Chapter 16
Abalang tumitingin si Oliver ng plano ng kuryente na ikakabit ng mga tauhan niya. Bumisita siya sa Miracle Hotel at tiningnan kung tama ang pagkakabit ng kuryente sa ibang silid ng hotel pati sa hallway at lobby nang dumating ang matalik niyang kaibigan na si Ian galing sa Meland.
“Busy na busy, ah!” malawak na ngiti ni Ian kay Oliver. Hindi inaasahan ni Oliver na mapaaga ang dating ng kaibigan niya na isang architect.
Itiniklup ni Oliver ang papel kung saan nakaguhit ang electric design ng Miracle Hotel at nag-man hug kay Ian.
“s**t! Hindi ko alam na mapaaga ang dating mo. Akala ko sa sunod na linggo ka pa darating?”
Malawak na ngiti ang iginawad ni Ian sa kaniya. Natutuwa ito na unti-unti niya ng nakakamit ang mga pangarap niya.
“Paano kasi may bagong proyekto sa akin ang kompanya. Kaya, sinamantala ko na muna habang hindi pa nagsisimula. Engeneer na engeneer ang dating mo, ah! Kumusta naman ang buhay mo rito?’’ Tinapik siya ni Ian sa balikat.
Ngumiti siya ng sandali kay Ian at sumeryoso rin. “Okay lang ang trabaho ko. Pero ang dahilan kung bakit pinilit kong makauwi rito ay biglang naglaho.”
Kapag ganoon na ang boses ni Oliver alam na ni Ian na may problema ito. “Babae, ano?’’ paniguradong tanong ni Ian sa kaniya.
Malalim siyang nagbuntong hininga at kinuha ang susi ng apartment niya. “Mamaya na tayo mag-usap. Mauna ka na sa apartment ko at magpahinga. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko at susunod na lang ako. Isulat ko ang address magpahatid ka na lang sa taxi.”
Inabot ni Oliver ang susi kay Ian at isinulat niya ang kaniyang address. Ayaw niya rin naman kasi na paghintayin ang kaibigan niya dahil maalikabok pa sa lugar.
“Wala bang chix doon?’’ natatawang tanong ni Ian sa kaniya.
“Sira ulo! Puro ka chix dapat dinala moa ng chix mo,’’ tawa ni Oliver sa kaibagan.
“Break na kami ni Vanessa. Sige mauna na ako sa’yo. Magkuwentuhan na lang tayo mamaya,’’ paalam na ni Ian kay Oliver.
“Sige, Ingat! Kapag nagutom ka magluto ka na lang.”
Umalis na si Ian at tiningnan ulit ni Oliver ang plano. Lumipas ang tatlong oras ay natapos ni Oliver suriin ang mga kuryente kung tama baa ng pagkakabit at kung walang problema sa daloy ng kuryente. Pagkatapos ay iniwan niya sa supervisor ang mga tauhan at umuwi na sa kaniyang apartment.
“Naabutan naman niya si Ian na katatapos lang magluto ng adobong baboy na nilagyan ng saba na saging.
“Tamang-tama gutom na ako,’’ turan niya kay Ian at nagtungo sa kaldero.
Kumuha siya ng kanin at inihain sa lamesa. Sabay silang kumain ni Ian, kaya habang kumakain sila ay ang sarap ng kuwentuhan nila.
“Bakit naghiwalay kayo ni Vanessa?’’ tanong ni Oliver kay Ian dahil nagtataka siya kung bakit naghiwalay ang dalaw eh matagal na ang mga ito.
“Nakahanap ng iba. Paano kasi simula nang magkaroon ako ng trabaho halos wala na akong panahon sa kaniya. Eh, kayo ni Cindy balita ko wala na kayo? Iba na naman yata ang nobyo ngayon ng pinsan ko.”
Hindi na nagulat si Oliver sa tanong at sinabi ni Ian sa kaniya dahil alam naman niya na matagal na silang wala ni Cindy.
“Matagal na kami wala ng pinsan mo. Pero pumunta ‘yon dito at dito pa nga tumuloy sa apartment ko.”
Tumango-tango lang si Ian at patuloy na kumain. “Eh, ‘yong ex-girlfriend mo, nagkita ba kayo?’’
