TEASER

1980 Words
“AKO? Sigurado ka na si Jed Levi Montemayor, ang hinahanap mo?” salubong ang kilay na tanong niya sa babae. Habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan nito. Hot, s*xy at kaakit-akit. Ang hindi niya sigurado kung maganda ito dahil madilim ang paligid. Ganun pa man nakakaramdam siya ng pagnanasa sa babaeng kaharap. “Yes, you are, kaya sumunod ka sa akin.” na pataas ang kilay ni Levi at nais mapamura. Walang sinuman ang pwedeng mag-utos sa kanya. Pagkatapos ngayon basta na lang lilitaw ang babaeng hindi niya kilala. Gusto pa siyang utusan na sumunod dito? Ganun pa man nagising ang kuryusidad ni Levi sa babae. Ano nga ba ang tunay na pakay nito sa kanya? At kahit gusto na niyang tumayo ay pinigilan ang sarili. Maaring nakuha nito ang atensyon niya pero hindi sapat na dahilan upang sundin niya ang mga ninanais nito. Nanatili siya sa upuan at hindi tumayo. Hindi ba siya kilala ng babaeng tumatawag sa kanya? Tapos nais pa talaga siyang sumunod dito? F*ck! The Mafia Boss and Billionaire's Jed Levi Montemayor, kailanman hindi pwedeng utusan ng kahit sino, no way! Kaya sa halip na sundin ang babae ay sumandal pa siya sa upuan. Dinampot ang baso na may lamang whisky at tinungga iyon. Ganun pa man lihim na sinundan ng tingin ni Levi, ang bawat galaw ng babae. At heto na hindi na yata nakatiis. Lumapit na sa kanya at tumabi na sa upuan. Hindi nagtagal ay naramdaman ni Levi, ang mainit nitong hininga sa gilid ng kanyang leeg. Langhap na langhap din ng matangos niyang ilong ang nakakahalinang amoy nito. Napatuwid si Levi ng upo ng hindi sinasadyang nasanagan ng liwanag ang mukha nito na nagmumula sa dance floor. At malinaw niyang nakita ang mukha ng babaeng kulang na lang ay mahalikan niya sa sobrang lapit. “Sh*t!" Totoo ba ang nakita niya ng ilang segundo? Si Savanah Emerson, the supermodel. Ang babaeng kinababaliwan ng mga kalalakihan. At pinapangarap na madala sa ibabaw ng kama. Walang iba kundi ang ina ng kanyang anak? Napatayo siya at agad na hinagilap ang braso nito saka malakas na hinila. “Ouch!” protesta nito sabay tulak sa kanya palayo. Napalakas yata ang hila niya kaya sumapok ang mukha sa kanyang dibdib. At sa sandaling iyon ay agad na nag-init ang pakiramdam ni Levi. Kahit malayo na ito ng halos isang metro. Hindi na nawaglit sa isipan ang napakalambot nitong katawan. Ramdam pa rin niya ang malusog nitong dibdib na lumapat sa kanyang tiyan. “F*ck these woman!” Talagang sinusubukan yata siya nito. Sa tagal na nawala ay bigla na lang nagpakita. At talagang dito pa talaga sa loob ng bar. “I said follow me! Or else, hindi na ako muling magpakita sayo.” wika pa nito gamit ang kaakit-akit at napakalambing na boses. “Kung sasama ba ako sa iyon ay papayag ka naman kaya sa gusto kong mangyari ngayong gabi?” deretsahan tanong ni Levi habang naglalaro sa imahinasyon ni Levi kaakit akit nitong katawan. “Ano ba ang nais mo ngayong gabi?” “Kung sabihin ko sayo na ang katawan mo, payag ka?” “Let see…” pambibiting sagot kay Levi. Samantala habang nakatitig si Levi kay Savannah. Isa lang ang pumasok sa isipan. Parurusahan niya ang babaeng ito na nagpahirap sa kanyang puson sa mahabang panahon. Magmula ng madala niya ng paulit-ulit sa ibabaw ng kama si Savannah. Parang bad karma ang nangyari sa kanya. Dahil magmula noon hindi na siya na satisfied sa kahit sinong babae na dinadala sa kama. “Hindi ka pa rin nagbabago, mas mabuti pa ay sumunod ka na lamang sa akin.” bago nag una sa paghakbang palabas ng bar. Habang si Levi ay tiim bagang na tumayo at sumunod dito. Pagdating nila sa parking ay sumakay si savannah sa isang mamahaling sasakyan. Kaya naman malaki ang hakbang na sumunod dito. Hinila ang pintuan ng sasakyan sa passenger front seat. Nang nakaupo na si Levi, agad na nag-init ang buo niyang katawan. Dahil iyon sa klase ng pagkaka pwesto ng upo ni Savannah. Halos nakahiga na ito sa upuan. At nakabuka ang magkabilang hita habang nakatitig sa kanya ang mapungay na mga mata. "Ano ba talaga ang gusto mo, at dinadaan mo ako sa pang aakit?” “Nakikita mo yon samantalang madilim dito?" “Nakita mong nakabukas ang ilaw, huh!" pangangatwiran ni Levi, hindi siya basta nauubusan ng alibi o palusot. "Kung sakali man naaakit ka pa rin ba sa akin, Mr. Billionaire?" “Kung sabihin ko sayo na tama ka naaakit ako sa iyong ginagawa. Papayag ka ba sa nais kong mangyari?” “Depende kung ano ang gusto mo mula sa akin." walang alinlangan sagot ni Savannah. Kahit ang totoo ay nagsisimula ng mangalog ang kanyang tuhod. Sa maraming taon na lumipas, hindi pa rin niya maitatanggi sa sarili ang lihim na pagmamahal dito. Kahit alam niya sa sarili na hindi siya kailanman bibigyan ni Levi ng atensyon. Pero hanggang ngayon ang puso niya ay patuloy pa rin umaasa. Pumikit si Savannah at ipinilig ang ulo. Baka sakaling mabura ang mga alaala na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanyang puso at isipan. “Dammit! Huwag mo akong tulugan, sabihin mo kung ano ang tunay mong pakay. Kung bakit pinuntahan mo ako dito at ngayon ay dinala sa sasakyang ito!” Hindi na nagustuhan ni Levi ang kaartehan ni Savannah. “Hindi ako natutulog, Mr. Montemayor, sumakit lang ang aking mga mata.” “Do you want me to f*ck you right here, right now. Kaya mo ako pina punta dito? Dahil hanggang ngayon ay hinahanap hanap mo ang haplos ko na hindi mo nakita sa iba?” “W-Wala akong iniisip na ganyan.” “Oh, really? O baka naman nasasabik kang muli ay matikman ang pagkalalak* ko?” “K-Kung sagutin kita ng oo, g-gagawin mo ba ulit?” “Sigurado ka kahit dito tayo sa loob ng sasakyan? Dahil kapag nagsimula ako wala ng atrasan.” “Oo, kahit saan mo gusto…" “Kung gano’n ay umpisahan na natin, remove your clothes. O baka gusto mong ako pa ang mag tanggal ng saplot sa katawan mo?” “Go ahead, gusto kong makita ang isang Jed Levi Montemayor, kung paano muling hubarin ang mga damit ko.” “Sure, sweety.” Subalit nang hahawakan na ni Levi ang damit nito ay biglang may kinuha sa gilid ng upuan. “Pirmahan mo muna ito bago mo ituloy ang gusto mong gawin sa katawan ko.” Mabilis na inagaw ni Levi ang mga papel. Pinasadahan niya ng tingin. Malinaw niyang nabasa ang mga nakasulat doon dahil sa nakabukas ang ilaw sa bandang uluhan nila. “So, gagamitin mo ang katawang 'yan para lang dito?” kunot noo na tanong ni Levi kay Savannah. “Natural, gusto kong makuha ang anak ko!” matapang na sagot niya kay Levi. “Sa akala mo ba ganun lang kadali akong mapapayag? At iyang katawan mo na gusto mong ialay sa akin kapalit ng bata marami iyan dito. Mas maganda, sexy at hot, kumpara sayo! Isa pa gusto kong malaman mo na mataas ang standard ko pagdating sa babaeng pagkakatiwalaan sa anak ko. O tamang sabihin na babaeng pakakasalan at magiging ina pa ng magiging mga anak ko!" Mahabang lintanya ng naiinis na si Levi. Hindi nakaimik si Savannah, wala sa hinagap niya na maririnig ang ganun kasakit na salita. Sabagay tama naman ito. Walang wala siya sa mga babaeng nasa paligid nito. Siya ay isang dating kasambahay lamang ng mga ito. At kaya lang siya sumikat bilang isang modelo. Dahil sa pera na binayad sa kanya ng fiancee nito. “Ahm… pasensya na n-nagkamali ako.” bago mabilis na bumaba at tumakbo palayo. Masakit pa rin akala niya hindi na siya apektado sa mga sasabihin nito. Pero wala pa rin pagbabago. Ang bawat salitang binitawan ni Levi ay parang patalim na tumusok sa kanyang dibdib. At akala niya ay matapang na siya. Kaya nang harapin ang isang Levi Montemayor. Ngunit tiklop pa rin pala siya pagdating sa dito. “Savannah, sandal!" malinaw na narinig pa niya ang malakas na tawag sa kanya ni Levi, ngunit hindi na siya nilingon. Bahala na ang driver niya sa kanyang sasakyan. Ang mahalaga ay makalayo siya kay Levi Montemayor. Dahil aminin man niya o hindi. Alipin pa rin siya ng pag-ibig niya dito. At kahit anong gawin hanggang ngayon patuloy pa rin siyang nasasaktan. SAMANTALA, nagmamadali sa pagmamaneho si Gio, para makahabol siya sa stag party ng kaibigan. Kung bakit naman kasi kinailangan niyang ihatid pa ang ina sa bahay ng amiga nito sa Angeles City. Nawala sa isipan niya na ngayon nga pala gaganapin ang huling gabi ng kaibigan sa pagka binata nito. Tapos bumuhos pa ang malakas na ulan kaya naman nahihirapan siyang magmaneho ng mabilis. Paliko na siya sa kanto ng Ayala, dahil mas malapit doon ang daan patungo sa penthouse ng kaibigan niya. Napalakas ang tapak niya sa preno nang muntikang masagasaan ang isang babae. O tamang sabihin na nahagip yata ito dahil narinig pa niya ang sigawan ng ilang taong nakakita sa pangyayari. Kaya mabilis siyang bumaba at lumapit sa taong nakahandusay sa gilid ng kanyang SUV. “Miss, nasaktan ka ba?” nag-aalala na tanong ni Gio sa babae. “Ugh…binunggo mo ako pagkatapos tatanungin mo kung nasaktan ako.” daing ni Savannah sa taong nakabangga sa kanya, Kumalma ang pakiramdam ni Gio ng sumagot ito. At least hindi malala ang tama nito sa aksidente dahil nakakapagsalita pa. “Pakihatid mo na lang ako sa malapit na clinica. Para mapa lagyan ko ng gamot itong nasugatan kong paa.” “Sige, kaya mo bang tumayo at maglakad?” “Y-yeah,” ngunit nang akmang tatayo si Savannah ay napangiwi sa matinding kirot na naramdaman. “Huwag mong pilitin, bubuhatin na lang kita.” Hindi na siya nagprotesta pa ng umangat na sa hangin. Ipinasok siya nito sa passenger seat at kinakabitan ng seatbelt. Hindi sinasadya ay nag tama ang kanilang mga mata. “Y-you, I mean Savannah Emerson, right?” “Ahm…y-yeah.” Agad na umayos si Savannah ng pagkakaupo dahil nalalanghap na niya ang hininga nito sa sobrang lapit sa kanyang mukha. “Bakit pala basang basa ka at anong ginagawa mo sa lugar na ‘yon sa ganitong oras?” “N-nasiraan kasi ako ng sasakyan at pinadala ko sa talyer. Pagkatapos kanina pa ako nag aabang ng taxi ay walang dumadaan. Hanggang bumuhos ang malakas na ulan.” Bahala na kung maniwala ito sa kaniyang alibi. Iginilid ni Gio ang sasakyan upang kunin ang extra towel niya sa compartment. Lagi siyang meron baon isang bag na damit. Minsan na iisipan niyang mag-out of town. Nang hindi na kailangan bumalik pa ng bahay. “Here, punasan mo ang buhok mo at ibalabal na rin sa iyong katawan. Baka magkasakit ka uso pa naman ngayon ang trangkaso dahil sa panahon.” “Salamat dito, Mr…” “Gio, ang pangalan ko.” “Salamat, Mr. Gio.” “Just call me, Gio, masyadong formal kapag meron mister.” “Okay, Gio.” “Alin pala ang uunahin natin, clinic o sa iyong bahay? Dahil baka magkasipon ka niyan pag nababad ka sa basa.” “S-sige sa bahay na lang at may medical kit naman ako doon.” “Okay, saan ba ang bahay mo?” “M-malayo at baka may pupuntahan ka pa. Pwede mo naman akong ibaba sa taxi stand na maaari kong masakyan?” “No! Ihahatid na kita sa iyong bahay. Baka mamaya ay salbahe pang taxi driver ang masakyan mo.” “Salamat, Gio." kahit nahihiya ay naki-ayon na lang siya sa nais ni Gio. “Walang anuman, Ms. Savannah.” nakangiting sagot ni Gio sa dalaga. At habang nagmamaneho hindi mapigilan na lingunin ang katabi. Napakaganda pala talaga nito sa personal. =============
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD