Episode 11

1655 Words
Chapter 11 Pagsapit ng madaling araw ay nagising si Daisyree na masakita ang kaniyang ulo. At nagtataka siya kung paano siya napunta sa sofa. Wala siyang maalala maliban na lang sa inakala niyang panaginip na nangyari sa kanila ni Oliver. Hindi niya binigyan pansin ang inaakala niyang panaginip at umakyat na siya sa taas at nagtungo sa kaniyang silid at natulog. Nang umaga na ay kinatok naman siya ni Penny. ‘’Daisy, gising na!’’ sigaw ni Penny sa labas ng kaniyang silid. ‘’Ano ba, Penny inaantok pa ako!’’ maktol niyang sagot kay Penny. Ang totoo ay masakit ang kaniyang ulo at ang kaniyang buong katawan. ‘’Tanghali na, Day! Ano may hang-over ka pa rin?’’ wika ni penny sa kaniya. ‘’Oo, na babangon na ako!’’ Padabog siyang bumangon at binuksan ang pintuan ng kaniyang silid. ‘’Ang ingay mo, ano oras na ba?’’ tanong niya kay Penny na nakasimangot. “Alas-onse na kaya. Nagluto si Oliver ng nilagang baka. Nariyan sila sa baba ni Herman. Ikaw iniwanan mo ako kagabi kina Oliver,’’ saad ni Penny at humalukipkip pa ito ng kaniyang braso sa kaniyang dibdib. ‘’Hindi ko na nga maalala kung paano ako narrating dito sa loob ng bahay. Hindi pa ako nakahilamos, saka bakit dito kakain ang dalawa?’’ taka niyang tanong kay Penny. ‘’Syempre dahil aalis ka na bukas. Minsan lang naman tayo magsalo-salo kumain. SIge na ayusin mo na ang sarili mo at magsuklay ka na,’’ utos sa kaniya ni Penny at tinalikuran na siya nito at bumababa ng hagdan. Pumasok ulit siya sa kaniyang silid at nagsuklay. Pagkatapos ay bumaba na siya ng kaniyang silid. Nakita niya ang tatlo si Penny, Oliver, at Herman sa sala nag-uusap. Nginitian niya lang ang mga ito nang makita siyang pababa sa hagdan. Dumaretso na siya sa banyo, naghilamos at nag-toothbrush. Nang umihi siya ay napansin niya na parang may kakaiba sa pagitan ng kaniyang mga hita. Yumuko siya at tiningnan ang kaniyang ibaba at napansin niya na may pula sa hita niya. Kinabahan siya at sumagi sa isip niya baka hindi pananginip ang nangyari sa kanila ni Oliver. Ngunit iniisip niya talaga na panaginip lang iyon. Pagkatapos niyang umihi ay lumabas siya ng banyo at nakita niya sa mesa na nakahain na ang mainit na sabaw at kanin. ‘’Hali na kayo kumain na tayo,’’ yaya niya sa tatlo. Agad naman tumayo ang tatlo at pumunta sa lamesa at umupo sila. ‘’Alam mo bang maaga pa kami namalingki ni Oliver para raw makaluto siya nitong nilagang baka para makahigop ka ng sabaw, Dais?’’ wika ni Herman kay Daisyree. Tumingin si Diasyree kay Oliver at mamaya ay gusto niya maliwanagan ang lahat. Gusto niya ito makausap ng sarilinan. ‘yong silang dalawa lang at walang makakarinig sa kanila. Tipid siyang ngumiti kay Oliver at sumandok ng sabaw ng baka. ‘’Salamat sa niluto mo, Oliver. Tamang-tama sa hang over natin,’’ pasalamat niyang sabi kay Oliver. Matamis na ngiti naman ang isinukli ng binata sa kaniya. Salo-salo silang kumain at nagkuwentuhan. Pagkatapos nilang kumain ay inutusan niya si Penny. ‘’Penny, Pwede ka ba pumunta sa mall at bumili ka ng hopia at piyaya babaunin ko sa Amerika bukas. Nahihilo pa kasi ako, kaya ayaw ko umalis ng baha.’’ ‘’Sige. Basta bigyan mo ako ng pangmeryenda, ha?’’ bungisngis pang tugon ni Penny sa kaniya. “Oo, na. Oh, ito ang pera,’’ sabay abot ni Daisyree ng 2000 kay Penny. ‘’Gusto mo samahan na kita Penny?’’ salok naman ni Herman kay Penny. ‘’Para naman makagala rin ako,’’ dugtong pang sabi ni Herman. ‘’Ay nako, gusto ko ‘yan! Tara na,’’ yaya agad ni Penny kay Herman. ‘’Gamitin mo na lang ang sasakyan ko, Bro,’’ alok naman ni Oliver sa kaibigan niyang si Herman at iniabot ang susi ng sasakyan kay Herman. ‘’’Yon, Oh! Thank you, Bro. Alis na kami,’’ paalam ni Herman at lumabas na sila ng apartment ni Daisyree. Naiwan ang dalawa at nagkatitigan sila. ‘’Kumusta ang pakiramdam mo? May hang over ka pa ba?’’ tanong ni Oliver kay Dasiyree. ‘’Medyo, paano pala ako nakarating dito kagabi?’’ tanong ni Daisyree na kinakabahan. Paano na lang kaya kung may nangyari sa kanila ni Oliver? ‘’Umuwi ka rito kagabi at hinatid kita. Hindi mo ba natatandaan ang nagyari kagabi?’’ salubong na kilay na tanong ni Oliver sa kaniya. Umiling-iling si Daisyree at nakita niya ang pag-igting ng panga ni Oliver. ‘’Wala akong maalala kagabi,’’ sagot niya kay Oliver. ‘’Hindi mo natandaan ang nangyari sa atin kagabi?’’ muling tanong ni Oliver sa kaniya. Biglang nanlaki ang mga mata ni Daisyree sa sinabi ni Oliver sa kaniya. ‘’M-may nangyari sa atin kagabi, Oliver?’’ paninigurado niyang tanong sa binate. ‘’Oo,’’ tipid na sagot ni Oliver sa kaniya. Nasapo ni Daisyree ang kaniyang noo at napamura siya. “s**t! Ibig sabihin hindi panaginip ang lahat? As in naisuko ko ang sarili ko sa’yo?’’ frustrated niyang tanong sa binate. ‘’Hindi panaginip ang lahat, Daisyree. May nangyari sa atin at handa ko naman panagutan iyon kung magbunga,’’ sagot ni Oliver sa kaniya. Natawa siya ng pagak. So, paano pala kung hindi magbunga? Hindi siya nito pananagutan? Pare-pareho lang ang lalaki sa tingin niya. Na matapos makuha ang sarili niya ay ipagpapalit din siya sa iba. Ang pananaw niya na ngayon sa lalaki ay katulad ni Chester na minahal niya at ibinigay ang sarili niya pero nagawa pa siya nitong baliktarin at yurakan ang pagkatao niya. ‘’Oliver, wala ka namang dapat panagutan sa akin. Isa pa hindi na ako malinis. Pero galit ako sa’yo dahil bakit sinamantala mo naman ang kalasingan ko?’’ aniya na hindi makapaniwala. ‘’Hindi mahalaga sa akin kung malinis ka o hindi, Daisyree. Okay lang kung magalit ka sa akin. Ikaw naman humalik sa akin, eh! Saka hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa atin kagabi,’’ paliwanag ni Oliver sa kaniya. ‘’Pero kahit na! Kung totoong mahal mo ako at nere-rispeto hindi mo dapat ako pinagsamantalahan. Alam mo naman na pupunta ako ng Amerika ‘di ba?’’ inis niyang saad sa binate. ‘’So, what kung pupunta ka ng Amerika? Ang hirap kasi sa’yo kahit mahal mo pa ako itinatanggi mo pa!’’ nainis na rin wika ni Oliver sa kaniya. ‘’Dahil alam kong babaero ka. Bakit sa palagay mo ba hindi ka maghahanap ng ibang babae habang wala ako?’’ ‘’’Yan kasi ang hirap sa’yo. Hinuhusgahan mo na kaagad ako kahit hindi pa ako nagpapaliwanag sa’yo,’’ mariing wika ni Oliver sa kaniya. Malalim na nagbuntong hininga si Daisyree at nakipagtitigan kay oliver. ‘’Kung ano man ang nagyari sa atin kagabi kalimutan mon a ‘yon,’’ seryoso niyang sabi kay Oliver na siyang lalong ikinainis ni Oliver sa kaniya. ‘’Baliwala lang sa’yo ang nangyari sa atin kagabi? Alam mo hindi talaga kita maintindihan. Daisyree, narito ako sa harap mo handa kang panindigan pero binabaliwala mo lang ako. Handa kita pakasalan, pero ayaw mo. Ano baa ng dapat kong gawin, ha?’’ salubong ang kilay ni Oliver na tinanong siya. ‘’Ang dapat mong gawin ay kalimutan mo ako. Aalis na ako bukas at hindi na tayo magkikita. Kaya, kalimutan na natin ang isa’t isa, Oliver. Iyon ang nakakabuti para sa ating dalawa,’’ malungkot niyang pahayag kay Oliver, ngunit hindi niya iyon ipinahalata sa binata. Inaamin niya sa kaniyang sarili na mahal niya si Oliver. Pero kailangan niyang lumayo at manirahan sa Amerika kasama ang kaniyang mga magulang at mga kapatid. Isa pa ayaw niya na magkaroon na naman sila ni Oliver ng long distance relationship tulad ng dati. Ayaw niyang mag-isip tungkol sa kanila ni Oliver habang nasa malayo siya. ‘’Palibhasa kasi mabilis lang sa’yo ang kalimutan ako. Kung iyan ang makapagpasaya sa’yo hayaan mo hindi na kita gagambalain pa. Sana masaya ka sa buhay mo sa ibang bansa. Sabagay marami ka pa namang makikita na mas higit pa sa akin roon. Ingatan mo na lang ang sarili mo. Pero sana bukas hayaan mong ihatid kita sa airport,’’ ani Oliver na masama ang loob sa sinabi ni Daisyree sa kaniya. Simula noong high school sila ay mahal na mahal niya na ang dalaga. Ngunit noong nakipaghiwalay ito sa kaniya, doon nagrebelde ang isip niya. Iba-iba ang naging girlfriend niya at kay Crindy medyo tumagal dahil pinsan ito ng kaibigan niya na si Ian sa Meland. Bagsak ang balikat ni Oliver na lumabas ng apartment ni Daisyree. Si Daisyree naman ay napaupo at pinapakalma ang sarili. Nasasaktan din naman siya kapag nasasaktan niya ang damdamin ni Oliver. Ngunit kailangan niyang piliin na pumunta na lang sa Amerika at kalimutan ang masilimuyot na nangyari sa sarili niya. Kinabukasan ay hinatid na siya nila Herman, Penny, at Oliver sa Airport. Mangiyak-ngiyak na yumakap sa kaniya si Penny. ‘’Lagi mo akong tawagan, ha? Ikamusta mo ako sa mga alaga ko,’’ ani Penny at kumalas ng yakap sa kaniya. ‘’Oo, hindi naman natin mamiss ang isa’t isa dahil lagi akong tatawag sa’yo.’’ Pilit siyangf ngumiti kay Penny. ‘’Ingat ka sa Amerika, Daisy. Maraming puti roon na matitinik,’’ birong saad ni Herman sa kaniya. ‘’Sila ang mag-ingat sa akin. Kayo na muna ang bahala kay Penny, ha?’’ bilin niya kay herman. ‘’Huwag ka mag-alala dahil papakasalan ko na iyan,’’ pasaring na saad ni Herman at tumingin kay Penny. Inirapan lang ito ni Penny. Bumaling ang tingin niya kay Oliver na seryoso lang ang mukha. ‘’Salamat sa paghatid mo, Oliver,’’ pasalamat niya sa binata. ‘’Walang ano man. Ingat ka na lang sa Amerika,’’ walang ganang sagot ni Oliver sa kaniya. Batid naman niya na nagtatampo sa kaniya ang binata ngunit kailangan niya itong tiisin. Tipid lang siyang ngumiti kay Oliver at pumasok na sa airport. Malungkot man ang mawalay sa mga taong naghatid sa kaniya lalo na kay Oliver ay kailangan niyang lakasan ang kaniyang loob. Kapalit naman nito sa kaniya ay maginhawang buhay na naghihintay sa kaniya sa Amerika.       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD