Ep. 2

2408 Words
HABANG paakyat sila sa ikalawang palapag. Maraming kwento si Senyora Aaliyah. Tungkol sa mga anak at sa pag-araw-araw na buhay nito. Kung ano ang paborito nitong mga pagkain. Pati na ang mga lugar na laging pinupuntahan. Si Savannah ay tahimik na nakikinig lamang dito. Parang ang sarap maging mayaman dahil lahat ng naisin ay nagagawa. Kahit saan magpunta hindi iniisip kung magkano o saan kukuha ng perang gagastusin. Samantalang ang mga katulad niya na salat sa lahat. Kailangan kumayod at magtrabaho. Upang may pambili ng pagkain at magawang suportahan ang lahat ng pangangailangan. “Savannah?” “Oh! N-Nariyan na po senyora.” gusto ng kutusan ang sarili kung bakit hindi siya nakikinig sa sinasabi ng amo. “May problema ka ba?” “Wala po, pasensya na po naalala ko lang ang nanay at tatay ko.” “Kwentuhan mo ako ng tungkol sa kanila.” “Naku! Wala naman pong magandang nangyari sa buhay namin.” “Tell me, Hija at makikinig ako.” “Ahm… ang nanay ko po ay isang labandera at ang t-tatay ko ay isang lasenggo.” nahihiya niyang sagot dito. “Kaya ba hindi ka nakapag-aral?” “Tama po, isang dahilan ang kahirapan ng buhay namin.” “Nabanggit mong ulilang lubos ka na, nasaan ang mga magulang mo?” W-Wala na po, magulo sa lugar namin at isang gabi ay bigla na lang may mga armado na dumating at p-pinaslang sila.” napayuko si Savannah, sa totoo lang ayaw na niyang balikan ang masakit na sandaling yon sa buhay niya. Sariwa pa sa kanyang isipan ang sakripisyo na ginawa ng ina para lang makaligtas siya. “Savannah, sige umiyak ka lang upang mag luwag ang iyong dibdib. Pero nais kong sabihin sayo na magpakatatag ka. Ang lahat ng pasakit o pagdurusa ay meron din hangganan. Basta lagi ka lang magdasal at makakamit mo rin ang kaligayahan iyong inaasam.” “Maraming salamat po, senyora Aaliyah.” “Halika at dadalhin kita sa iyong magiging silid. Pagkatapos ay ibibigay ko sayo ang magiging trabaho mo sa araw-araw.” “Opo.” “Smile na, bata ka pa at dapat hindi ka masyadong nag-iisip ng problema.” “Hayaan mo po at sisikapin kong makalimutan ang tungkol sa masasakit na pinagdaanan namin ng pamilya ko. At alam kong magagawa ko yon dahil po sa inyo.” “Mahirap kalimutan, pero gawin mo upang kahit paano ay magkaroon ka ng peace of mind.” “Salamat po uli, senyora Aaliyah.” Isang pinto ang kusang bumukas at pumasok sila. Kamangha mangha ang ganda ng loob. At hindi lang yon sobrang lawak ng silid. Pero teka, bakit dito siya dinala ng senyora? “Simula ngayon ito ang magiging silid mo.” “Pero isa lamang po akong kasambahay dito, ‘di ba po dapat naroon ako sa silid ng mga kasamahan ko?” “Hindi, Savannah, dito ka nababagay, ang silid na ito ay para sayo. Kaya alisin mo sa iyong isipan ang mga negatibong bagay. When the time's come, malalaman mo rin kung bakit ko ito ginagawa.” Napatitig siya sa magandang senyora at hindi niya mapigilan maluha. Hindi man niya naiintindihan ang ibang sinabi nito. Pero nararamdaman niyang para sa kanya iyon. Bakit ang bait nito sa kanya? Samantalang isa lang siyang hamak na mahirap. Isang mangmang na nagmula sa malayong probinsya. Pero bakit ganun na lang siya nito pahalagahan? “Savannah, halika at ituturo ko naman sayo ang kwarto ng mga anak ko. Bihira lang silang umuwi dito pero lagi mong bibisitahin kung may dumi o alikabok. Tapos sabihin mo kay Lourdes.” “Sige po, senyora Aaliyah, lagi ko pong tatandaan lahat ng mga bilin mo.” pagkatapos ay isa-isang binuksan nito ang mga kwarto. Muli ay namangha siya sa ganda ng silid. Lalaki siguro ang may ari ng silid na yon dahil sa kulay ng mga gamit na naroon. “Ito ay sa anak kong si Levi, at ang kasunod ay kay Liam tapos ang pinaka huli ay sa panganay kong si Luke.” ganun din ang gagawin mo sa ibang silid ng mga anak ko.” “Opo, senyora Aaliyah.” "Doon naman tayo sa kabilang side, sa aking anak na babae. Pero may asawa na siya kaya napaka bihira na kung pumasyal dito.” Nang bumukas ang pinto pakiramdam ni Savannah ay nasa ibang dimension siya. Ang buong silid ay puti at ang mga gamit ay kulay rosas. Halos ayaw niyang humakbang papasok baka madumihan ang puting tinatapakan niya. Hindi lang yon napakalambot at lumulubog ang mga paa ng senyora. “Halika Savannah, pumasok ka.” “Baka po madumihan ko ang sapin ng sahig dito na lamang po ako sa pinto.” “Huwag mong intindihin ang tinatapakan mo may tagalinis sa mga carpet.” “Ano po yong carpet, senyora Aaliyah?” “Itong tinatapakan natin, carpet ang tawag dyan.” “Ah, okay po.” napapakamot na sagot niya ang dami talaga niyang hindi alam. “Halika, doon tayo sa private room ng anak ko.” sumunod na lang siya at hindi na nagreklamo pa, baka kung ano pa ang isipin ng senyora. “Lahat ng makikita mo dito ay sa anak kong babae. Tulad ng sabi ko kanina sayo, may asawa na siya. At ang mga gamit dito ay hindi na niya kailangan. Ngayon magsukat ka ng mga damit, sapatos at iba pang pwede mong magamit.” “Ano pong sabi mo, senyora Aaliyah?” narinig niya pero mas mabuti na ulitin niya baka nagkamali lang siya ng pandinig. “Ang sabi ko magsukat ka ng mga damit, sapatos, sandalyas at lahat ng pwede mong gamitin. Bag marami din diyan. Sayang lang ang mga yan kundi magagamit. Lalo na ang sapatos, sandals at mga bag. Ilang panahon na lang at expired na ang mga yon.” “Pero wala po akong ibabayad sa mga ito. Saka dito lamang po ako sa bahay parang sa mga artista lamang po nababagay ang lahat ng ito.” “Savannah, magagamit mo ang mga yan, halika pumili ka rin dito. Ang mga ito ay pambahay ng anak ko. Pero kagaya ng sabi ko hindi na niya kailangan ang mga yan. Saka hindi pa nagagamit ang mga yan.” hinila na siya ng senyora kaya hindi na siya tumutol pa. Ilang minuto siyang nagsusukat ng mga damit nang dumating ang dalawa pang kasambahay. “Lita, Lotlot, dalhin nyo sa silid ni Savannah ang lahat ng ito.” “Opo, senyora Aaliyah, ahm… saan po pala ang silid niya?” “Sa tabi ng silid ng inyong Sir Levi, doon ang kwarto niya.” “Opo, senyora Aaliyah.” MATAPOS ang halos isang oras ay natapos din sa pagsusukat si Savannah. At muli ay tinawag siya ni Senyora Aaliyah. “Doon tayo sa baba saluhan mo ako sa meryenda.” muli siyang natilihan sa sinabing yon ng senyora. Ganito ba talaga ang maging isang kasambahay? Parang masyado naman yatang binigyan siya ng importansya ng kanyang amo? Ganun pa man ay nakangiting sumama siya sa amo. Hindi niya alam kung ano ang nasa isipan ng mga kasamahan. Dahil kakaiba ang mga sulyap sa kanya ng mga ito. Pagsapit ng gabi umakyat na siya sa kanyang silid. Nang makapasok ay agad hinubad ang kanyang sandalyas at itinabi niya yon sa pinaka gilid. Ang sabi ng amo ay doon raw niya ilagay ang kanyang mga sapatos, sandalyas at tsinelas. Bago humabang papasok sa loob ay hinaplos pa niya ang mga dingding. Ganun din ang malaking paso na mayroong naggagandahang mga bulaklak. Talagang napakaganda ng kanyang silid. Ilang beses pang kinurot ang sarili baka isang panaginip lang ang nagaganap pero totoo ang lahat. Iniwan niya ang pintuan at naglakad na siya patungo sa mga upuan na naroon. Meron din lamesa sa pinaka gitna at carpet sa baba. Lahat ng gamit na naroon ay iingatan niyang hindi magalusan. Bilang pasasalamat sa napakabait na senyora. Magsisipag din siya sa trabaho upang hindi mapahiya si Aling Tonya na nagpasok sa kanya. Akmang papasok na siya sa kwarto ng namataan ang mga hanbag na papel. Iyon lahat ang mga damit, sapatos, sandalyas, hanbag at iba pang gamit pambabae. Lahat yon binigay sa kanya ni Senyora Aaliyah. Pero syempre hindi mawala sa isipan kung bakit ganun ang trato sa kanya. Parang hindi siya kasambahay kung pakitaan ng kabaitan. At isang malaking katanungan sa isipan ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon. Dinampot niya ang mga hanbag na papel at ipinasok sa loob ng silid. Meron doon dalawa pang pinto, ang isa ay banyo at ang isa ay pribadong silid daw sabi ng senyora. Doon niya ipinasok lahat ng binigay sa kanya. Ang mga bestida ay hinanger niya at ang mga damit ay tinupe. Dalawa pang hanbag na papel ang nakahiwalay at hindi niya maalala na galing iyon sa silid ng anak na babae ng senyora. Dinampot iyon at binuksan, napanganga siya ng makitang puro panloob ang naroron. Naggagandahang iba’t-ibang kulay ng panty at bra. Inisa-isang tingnan iyon at nakaramdam siya ng sobrang pananabik na isuot ang mga yon. Pero dapat muna siyang maligo upang hindi madumihan kapag sinukat na niya ang mga bigay ng senyora. Sandaling iniwan ang pribadong silid at mabilis na pumasok sa banyo bago naghubad ng damit. Napatitig siya sa malaking salamin kung saan ay nakikita niya ang sarili. Pinagmasdan niyang mabuti ang kanyang dibdib kung kasya ba ang mga bra na nasa loob ng mga hanbag na papel. Sa sobrang laki ng kanyang dibdib baka hindi iyon magkasya. Ang mga panty ay sigurado siyang kasukat niya. Hindi na rin siya nagtagal sa loob ng banyo at lumabas din agad. Pagkatapos ay nagmamadaling dinampot ang mga damit at isa-isang sinukat. Humarap sa salamin at parang namalikmata kung sino ang nasa salamin. Siya ba ang babaeng nasa salamin? Ang ganda niya pala kapag nakasuot ng magandang damit. Napangiti pa siya habang nag ikot-ikot sa harapan ng salamin. Nakailang sukat pa siya ng damit at halos ayaw na niyang hubarin ang iyon nang may marinig na mga katok. At kahit gusto munang magpalit ng mga kasuotan. Nahihiya naman siyang pag hintayin ang taong nasa labas ng pintuan. Kaya nagmamadaling binuksan iyon at nakaramdam siya ng hiya sa klase ng tingin sa kaniya ng Senyora. “Wow! You’re so beautiful, bagay na bagay sa iyo ang suot mo hija.” “A-Ano pong sabi mo, senyora Aaliyah?” “Ang sabi ko napakaganda mo at bagay sayo ang suot mo.” Napayuko siya sa mga papuri na natatanggap mula sa napakabait na amo. Talaga palang may mga tao na mayaman, maganda at mabait pa kagaya na lang ng kaharap niya. Hindi tuloy maiwasang alalahanin ang ina, siguro kung nabubuhay iyon ay nananatili pa rin sila sa barong barong nilang bahay. At ang lasenggo niyang ama ay gano'n pa rin. Tapos siya ay nananatiling nakakulong sa apat na sulok ng bahay. Pero dahil sa masamang tao na pumatay sa mga magulang ay nagbago ang kanyang buhay. Hindi tuloy mapigilan na umiyak, mabuti na lamang at napakabait ng amo niya. Kaya naman sisikapin niyang magawa ang trabaho na nakaatang sa kanya. Kahit walang alam sa mga gawain bahay ay magsisikap siya na matutunan lahat. Upang hindi naman nakakahiya sa mabait na amo. “Savannah, alam kong inosente ka sa lahat ng bagay. Kaya naman wag kang lalabas ng mansion at huwag basta magtitiwala sa ibang tao.” “Opo Senyora.” nahihiyang sagot niya dito. “Pag nasanay ka na rito sa mansion at gusto mong mag-aral ay magsabi ka lang sa akin.” “Mag-aral po?” napatuwid siya ng tayo at tumingin na sa senyora. Hindi alintana ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. “Savannah, bakit umiiyak ka may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?” “Naku! Hindi po senyora Aaliyah, naiiyak lamang po ako dahil sa kabaitan mo sa akin. Parang hindi po kasambahay ang trato mo sa isang tulad ko.” “Tama ka, hindi kasambahay ang turing ko sayo kundi parang tunay kong anak. Kaya huwag kang mahihiyang magsabi sa akin. Kapag may gusto ka o nais gawin sabihin mo agad at sasamahan kita.” “S-Salamat po, senyora Aaliyah, pero sobra-sobra na po ang mga ito. Ang nais ko ay matutunan ang gawaing bahay. Upang hindi masayang ang mga kabutihan at tulong na binibigay mo po sa akin.” “Kung talagang nais mong matuto ay tuturuan kita, pero ang gusto ko sana ay mag-aral ka.” “Kahit gusto ko po pero huwag na lang po.” “Bakit anong dahilan mo at ayaw mong mag-aral?” “Dahil po sa edad ko at siguradong pagtatawanan lamang ako ng mga estudyante sa eskwelahan papasukan ko.” “Hanggang saan ba ang natapos mo?” “H-hindi po ako nakapag-aral dahil wala po kaming pera. Kagaya po ng sabi ko ang nanay ko ay isang labandera lang at l-lasenggo ang aking ama.” dalidaling tumalikod si Savannah at pinahiran ang luha. Ang laylayan ng damit na bagong suot pa lamang ginamit niya. “Savannah, huwag kang umiyak o malungkot. Simula ngayon ituring mo akong parang iyong ina. Total may asawa na ang anak kong babae. Ikaw na lang ang ikalawang anak ko kaya tahan na.” “Pasensya na po, sobrang emosyonal ako.” Nakakahiya sa kanyang amo dahil lang doon ay umiiyak siya. Ngunit hindi siya naka galaw ng may yumakap sa kanyang katawan. Langhap na langhap ang mabangong amoy ng senyora. Samantalang siya hindi niya sigurado kung ano ang amoy niya. Naligo nga siya pero mabilisan dahil hindi siya sanay sa mainit na tubig. Takot siyang magpipihit ng kahit ano sa loob ng banyo. Baka mamaya ay para sa kumukulong tubig na pala ang pihitin niya at malapnos pa ang kanyang balat. “S-senyora huwag mo po akong yakapin dahil marumi po ako at mabaho.” “Don’t say that hija, mabango ka naamoy ko nga bagong paligo ka.” nakangiti pang sagot ng senyora sa kanya. “Tandaan mo simula ngayon ay hindi ka na malulungkot pa. Kaya huwag kang mahihiyang lapitan ako lalo na pag may problema ka, okay?” Napatango na lamang siya kahit hindi naiintindihan ang English na sinabi sa kaniya. Bago dahan dahang kumawala sa yakap nito. “Ayusin mo ang iyong sarili at sumunod ka na sa ibaba dahil kakain na tayo.” “Opo Senyora.” Nakahinga siya ng maayos nang makalabas ang amo. Dali daling naghubad at nagbihis ng sarili niyang damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD