-buo. Hindi ko naman inaasahan na wala pa rin siyang tiwala sa akin. Kaya kahit maglumpasay pa siya, hinding-hindi na ako babalik sa kaniya,'' determinadong wika ni Daisyree sa kaniyang kaibigan na si Penny.
"Sana nga namulat ka na sa katangahan mo sa lalaking iyon. Paano 'yan? Talo ka dahil nakuha niya na ang ginto ng hiyas mo,'' saad pa ni Penny sa kaniya.
Hinampas niya ito sa balikat dahil sa kadaldalan nito.
''Aray nama! Makahampas naman 'to wagas!'' sabay simangot ni Penny sa kaniya.
''Dami mo kasing sinasabi. Kumain ka na lang kaya?'' aniya kay Penny.
''Hindi nga, Daisy. Paano 'yan nakuha na ng kumag na iyon ang katawan mo?'' seryosong saad sa kaniya ni Penny. ''Paano kung makapag-asawa ka ng iba? Tapos susumbatan ka ng mapapangasawa mo? Nasa 24 yrs old ka na ngayon, tama ba?''
''Penny, kung mahal ka ng isang lalaki. Kahit ano pa ang kulang sa 'yo ay hanada niya iyon tanggapin. Oo, nagkamali ako na nagpadalos-dalos akong ibigay ang sarili ko kay Chester. Pero, hindi ko na maibalik kung ano ang nawala sa akin. Isang aral na rin iyon sa akin na hindi pala lahat ng pagakakataon ay puwede mong ibigay lahat. Lahat ng pagmamahal ko ay binigay ko kay Chester. Kung ano man ang karanasan ko ay ayaw ko mangyari sa dalawa kong kapatid na babae. Nagkamali man ako sa ngayon, sana hindi na mauulit sa susunod na panahon,'' seryoso niyang wika kay Penny.
''Sabagay may point ka rin naman. Ano ang balak mo? Sigurado ka na ba talaga na hindi na makipagbalikan sa kaniya? Alam ko na malambot ang puso mo girl! Kaya, patigasin mo na 'yan kay Chester!'' payo sa kaniya ng kaibigan.
Nasa ganoon silang pag-uusap nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tawag iyon mula sa kaniyang pinsan na si Dina; ang hipag ni Chester.
Huminto siya sa pagkain at sinagot ang tawag ni Ate niya Dina sa kaniya.
''Ate Dina napatawag ka?''
''Daisy? Hiwalay na ba kayo ni Chester? Naglalasing kagabi ang boyfriend mo tapos ayon hindi na makabangon sa subrang kalasingan,'' agad na bungad sa kaniya ng kaniyang pinsan.
''Ate, siya ang nakipaghiwalay sa akin at hindi ako. Bahala na siya sa buhay niya at bahala na rin ako sa buhay ko,'' wika niya rito.
''Kausapin mo kaya, kulang lang ito sa lambing,'' sabi pa ng kaniyang Ate Dina sa kaniya.
''Pambihira naman Ate, oh! Siya na nga itong nakipaghiwalay sa akin ako pa ang maglalambing sa kaniya? Ilang beses niya ba itong ginawa sa akin?'' maktol niya sa kaniyang pinsan.
''Haysss bahala nga kayo, '' wika nito sa kaniya at pinatayan na siya nito ng cellphone.
Pabagsak niyang inilapag ang cellphone sa mesa at malalim na nagbuntonghininga.
''Ayaw ko na nga kumain, nawalan ako ng gana,'' wika niya sa kaniyang kaibigan na si Penny.
''Masiyado ka namang apiktado. Ubusin mo kaya ang pagkain mo,'' wika sa kaniya ni Penny.
''Ayaw ko na nga. Pakitimplahan na lang si Jasper ng gatas at nag-asikaso na ako ng sarili ko,'' pakiusap niya kay Penny.
''Okay, huwag mo ng dibdibin ang relasyon niyong dalawa ni Chester dahil wala naman talagang forever,'' panunukso pa sa kaniya ng kaniyang kaibigan.
Inirapan niya lang ito at umakyat na sa itaas upang ihanda ang kaniyang susuotin na uniform sa mall na pinapasukan niya.
Makalipas ang dalawang araw ay abala si Daisyree sa pagpupunas ng istante sa mall na pinapasukan niya nang may biglang kumalabit sa kaniya.
''Hi, Miss! Magkano itong pang-shave?'' tanong ng baretonong boses sa kaniya.
Paglingon niya ay natulala siyang nakatitig sa guwapong mukha at matipunong pangangatawan ng lalaki.
Hindi siya makapniwala na ang dating patpatin na lalaki ay bigla na lang naging isang maskuladong lalaki. Nagkatitigan silang dalawa bago pa siya nakapagsalita.
''Oliver?'' mahina niyang banggit sa pangalan ng lalaki na malawak na nakangiti sa kaniya.
''Kamusta ka na? Dito ka pala nagta-trabaho?'' tanong sa kaniya ng binata.
Binawi niya ang kaniyang mga tingin sa binata dahil parang malulusaw siya sa mga titig nito sa kaniya.
''Oo, ayos lang ako. Ikaw kamusta? Kailan ka pa dumating?'' tanong niya sa binata.
''Kahapon lang ako dumating sa Camelon City. Nagtungo ako dito sa Woland dahil may proyekto ako rito,'' sabi sa kaniya ng binata.
''Gano'n ba? Isa ka na pa lang engineer ngayon. Congrats sa 'yo,'' wika niya sa binata.
''Thank you, kamusta na si Penny? Balita ko sa inyo raw siya nakatira?'' tanong ni Oliver sa kaniya.
Tumango-tango siya sa binata. ''Oo, siya ang nagbabantay sa anak ko at mga kapatid ko kapag wala ako sa bahay.''
''Puwede ba makapamasyal sa inyo mamaya?''' tanong sa kaniya ni Oliver.
Hindi mawari ni Daisyree ang kaniyang nararamdaman habang kaharap niya ang binata. Ang bilis ng t***k ng kaniyang puso.
''Ha? Ahhh... ehhh.. puwede naman,'' utal-utal niyang sagot kay Oliver.
''May anak ka na pala?'' wika sa kaniya ni Lover.
Hindi niya tuloy alam ang isasagot sa binata. Nate-tense siyang kaharap ito.
'''Ahh... ehhh.. Oo, dalawang taon na,'' sagot niya sa binata. ''Bibili ka ba nitong pang-shave?''
''Oo, saka itong creame,'' sabi ni Oliver sa kaniya.
Binigyan niya ng basket ang binata at binayaran na rin ng binata ang binili nito. Halos hindi makapaniwala si Daisyree na makikita niya ng hindi inaasahan ang dati niyang best friend at naging boyfriend pa noon.
Habang si Oliver naman ay naroon pa rin ang paghanga niya sa kaniyang dating kasintahan. Hindi man lang nagbago ang nararamdaman niya para sa dalaga.
Naroon pa rin ang panghihinayang sa kaniyang puso dahil may sarili na itong pamilya.
Kung puwede lang sana na yakapin niya si Daisyree kanina ay ginawa niya na. Subrang na miss niya ito, ngunit iba na ang takbo ng buhay nila pareho. May anak na si Daisyree sa pagkaakala niya at siya naman ay walang kasiguraduhan ang love life niya. Lalo na at nakipag-break sa kaniya sa kaniya ang ex-girlfriend niyang naiwan sa Meland.