Ep. 1

1730 Words
SI Savanah Emerson, hindi nakapag-aral dahil sa hirap ng buhay. Kaya lumaki siyang mangmang. Nang namatay ang mga magulang ay naglakas loob siyang magtungo sa bayan. Naghanap siya ng mapapasukan trabaho upang may pambili ng pagkain at pangangailangan. Dahil inosente at walang alam sa kalakaran ng buhay ay napadpad siya sa isang bar. Ang buong akala niya ay taga linis lang siya doon. Ngunit dinala siya sa isang silid at pinaghubad ng damit. Akala niya tinitingnan lang ang katawan para sa uniporme. Ngunit binigyan siya ng dalawang pares na tela. Nang bistahan ng tingin ay halos mabitawan niya iyon. Ano ba ang kayang takpan sa katawan niya ng kapiranggot na damit. Ang tuktok ng dibdib at bagay na nasa pagitan ng hita niya? “Isuot mo yan at kapag tinawag ang pangalan mo ay aakyat ka doon sa stage. Pagkatapos ay gagayahin mo ang mga sumasayaw na babae.” “A-Ayaw ko po.” at agad na binaba ang dalawang pirasong damit. Saka tumakbo palabas ng pinto. Ang akala niya ay ayos na subalit may humarang na mga lalaki. Malaki ang katawan ng mga ito kaya sinagilahan siya ng matinding takot. “Huwag mo ng tangkain pang tumakas dahil hindi yon mangyayari! Hala balik sa loob at sundin mo ang ipinagagawa sayo!” “Maawa po kayo, hindi po ako marunong sumayaw at ayaw ko ng trabaho na ganito.” “Baldo! Ibalik mo sa loob ang babaeng yan!” “Yes, boss! Halika na ganda at huwag matigas ang ulo.” tumingin muna sa paligid si Savannah bago napipilitan sumama pabalik sa loob. Ngunit ng makalingat ang tinawag na Baldo ay muling tumakbo siya palabas ng pinto. Humalo siya sa mga customer na ngayon ay nagsisigawan. Dahil iyon sa babaeng sumasayaw ng walang saplot sa katawan. Isang kamay ang humawak sa braso niya at napasigaw siya. Ngunit agad din tumahimik ng suminyas ang ginang sa kanya. “Come with me, Hija.” atubili siyang sumama dito dahil sa takot na baka isa din ito sa mga kagaya ng may ari ng bar. “Trust me, halika na at baka may makakita pa sayo.” lakas loob siyang nagtiwala sa ginang. Saka na niya isipin ang muling pag takas kapag may hindi magandang ginawa ito sa kanya. “Bakit naroon ka sa loob ng bar, Hija, nasaan pala ang mga magulang mo?” “Ulilang lubos na po ako.” “Ilang taon ka na?” “Eighteen po.” “Hindi ka ba nag-aaral?” “Wala po akong pera para mag-aral kaya naghahanap po ako ng mapapasukan trabaho. Ang akala ko tinanggap nila ako para tagalinis ng bar. Hindi ko naman po inakala na pagsusuotin nila ako ng maliit na tela upang pasayawin sa entablado.” matapat niyang sagot sa ginang, dasal niya may mabuting puso ito at totoong nagmamalasakit sa kanya. “Gusto mong magtrabaho sa bahay bilang kasambahay?” “Ano po ang ibig sabihin ng kasambahay?” “Maid, gusto mo ba, Hija?” “Hindi po kita maintindihan lalo at english ang sinasabi mo.” “Ang ibig kong sabihin ay sa bahay ka nagtatrabaho, tagalinis, laba, plantsa at magluto. Ganyang trabaho, gusto mo ba?” “Opo, kukunin mo po akong tagalinis ng bahay mo?” “Hindi ako, pero meron akong kilala na naghahanap ng maging kasambahay.” “Iyon po pala ang ibig sabihin ng kasambahay?” “Oo, Hija.” “Savannah po ang pangalan ko hindi Hija.” nakangiting pagtatama niya sa kanyang pangalan. Ngunit natawa sa kanya ng ginang na ipinagtaka niya. “Alam mo ba ang ibig sabihin ng Hija?” “Hindi po, pasensya na marami akong hindi alam na salita.” Ang ibig sabihin ng Hija, Ineng at Nene, iyan ang tawag kapag hindi alam ang pangalan ng isang tulad mo.” “Ah, okay po.” “Ganito, isasama kita sa maynila at ihahatid sa kilala ko na naghahanap ng kasambahay. Pero maging masipag at mabait ka sana sa kanila ng tumagal ka sa trabaho mo.” “Opo, pero hindi pa po ako marunong sa gawaing bahay.” “May nagtuturo naman sayo doon, kaya wala kang dapat alalahanin.” “Talaga po?” “Oo, saan ba ang bahay mo dito at bukas ng umaga ay dadaanan kita sa inyo.” “Malayo po, sa bukid po ako nakatira.” “Ganito na lang ihahatid kita sa inyo ngayon. Kunin mo na ang iyong mga damit. Tapos doon kana sa bahay matulog ngayon gabi.” “Baka nakakahiya po sa inyo?” “Hindi, bahay ng mga magulang ko yon.” “Ah, sige po, salamat pala at tinulungan mo po akong makatakas doon sa bar.” “Ako pala si Tonya, isa akong pulis, meron kaming misyon sa lugar na yon.” “Wow! Ang galing mo po pala.” “Halika na mamaya na tayo mag-usap uli. May tatawagan din akong kasamahan ko sa trabaho.” “Opo.” Isang sasakyan ang binuksan ni Aling Tonya at sumakay sila doon. Ito rin ang nagmamaneho, mukhang mayaman ang pulis na tumulong sa kanya. KINABUKASAN, maaga silang umalis dahil may trabaho pa raw ito. Tahimik lang si Savannah, lalo at nakakaramdam siya ng pagkahilo. Ngayon lang siya nakasakay ng ganito kaganda na sasakyan. Ang bango at sobrang lamig. “Matulog ka kapag inaantok gigising kita pagdating natin doon.” “Sige po, salamat uli.” nakangiti niyang sagot kay Aling Tonya. Ganun pa man hindi siya dalawin ng antok. Siguro dahil excited na siyang magtrabaho. Nangako siya sa puntod ng mga magulang na ipapasemento niya ang libingan ng mga ito kapag nagkaroon siya ng pera. Ang daming pangarap ni Savannah, hindi lang para sa sarili kundi sa mga kapitbahay na kagaya niyang lumaking salat sa kahirapan. Kapag umasenso siya ay magbibigay ng tulong sa mga kapitbahay. “Savannah, gising at naririto na tayo.” “Napa dilat siya ng marinig ang boses sa kanyang tabi. Pagtingin sa paligid ay nakahinto sila sa harapan ng mga taong nakasuot ng uniporme. “Basta tandaan mo ang mga bilin ko sayo. Huwag kang magrereklamo sa trabaho at maging masunurin sa iyong amo. Mabait naman sila kaya wala kang dapat alalahanin.” “Maraming salamat po, Aling Tonya. Tatandaan ko po lahat ng mga sinabi mo sa akin. Magsisipag po ako sa trabaho ng hindi ka mapahiya sa kanila.” “Good! Halika na basta pag kaharap na natin ang senyora. Magbigay galang ka sa kanya, ganun din sa senyor at mga anak nila.” “Opo.” pagkatapos ay muling umusad ang sasakyan. Siya ay palinga linga sa paligid. Ang ganda ng mga nakikita niya, mayaman siguro ang magiging amo niya. At sana ay mababait kagaya ni Aling Tonya. Nilingon ni Savannah sa bandang kukurang upuan ang isang lumang bag. Naglalaman ng kanyang konting damit. Saka na siya bibili ng damit kapag nag sweldo na siya. Sa ngayon kailangan muna niyang pagtiisan ang mga lumang damit dahil iyon lang ang meron siya. “Huwag mong alalahanin ang damit na isusuot mo sa araw-araw dahil meron uniform.” napalingon siya kay aling Tonya, nababasa ba nito ang nasa isipan niya? “Ano po pala yung uniform?” “Ang ibig kong sabihin ay uniporme, damit na ibibigay nila sayo. Kapareho din ng mga kasambahay na makakasama mo.” “Mabuti naman po pala at hindi ko naman pala kailangan bumili ng damit.” nakangiting sagot niya kay Aling Tonya. Isa pang gate ang tinigilan nila at muling nakipag-usap si Aling Tonya. Maya maya ay muling umusad ang sasakyan. At nanlalaki ang mga mata ni Savannah ng matanawan ang malaking bahay. “Aling Tonya, diyan po ba tayo pupunta?” “Oo, Mansyon Montemayor, kaya tatandaan mo ang bawat lugar na dinadaanan mo kapag naroon ka na sa loob.” “Sobrang laki po ng bahay nila.” hindi malaman ni Savannah kung ano ang kanyang tunay na nararamdaman. Kinakabahan siya na baka magkamali o makabasag ng gamit ay paalisin siya. Baka pagalitan at pagbayaran sa kanya ang nasira niya. Baka sasaktan siya ng amo kapag nakagawa siya ng mali. Maraming baka, at sana mali naman siya ng iniisip at mabait naman pala ang mga amo. “Savannah, halika na at nakakahiya kay Senora.” “Nariyan na po, Aling Tonya.” mabilis siyang bumaba sa sasakyan bago kinuha ang kanyang bag sa likurang upuan. Dalawang naka uniporme ang nagbukas ng malaking pintuan. Pagkatapos meron isang babae na naghihintay sa kanila. “Tonya, kumusta ang trabaho mo?” “Mabuti naman po, Manang Lourdes, ito pala si Savannah, kababayan ng parents ko sa probinsya.” “Mabuti at pinayagan siyang magtrabaho dito sa maynila?” “Mahabang kwento po.” “Okay, halina kayo at naghihintay na si Senyora Aaliyah.” Samantala nalulula si Savannah sa ganda ng mga nakikita. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang kaharian. Ang tinatapakan nila ay napakakintab. At ang mga dingding may nakasabit na naglalakihang larawan. “Magandang araw po, Senyora Aaliyah.” sa narinig ay agad tunuwid ng tayo si Savannah. Nagbigay galang din agad siya sa napakagandang ginang. Yumuko siya sa pamamagitan ng pagbibigay respeto dito. “Hija, halika lumapit ka dito sa tabi ko.” alanganin siyang humakbang at bago yon ay tumingin muna siya kay aling Tonya. Nang tumango ito ay humakbang na siya patungo sa inuupuan ng senyora. “Anong pangalan mo, Hija?” “Savannah Emerson po, senyora.” “Kinakabahan ka ba?” Nakangiting tanong nito sa kanya. “Ahm… o-opo.” “Tonya, iwanan mo na si Savannah at ako na ang bahala sa kanya.” “Sige po, senyora Aaliyah. Hindi na rin ako magtatagal at may trabahong naghihintay sa akin.” “Salamat sa pagdadala mo sa kanya dito.” “Walang anuman po, senyora.” Nang humakbang paalis si Aling Tonya ay kinabahan si Savannah. Ngunit napalingon din agad ng madama ang palad na humawak sa kanyang braso. “Savannah, sumama ka sa akin at ituturo ko sa’yo ang mga dapat mong gawin.” “Senyora Aaliyah, ako na lamang po ang magtuturo sa kanya ng mga gawain dito sa mansyon.” Wika ng isang may edad na ginang. “Huwag na Manang, ako na ang bahala sa batang ito.” “Sige, Senyora, kung 'yon po ang gusto mo.” Pagkatapos ay sumama na si Savannah sa senyora.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD