Episode 13

2026 Words
Chapter 13 “Juanito, Daisyree Sanchez; ang tunay na pangalan ni Princess. Narito ang mga gamit niya. Baka hinahanap na siya ng pamilya niya. Jauanito, ibalik na lang natin siya sa pamilya niya,’’ kinakabahang sabi ni Manang Doray sa kaniyang asawa. “Doray, narito na ito, kaya panindigan na natin. Magiging anak natin si Princess at ituturi natin siyang tunay nating anak. Hindi ka ba natutuwa at may kasama ka rito sa bahay kapag wala ako?’’ Desidedo na si Manong Juanito na panindigan ang pagiging ama kay Disyree na walang maalala sa mga nakaraan niya. Wala nang magawa si Manang Doray, kundi sang-ayonan na lamang ang gusto ni Manong Juanito. ‘’Akin na itong mga gamit ni Princess. Hindi niya dapat ito makita. Bibilhan ko na lang siya ng mga damit kapag lumuwas ako papuntang bayan.’’ Wala ng nagawa si Manang Doray kundi ang ibigay kay Manong Juanito ang mga gamit ni Daisyree. Ayaw ni Mang Juanito na makita ni Daisyree ang mga gamit ng dalaga, kaya itinago niya ito. Lumipas ang mga araw, linggo at tatlong buwan ay maayos naman na naninirahan si Daisyree na tinatawag na nilang Princess sa bayan ng kawayan sa Atiplo City. Isang liblib na lugar iyon ng Atiplo City Tahimik ang lugar na iyon at mga puno ng kahoy ang makikita mo sa paligid at mga magagandang bulaklak na tanim ni Manang Doray. Tanging tunog ng ibon at mga alagang hayop nila Manang Doray ay naririnig lamang ni Daisyree sa lugar na iyon. ‘’Nanay, Saan ka pupunta?’’ tanong ni Princess kay Manang Doray. May bitbit kasi itong batya na may laman na mga labahan nila. Habang si Daisyree ay nagdidilig ng mga bulaklak sa harap ng kanilang bahay na yari sa kawayan. “Maglalaba ako sa batis, Anak. Marami na kasi ang labahan natin,’’ sagot ng matanda sa dalaga na itinuring na nila na parang tunay na anak. ‘’Bakit po roon kayo maglalaba, Nay? Eh, diyan naman po kayo palagi naglalaba sa kusina,’’ aniya sa kinikilala niyang ina. Sa kanilang kusina ay mayroong umaagos na tubig mula sa batis at ginamitan ng alulod na yari sa kawayan. “Maganda kasi maglaba sa batis, Anak, dahil pagkatapos mo sabunan ang mga labahan ay isang banlaw lang doon. Isawsaw lang sa malinaw na tubig at pwede na isampay roon sa mga bato. Eh dito sa kusina ilang banlaw pa ang gagawin,’’ paliwanag ng kaniyang kinikilalang ina sa kaniya. “Nay, gusto kong sumama. Mula nang galing kami ni Tatay sa hospital hindi pa ako nakapunta sa batis na sinasabi niyo ni Tatay,’’ aniya at binitiwan ang timba na may lamang tubig na pandilig niya sa mga halaman. ‘’Oh, sige. Isara mo na lang ang bahay at tulungan mo na rin ako maglaba,’’ wika ni Manang Doray sa kaniya. Excited niyang isinara ang pinto ng kanilang bahay at sumunod kay Manang Doray. Hindi naman gaano katarik ang daan papunta sa batis. Nang makarating na sila sa batis ay napapikit siya ng kaniyang mga mata at sininghap ang sariwang hangin habang pinapakinggan ang ragasa ng tubig na galing sa itaas ng bundok. Huminga siya ng malalim at ngumiti ng malawak kay Manang Doray. “Nay ang sarap pala rito. Kaya, siguro nandito tayo sa liblib na lugar na ito dahil napakaganda rito.’ Tinulungan niya si Manang Doray na ibaba ang batya sa mabatong bahagi ng batis at lumusong siya sa tubig na hanggang sakong niya lang ang lalim. “Tama ka, Anak. Ayaw namin iwan ng tatay mo ang lugar na ito dahil galing pa ito sa Lolo ng Lolo ng Lolo ng Lolo ng Tatay mo. Kahit gusto na ito bilhin ng goberno sa amin hindi kami pumayag ng tatay mo dahil ayaw namin masira ang lugar na ito. Kung ikaw ang pipiliin, Anak, saan mo gusting tumira? Sa syodad ba o rito sa lugar na ito?’’ tanong ni Manang Doray sa kaniya. ‘’Syempre dito ang pipiliin ko, Nanay. Dito akko lumaki at ipinanganak mo ‘di ba? Saka sabi ninyo ni Tatay maingay sa syodad. Kaya, ayaw niyo nga ako isama roon kapag namili kayo ng groceries natin,’’ nakasimangot niyang turan sa kaniyang kinikilalang ina. Ilang beses na rin kasi pumunta ang mag-asawa sa syodad at namimili ng mga pangangailangan nila ngunit hindi man lang siya isinama. Natakot rin kasi si Mang Juanito na baka may makakilala sa kaniya sa syodad. Kaya, minabuti na lang ng mga ito na iwanan siya. “Hindi ka namin sinasama ng tatay mo dahil baka mawala ka pa roon. Isa pa hindi ka pa nakakaalala, kaya paano kung mawala ka roon dahil maraming tao roon,’’ saad ni Manang Doray at sinimulan basain ang mga labahan. Tumulong na rin si Daisyree sa pagbasa ng labahan at nilagay ito sa isang batya na may sabon. ‘’Hindi naman siguro ako mawawala, Nay. Hahawak naman ako sa inyo ni Tatay, eh!’’ ‘’Hayaan mo, Princess at sa susunod dadalhin kita. Pakiusapan ko ang tatay mo. Sige na bilisan na natin maglaba at baka umuwi ng maaga ang tatay mo at wala pa tayong niluto,’’ sang-ayon na lang ng matanda sa kaniya para tumigil na siya sa pamimilit na sasama siya sa bayan kapag lumuwas ulit ang mag-asawa. “Basta, Nay, ha? Promise mo ‘yan na dalhin mo ako sa susunod na luluwas kayo ni tatay,’’ panigurado niya pang turan kay Manang Doray. “Oo, na. Para hindi ka magmukhang ignorante,’’ natatawang sabi ng matanda sa kaniya. Tuwang-tuwa siya ng sang-ayunan siya ni Manang Doray. Pagkatapos nilang basain ang labahan ay naupo sila sa bato at kinusutan ng sabon ang mga labahan. Ngunit nang maamoy niya ang sabon ay bigla na lang siya naduwal at nababahuan sa sabon. Dali-dali siyang tumayo at nasuka sa tubig na umaagos. Nilapitan siya ni Manang Doray at hinagod ang kaniyang likod. “Nako, baka nilamigan ‘yang tiyan mo. Sinabi ko naman kasi sa’yo bago ka mag-dilig ng halaman eh mag-tea ka muna,’’ sermon sa kaniya ni Manang Doray habang hinihimas ang kaniyang likod. Nang wala na siyang maisuka ay nagmumog siya ng tubig na galing sa batis. Malinis naman iyon at umaagos. ‘’Nay, ang baho ng sabon na binili ninyo,’’ reklamo niya sa kaniyang ina. ‘’Sos maryosep! Ang bango nga ng sabon na binili ko tapos nababahuan ka? Ano ba ‘yang ilong mo imported?’’ maktol ng matanda sa kaniya. ‘’Basta ang baho ng sabon, Nanay. Ayaw ko maamoy ang sabon na iyan at baka pati bituka ko lalabas kapag sumuka ako. Maligo na lang ako sa batis Nay. Ayaw ko talaga maamoy ang sabon na iyan!” Napakamot na lang ang matanda sa ulo sa sinabi niya. “O, siya sige. Maligo ka na at magsaing dahil baka dito mananghaliaan ang tatay mo,’’ utos na lamang ng matanda sa kaniya. Tumango-tango lang siya sa utos ng kinikilala niyang ina. At pumunta siya sa gitna ng batis na hanggang beywang lang ang lalim. Subrang nagagandahan siya sa batis at malamig ang tubig at malinaw. Makikita pa ang mga isda na sumasabay sa kaniya. Naaaliw naman si Manang Doray na nakikita siyang nakikipaghabulan sa mga isda sa batis. Ilang sandali pa siyang naligo sa batis dahil nakaramdama siya ng pagkahilo. Kaya, umahon na siya at lumapit kay Manang Doray. “Nay, banalawan ko na po ang labahan,’’ aniya. ‘’Ako na ang bahala rito, Anak. Umuwi ka na at magsaing,’’ utos ni Manang Doray sa kaniya. “Nanay, nahihilo po ako,’’ malambing niyang sumbong sa kaniyang ina. “Ano ba ang nagyayari sa’yo, Princess? Baka naman hindi ka nakatulog ng maayos kagabi?’’ nag-alalang sabi ng kaniyang ina sa kaniya. “Maaga pa po ako natulog kagabi. Mga nakaraang araw lagi na lang po ako nahihilo,’’ sumbong niya sa matanda. Hinintuan ng matanda ang labahan nito at tumayo upang samahan na lang si Princess sa pag-uwi. Iniisip ni Manang Doray na baka ipikto pa iyon ng aksidenteng nangyari sa dalaga. Lalo na at simula nang dalhin ito ni Mang Juanito sa kanila ay hindi na ito napatingnan sa doktor. ‘’Tara, na. Samahan na kita sap ag-uwi at baka mamaya mawalan ka pa ng malay riyan sa daan,’’ yaya ni Manang Doray sa kay Princess. “Pasensiya na po, Nanay. Hindi ko na po kayo natulungan sa paglaba tapos naabala ko pa kayo,’’ nahihiyang paumanhin niya sa kaniyang ina. ‘’Ayos lang iyon, Anak. Tara na at para makabihis ka na rin. Mamaya lamigin ka pa.’’ Umuwi na sila sa kanilang bahay at pagdating doon ay agad na siyang pinabihis ni Manang Doray at baka magkasakit pa siya. Si Manang Doray na rin ang nagsaing at pinahinga niya na muna ang dalaga. Nag-aalala siya sa kalagayan nito. Samantalang ang tunay na ina ni Daisyree ay hindi na alam kung saan hanapin ang dalaga. Tatlong buwan na rin ang nakalipas na dapat nasa Amerika na ito ngunit walang Daisyree ang dumating. Pati na rin sina Penny ay nagtataka kung saan napunta ang dalaga. Nasa apartment si Penny ni Oliver at kasama nito si Herman. Pinag-usapan nila ang tungkol kay Daisyree. ‘’Baka naman nagtanan na si Daisyree at Chester?’’ sabi ni Penny sa dalawa. “Paano mo naman nasabi na nagtanan si Daisyree? Eh, hindi nga siya mapigilan ni Oliver at gusto niyang pumunta sa Amerika tapos sasabihin mo nagtana?’’ salubong na kilay na sabi ni Herman kay Penny. “Symepre nang araw na umalis si Daisyree, ‘yon rin ang araw na umalis si Chester papuntang Miland. Malay natin baka nagtanan ang dalawa,’’ sabay irap na sabi ni Penny kay Herman at Oliver. Nagtagisan ang mga pang ni Oliver dahil hindi imposible na baka totoo ang naiisip ni Penny. Lalo na noong ilang araw pa lang ang nakalipas sinubukan niyang tawagan ang number ni Daisyree ngunit pinapatayan siya nito at sinubukan niya itong e-text at tanungin kung kumusta na ito at saan na ito ngunit nireplayan siya nito na huwag siyang hanapin at isturbuhin. Pagkatapos no’n ay hindi niya na matawagan ang dalaga. Kaya, naiisip niya na baka sumama na nga ang dalaga sa dati nitong nobyo. Napakuyom na lang ng kamao si Oliver at may umusbong na galit sa puso niya kay Daisyree. “Kung saan siya masaya at kung talagang nagtanan sila ng Chester na iyon sana man lang sinabi niya sa magulang at mga kapatid niya para hindi naman magmukhang tanga ang pamilya niya. Inaasahan siya na makarating sa Amerika pero mas pinili niya pa sumama sa lalaking iyon?’’ galit na sabi ni Oliver. “Pero ‘di ba? Nakausap naman ng pinsan niyang si Dina si Chester? At sabi ng lalaki wala siyang alam sa binibintang sa kanila ni Daisyree?’’ sabi ni Heman na napapinom na lang ng kape. “Bro, madali lang ang mag-deny. Malay natin at nagsisinungaling lang ang Chester na ‘yon?’’ nakakunot-noo na turan ni Oliver. ‘’Pero parang hindi naman yata magawa ni Daisyree na makipagtanan kay Chester. Pero hindi rin kasi natin alam ang takbo ng isip ng lokaret na ‘yon,’’ wika ni Penny na hindi rin alam kung saan na ba talaga ang matalik niyang kaibigan na si Daisyree. Palaisipan sa lahat kung saan na nga ba si Daisyree. Lalo na at isa-isa silang nakatanggap ng text message noong tatlong araw pa lang na nakaalis si Daisyree na huwag na siyang hanapin pa. Kaya, hindi maiwasan na hindi magalit si Oliver sa dalaga. Lalo na at nag-text siya noon na bumalik na lang siya sa Camelon at magpakasal na lang sila. Ngunit nag-reply ito sa kaniya na may mahal itong iba at hindi siya, kaya hayaan na siya nitong mamuhay ng tahimik at huwag nang hanapin pa. Ang hindi alam ng lahat ay walang kamalay-malay si Daisyree sa nangyayari at hindi nga sila maalala ng mga ito. Si Manong Juanito ang ka-text nila at hindi si Daisyree. Ginawa iyon ni Manong Juanito para wala nang maghanap sa dalaga. Pagkatpos nitong nereplayan ang mga nag-text sa Cellphone ni Daisyree at sinira niya ang cellphone ni Daisyree at pinutol-putol nito ang simcard ng dalaga. Basta ang nasa isip ni Mnong Juanito ay hanggang hindi makaalala ang dalaga ay anak nila ito ni Manang Doray na kaniyang asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD