Ep. 3

1669 Words
NANG sumunod na araw, maagang gumising si Savannah. Naligo siya at nagbihis ng komportable sa katawan. Iyong pinakamaayos niyang damit. Tinali ang buhok upang malinis siyang tingnan. Pagkatapos ay lumabas na ng silid. Nagmamadali na siyang tumakbo pababa ng mataas na hagdanan. Subalit pagdating sa ibabang bahagi ng hagdan. Hindi alam kung kakanan o kakaliwa. Tumayo muna siya at palinga linga sa paligid. Pinipilit alalahanin kung saan sila dumaan ng senyora kahapon habang magkasama sila. “Savannah, ipinapatawag ka nang senyora. Halika at ihahatid kita doon sa dining room.” nakangiting tawag sa kanya ni Manang Lourdes. “Pasensya na po nakalimutan ko kung saan ang daan patungo sa hapagkainan. Kaya nakatayo lamang po ako dito.” “Ayos lang Savannah, bilisan mo at baka mainip ang senyora.” “Opo, heto na po ako.” maliksi niyang sagot sa kay Manang Lourdes. “Savannah, may nais akong sabihin sayo.” “Ano po yon?” bahagyang huminto si Savannah sa paglalakad at humarap dito. “Kapag may napapansin ka sa mga kasambahay. Hayaan mo lang sila at wag bigyan pansin. Hindi maiiwasan na meron mainggit sayo lalo at iba ang treatment sayo ng senyora. Basta maging friendly ka lang at huwag basta magtitiwala sa kahit sinong kasambahay.” “Opo, Manang Lourdes, salamat po sa iyong payo. Lagi ko pong tatanaan lahat ng mga sinasabi mo sa akin.” “Walang anuman hindi mo kailangan magpasalamat sa akin. Siya nga pala pagkatapos mong kumain sasamahan ka ni Lita. Mag-ikot kayong dalawa sa buong mansion. Kabisaduhin mo ang bawat daanan at lugar. Dahil pag dumating ang mga anak ni Senyora Aaliyah ay siguradong uutusan ka ng mga ‘yon.” “Opo Manang Lourdes, salamat po uli.” “Lagi kang nagpapasalamat, isang beses lang ay ayos na.” Napatango na lamang siya at tinatandaan ang bawat sinasabi nito sa kanya. Habang nakasunod siya sa kay Manang Lourdes ay palinga linga sa dinadaanan. Tinatandaan niya ang bawat detalye ng bawat nililikuan nila. Hanggang pumasok sila sa isang pintuan. Napanganga na naman siya sa ganda nang lugar. Subalit nang mapatingin sa mahabang lamesa ay natakam sa mga pagkaing naroon. “Savannah, maupo ka rito sa tabi ko at sabayan mo akong kumain.” “S-Sige po, senyora Aaliyah.” kahit gusto niyang tumanggi pero nahihiya siya. Ang totoo hindi siya marunong gumamit ng kutsara at tinidor. Kaya naman hindi niya malaman kung alin ang dadamputin. “Savannah, bakit hindi mo ba gusto ang mga pagkain?” “H-hindi naman po sa ganun pero maaari po ba na magkamay na lamang ako? H-hindi po ako marunong gumamit ng mga ito.” nakayuko niyang pahayag sa mabait na amo. Samantala ay gustong maluha ni Aaliyah, habang nakatingin kay Savannah. Alam niyang galing ito sa mahirap na pamilya. Ngunit hindi niya kailanman naisip na kahit ang gumamit ng mga simpleng gamit sa pagkain ay hindi nito alam. “Sige, maghugas ka ng kamay mo doon sa lababo at saka ka bumalik dito.” “Salamat po, senyora Aaliyah.” pagkatapos mabilis na tumayo at nagtungo sa lababo. Talagang gutom na siya, tapos ngayon lang makatikim ng ganitong pagkain. Kaya siguradong masarap ang mga iyon. Hindi alintana ang mga matang nakamasid sa kanya. Nang matapos makapag hugas ng kamay ay bumalik sa upuan. Tila nakalimutan na ang mga tao sa paligid. May pagmamadali ang bawat subo niya. Kahit hindi kilala ang mga pagkain na naroon. Ang sarap, grabe halos mabulunan pa siya dahil hindi na nginunguya ang mga pagkain. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay napabaling siya ng tingin sa amo. Kitang kita niya ang luhaan nitong mga mata. Kaya agad na tumayo siya at tumakbo sa lababo para maghugas ng kamay. Pagkatapos ay bumalik sa harapan ng amo at hindi malaman ang gagawin habang nakayuko. “Ahm…p-pasensya na po senyora. N-Ngayon lang po ako nakatikim ng ganito kasarap na pagkain. Kaya naparami yata po ang nakain ko. Huwag po kayong magalit sa akin hindi ko na po uulitin, p-patawarin nyo po ako…” “Savannah, hindi ako nagagalit sayo hija.” “P-pero bakit ka po umiiyak, m-may nagawa po ba akong mali?” Kitang kita ni Aaliya, ang panginginig ng kamay ni Savannah. Pati ang pagsasalita nito ay may halong takot at pangamba. Kaya mabilis siyang tumayo hinawakan ito sa kamay bago pinakalma. “Shhh, tumingin ka sa akin hija.” Agad na tumalima si Savannah sa utos ng senyora. Dahan dahang nagtaas siya ng mukha at tumingin sa magandang amo. “Huwag kang matakot dahil hindi ako nagagalit kung kumain ka ng marami. Kaya ako na iyak ay naaalala ko ang sitwasyon ko noong nasa bahay ampunan pa lamang ako. Alam mo bang kapareho mo rin ako noon? At kundi dahil sa mabait na madre ay hindi sana ako nakapag-aral. Kaya huwag mong iisipin na nagagalit ako sayo.” “Opo, senyora Aaliyah, salamat po.” “Sige na tapusin mo ang iyong pagkain.” “Tapos na po ako, marami ng lamang ang tiyan ko.” nakangiti ng sagot niya sa amo. “Nabusog ka ba sa kinain mo?” “Opo, ang dami nga po ng nakain ko, sobrang sarap po ng mga pagkain dito sa inyo.” masayang sagot ni Savannah. “Okay, ganito na lang pag nakapag-adjust ka na dito. Kukuha ako ng magiging tutor mo upang turuan ka sa mga bagay na hindi mo alam, okay ba ‘yon?” “Ahm… Senyora aaliyah, h-hindi ko po naiintindihan ang ibang sinasabi mo.” “Oh, ang ibig kong sabihin ay pag nasanay ka na rito sa mansion. Kukuhaan kita ng guro upang turuan ka.” “Talaga po?” nanlalaki ang mga mata ni Savannah sa tuwa dahil sa narinig. “Gusto mo ba ‘yon hija?” “Opo, senyora Aaliyah, upang hindi po kayo mahirapan na unawain ako. At para magampanan ko rin ng tama ang aking mga gawain.” Ngumiti na lang si Aaliyah bago tinawag na ang mayordoma. “Manang, pansamantala ay ituro mo lang kay Savannah ang paglilinis ng mga kwarto. Iyon lang muna ang maaari niyang gawin sa ngayon.” “Sige po, senyora Aaliyah. Halika na Hija, sumama ka sa akin.” “Opo, ahm… senyora Aaliyah, maraming salamat po.” muli ay nagpasalamat siya dito. “Walang anuman, Savannah.” Humakbang na siya at sumunod sa mayordoma. Pagdating nila sa silid na katabi ng kwarto niya ay nagsimula na siya. Nakabantay sa kanya ang mayordoma. At isa-isang itinuturo ang mga dapat na unahing linisin. “Pag natapos ka na sa paglilinis, palitan mo naman ang bed sheets. Ang ibig kong sabihin ay kubre kama. Halika sa loob ng banyo tingnan mo at tandaan lahat ng sasabihin ko sayo. Kagaya nito, bathrobe ang tawag dito, towel naman ito at hand towel para sa kamay. Nakikita mo ang kinalalagyan ng mga yon. At doon mo rin papalitan ng hindi ka malilito. Lagi mo rin lalagyan ng toilet tissue, ito iyon. “Opo.” “Ang pinakahuli, huwag mong kakalimutan punasan ang ibabaw ng sink, ang ibig kong sabihin ay lababo. Nakikita mo ito? Simula sa pinakadulo ay papasadahan mo ng tuyong basahan. Tapos ang mga panlalaking gamit ay pupunasan mo rin kapag may alikabok.” “Sige po, maraming salamat sa pagtuturo sa akin.” “Ganun din ang gagawin mo sa ibang silid ng mga anak ni Senyora Aaliyah.” “Ang silid po ng senyora hindi ko po ba yon lilinisin?” “Si Lourdes ang naglilinis doon, kaya hindi mo kailangan linisin.” “Opo.” “Iiwan na kita dito, bahala ka na sa iba pang silid.” “Ako na po ang bahala, maraming salamat pong muli.” nang tumalikod ang mayordoma at naiwan siyang mag-isa ay tinungo na niya ang kasunod na silid. Ganun din ang ginawa niya pati sa iba pang silid. “Savannah, tama na yan pinapatawag ka na ng senyora, sabayan mo raw silang mag-lunch.” “Sino pong sila may kasama po ba ang senyora Aaliyah?” “Nariyan ang senyor Nikolai, halika at gusto ka nilang makasabay sa pagkain.” “Sige po, maliligo muna akong madali at ang baho ko.” nanakangiting paalam niya kay Manang Lourdes. “Bilisan mo, Savannah, sumunod ka kaagad sa baba pagkatapos mong maligo.” tumango siya ng sunod sunod bago tumakbo na pabalik sa kanyang silid. Mabilisang ligo, siguro umabot lang siya ng sampung minuto. Suot ang pinaka simpleng damit na binigay sa kanya ng senyora. At bago lumabas ng silid ay sinilip pa muna ang sarili sa salamin. Pagdating sa pintuan ng dining room ay muling inayos ang suot bago pumasok sa loob. Malakas ang kaba sa kanyang dibdib ng makitang nakatingin sa kanya ang senyor. “Savannah, dito ka sa tabi ko maupo at pina kilala ko sayo ang senyor Nikolai.” yumuko siya upang magbigay respeto bago tumalima at na upo sa tabi ng senyora. “A-Ang gwapo mo po senyor Nikolai.” hindi napigilan ni Savannah ang paghanga sa senyor. Kahit may edad na ito ay sobrang gwapo pa rin. “Salamat, Hija, ngayon alam mo na kung bakit na in love sa akin ang senyora Aaliyah mo?” nakangiting tanong ng senyor sa kanya. “Opo, senyor Nikolai, siguro po gwapo at maganda din ang mga anak nyo.” “Oo naman, mana sila sa akin.” wika pa ng nakangiting si Nikolai. “Kumain na lang tayo, kung ano-anong sinasabi mo dito kay Savannah, huh!” “Bakit asawa ko, nahihiya ka bang aminin na sobrang in love ka sa akin?” sabay kindat pa ni Nikolai sa asawa. “Ewan ko sayo.” hala kain na tayo Savannah, huwag mo ng pansinin ang kalokohan nitong asawa ko.” Napangiti na lang si Savannah. Ngunit ilang minuto pa ang lumipas ay muling pumasok sa alaala ang mga magulang. At nakaramdam na naman siya ng lungkot. Kung buhay sana ang mga iyon at hindi lasinggo ang kanyang ama. Ganito din kaya ang ama at ina kung magmahalan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD