Chapter 14
Kinahapunan ay dumating si Manong Juanito sa kanilang bahay. Naabutan niya sina Manang Doray at Princess na nagpapatuka ng manok at nagpapakain ng inahing baboy.
“Akala ko dito ka mananghalian kanina. Malakas baa ng byah mo,?’’ bati ni Manang Doray sa asawa.
Lumapit naman si Princess sa inaakala niyang ama at nagmano. ‘’Mano po, itay,”
“Kaawaan ka na wa ng Ama, Anak,’’ saad ni Manong Juanito kay Princess.
Pumasok sila sa loob ng kanilang bahay at pinigtimpla ni Princess ang kaniyang ama ng kape. Naiwan ang dalawangb matanda sa balkonahe.
“Juanito, masama ang pakiramdam ni Princess kanina. Mabuti pa ay dalhin natin siya sa bayan sa Atiplo para sa ganoon ay matingnan siya. Simula noong dinala mo siya rito ay hindi pa natin siya napatingnan ulit sa doktor. Lagi siyang nahihilo at baka mamaya may epikto iyon sa aksidente na nangyari sa kaniya,’’ nag-aalalang sabi ni Manang Doray sa asawa.
“Sige, bukas dalhin natin siya sa bayan para makapagpa-check up. Pero wala pa tayong sapat na ipon para dalhin siya sa Miland at pumunta sa neurologist. Pero sabi ng doktor niya noon imposible na makaalala pa siya, Doray. Tayo na ang kinikilala niyang pamilya at kung dumating man ang araw na malaman niya ang totoo at maalala niya ang lahat handa ako na tanggapin ang galit niya. Napamahal na sa atin si Princess,’’ turan ni Manong Juanito sa asawa.
‘’Kung ano man ang kahinanatnan ng pagsisinungaling natin ay tanggapin natin. Pero alam natin na walang sekretong hindi nabubunyag,’’ malungkot na turan ni Manang Doray kay Manong Juanito.
Alam nilang pareho na darating ang panahon na sisingilin sila sa pagsisinungaling nila kay Princess. Nguni tang mahalaga ngayon sa kanila ay may anak sila na tinuturing at mahal na mahal nila ang dalaga.
Ilang sandali pa ay dala na ni Daisyree ang kape na tinimpla niya para kay Manong Juanito. Inilapag niya ito sa lamesita na nasa harapan ng kaniyang ama.
‘’Ito nap o ang coffe niyo, Itay,’’ nakangiting sabi ni Princess at naupo sa tabi ni Manang Doray.
“May mais pala akong nilaga, gusto mob a kumain, Jauanito?’’ tanong ni Manang Doray.
‘’Sige, Nanay. Nagutom ako sa byahe,’’ sang-ayon ni Manong Juanito sa asawa at tumingin ito kay Daisyree.
“Bukas anak isasama ka namin ng Nanay mo sa bayan para mapatingnan kung bakit lagi kang nahihilo. Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?”
“Talaga po, Tay? Isasama niyo po ako bukas sa bayan?’’ natutuwang tanong ni Princess kay Manong Juanito.
Gusto niya rin kasi makita ang bayan. Hindi niya alam ngunit parang may kulang pa rin sa buhay niya kahit na mahal naman siya ng dalawa. Ngunit sa kaloob-looban ng puso niya ay parang may hinahanap siya at parang hindi ang lugar na ito ang nakasanayan niya.
“Oo, Anak. Basta huwag kang lumayo sa paningin namin ng Nanay mo. At kapag may kumuusap sa’yo na hindi mo kilala huwag mong pansinin dahil marami ang masasamang tao ngayon,’’ saad ni Manong Juanito sa kaniya.
Tumango-tango lang siya at excited na siya na makapunta sa bayan. Kahit na gusto niya naman ang katahimikan rito sa bayan ng kawayan ay gusto niya pa rin makarating ng syodad.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising at excited na naligo ng maaga at nagbihis. Pagkatapos nnilang kumaing tatlo ay umalis na sila. Maaga sila umalis para bago magtanghaliaan ay makabalik kaagad sila sa kanilang bahay dahil walang mag-aasikaso sa mga alaga nilang hayop.
Habang nasa taxi si Princes ay panay ang tingin niya sa dinadaanan nila. Si Manong Juanito ang nagda-drive ng taxi. Kahit isang ala-ala sa nakaraan ni Daisyree ay hindi niya matatandaan. Basta ang alam niya anak siya ni Juanito at Doray at pangalan niya ay si Princess Santiago.
‘’Tay, hindi ka ba napapagod sa araw-araw na pag-drive ng taxi?’’ tanong ni Princess sa kaniyang ama.
Tumingin si Manong Juanito sa kaniya sa salamin na nasa harapan nito.
“Napapagod din, Anak. Pero kailangan kong magbyahe araw-araw para may makain tayo at may pambili ako ng mga pangangailangan ninyo ng iyong nanay,’’ sagot ni Manong Juanito sa kaniya.
Naawa rin kasi si Princess sa kinikilala niyang ama dahil matanda na ito pero nagsisikap pa rin sa buhay.
“Tay, magaling naman po ako, ‘di ba? Ano kaya kung magtrabaho ako sa bayan? Para sa ganoon makatulong ako sa inyo ni Nanay,’’ suhestiyon niya.
Napalunok ng laway si Manang Doray sa turan ni Princess.
“Anak, dilikado sa bayan. Kaya, mabuti pang tulungan mo na lang ako sa gawaing bahay at mag-alaga ng mga hayop. Malawak naman ang lupain natin, kaya pwede tayo magtanim at ediliver natin sa bayan,’’ saad ni Manang Doray sa kaniya.
‘’Tama ang nanay mo, Anak. Isa hindi pa bumabalik ang mga alaala mo. Paano kung smantalahan ka sa bayan ng masasamang tao? Saka walang kasama ang nanay mo kapag nagba-byahe ako. At wala ka namang alam na trabaho,” sang-ayon ni Manong Juanito sa asawa nito.
Napakibit balikat na alng si Princess dahil wala nga naman siyang alam na trabaho at hindi pa siya makaalala.
“Wala po ba akong trabaho dati, Nay, Tay? Noong hindi pa ako nahulog sa puno ng kaimito?’’ inosente niyang tanong sa dalawa. Iyon kasi ang sinabi sa kaniya ng mag-asawa na nahulog siya sa puno ng kaimito at tumama ang ulo niya sa bato, kaya nawala ang mga alaala niya.
“Wala, Anak. Tumutulong ka lang sa nanay mo sa bahay,’’ sagot ni Manong Jaunito sa kaniya.
“Wala rin po ba akong mga kaibigan, Tay? Saka kahit po kapit bahay ay wala tayo,’’ tanong niya habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse.
“Paano tayo magkaroon ng kapit bahay, Anak? Eh, ang mga lupa na katabi ng lupain natin ay ibininta na nila. ‘Yong lupa na nga lang natin ang hindi pa nabili dahil ayaw kong ibinta iyon,’’ wika ni Manong Juanito.
Tahimik lang na nakikinig si Manang Doray sa dalawa. Wala naman siyang masabi dahil hindi niya nga alam kung paano sagutin ang mga katanungan ni Princess.
“Bakit ayaw niyo po ibinta, Tay? Malaki naman siguro ang binta ng lupa natin tapos lumipat na lang tayo sa bayan.”
Napatingin ng bahagya si Manang Doray sa sinabi niya.
“Princess, magulo ang buhay sa bayan. Maganda sa atin dahil tahimik lang at sariwang gulay pa ang nakakain natin. Samantala sa bayan eh dikit-dikit ang bahay at wala tayong lupa na taniman ng mais, mani, at hindi tayo pwede mag-alaga ng mga hayop roon,’’ paliwanag sa kaniya ni Manang Doray.
Hindi na siya umimik dahil tama nga naman ay sinabi ni Manang Doray sa kaniya. Ilang oras pa ang lumipas ay nakarating sila sa Atiplo City. Bumaba sila sa hospital na naroon at pumasok sa loob.
Nagtungo sila sa silid ni Dr. Palacio na kilala nilang mag-asawa dahil ito ang doktor nila kapag may sakit sila at kailangan nila ng konsulta sa doktor.
“Magandang umaga po, Dr. Palacio,’’ bati ng dalawa sa doktor.
“Magandang umaga rin sa inyo Mang Juanito at Aling Doray. Ano ang kailangan natin? May sakit ba kayong dalawa?’’ nakangiting tanong ng babaeng doktor sa kanila.
“ipakonsulta ko sana itong anak namin ni Doray, Dok. Lagi po kasi siya nahihilo,’’ sabi ni Manong Juanito at tinuro si Princess.
Tumingin naman ang doktor sa dalaga. “Maupo ka, Iha,’’ utos ng doktor kay Princess. Naupo naman si Princess at si Aling Doray sa bakanting upan na kaharap ng doktor.
“May maganda pala kayong anak, Mang Juanito, Aling Doray,’’ wika ng doktor na malawak ang ngiti sa kanila. Matamis na ngiti lang ang naging sagot ng dalawang mag-asawa.
Sinimulan usisain ng doktor ang nararamdaman ni Princess. Sinabi na rin ni Mang Juanito na mayroong amnesia si Princess. Ngunit para makasiguro ay kinuhanan ng doktor ng blood sample si Princess at ihi para ma-laboratory ang mga iyon.
Mamayang hapon pa lalabas ang resulta, kaya babalikan na lang nila at ipinasyal muna nila si Princess sa Mall roon sa Antiplo City at namili na rin sila ng mga sabon at iba pang kailanganin nila sa kanilang bahay.
“Nay, ang dami pa lang tao rito sa syudad. Hindi ko ipagpalit ang buhay natin sa Kawayan kaysa rito,’’ wika ni Princess habang namimili sila sa groceries.
“Kaya dapat sundin mo ang sinasabi namin ng iyong nanay, Princess. Magulo ang buhay rito sa bayan at maraming masasamang tao. Kaya nga ayaw kong may tv tayo dahil ayaw kong makita mo ang mga binabalita ngayon,’’ sabat naman ni Manong Juanito sa usapan ng mag-ina.
“Dapat kasi, Nay, Tay, binigyan niyo man lang sana ako ng kapatid kahit isa,’’ lambing na sabi ni Princess sa kinikilala niyang mga magulang.
Nagtinginan naman ang dalawa sa sinabi ni Princess.
“Anak, mahirap lang kasi ang buhay natin noon, kaya hindi na namin naisipan ng tatay mo na dagdagan ka,’’ nakangiting sabi ni Manang Doray sa kaniya.
Inakbayan niya ang dalawang matanda at isa-isang hinalikan sa pisngi. “Okay, lang, Nay, Tay. Kahit mahirap lang ang buhay natin basta ang mahalaga ay buo tayo at magkakasama. Aalagaan ko kayong dalawa hanggang sa maging ulyanin na kayo.’’
Natuwa ang dalawang matanda sa sinabi niya. Mahal niya ang dalawa na akala niya ay siyang tunay niyang pamilya at mahal din siya ng mga ito. Ngunit ‘yon nga lang sa labis na pagmamahal ng mga ito sa kaniya ay nalayo naman siya sa tunay niyang pamilya na iyon sana ang kasama niya lalo na at wala siyang maalala.
Pagkatapos nilang mamili ay kumain muna sila bago bumalik sa hospital. Isang oras pa silang naghintay sa resulta ng laboratory ni Princess at sa wakas ay hawak na ito ni Dr. Palacio.
“Dok, kumusta ang laboratory ng anak namin?’’ kinakabahang tanong ni Manang Doray.
Habang si Manong Juanito ay kabado rin maaman ang resulta at baka mamaya may malubhang karamdaman ang dalaga.
‘’Healthy naman po si Princess. ‘Yon nga lang po ay tatlong buwan na siyang buntis at kailangan niyang magpahinga at alagaan ang kalusugan niya. Lalo na ay may nabubuhay sa sinapupunan niya.”
Bahagyang napaawang ang labi ng mag-asawa sa sinabi ng doktor. Hindi sila makapaniwala na buntis si Princess. Habang si Princess naman ay kunot-noo na nakatingin sa doktor.
“A-ano po ang buntis, dok?’’ wala sa sariling tanong ni Princess sa doktor dahil kahit siya ay walang idea sa sinabi ng doktor.
“Nagdadalang tao ka ng tatlong buwan, Princess. Buntis ka at kailangan alagaan moa ng sarili mo. May ibibigay akong vitamins para sa inyo ng baby mo,’’ saad ng doktor at may kinuha ito sa drawer.
Habang si Mang Juanito naman at Manang Doray ay hindi makapaniwala na buntis pala ang dalaga, kaya matagal silang nagtitigang mag-asawa.