Episode 15

1572 Words
Chapter 15 Pagkatapos ng check up ni Princess ay umuwi na sila sa kanilang bahay. Ngunit palaisipan pa rin sa kaniya kung sino ang tatay ng dinadalang tao niya. Kaya, naag nasa sala sila nila Mang Juanito at Manang Doray ay tinanong niya ang mga ito. “Tatay, Nanay, sino ang ama ng anak ko?” Nagtinginan ang mag-asawa at hindi alam kung ano ang isasagot sa kaniya. “May kasintahan ka noon, Anak. Pero iniwan ka niya dahil hindi ka naman niya mahal. Ang Totoo nagta-trabaho ka sa bayan noon. Kaya ng umuwi ka rito at nahulog sa puno ay hindi ka na namin pinabalik sa syudad. Tapos ‘yong boyfriend mo may girlfriend ng iba ‘yon. Kaya, huwag mon a siyang hanapin pa dahil wala siyang kwentang tao,” pagsisinungaling ni Mang Juanito sa kaniya. Nalungkot siya sa kaniyang narinig. Gulong-gulo pa rin ang kaniyang isipan sa nangyari sa kaniya. Kahit isang katiting ay wala man lang siyang maalala. “Paano na ako ngayon Nay, Tay? Paano ko palalakihin ang batang nasa sinapupunan ko?’’ malungkot niyang tanong sa kaniyang mga kinikilalang mga magulang. Nilapitan siya ni Manang Doray at naaawa ito sa kaniya. Hinagod nito ang kaniyang likod para ipadama sa kaniya na hindi siya nag-iisa. “Nandito lang kami ng Tatay mo, Anak. Papalakihin natin ang anak mo na isang mabuting tao,’’ saad ni Manang Doray sa kaniya. “Tama ang Nanay mo, Anak. Nandito lang kami para sa’yo. Hindi naman nila kailangan na magkaroon ng ama dahil mamahalin natin siya,’’ saad ni Manong Juanito sa kaniya. Kahit na sapat ang pagmamahal ng mag-asawa sa kaniya ay parang may kulang pa rin sa buhay niya. Ngunit kahit ganoon pa man ay gusto niya pa rin malaman kung sino ang naging nobyo niya at bakit siya iniwan nito. “Nay, Tay, kilala niyo ba kung sino ang nobyo ko? Saka may karapatan siyang malaman na buntis ako dahil siya ang ama ng dinadala ko. Responsibilidad niyang bigyan ako ng financial para sa pinagbubuntis ko. Ayaw kong lahat ng gastos ay akuin ninyo ni Nanay,’’ aniya sa dalawa. “Anak, hindi siya mabuting tao dahil ipinagpalit ka niya sa iba. Kaya, huwag m ng pangarapin na makita siya dahil hindi ka niya pananagutan,’’ pagsisinungaling ni Mang Juanito sa kaniya dahil ang totoo ay ayaw ni Mang Juanito na magkaroon si Princess ng ugnayan sa mga taong kilala siya. Ayaw nila mawala ang dalaga sa buhay nila. Nalungkot si Princess at pumasok na lamang sa kaniyang silid dahil hindi niya alam ang nangyayari sa kaniyang buhay. Hanggang lumipas pa ang mga araw at buwan ay minabuti na lang ni Daisyree na huwag ng alamin ang tungkol sa ama ng dinadala niya. Sa ngayon ay anim na buwan na ang pinagbubuntis niya. Habang nagdidilig ng halaman si Daisyree ay may isang Ginang na pumunta sa bahay nila. “Nariyan ba si Doray, Iha?’’ tanong ng isang ali sa kaniya. “Nasa itaas po si Inay. Ano po ang kailangan ninyo sa kaniya?’’ tanong niya sa ali. “May mahalaga lang akong sasabihin,” nakangiting sabi ng ali sa kaniya. “Sandali lang po at tatawagin ko lang si Nanay,’’ aniya ang tabo at pumasok sa kanilang bahay. “Nay, may naghahanap po sa inyo!” tawag niya kay Manang Doray. Lumabas naman si Manang Doray sa silid nila ni Mang Juanito na nakabihis. “Sino ang naghahanap sa akin, Anak?” tanong ng ina niya sa kaniya. “ISang babae po, Nay. Nasa sing kwenta taong gulang na po siguro iyon.” Pagkasabi niya ay lumabas si Manang Doray sa kanilang bahay. “Welma, ikaw pala. Ano ang sadya mo?’’ rinig niyang tanong ng kaniyang ina sa nagngangalang Welma. Lumbas siya upang ipagpatuloy ang magdidilig niya ng mga bulaklak sa tapat ng kanilang bahay. “Sino siya?’’ bulong na tanong ni Aling Welma kay Manang Doray sabay nguso sa kinaroroonan ni Princess. Hinawakan ni Manang Doaray ang braso ni Aling Welma at lumayo sila kay Prinecess. ‘’Doon tayo sa baba,’’ yaya ni Manang Doray kay Aling Welma. Nang nasa baba na sila ay tinanong ulit ni Aling Welma si Manang Doray tungkol kay Princess. Ngayon niya lang kasi ito nakita. Ang malawak na lupain sa tabi ng lupa nila Manang Doray ay pagmamay-ari ng pamilya ni Manang Welma. At nasa Meland siya galing sa anak niya na naninirahan sa Miland. “Sino ‘yong magandang buntis na iyon Doray?’’ “Anak namin ni Juanito. Magkakaapo na kami,’’ sagot ni Manang Doray. Napataas ng kilay si Aling Welma sa sinabi ni Manang Doray. “At kailan pa kayo nagkaroon ng anak ni Juanito? Nawala lang ako ng isang taon dito sa kawayan may anak na agad kayo?’’ Hindi na matiis ni Manang Doray ang lahat, kaya e-kwenento niya na lang ang lahat kay Aling Wlma. Kung anong pagsisinungaling ang ginawa nila kay Princess at kung paano nila sinamantala ang pagka-amnesia ni Prncess. Hindi na rin kasi makaya ni Manang Dora yang konsensya niya ngunit wala siyang magawa kundi sumunod lang sa gusto ng asawa niya. “Wala akong masabihan Welma. Pero sana secreto lang natin ito dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Paano kung may pamilyang naghahanap kay Princess?’’ wika ni Manang Doray kay Aling Welma. “Mali pa rin ang ginawa ninyo ni Juanito. Sana isinurender niyo na lang siya sa pulis at baka nag-aalala na ang pamilya niya sa kaniya,’’ saad ni Aling Welma. “Gutuhin ko man Welma, pero wala naman akong magawa at ayaw ko na magalit si Juanito. Saka alam mon a rin na tumatanda na kami, kaya kailangan namin si Princess. Siya ang magmamana nitong mga lupain namin kapag wala na kami ni Juanito,’’ malungkot na turan ni Manang Doray sa kaibigan. Malalim na nagbuntong si Aling Welma at tinapik ang balikat ni Manang Doray. “Naiintindihan ko kayong mag-asawa. Pero kailangan malaman din ng ampon ninyo ang buong katotohanan dahil baka bigla na lang bumalik ang alaala niya at kamuhian niya kayo.’’ ‘Alam koi yon Welma. At handa naman ako kung darating man ang araw na iyan na malaman niya ang totoo at bumalik ang alaala niya. Siya nga pala mabuti naman at nakauwi ka rito sa kawayan. ‘Yong bahay mo inaanay na,’’ turan ni Manang Doray sa kaibigan. “Kaya nga ako umuwi dahil kunin ko na ang iba kung gamit. Ibininta ko na ang lupain ko Doray. Gawin daw itong subdivision. Total doon naman ako sa anak ko sa Miland nakatira at ayaw niya naman tumira rito, kaya napagdesisyonan na lang namin na ibinta. Ang sa inyo ba hindi niyo pa rin ibibinta?’’ tanong ni Aling Welma. “Nako, hindi na pala ikaw ang may-ari ng lupain na katabi ng lupain namin? Kahit ano ang mangyari Welam hindi namin ibibinta ang lupaing ito. Lalo na at nariyan si Princess at magsisilang pa siya ng sanggol. Bukas pupunta kami sa bayan para magpa-ultrasound siya at malaman namin kung ano ang magiging anak namin. Si Ian ba wala pa rin asawa?’’ tanong ni Manang Doray. “Hay nako, wala yatang balak mag-asawa iyon. Balita ko nga ay pupunta siya sa Camelon doon sa kaibigan niya. Paano aalis na ako at magliligpit pa ako ng mga gamit ko,’’ paalam ni Aling Welma. ‘’Sige, Mag-ingat ka. Ang secreto natin, ha? Huwag mo ipagsabi kahit kanino,’’ bilin pa ni Manang Doray kay Aling Welma. Tumango lang si Aling Doray at umalis na ito. Kinagabihan ay dumating si Manong Juanito at nag-uusap silang tatlo sa hapagkainan. Binanggit ni Manang Doray ang tungkol sa lupa ni Aling Welma na ibininta na nito. “Juanito, ibininta na ni Welma ang lupain niya. At balita ko gagawin raw subdivision ang lugar,’’ wika ni Aling Doray. Si Princess ay nakikinig lang sa usapan nila. “Magiging pangit na ang lugar natin kapag nagkaganoon. Pero kahit alukin pa ako ng ilahng milyon hinding-hindi ko ibibinta ang lupa natin. Marami na rin ang umalok sa akin na bilhin ito pero hindi ko talaga ito ibibinta,’’ saad ni Mang Juanito sa asawa. “Tay, kapag po ibininta ninyo ang lupaing ito saan naman tayo titira? Lalo na at madagdagan pa ang pamilya natin,’’ sabat ni Princess sa usapan ng dalawa. “Tama ka, Anak. Kaya ikaw ang magmamana ng lupaing ito kapag wala na kami ng Nanay mo. Kaya, kahit ano ang mangyari huwag na huwag mo ito ibibinta, ha?’’ bilin ni Mang Juanito sa kaniya. Tumango siya at nagsubo ng kanin. “Tay, ‘di baa ng mga nakatira sa subdivision mga mayayaman?” Kaya, kapag naging subdivision ang katabi ng lupa natin pwede na ako makapagtrabaho. Pwede ako pumasok na katulong o ‘di kaya labandira,’’ wika ni Princess sa mga magulang niya. “Anak, habang nabubuhay ako hinding-hindi kita pagta-trabahuhin. Lalo na at magkakaanak ka na. Sino ang magbabantay ng anak mo kapag nagtrabaho ka? Eh ang nanay mo hindi nga magkamaliw sa mga alaga nating hayop at gulayan.’’ “Totoo ang sinabi ng tatay mo, Anak. Kulang pa nga tayo sa gawaing bahay natin at sa mga labahan natin tapos maglalaba ka pa?,’’ ngiting sabi ni Manang Doray sa dalaga. Ngumiti lang si Princess sa mag-asawa at ipinagpatuloy ang kaniyang pagkain. Nararamdaman niya ang pagmamahal ng dalawang matanda sa kaniya. Sa loob-loob niya ay napaka-swerte niya dahil ito ang naging mga magulang niya. Ang hindi niya alam ay puro kasinungalingan lang ang lahat sa pagkatao niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD