Chapter 4
Makatapos ni Daisyree mag-duty ay dumaan siya Goldenred cake para may pasalubong siya sa kaniyang mga kapatid. Sumakay siya ng tricycle at nagpahatid sa bahay nila.
Pagdating niya sa kanila ay tahimik lang sa palaigid. Pagpasok niya ng bahay ay walang mga tao roon.
''Penny! Saan kayo?'' tawag niya sa kaniyang kaibigan na siyang nagbabantay sa kaniyang mga kapatid.
Umakyat siya sa itaas at baka natutulog na ang mga ito. Pero bago ito umakyat ay iniwan niya sa mesa ang dala niyang cake.
Pagdating sa itaas ay tahimik pa rin at walang tao. Kaya, minabuti na lamang niya na magbihis at naisipan niya na baka nasa perya sina Penny at ang mga bata.
Nang makabihis na siya ay bumaba siya para puntahan ang mga ito sa perya. Malapit na kasi ang fiesta rito, kaya mayroon ng perya sa kanilang lugar.
Ngunit paglabas niya ng bahay ay may inova na sasakyang huminto sa tapat ng kanilang gate. Bahagya pa siyang nagulat nang nagsipagbabaan roon ang kaniyang mga kapatid at si Penny. Ngunit lalo pang nagulat si daisyree nang bumaba mula sa driver seat si Oliver. Ang guwapo nito tingnan sa suot niyang polo na nakahulma ang malapad nitong dibdib na halatang alaga sa gym. Malawak ang ngiti ni Penny na pumasok sa gate pati ang kaniyang mga kapatid na may kani-kaniyang dalang laruan na mukhang bagong bili.
''Nandito ka na pala, Dais. Pinasyal kami ni Oliver,'' ngiti ni Penny sa kaniya. Ngunit ang kaniyang mga tingin ay na kay Oliver at lumalapit na rin ito sa kaniya.
''Ate, ang sarap ng kinain namin,'' daldal ni Jeferson.
''Sige, na. Pumasok na kayo sa loob. Pagkatapos maghugas na kayo ng inyong katawan, ha?'' bilin niya sa kaniyang mga kapatid. Isa-isa ang mga itong humalik sa kaniyang pisngi. Nang pumasok na ang mga ito ay saka niya hinarap si Oliver at Penny.
''Ano oras kayo umalis Penny?'' tanong niya kay Penny.
''Kanina lang hapon. Paano ay nagulat ako dahil may bago tayong kapit bahay. Kaya, hindi ko naman tinanggihan nang yayain niya kami ng mga bata mamasyal. Huwag kang mag-aalala dahil nag-injoy naman ang mga kapatid mo, 'di ba, Oliver?'' ani Penny at lumingon kay Oliver at hinintay nito ang pagsang-ayon ng binata.
''Oo, pasensya na, Daisy. Kung dinala ko ang mga kapatid mo na hindi nagpaalam sa 'yo. Mabuti at natatandaan pa nila ako,'' sabi ni Oliver sa kaniya.
''May magagawa pa ba ako? Pumasok ka muna, gusto mo ng kape?'' tanong niya naman sa binata.
''Halika, ka Oliver. Pumasok ka,'' sabay hila naman ni Penny kay Oliver sa loob. Nagpatangay naman ang binata sa paghila ni Penny sa kaniya. Habang si Daisyree ay napapailing na lang na sumunod sa likuran ng dalawa.
Pinaupo ni Penny si Oliver sa sofa at naupo naman ang binata. ''Dito ka muna Oliver at pupunasan ko muna si Jasper. Para makatulog na,'' sabi ni Penny at tatalikod na sana ito.
''Nakakain na ba ang mga bata?'' tanong ni Daisyree kay Penny.
''Oo, pinakain na kami ni Oliver,'' sagot ni Penny at pinuntahan na nito ang mga bata para palinisin ng kanilang katawan.
''Saglit lang itimpla kita ng kape,'' lingon na sabi ni Daisyree kay Oliver.
Tumango lang ang binata habang pinagmamasdan niya ang magandang mukha ni Daisyree at maganda nitong katawan. Hindi pa rin nagbago ang pagtingin niya sa dalaga. Ganoon pa rin ang nararamdaman niya na spark kapag kaharap niya ang dalaga.
Nagtimpla ng kape si Daisyree para sa kanilang dalawa ni Oliver. Naghiwa siya ng cake na dala niya at nilagay sa platito. Nilagay niya ang mga iyon sa tray at dinala kay Oliver. Inilapag niya iyon sa lamesita sa harap ng binata.
''Ito ang coffee mo,'' sabay abot ni Daisyree ng cup kay Oliver at kinuha naman ito ng binata.
''Salamat sa kape. Kamusta ka na?'' tanong ni Oliver sa kaniya.
Nagkibit balikat siya bago niya sinagot ang tanong ni Oliver. Umupo siya sa isahang upuan sa harap ni Oliver at kinuha ang kape na para sa kaniya.
''Heto at malaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat ko. Ako na 'yong nag-aalaga sa mga kapatid ko at may anak pa ako na maliit na alagain din. Kaya, mabuti na lang ang pumayag si Penny na siya ang mag-alaga sa mga bata habang nagta-trabaho ako,'' kampante niyang sabi kay Oliver. ''Ikaw kamusta na?''
''Ayos lang din naman. May proyekto ako rito sa Camelon, kaya napauwi ako rito,'' sagot ni Oliver sa kaniya at humigop ng kape. ''Hmmm.. Ang sarap mo magtimpla ng kape, ha?'' papuri pa ni Oliver sa kaniya.
''Thank you, ano pala 'yong sabi ni Penny na bagong lipat ka?'' tanong niya kay Oliver.
''Oo, diyan ako sa kabilang apartment. Para malapit lang ako sa trabaho ko. Hindi ko nga inaasahan na magkapit bahay pala tayo,'' ngiting sabi ni Oliver sa kaniya.
Kahit siya ay hindi niya inaasahan na magkapit bahay sila ng kaniyang dating nobyo. Kanina pa mabilis ang t***k ng puso ni Daisyree ngunit pinipigilan niya ito. Nagiging abnormal na yata ang t***k ng puso niya mula pa kanina nang magkita sila ni Oliver sa mall. Nag-iisip pa naman siya kanina kung kailan ulit niya makita ang binata. At hito hindi niya inaasahan na kaharap niya na ito at magkapit bahay na sila.
''Hahahaha... Sino ba ang mag-aakala na maging kapit bahay kita. Mag-isa ka lang diyan?'' tanong niya kay Oliver.
''Oo, ako lang mag-isa riyan.''
''Baka mamaya maingayan ka sa amin dito. Ang iingay pa naman ng mga bata, kaya pagpasensyahan mo na. Salamat pala sa pagpasyal mo sa kanila,'' pasalamat niya sa binata.
''Walang ano man. Basta ano mang oras na wala akong trabaho puwede ko kayong ipasyal ng mga kapatid mo,'' seryosong sabi sa kaniya ni Oliver.
Ngumiti lang siya at ininom ang kape. ''Hindi ka pa rin nagbabago, ano? Lalo ka pang gumanda,'' papuri ni Oliver sa kaniya.
''Depende lang din siguro kung paano natin alagaan ang ating katawan. Ikaw nga hindi ko akalain na ganiyan ka na after 5 years nating hindi nagkita. Kung dati ay patpatin ang katawan mo ngayon naman puwede ka na pambato sa pamachohan.''
Natawa si Oliver dahil hindi niya nakitaan na nagbago ang dalaga. Gano'n pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya kahit na ang huling pag-uusap nila noon ay nagdulot ng sakit sa kaniyang kalooban nang makipag-break ito sa kaniya.
Maya pa ay bumaba si Jasper at patakbo itong nagtungo kay Daisyree. Bagong palit ito ng damit at napunasan na rin ito ni Penny. ''Momyy!'' patakbong sigaw ng bata sa kaniya at nagpakanlong ito. '
'Inaantok ka na?'' tanong ni Daisyree sa kaniyang anak-anakan.
Tumango ito sa kaniya. Mommy, tabihan mo na ako,'' lambing ng bata sa kaniya.
Inubos ni Oliver ang kape at tumayo ito. ''Paano at uuwi na muna ako. Marami pa kasi akong ligpitin at baka nakakaabala na ako sa 'yo. Salamat dito sa kape. Pakisabi kay Penny na umuwi na ako,'' paalam ni Oliver kay Daisyree at ginulo nito ang ulo ng inaakala niyang anak ni Daisyree sa pagkadalaga.
''Good night litle boy,''
Binuhat ni Daisyree ang bata at hinatid niya si Oliver sa labas ng pinto. Ngumiti siya at kumaway kay Oliver at pagkatapos ay umakyat na siya sa itaas para tabihan si Jasper at ang dalawa niyang kapatid na babae.
Nang makatulog naman ang bata ay nag-video call sila ng kaniyang ina na nasa ibang bansa.
''Ma, kamusta ka na riyan?'' tanong niya sa kaniyang pinakamamahal na ina.
''Ayos lang ako, Anak. Ikaw kamusta na? Ang mga kapatid mo kamusta at si Jasper?'' tanong ng kaniyang ina.
''Okay, lang Ma. Katutulog lang ng mga bata. Ma, umuwi ka na kaya at mayroon naman akong kunting naipon sa pinapadala mo at sa sahod ko. Puwede na siguro tayo magsimula ng negosyo para hindi ka na mangibang bansa,'' sabi niya sa kaniyang ina.
''Anak, nag-aaral pa ang mga kapatid mo. Saka bata pa nila, kaya kailangan kong kumayod para mapaaral ko pa sila.''
''Ma, kaya ko naman na siguro sila paaralin. Matagal pa naman sila mag-collage. Alam mo naman na nami-miss ka na namin,'' sabi niya na maluha-luha sa kaniyang ina.
''Anak, nami-miss ko na rin kayo. Hayaan mo at next year tapos na ang kontrata ko. Pero bakasyon lang ako ng dalawang linggo riyan dahil mag-renew ako ng trabaho sa amo ko.''
Lalong nalungkot si Daisyree sa sinabi ng kaniyang ina. Pangarap niya pa naman na magsama-sama na sila. Ngunit wala siyang magawa dahil kung nag-uupa pa sila ng bahay. Gusto niya rin makapag-ipon para makabili sila ng sarili nilang bahay.
''Sige, Ma. Basta ingat na lang po kayo riyan palagi. Huwag kang mag-alala dahil okay naman ang mga kapatid ko,'' malungkot niyang pahayag sa kaniyang ina.
''Okay, nak. Ikaw na bahala sa mga kapatid mo, ha?''
Tango lang ang sagot ni Daisyree sa kaniyang ina at nawala na ito sa kabilang linya. Bumangon siya at pinuntahan ang mga lalaking kapatid sa kabilang silid at tiningnan. Tulog na ang mga ito dahil sa pagod sa pamamasyal kasama si Oliver.
Si Penny ay nasa ibaba pa kaya minabuti niya na lamang na tumabi kay Jasper at sa dalawa niyang kapatid na babae.
Kinabukasan ay abala siyang nagluluto ng almusal para sa kaniyang mga kapatid. Papasok na ang mga ito sa paaralan. Habang si Penny naman ay abalang nagtitimpla ng gatas ni Jasper sa bote. Pagkatapos magbihis ng mga kapatid ni Daisy ay pinakain niya na ang mga ito at siya naman ang naligo.
Pero bago siya pumasok sa banyo ay isa-isa niya ng binigyan ng baon ang kaniyang mga kapatid.
Makalipas pa ang ilang minuto habang nakababad siya sa banyo ay nagsigawan na ang mga kapatid niya sa kaniya.
''Ate, aalis na po kami!'' sigaw ni Jeferson sa kaniya.
''Sige, mag-ingat kayo!'' sigaw niya rin sa banyo. Hinatid pa ni Penny ang mga kapatid niya sa gate. Nang naisara na ni Penny ang gate ay nakita niya naman si Oliver sa kabilang apartment nagsasampay ng mga labahan nito.
''Ang aga mo yatang naglaba, ah!'' bati ni Penny kay Oliver.
''Kagabi ko pa ito nilabhan, kaya ngayon ko lang sinampay. Gising na ba si Daisyree?'' ngiting tanong ni Oliver kay Penny.
''Kanina pa. Naliligo at papasok na 'yon sa trabaho,'' sabi ni Penny sa binata.
''Sabihin mo puwede siya sumabay sa akin.''
''Naks, naman, oh! Para-paraan ka talaga. Ligawan mo kaya, total single naman na siya,'' tudyo pa ni Penny kay Oliver.
''Huwag ka mag-alala dahil liligawan ko talaga siya. Hindi ako makapapayag na mapunta pa siya sa iba. Lalo na at magkalapit na kami ngayon.''
Lalong lumawak ang ngiti ni Penny sa sinabi ni Oliver.
'''Yan ang gusto ko sa 'yo, eh! Palaban! Sige at baka magising 'yong alaga ko,'' paalam ni Penny sa kaniya.
Pumasok na rin si Oliver sa kaniyang apartment at kumain. Seryoso siya sa sinabi niya kay Penny na liligawan niya si Daisyree hanggang mapasagot niya ito. HIndi na siya makakapayag na mawala ito sa kaniya.
Nang matapos nang maligo si Daisyree ay nagbihis na siya ng kaniyang uniforme sa mall. Pang-opening ang pasok niya sa mall, kaya dapat maaga siyang makarating sa trabaho niya.
Nang makatapos siyang mag-ayos ay nagpaalam na siya kay Penny.
''Penny, ikaw na muna ang bahala rito, ha? Ang vitamins ni Jasper huwag mong kalimutan ipainom sa kaniya,'' bilin niya kay Penny.
''Oo, sige ingat!'' sagot ni Penny sa kaniya na nasa itaas ito.
Lumabas na si Daisyree at sakto naman paglabas niya ay naroon ang sasakyan ni Oliver na regalo ng kaniyang tiyuhin na nagpaaral sa kaniya dahil sa ganap na siyang engineer.
Nakasandal si Oliver sa sasakyan na nakaikis ang paa at nakapamulsahan na nakayuko ng ulo.
''Good morning, papasok ka na?'' tanong ni Daisyree sa binata.
Umangat ng tingin si Oliver sa kaniya at matamis na ngumiti. ''Oo, hinintay kita dahil sabi ni Penny papasok ka rin daw.''
''Nako, mamaya ma late ka pa,'' nahihiyang sabi ni Daisyree. Ngunit ang bilis ng pintig ng kaniyang puso habang kaharap si Oliver.
Parang mabilis yata siyang maka-move on sa hiwalayan nila ni Chester kung lagi niyang kasama si Oliver.
Pinagbuksan siya ni Oliver ng pintua sa front seat. ''Sakay na,'' ngiti ni Oliver sa kaniya.
Sumakay na siya at isinara na ni Oliver ang pintuan ng sasakyan at umikot ito sa driver seat. Agad nitong pinaandar ang sasakyan. Dinaan ni Oliver si Daisyree sa mall na pinagta-trabahuhan ng dalaga saka siya tumuloy sa opisina.