Natigil sa pagnguya si Oliver sa tanong sa kaniya ni Ian. Hindi niya kasi alam kung paano niya simulant i-kuwento kay Ian ang tungkol sa kanila ni Daisyree. Lalo na at bigla na lang ito nawala na parang bula. Basta ang dumating sa kanilang tsismis ay sumama si Daisyree sa dati nitong kasintahan na si Chester sa Meland.
“Nagkita kami,’’ simpleng sagot ni Oliver kay Ian.
Ayaw niya ng pag-usapan ang tungkol kay Daisyree dahil dalawang beses na siyang nabigo rito. Malaki ang pangarap niya noon para sa kanila ni Daisyree, subalit nagbago ang lahat nang nakipaghiwalay ito sa kaniya sa mababaw na dahilan. At ngayon niya napatunayan na hindi si Daisyree ang karapat-dapat sa kaniya dahil matapos na may mangyari sa kanilang dalawa ay babalik lang din pala ito sa dating kasintahan na si Chester. At ang masaklap pa ay dinahilan lang nito na pupunta ng Amerika ‘yon pala ay makipagtanan lang ito kay Chester.
“Then, ano ang nangyari?” tanong ni Ian sa kaniya. Nahalata ni Ian na ayaw ni Oliver pag-usapan ang tungkol sa ex-girlfriend niya.
Kibit-balikat lang ang sagot ni Oliver kay Ian at sunod-sunod na sumubo.
“Mamay ipapasyal kita rito sa Camelon,’’ pag-iba ni Oliver ng usapan nila ni Ian.
“Sige, ikaw ang bahala. Siya nga pala ikaw ang ini-rekomenda ko na electrical engeener sa bago kong proyekto para naman magkasama ulit tayo,’’ masayang balita ni Ian sa kaniya.
“Sos! Wala ka lang kamo kasama makipag-inuman. Saan baa ng proyekto alam mo naman na matagal pa matapos ang proyekto ko rito,’’ sagot ni Oliver sa kaibigan.
“Kaya, nga ikaw ang ni-rekomenda para may makasama ako sa mga galaan at syempre sa paghahanap ng chix. Saka puwede mo naman iwanan ang proyekto mo rito at mag-iwan ka lang ng mga tauhan. Tapos every 2 months bisitahin mo lang rito. Malaki ang proyekto na iyon, Bro. Naalala mo ‘yong lugar na pinuntahan natin noon sa Atiplo?’’ nanlaki ang mata ni Ian sa kaniya.
“Oo, bakit ano mayroon doon?’’ nagtataka na tanong ni Oliver. Naalala niya ang lugar na pinuntahan nila noong nag-aaral pa lamang sila sa college.
“May ipapatayong subdivision roon. Ibininta na namin ni Mama ang hiktarya namin na lupain roon dahil sa Meland naman na kami. Sayang din kasi ang lupa nakatiwangwang. At ang Salsido Company ang nakabili. At dahil kilala na nila ako, ako na ang kinuha nila na Architect. Masuwerte kapag ibininta ng may-ari ang katabing lupa na ibininta namin. Malaking subdivision iyon at malaking bahay ang ipapatayo roon.” Kuwento ni Ian kay Oliver.
Napaisip si Oliver sa alok sa kaniya ni Ian. Mabilis siyang makaipon kapag tinanggap niya ang alok na proyekto ni Ian. Dahil sister company lang naman ang kompanya na pinagta-trabahuhan niya.
“Malawak nga ang lupain niyong iyon. Ayaw ba ibinta ng katabi ng dati niyong lupa ang lupa nila?’’ tanong ni Oliver kay Ian.
“Sabi ni Mama, malabo na ibinta iyon ni Mang Juanito. Pero subukan ko puntahan kapag bumalik ako sa Meland para matingnan ko rin actual kung paano ko i-desinyo ang ipapatayong subdivision sa dati naming lupa,” sabi ni Ian at uminom ng tubig.
Pagkatapos nilang kumain ay nanood sila ng telebisyon.
Habang si Daisyree naman ay abalang nagbuburda ng damit ng kaniyang magiging anak. Hindi na siya nakapag-pacheck up dahil kapos sila sa Pera. Lalo na at ilang araw na hindi nakabyahe si Mang Juanito dahil may sakit ito. Ang pera na naipon niya na bigay ni Mang Juanito ay para iyon sa pagpanganak niya. Walong buwan na ang kaniyang tiyan at sa sunod na buwan ay kapanganakan niya na.
“Anak, bukas magpapa-checkup ka. Gamitin mo muna ang pera na naipon ko,’’ sabi ni Mang Juanito sa kaniya na nakahiga sa papag ng bahay nila. May sakit ito kaya tatlong araw na itong nakahiga.
“Tatay, kayo po ang magpa-checkup. Ilang araw na pabalik-balik ang lagnat at ubo ninyo.” Hininto niya ang kaniyang pagbuburda at pinutahanan ang kinikilalang ama. Kinapa niya ito sa noo at mataas pa rin ang lagnat nito. Kumuha siya ng bimpo at inilagay sa noo ng kaniyang ama-amahan. “Tatay, kailangan magpatingin na kayo sa doktor.”
“Huwag na anak. Natural lang ito dahil tumatanda na ako. Basta ipangako mo sa akin, Princess, na kahit anong mangyari ay huwag mo ibibinta ang lupang ito. Ito ang pamana ko sa inyo ng magiging apo ko. Patawarin mo sana ako, anak,’’ malungkot na turan ni Mang Juanito sa kaniya.
“Tatay, magpagaling na kayo. Bukas po samahan ko si Nanay na magbinta ng mga gulay para sa ganoon may madagdag pa tayo sa ipon natin dahil hindi ka na puwede magbyahe,’’ nag-alala na sabi ni Daisyree.
Ayaw niya kasi na nakikitang nahihirapan ang dalawang matanda sa pagkayod ng pang-araw-araw nilang pangangailangan habang siya ay nasa bahay lang nakatunganga o ‘di kaya ay magbinyag ng mga pananim.
“Tumigil ka rito sa bahay. Bukas gagaling na ako at makapagbyahe na. Saka hindi ka rin papayagan ng Mama mon a maglako ng mga gulay lalo na at buntis ka.”
Hindi niya talaga gusto ang katwiran ng dalawang matanda. Alam niya na ayaw ng mga ito na humarap siya sa mga tao o makisalamuha sa iba dahil wala siyang maalala. Wala siyang magawa kundi sundin ang mga sinasabi ng mga ito at paniwalaan kung ano man ang sasabihin ng mga ito sa kaniya.
Ilang sandali pa ay dumating na si Aling Doray. May mga dala na itong isda, gatas at asukal. Bumili na rin ito ng gamot sa lagnat at ubo para kay Mang Juanito. Agad naman sinalubong ni Daisyree ang kinikilala niyang ina. Kinuha nito kay Aling Dora yang mga pinamalingke nito.
“Ako na ang maglilinis sa isda, Nay. Nay, kumbinsihin niyo nga po si Tatay na magpatingin na sa doktor. Pabalik-balik lang po ang lagnat niya,’’ nag-alalang sabi ni Daisyree kay Aling Doray para kay Mang Juanito.
“Ikaw ang magpa-checkup. Dapat nakapag-prenatal ka. Dalawang buwan ka ng hindi nakapatingin sa doktor. Tapos hindi pa na-ultrasound ang tiyan mo. Hindi tuloy natin alam kung ano kasarian ng magiginng anak mo,’’ sabat ni Mang Juanito kay Daisyree.
“Hay, nako. ‘Yang Tatay mo na ‘yan matigas talaga ang ulo,” maktol ni Aling Doray at kinuha ang gamot at ibinigay kay Juanito.
“Kaya, gusto ko sumama sa inyo, Nay, na maglako ng mga gulay para makatulong naman ako,’’ pahayag ni Daisyree sa kaniyang ina-inahan. Kahit alam niya na hindi siya papayagan ni Aling Doray ay nagbabaka sakali lang siya. Iniisip niya rin ang magiging sitwasyon ng magiging anak niya kapag naisilang niya na ito.
Iniisip niya na kailangan niya na may sapat na pagkakakitaan para matustusan niya ang pangangailangan ng kaniyang anak na hindi umaasa sa kaniyang mga magulang.