Episode 12

1755 Words
Chaspter 12 Nakarating ng maayos si Disyree sa airport ng Miland na siyang pinakasintro ng Bansang Rizalenas. Paglabas niya sa airport ay nagpara siya ng kotse at magpapahatid sa hotel na tutuloyan niya dahil bukas pa ang flight niya papunta sa Amerika. ‘’Manong sa Brillant hotel nga po,’’ aniya sa driver ng taxi na sinasakyan niya. ‘’Sige, po Ma’am,’’ sagot ng driver at pinaandar na ang sasakyan. Habang nagba-byahe sila ay kinuha ni Daisyree ang kaniyang cellphone at nilagay ang wireless earphone sa kaniyang tainga at nagpatugtog ng paborito niyang mga tugtugin. Tahimik lamang silang nagba-biyahe habang pinamamasdan niya ang mga building na matataas na dinadaanan nila. Ngunit ilang minuto pa ang nakalipas ay may hindi inaasahang pangyayari. Nabangga ng truck ang sinasakyan nila at dahil sa hindi nakapagsuot ng seatbelt si Daisyree ay malakas siyang nauntog sa harap ng sasakyan na siyang dahilan upang mawalan siya ng Malay. Ngunit sa halip na tulungan sila ng driver ng truck ay tinakasaan sila nila. Si Manong Driver ay nasugatan rin ito sa kaniyang noo. Ngunit pinilit niya na kalibitin si Daisyree na walang malay. ‘’Iha, Iha, Iha, gusmising ka.’’ Ngunit nanatili pa rin na walang malay ay dalaga. Mauti na lang ay may ilang tao na tumulong sa kanila at agad silang dinala sa hospital. Inasikaso naman sila ng mga doktor at nurse. Ginamot ang sugat ni Manong Driver, ngunit si Daisyree ay wala pa rin malay. Ilang araw siyang nanatili roon sa hospital at ang driver ng taxi lang ang dumadalaw sa kaniya. Ilanga raw pa ang lumipas ay nagising si Daisyree at hindi pamilyar sa kaniya ang lugar. Tama naman na kinukuhanan siya ng nurse ng BP nang magising siya. ‘’Saan ako? Sino kayo?’’ mahina niyang tanong sa nurse. ‘’Miss, mabuti at gising ka na, may masakit ba sa’yo? Tatawagin ko lang doktor mom,’’ natarantang sabi ng nurse at agad itong lumabas ng silid ni Daisyree. Samantalang si Daisyree ay nagpalinga-linga sa paligid niya at hindi niya alam kung bakit narito siya sa lugar na ito. Lahat ng bagay na nakikita niya sa lob ng kaniyang silid sa hospital ay hindi pamilyar sa kaniya. Ilang sandlai pa ay dumating ang doktor niya at sinuri siya nito. Pagkatapos ay tinanong siya nito. ‘’Kumusta ang pakiramdam mo, Iha?’’ Mataman siyang tumingin sa doktor na hindi pamilyar sa kaniya at sinagot niya ito. ‘’M-masait po ang katawan ko.’’ Tumango lang ang dktor at sinusulat nito ang sagot niya. ‘’Ano ang pngalan mo?’’ Biglang nagulihan si Daisyree sa tanong ng doktor sa kaniya at nag-isip siya kung ano ang pangalan niya. Ngunit biglang may kaba na umusbong sa kaniyang damdamin nang hindi niya maalala kung sin siya. ‘’H-hindi ko po alam. Hindi ko alam kung ano ang pangalan ko?’’ Natulalang tumingin sa kaniya ang doktor at nagpapanic na si Daisyree dahil kahit anong gawin niya ay wala siyang maalala. ‘’Hindi ko alam ko alam ang pangalan ko. Hindi ko alam kong sino ako.’’ Umiyak na siya at hindi alam ang gagawin. Pinakalma siya ng kaniyang doktor at inalo-alo. ‘’Okay, okay, huwag ka na umiyak. Tahan na, ha? May itatanong pa ako sa ‘yo, okay lang ba?’’ Tumango-tango naman si Daisyree sa tanong ng doktor at pilit na pinapakalma niya ang kaniyang sarili. ‘’Alam mo ba kung ilang taon ka na?’’ muling tanong ng doktor niya sa kaniya. Umiling-iling si Daisyree dahil lahat ng bagay na nakikita niya ay bago sa kaniya. ‘’Kahit is aba wala kang maalala? Kahit sa past mo o ‘yong nangyari sa’yo?’’ muling tanong sa kaniya ng doktor. Sunod-sunod ang pag-iling niya. Malalim na nagbuntong hininga ang doktor at ilang saglit pa ay dumating ang driver ng taxi na sinakyan niya. ‘’Dok, gising na pala ang pasyente. Kumusta po siya, Dok?’’ tanong ng Mamang Driver na si Manong Juanito. Tumingin lamang si Daisyree sa kay Manong Juanito at tumagilid. Muli siyang natulog at baka sa muli niyang paggising ay may maalala na siya. Iyon ang kaniyang naisip. Knausap naman ng Doktor ang matanda. ‘’Sa palagay ko ay mayroong amnesia ang pasyente. Marahil ay dahil ito sa blood clutch sa kaniyang ulo. Pero mabuti at hindi na siya nag-undergo ng surgery at madadala pa sa gamot ang dugo na namuo sa ulo niya.’’ ‘’Dok, possible po ba na makaalala pa siiya?’’ tanong ni Manong Juanito sa doktor ni Daisyree. ‘’Hindi ko masasagot ang tanong mo dahil may amnesia na habang buhay na nilang hindi maalala ang nakaraan. Mayroon naman na ang naalala lang nila ang nakaraan at ang mga nangyari sa kanila bago sila maamnesia ay hindi na nila maalala. Mayroon naman na temporary lang ang amnesia. Kaya, kailangan pang obserbahan ang pasyente.’’ Napatango-tango na lang si Manong Juanito sa doktor. Nang lumabas na ang doktor ay nanatili si Manong sa silid ni Daisyree at hinintay niya ulit itong magising. Ilang oras pa ang lumipas ay nagising din si Daisyree. “Sino po kayo?’’ paos na tanong ni Daisyree kay Manong Juanito. ‘’A-anak, hindi mo ba ako naalala? Ako ang Tatay Jauanito mo. A-ako ang ama mo,’’ pagsisinungaling ni Manong Juanito kay Dsaisyree. Umiling-iling si Daisyree at naiyak dahil pakiramdam niya ay may kulang pa rin sa buhay niya. ‘’K-kayo ang Tatay ko?’’ mahina niyang tanong sa matanda. ‘’Oo, Anak. Ako ang Tatay Juanito mo. At ang Nanay Doray mo ay naghihintay na sa atin sa bahay, kaya magpagaling ka, Anak.’’ Lumapit si Manong Juanito sa tabi ni Daisyree at hinaplos nito ang kaniyang ulo na parang tunay siyang anak. “Tatay Juanito?’’ banggit niya sa pangalan ng matanda at yumakap siya rito. ‘’Natatakot po ako, Tay. Wala po akong maalala.’’ “Shhh… Huwag ka na umiyak, Anak. Maalala mo rin ang lahat at tutulungan ka namin ng Nanay Doray mo na makaalala. At kahit hindi ka makaalala ay nandito lang kami na pamilya mo,’’ pag-aalo ni Manong Juanito sa dalaga. Matagal nang nagsasama ang mag-asawang Juanito at Doray at minsan na silang biniyayaan ng anak na babae, ngunit namatay ito noong sanggol pa lang ito. Simula noon ay hindi na sila nagkaroon pa ng anak. At dahil sa nangyari kay Daisyree ay sinamantala ni Juanito na magakilala bilang ama ng dalaga. Pangarap kasi nilang mag-asawa ay mabiyayaan sila ng anak ngunit sadyang madamot ang kapalaran sa kanila. Ilang linggo pa nanatili si Daisyree sa hospital bago siya nilabas ni Manong Juanito. Si Manong Juanito na rin ang nagbayad ng bill ng dalaga sa hospital. Inuwi siya ni Manong Juanito sa Atiplo City kung saan sila naninirahan ni Manang Doray. Nasa isang liblib silang lugar at walang makakakilala kay Daisyree roon. Pagdating sa bahay ay nagulat si Manang Doray sa dinala ng kaniyang asawa. Kaya, agad niyang dinala sa kusina ang asawa at tinanong. ‘’B-bakit may dala kang babae, Juanito?’’ nagtatakang tanong ni Manang Doray sa asawa at sinilip si Daisyree sa sala na nakaupo sa upuang kawayan. ‘’Anak natin siya, Doray. Naalala mob a ang dinala kong mga gamit rito na ayaw kong pakialaman mo?’’ Tumango si Manang Doray sa tanong ni Manong Juanito. ‘’Oo, pero ano ba iyon, ha?’’ ‘’Gamit iyon ng batang iyan. Naalaa mo na ilang araw na rin akong hindi nakabyahe dahil sira ang taxi ko dahil naaksidente kami at ang batang iyan ang pasahero ko noon. May amnesia siya Doray. Hindi ko alam kung saan siya galing. Pero kailangan tingnan natin ang mga gamit niya at baka may makuha tayong information roon,’’ pangungumbinsi ni Manong sa kaniyang asawa. Napakamot ng ulo si Manang Doray sa sinabi ng kaniyang asawa. ‘’Mamaya pareho tayong mapahamak sa ginagawa mong iyan, Juanito. Sige, titingnan ko ang mga gamit ng babaeng iyan. Tapos ibalik natin siya sa pamilya niya kapag may makuha tayong inpormasyon tungkol sa kaniya.’’ “Doray, sinabi ko na sa kaniya na tayo ang pamilya niya. ‘Di ba, gusto mon a magkaroon tayo ng anak? Kaya, alam ko na ang batang iyan ang sagot sa matagal na natin ninanais,’’ despiradong sabi ni Manong Juanito sa kaniyang asawa. ‘’Oo, Juanito. Matagal na natin gusto magkaroon ng anak. Pero may pamilya iyan at baka hinahanap na siya ng pamilya niya,’’ nag-aalalang turan ni Manang Doray sa asawa. ‘’Ipalabas natuin na patay na siya. Sige na Doray pumayag ka na, na tayo ang magiging pamilya niya,’’ sumamo ni Manong. Malalim na nagbuntong hininga si Manang Doray na nakatingin ng seryoso kay Manong. ‘’Sige, pumapayag ako. Pero hindi natin siya dapat papuntahin sa syodad. Baka mamaya may makakilala sa kaniya,’’ sang-ayon na lang ni Manang dahil ang totoo gusto niya rin naman na may makasama sa bahay kapag wala si Manong Juanito. Dahil sa tuwa ay niyakap ni Manong Juanito ang asawa. ‘’Salamat, Doray. Ngayon may maasama ka na dito sa bahay kapag wala ako. Tara, puntahan na natin ang anak natin.’’ Nagtungo sila sa sala at nilapitan ni Manang Doray si Daisyree. “Anak, nagugutom ka na ba? Hali ka sa kusina at may niluto akong gulay para sa inyo ng Tatay mo,’’ sabay hawak ni Manang Doray sa kamay ni Daisyree. ‘’Opo, Nanay,’’ nakangiting sang-ayon ni Daisyree sa inaakala niyang magulang. Natuwa si Manang Doray sa kaniyang narinig na tinawag siyang nanay ng dalaga. Nagkatinginan sila ni Manong Juanito at batid niya na kung anong kasinungalingan ang sinabi ng kaniyang asawa sa dalaga. Tumayo si Daisyree at sumama sa kay Manang Doray sa kusina. Tamang-tama ang pagdating nila Manong Juanito at Daisyree dahil nakapagluto na ng tangalian si Manang Doray. Salo-salo silang kumain na tatlo. Habang kumakain sila ay tinanong ni Daisyree ang dalawa. ‘’Nay, Tay, ano po ba ang pangalan ko?’’ Nagkatitigan ang dalawang mag-asawa at si Manang Doray na ang sumagot. ‘’Ang pangalan mo ay si Princess Villanueva. Iyana ng ipinangalan namin sa’yo ng tatay mo, Anak,’’ pagsisinungaling ni Manang Doray sa dalaga. ‘’Matagal na po ba tayo rito sa lugar na ito, Inay? Wala po tayong mga kapit bahay?’’ inosenteng tanong ni Daisyree. Si Manong Juanito na ang sumagot. ‘’Matagal na tayo rito, Princess. Dito ka ipinanganak at kapag may tao kang makakasalamuha huwag mong sabihin na may amnesia ka dahil tiyak na magiging masama ang tingin nila sa’yo. Kaya, huwag ka basta-basta magtiwala sa mga tao maliban lang sa amin ng nanay mo,’’ bilin ni Manong Juanito sa dalaga. Tumango-tango lang siya dahil wala naman talaga siyang ibang pagkatiwalaan kundi ang dalawang tao na nasa harapan niya at inaakalang mga magulang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD