Episode 20

1903 Words
Chapter 20 Dinala ni Ian si Manang Doray sa kaniyang sasakyan at dinaanan niya sina Oliver at Penny sa kaniyang baraks. Naghihintay na rin ang dalawa kay Ian. Tahimik lang si Aling Doray na nakangiti dahil excited siyang makita ang asawa. “Hello, po!” bati ni Penny kay Aling Doray nang makita niya ito na nakaupo sa likuran ng driver seat. “Hello, Iha. Bilisan mo at naghihintay ang asawa ko,’’ saad ni Aling Doray kay Princes. Sumakay na si Princess sa front seat at si Oliver naman ay umupo sa tabi ni Aling Doray. “Sino ba itong mga kasama mo, Ian? Bilisan mo na at baka mainip si Juanito sa atin. Kailangan makauwi kaagad kami dahil walang kasama si Princess at ang mga kambal,’’ pagmamadali ni Manang Doray kay Ian. “Huwag po kayo mag-alala at bilisan ko po sa pag-drive,’’ nakangiting sabi ni Ian sa Ginang. Nakatingin si Manang Doray kay Oliver at iniirapan niya ang binata nang tumingin ito sa kaniya. Hindi naman siya pinapansin ni Oliver. Alam ni Oliver ang kalagayan ni Manang Doray dahil sinabi na ni Ian sa kanila ni Penny ang tungkol sa kalagayan ng Ginang. Ilang sandali pa ang lumipas ay nakarating sila sa hospital sa bayan. Dinala ni Ian si Aling Doray sa isang psychiatrist sa loob ng hospital. Kasama si Oliver at Penny. “Sa-saan tayo, Ian pupunta? ‘Di ba, sabi mo pupunta tayo kay Juanito?’’ nagtatakang tanong ni Aling Doray habang itinutulak ang kaniyang welchaire papasok sa silid ng psychiatrist. “May dadaanan lang po tayo, Tita Doray. Pagkatapos ay pupuntahan na natin si Tito Juanito,” pagsisinungaling ni Ian sa matanda. Mabuti at naniwala naman ang matanda sa kaniya. “Iiwanan mo ba siya rito, Bro?’’ tanong ni Oliver na pabulong kay Ian. “Depende sa resulta at sasabihin ng doktor, bro,’’ mahinang sagot ni Ian kay Oliver. Sa isang Mental Hospital kasi dinala ni Ian si Manang Doray dahil narito ang kilala niyang psychiatrist. Pagdating sa silid ng doktor ay si Ian lang ang pwede pumasok at ang psyente. Naiwan si Oliver at Penny sa labas ng silid ng doktor. “Mahirap talaga kapag depression ano? Kawawa naman ang matanda at hindi niya natanggap ang pagkawala ng asawa niya,’’ sabi ni Penny kay Oliver. “Hindi niya siguro kinaya. Pero dapat labanan niya lalo na at may anak at mga apo siyang nangangailangan sa kaniya,’’ wika ni Oliver kay Penny. Halos isang oras din sila naghintay sa labas kay Ian. Ngunit may mga nakaputing damit na kalalakihan ang pumasok sa loob ng silid ng doktor. Ilang sandali pa ay lumabas si Ian at si Aling Doray subalit nakagapos na si Aling Doray at dinala ng mga kalalakihan si Aling Doray sa kung saang silid ng hospital. “Anong nangyari, bro?” nagtatakang tanong ni Oliver kay Ian. “Kailangan niyang manatili muna rito. Medyo Malala na ang depression niya at sabi ng doktor mas maigi na dito siya. Isa pa kapag doon siya sa bahay nila ay tiyak na hindi siya maaalagaan ni Princess dahil may mga bata pang inaalagaan si Princess,” malungkot na pahayag ni Ian kay Oliver. “Eh, paano ‘yong Princess? Babalik ka pa ba roon sa kanila?’’ nag-aalalang tanong ni Penny na hindi man lang nila alam na si Daisyree ang Princess na sinasabi ni Ian sa kanila na matagal na nila hinahanap. “Hindi ako babalik doon. Tatawagan ko na lang si Princess pagdating natin sa Meland,” sagot ni Ian sa kaniyang kasintahan na si Penny. Nagtungo na sila sa sasakyan at tumuloy sa Meland. Ilang oras din ang byahe bago sila nakarating sa bahay ni Ian. Pagpasok pa lang nila Ian sa loob ng kanilang bahay na binili ay agad niyang tinawagan si Princess. Sinabi niya na na manatili muna si Manang Doray sa Mental Hospital. Masakit man para kay Princess, subalit wala na siyang magagawa dahil may mga anak siyang kailangan alagaan. Habang si Oliver naman ay hiniram muna ang sasakyan ni Ian dahil makipagkita ito kay Nicole na dati niyang crush. Nalilibang na si Oliver at parang tinanggap niya na sa kaniyang sarili na hindi sila para sa isa’t isa ni Daisyree dahil mas pinili ni Daisyree na iwanan siya at sumama kay Chester. Iyon ang nakatatak sa isipan ni Oliver. “Hi, long time no see, mas lalo kang gumaganda ngayon,’’ buong paghanga na sabi ni Oliver kay Nicole nang magkita sila sa isang mamahaling restaurant sa Meland. “Ikaw naman! Masiyado kang bolero. Ikaw nga lalo ka rin guma-gwapo, kanina ka pa?’’ tanong ni Penny sa kaniya. “Halos magkasabay lang tayo ng dating, maupo ka,’’ sagot ni Oliver at hinilahan niya ng upuan ang dalaga. Naupo ang dalaga at naupo na rin si Oliver. “Ano ang gusto mo kainin? Mamili ka lang sagot ko,’’ dugtong pa na sabi ni Oliver kay Nicole. Malawak ang ngiti ni Nicole na pumipili ng menu sa tablet kung saan naka-program na roon ang menu at pipindutin lang nila ang mga gusto nilang order at i-deliver na iyon ng waiter sa kanila. Masaya silang nagku-kuwentuhan habang kumakain. Inabot sila ng hapon bago hinatid ni Oliver si Nicole sa sarili nitong bahay. Namasyal pa kasi silang dalawa. Hapon na umuwi si Oliver sa bahay ni Ian. Lumipas pa ang ilang araw at isang buwan ay nagmabutihan na si Oliver at Nicole. Dumalo pa sina Oliver at Nicole sa kasal ni Penny at Ian na ginanap sa mayor’s office. Sa Mayor lang muna nagpakasal ang dalawa dahil gusto ni Ian nariyan ang kaniyang ina kapag kinasal sila sa simbahan. Nawili na kasi ang ina nito sa Amerika at parang wala na yatang balak umuwi. Kahit na nag-video call sila palagi ay iba pa rin na nariyan si ALing Welma sa araw ng kasal ng dalawa. Naging magkasintahan si Oliver at Nicole at balak ni Oliver pakasalan din si Nicole kapag naayos na ang proyekto niya. Umuwi muna si Oliver sa Camelon upang tapusin ang proyekto niya roon at doon na siya sa Meland mag-stay pagkatapos ng proyekto niya sa Camelon. Samantalang si Ian ay palagi niya binibisita si Princess kapag pumupunta siya sa proyekto niya sa Kawayan. Si Penny ay naiiwan sa Meland at hindi siya sumasama sa Kawayan dahil umuuwi naman kaagad si Ian. Subalit ngayong araw ay sumama si Penny sa project ni Ian sa Kawayan dahil tatlong araw na hindi makakauwi si Ian. Subalit sa pangatlong araw nila ay sumapit ang malakas na bagyo. Malakas na hangin ang dala ng bagyong iyon. “Honey, maiiwan ka muna rito sa baraks at pupuntahan ko lang ang mag-iina. Dilikado sila doon at baka liparin ang bahay nila,’’ pag-aalala ni Ian na sabi sa kaniyang asawa para sa mag-iina na si Princess at ang mga kambal nito. “Hon, ayaw kong maiwan samahan na lang kita,’’ protesta ni Penny. “Madulas ang daan saka dilikado, kaya dito ka lang,’’ tanggi ni Ian kay Penny. “Nagseselos na ako sa Princess na iyan, ha? Iisipin ko na anak mo talaga ang anak niya dahil ganoon na lang ang pag-alala mo sa kanila,’’ pagtatampo ni Penny kay Ian. “Ito talaga ang dumi ng isip. Tara na at baka mapaano ang mga ‘yon,” sang-ayon na lamang ni Ian. Kaibigan na rin kasi ang turi ni Ian kay Princess at wala naman itong ibang maasahan. Kahit malakas ang hangin at nagsisimula na ang bagyo ay tinahak pa rin nila Ian ang madulas na daan dahil may kasamang ulan ang bagyo. “Dahan-dahan at baka madulas ka,” pag-alalang na sabi ni Ian sa asawa habang hawak-hawak nito ang kamay ni Penny. “Grabe naman ang daan papunta sa bahay ng Princess na iyon. Bakit kasi hanggang doon lang ang kalsada sa ibaba? Sana diniretso na nila dito,’’ reklamo ni Penny. Ilang sandali pa ay narating na nila ang bahay ni Princess. Abala si Princess sa pag-aayos ng mga gamit ng kaniyang mga anak na isang buwan na at ilang araw. Ano mang oras ay balak niyang pumunta sa kuweba kung saan ay tinuro sa kaniya noon ni Mang Juanito na tinataguan nila ni Aling Doray kapag may bagyo. Hindi niya napansin ang pagdating ng dalawa. “Princess, lumikas na kayo. Ako na ang magdadala sa isang kambal,’’ turan ni Ian kay Princess nang umakyat sila ni Penny sa bahay ni Princess. “Ian, salamat at dumating ka. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko,’’ mangiyak-ngiyak na sabi ni Princess nang lumingon kay Ian. Kinuha ni Ian ang lalake na kambal at binuhat ni Princess ang babaing kambal. “Daisyree?’’ mahinang bigkas ni Penny nang makita niya ang mukha ni Princess. Nagtataka si Princess na tumingin Kay Penny. “Hali na kayo, hindi na tayo dapat magsayang ng oras,’’ pagmamadali ni Ian sa dalawang babae. Binalot nila ang mga sanggol ng mabuti at lumabas na sa bahay. Palaisipan pa rin kay Princess ang pagtawag ni Penny sa kaniya na Daisyree na para bang kilala siya nito. Subalit kabilin-bilinan ng mga magulang niya na ano mang ang mangyari ay huwag niyang sasabihin na may amnesia siya para maproteksyonan niya ang kaniyang sarili. Habang si Penny naman ay nagtataka kung paano napunta si Daisyree sa lugar na ito at mamaya ay gusto niya ito kausapin. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa baraks. Inilapag ni Oliver ang isang kambal habang hili-hili ni Princess ang isang kambal. “My God, Daisyree. Nandito ka lang pala hindi ka man lang tumatawag sa amin,” agad na sabi ni Penny kay Princess. “Kilala mo si Princess, Hon?’’ nagtatakang tanong ni Ian kay Penny. “Oo, dahil matalik ko siyang kaibigan,” sagot ni Penny kay Ian. “Sino ang ama ng mga anak mo? Kaya, ka ba nagtago dahil sa kanila? Si Chester ba ang ama ng mga anak mo?’’ problemadong tanong ni Penny kay Princess. Naguguluhan man si Princess subalit kailangan niyang magpanggap na siya si Daisyree na sinasabi ni Penny. Kailangan niya ang pamilya at kaibigan para may makapitan siya dahil walang-wala na siya. Iniisip niya na marahil ang Chester na iyon ay kasintahan ni Daisyree na tawag ni Penny sa kaniya. Iniisip niya na baka napagkamalan lang siyang Daisyree at baka kamukha niya lang ang pangalan na tinatawag ni Penny sa kaniya. Tumango-tango siya sa tanong ni Penny sa kaniya at nalaglag na lang ang balikat ni Penny nang tumango si Daisyree. “Nasaan na ang hayop na lalaking iyon? Bakit ka niya iniwan?” muling tanong ni Penny kay Daisyree. “May asawa na siya,” tipid na sagot ni Princess. Na kahit naguguluhan ay hindi siya nagpahalata. “My God, Daisyree! Sana kahit si Tita tinawagan mo dahil alang-alala sila sa’yo. Kung natatakot ka na malaman nila na buntis ka sana man lang sinabi mo at hindi mo itinago dahil magulang mo sila. Bakit ka nagtiis sa buhay na ganito? Pati mga bata nahihirapan sa ginagawa mo!” sermon ni Penny kay Princess na nalilito. “Pasensya na,’’ iyon lang ang tanging nasabi ni Princess dahil wala naman siyang alam sa nakaraan niya. Mas pinapaniwalaan niya pa rin ang sinasabi ng kaniyang kinikilalang mga magulang na huwag sabihin sa ibang tao na may amnesia siya at baka pagsamantalahan siya ng mga taong hindi niya kilala. Niyakap na lang siya ni Penny ng mahigpit at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nang yakapin siya ni Penny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD