PASADO alas nuebe na ng gabi, hindi mapakali si Cedric habang palakad-lakad sa loob ng kaniyang bedroom at panay ang tawag kay Kristen sa phone, pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya, hindi rin nagre-reply sa mga text message niya. “Ano ba, Kristen! Please, answer my call!” inis niyang bulalas na napahilot na sa sariling sentido habang panay pa rin ang dial ng number ni Kristen. At dahil hindi siya mapalagay ay hinintay niyang makatulog ang lahat sa mansyon bago niya naisipang lumabas para sana puntahan na lang si Kristen sa apartment nito. Ngunit pababa pa lang siya ng stairs ay hindi niya inaasahan na makakasulubong niya ang dad niya na gising pa pala. “And where are you going, young man?” tanong nito sa kaniya na agad na sumeryoso ang mukha. “May pupuntahan lang ako saglit, D