Prologue
''Magpapaliwanag ako sa'yo Daisyree. Makinig ka naman sa akin, Please?'' sumamo ni Oliver kay Daisyree sa kabilang linya.
''Hindi na kailangan, Oliver. Malinaw sa sa akin ang sinabi ng babae mo riyan! Kahit kailan babaero ka talaga! Sabagay, sino ba ako para seryosohin mo? Mas mabuti pang break na tayo. Kalimutan na natin ang isa't isa,'' garalgal na sabi ni Daisyree sa boyfriend niyang si Oliver sa kabilang linya.
Habang nasa tainga niya ang cellphone na de keypad, panay naman ang agos ng kaniyang mga luha. Masakit para sa kaniya na makipaghiwalay sa kaniyang boyfriend. Hindi niya lang naman kasi basta boyfriend si Oliver kundi mag-best friend din sila noong high school day nila.
''Daisyree, makinig ka naman sa akin, oh! Hindi ko girlfriend ang tumawag sa 'yo. Pinsan ko iyon at binibiro ka lang niya,'' sumamo ni Oliver kay Daisyree.
Subalit parang ang tigas ng puso ni Daisyree at ayaw niya tanggapin ang paliwanag ni Oliver.
''Tama na Oliver. Ayaw ko na makinig sa kasinungalingan mo! Magsama kayo ng babae mo!'' garalgal na saad ni Daisyree at pinatay na nito ang kaniyang cellphone. Umupo siya sa gilid ng kaniyang kama at pinakawalan ang luha na kanina pang umaga umaagos sa kaniyang mga mata.
Masakit man para sa kaniya ang paghihiwalay nila ni Oliver subalit iyon na lang ang paraan para makalimutan niya na ito. Dalawang buwan pa lang naman sila ni Oliver. Pumunta si Oliver sa Menland para doon magpatuloy ng pag-aaral. Si Daisyree naman naiwan sa lugar nila sa Sitio Acasia sa Camelon City.
Sa panig naman ni Oliver nasipa niya ang lata ng biscuit dahil sa galit. Kabibili lang ng kaniyang Tiyuhin na si Tito Greg ang biscuit. Ang Tito Greg niya ang nagpapaaral sa kaniya rito sa Meland City.
''Hey! Anong klaseng ugali 'yan, Oliver? Walang kalabanlaban 'yang lata ng biscuit sinisipa mo. Ano ba ang problema mo?'' tanong sa kaniya ng kaniyang tiyuhin na salubong ang mga kilay habang nakatingin sa kaniya.
Pinakalma ni Oliver ang kaniyang sarili at malalim na nagbuntong-hininga saka humarap sa kaniyang Tiyuhin.
''Wala, Tito. Pasensiya na po. Dadadlhin ko na po sa loob itong mga pinamili ninyo,'' sagot niya na lang sa kaniyang tiyuhin. Bitbit ang lata ng biscuit dinala niya ito sa loob ng bahay.
Nakita siya ng pinsan niyang si Tina.
''Oh, ba't ka nakasimangot, Oliver? Parang daig mo pa ang hiniwalayan ng pitong girlfriend,'' biro sa kaniya ng kaniyang Ate Tina.
Ngumiti lang siya ng mapakla sa kaniyang pinsan at nilagay ang biscuit sa sulok ng kusina. Pagkatapos lumabas siya at muling dinaial ang number ni Daisyree, pero hindi na siya nito sinasagot. Sa halip, pinapatayan siya ng dalaga ng cellphone.
Lalo siyang naiinis dahil hindi man lang siya pinakinggan ng kaniyang girlfriend. Nag-text kasi ito sa kaniya at nangamusta, ngunit dahil sa nagpapaligo siya ng apat na aso nailapag niya ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng lamesa. Hindi niya akalain na pagtripan ng kaniyang pinsan si Daisyree. Sinabi nito na boyfriend siya ni Oliver at kung ano pa ang pinagsasabi ng pinsan niya sa kaniyang girlfriend.
Nagulat na lang siya at nagtataka nang ma-receive niya ang message ni Daisyree na nakikipaghiwalay na ito sa kaniya, kaya agad niya itong tinawagan. Subalit wala ng kuwenta ang kaniyang pagtawag dahil kahit anong paliwanag niya kay Daisyree, sarado na ang isip nito.
''Hoy, ano ba ang minamaktol mo riyan?'' tanong ng kaniyang pinsan na si Tina, nang sinundan siya nito sa labas.
''Ayan, Ate! Masaya ka na dahil hiniwalayan na ako ng girlfriend ko? Alam mo bang si Daisyree lang ang magpapatino sa akin? Tapos pinagtripan mo pa siya!'' galit na sumbat ni Oliver sa kaniyang pinsan na si Ate Tina.
''Binibiro ko lang naman iyon. Kung may tiwala siya sa'yo, eh 'di sana hindi siya maniwala sa sinasabi ko,'' pagtatanggol naman ni Tina ng sarili.
''IYon na nga, Ate, eh! Alam niya na marami akong naging girlfriend noon, pero nangako ako sa kaniya na siya na ang mamahalin ko. Paano pa siya maniwala sa akin, eh sinabi mo na girlfriend kita. Pumunta ako rito sa Meland para mag-aral. Paano ko pa maipaliwanag sa kaniya na wala akong girlfriend rito?'' naiinis na sabi ni Oliver sa kaniyang Ate.
''Hay, nako! Mag-aral ka kaya muna. Saka kung kayo, kayo talaga. At least kapag umuwi ka sa Camelon City, nakapagtapos ka na at may magandang trabaho. May maipagmalaki ka na sa girlfriend mong 'yon,'' payo naman ng kaniyang Ate Tina at tinapik siya sa kaniyang balikat.
''Paano kung makatagpo siya ng iba? Hindi na ako mag-aaral Ate. Uuwi na lang ako sa amin, gusto ko makita at magpaliwanag kay Daisyree.''
''Nababaliw ka ba, Oliver? Mas uunahin mo pa ang babaeng iyon kay sa pag-aaral mo? Ano ang gagawin mo roon, maggapas ng palay? Tapos kapag nabuntis mo siya ano ang ibubuhay mo sa kaniya at sa magiging anak ninyo? Mag-isip ka nga!'' sermon sa kaniya ni Ate Tina.
''Paano kung makahanap siya ng iba? Ate, kasi, eh! Dapat hindi mo pinakialaman ang cellphone ko. Nakikialam ba ako sa cellphone mo?'' inis niya na naman wika sa Ate niya.
"Hay nako, Oliver. Asikasuhin mo na lang kasi ang sarili mo kaysa naman mag-isip ka riyan sa girlfriend mo. Maraming babae, oy! Kung makahanap man siya ng iba. Eh 'di, hindi kayo para sa isa't isa,'' tura ng kaniyang Ate Tina at pumasok na ito sa loob ng bahay.
Naiwan siya at sinubukan muling tawagan si Daisyree, ngunit nakapatay na ang cellphone nito. Makalipas ang ilang araw pumasok na siya sa paaralan. Nag-aral siya ng Electric Engineer, gusto niya pag-uwi niya sa Camelon City, maipagmalaki na niya ang kaniyang sarili at liligawan niya muli si Daisyree. Gusto niya may ipagmalaki na siya sa dalaga at para kapag inalok niya ito ng kasal, kaya niya na itong buhayin.
Ngunit isang linggo na ang nakalipas hindi niya pa rin ma-contact ang dalaga. Mukhang nag-iba na ito ng number at wala na talaga yatang balak na kausapin siya.
Habang si Daisyree naman walang araw na hindi niya maisip si Oliver. Nagpalit siya ng number at tiniis niya na hindi ito makausap. Gusto niya mag-focus sa pag-aaral kaysa atupagin ang mga manliligaw. Hindi sa pagmamayabang ngunit marami talagang manliligaw si Daisyree.
Isang araw pumunta siya sa kaniyang pinsan sa Savin City. May dala siyang prutas para sa kakapanganak niyang pinsan na si Dina. Kasama niya si Penny; ang kaniyang matalik na kaibigan.
''Ang cute naman ng Baby mo, Ate Dina. May dala kami ni Penny na prutas para sa 'yo. Kamusta na ang pakiramdam mo? Masakit ba manganak, ate?'' inosenteng tanong ni Daisyree kay Ate Dina.
''Malamang, mahirap kaya managanak. Kaya, kapag nag-asawa ako ayaw kong manganak,'' sabat sa kaniya ni Peny.
''Hey! Hindi ikaw ang kausap ko, kaya manahimik ka riyan!'' irap naman niyang wika kay Penny.
''Tumigil na kayong dalawa dahil baka mamaya magsabunutan pa kayo,'' saway naman ni Ate Dina sa dalawa.
Tumigil silang dalawa at kinulit-kulit nila ang sanggol na kalalabas lang sa ospital. Ilang saglit pa ang nakalipas may binata na pumasok sa bahay ni Ate Dina.
''Ate Dina, magluluto ako ng manok. Mamaya pa si Kuya uuwi, sa bahay ko na lutuin ang manok,'' wika ng binata kay Dina.
Guwapo ito matangkad at matangos ang ilong.
''Sige, Chester. Pinsan ko pala si Daisyree, at kaibigan niya si Penny,'' pakilala ni Dina sa bayaw niya sa dalawa.
''Hi, kumusta?'' bati ni Penny sa binata.
Ngiting mapakla lang ang iginawad sa kanila ni Chester at walang ano man umalis na ito.
''Ano mo 'yon, Ate Dina? Mukhang suplado naman,'' tanong ni Daisyree sa kaniyang pinsan.
''Ganoon lang talaga ang taong iyon. Hindi kasi iyon palabati. Kapatid iyon ni Kuya mo Ronald. Siya nga pala kayo na ang magsaing riyan, ha? Hindi pa kasi ako masyadong makakilos. Si Nanay kasi namalingke, mamaya pa siguro iyon darating,'' utos Dina sa dalawa. Wala namang silang reklamo dahil sanay naman sila sa gawaing bahay.
''Ako na lang po ang magsaing, Ate Dina,'' tugon ni Daisyree.
Nagsaing na ito at dalawa sila ni Penny ang nagbabantay sa sinaing. Makalipas ang ilang oras salo-salo na silang kumain sa lamesa kasama ang bayaw ni Ate Dina na si Chester. Ang mga magulang ng binata nagbakasyon, kaya mag-isa lang si Chester sa kanilang bahay.
Habang kumakain sila hindi nakikihalubilo si Chester sa mga dalaga. Masiyado itong mailap at masungit, ngunit 'di kalaunan naging malapit na rin sa isa't isa sina Daisyree at Chester. Lumipas pa ang mga araw nagsimulang ligawan ni Chester si Daisyree. Panay ang tukso ng kanilang mga pinsan at kaibigan sa dalawa. Hanggang sa sumapit ang dalawang taon, sinagot na nga ni Daisyree si Chester at naging sila.